Filipino Aralin 1.2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Aralin 1.

2
A. Panitikan: Ang Alegorya ng Yungib
Nobela mula sa Greece
B. Gramatika at Retorika: Mga Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Pananaw

I. Buod
Ayon kay Plato, ang isang tao ay tulad ng nasa loob ng kuweba, naka-
tanikala at nakaharap sa dingding ng yungib. May apoy sa ating likuran at ang
tanging nakikita natin ay mga anino ng mga bagay na nasa labas ng kuweba.
At dahil dito, kakailanganin nating humulagpos sa tanikala at lumabas ng
kuweba upang makita ang katotohanan tungkol sa mga bagay.

Ang buod na ito ay siyang naglalarawan ng rasyunalismo ni plato at ito ay


Tinaguriang “Alegorya ng Yungib”

II. Gramatika at Retorika


Ang mga ekspresyong nagpapahayag ng pananay ay ang mga pangungusap
na sumusunod sa mga katagang ayon, batay, para, sang-ayon, sa/kay, sa
paniniwala / pananaw at akala ko, ni / ng.

a) Ayon sa
 Ayon sa isang pag-aaral, ang lubos na paggamit ng gadgets ng mga bata
nang walang gabay ay nakasasama sa kanila sapagkat malaki ang tsansa
na tularan nila ito kahit mali.
b) Sa Aking Pananaw
 Sa aking pananaw gamit ang aking kasipagan at diskarte ay ko makamit
ang aking mga pangarap kahit na sa tingin ng ibang tao ay hindi ko
kakayayin .
c) Inaakala ng
 Inaakala ng iba na hindi mahigpit sa pagpataw ng kaparusahan ang DENR
kaya patuloy silang lumalabag sa batas pangkalikasan.
d) Palagay ko
 Palagay ko kailangan ang malawig na programa ng DSWD para sa mga
batang lansangan na karaniwang sangkot sa maraming krimen sa
kalsada.
MGA IMPORMASYON TUNGKOL SA
BANSANG CREECE
Ang kulturang Griyego lalo na ang pilosopiya ay
makapangyarihang nakaimpluwensiya sa Imperyong
Romano na nagdala ng bersiyon nito sa maraming mga bahagi
ng Europo at ito ang isa sa mga inspirasyon ng Muling
Pagsilang sa Kanlurang Europa. Ito rin ang naging batayan ng
pagusbong ng Neoklasisismo sa Europa at mga Amerika noong
ika-18 at ika-19 na dantaon.

Ginagamit ang salitang Sinaunang Gresya patungkol sa mga


tao, pamumuhay at kaganapan sa mga lugar kung saan Grego
ang salita ng mga tao noong sinaunang panahon. Maliban sa
peninsula ng Gresya, kabilang dito ang Tsipre, mga isla
sa Dagat Aegea, ang baybayin ng Anatolia (kilala noon
bilang Ionia), Sicily sa timog Italya (kilala noon bilang Magna
Graecia), at ang mga kalat na tirahan ng mga Grego sa
baybayin ng Colchis, Illyria, Thrace, Ehipto, Cyrenaica,
timog Gaul, silangan at hilagang-silangan ng Peninsulang
Iberiko, Iberia at Taurica.

Ang mga relihiyon sa Greece ay:


-Greek Orthodox Christian o Griyego Kristiyano Orthodox
-Muslim
-Katoliko
-Jewish

Kinikilala ang kahusayan ng mga Griyego sa larangan ng


panitikan na kanilang nalinang bilang paraan ng paglalahad ng
mga karanasan at pagpapahalaga ng mga tao. Nakabuo sila ng
iba’t ibang anyo ng letiratura na itinuturing na klasikal dahil sa
mga temang waring di kumukupas at ang istilo ay naging
pamantayan ng ibang manunulat. Panugnahin ditto ang
dalawang epikong pinamagatang Iliad at Odyssey. Umiinog ito
sa digmaang namagitan sa Troy at Mycenae. Isinulat ang mga
ito ni Homer makalipas ang 500 na taon pagkatapos ng
digmaan. Inilahad ng Iliad ang mga pangyayari sa digmaan at
naipakilala ang kahusayan ng mga mandirigmang tulad nina
Achilles ng Greece at Hector ng Troy.

Ang mga greek sa larangan ng relihiyon at panitikan ay


mayaman sa mga mito o myth - naniniwala sila sa mga Diyos at
Diyosa gaya ni Zeus, ang Hari ng mga Diyos. Mythology

You might also like