Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Maikling Kwento ng Katutubong Kulay

“May Daigdig sa Karagatan”


Clemente M. Bautista

May buhay na sagala sa laot ng dagat. Gagamitin ang matalino at sipag upang ito’y
malasap.

Matagal nang nakatayo si mang Lope sa tabi ng kanilang bintana ay hindi pa rin siya
mapalagay. Dumukot siya sa kanyang bulsa at nagsindi ng sigarilyo. Pagkatapos ay naupo
siya sa bangkong dahilig. Nakalarawan pa rin sa kulubot nyang muka ang pangamba.
Himithit siya ng makailang ulit at madali ring tumayo. Itinapon niya ang sigarilyong
nakaipit sa kaniyang daliri.

Idinako ni Mang Lope ang kaniyang paningin sa labas. Naramdaman niya ang
malamig na simoy na iyon na nagmula sa laot. Napabuntunghininga siya.

Muli niyang iginala ang kanyang paningin. Paitaas. Natanaw niyang marami nang
bituin sa kangina’y maulap na langit. Pumikit dumilat ang liwanag ng mga iyon.
Naupo siyang muli sa bangkong dahilig. Sandali siyang nag-isip. Malalim... Nais
niyang takasan ang pangambang lumikha nang malalim na guwang sa kanyang
kalooban. Nang makadama siya ng antok ay pumikit siya

“ Tatang , gusto ko na pong huminto ng pag- aaral , natatandaan niyang pagtatapat


sa kanya ni Nilo kanginang silay naghahanapunan.

Nang marinig niya iyon ay parang may isang hindi nakikitang mukaha. Natulig siya
sa ipinagtapat ni Nilo. At waring sumambulat ang kanyang hinahon at katatagan.

“Ano ba’ ng hangin ang pumasok sa ulo mo at naisipan mo yan ?”puno ng poot ang
tinig na usisa niya kay Nilo . At napatayo siya

“Gusto na raw lamang n’ yang sumama sa ‘ yo sa pangingid,” si Aling Nena ang


sumagot.

“Kung hihinto ka ng pag-aaral ay maluwag ang pinto ng tahanang ito upang ikaw’y
makaalis!” Hayaang mo na lang kami ng Nanang mo ang mmanirahandito!”
nangangatal ang tingin ni Mang lope.

“Pero Tatang . . . kayo na rin po ang . . .” hindi na naituloy ni Nilo ang iba pa nitong
sasabihin pagka’t sinampal na siya nito.
“Lope!” awat ni Aling Nena at mabilis na ginagap ang kamay ng nagagalit na asawa,
“Nasa harap tayo ng pagkain!”

Hindi pinansin ni Mang Lope si Aling Nena. Madali siyang pumasok sa loob. May
namugad na poot sa kanyang kalooban. Nanginginig ang kanyang mga laman.

“Sana,paglaki ko ang Tatang ,ay makatulong n’yo ako sa pangingitid,” minsa’y


nasabi sakanya ni Nilo isang tanghaling nag hahayuma siyang lambat sa harapan ng
kanilang bahay. Abala noon si Nilo sa pag sisilid ng g sa mga ginagamit niyang
sikwan.

Nang marinig niya iyon ay hindi siya nakakibo. May pangambang sumuno sa
kanyang puso. Sumiksik sa kanyang diwa ang unti-unting pananalat ng isda sa
dagat. Ang hirap na kanyang dinaranas. Ang lamig ng tubig kung dumarating ang
tag-ulan na halos magpanigas sa kanyang mga laman at buong katawan. Ibig man
niyang takasan ay hindi na niya magawa. Sadyang doon nalamang namumuyo ang
kanyang buhay. Walang pagsulong. Walang pag-unlad.

Upang matakpan ang guwang ng pangambang iyon ay pinapag-aral nya si Nilo.ito


nalamang ang nalalabi nyang pag-asa sa isang matatag na kinabukasan. Nais niyang
maipatayoang kanyang anak ng isang matibay na moog ng katiyakan sa hinaharap.

NAPUTOL ang kawing ng mga gunitang iyon nang maramdaman ni Mang Lope na
may humawak sa kanyang balikat. Nang dumilat siya ay katabina nya si Aling Nena.

“Hindi kaba lalabas sa pangingitid ngayong gabi Lope?” malumanay na tanong sa


kanya ni Aling Nena. “Kalalakad lang ng pareng Badong mo”.

Gaputok man ay hindi umimik si Mang Lope. Madal8 siyang tumayo. Tinumpa ng
kanyang mga hakbang ang kanilang hagdanan. Nang makababa na ay inihanda
niyang lahat ang kanyang mga kagamitan sa pangingitid. Pagkaraan ng ilang sandali
ay tinalunton niya ang daang patugpa sa tabing-dagat.

Mataas na ang sikat ng pingot na buwan nang ihulog ni Mang Lope ang lambat ng
kanyang kitid. Sa bahagyang liwanag niyon na nakikipag agawan nh katimlan ng
gabi at sa tama ng aandap-andap na ningas ng parol, ay minasdan minasdan nya
ang tahimik na anyo ng dagat. Tila salamin iyong ng kalakihan langit na nasabugan
ng mga bituing pumipikit-dumidilat ang liwanag. Sa magandang tanawing iyon na
likha ng kalikasan ay parang nakikita nya ang kaniyang sarili sa payapang tubig ng
dagat. Umiikot sa kanyang alaala ang kanyang kamusmusa... kalikutan at kawalan
ng pagpapahalaga sa sarili . . .

Mang ambo, sasama raw po si Lop e sa paglabas natin ngayon,” sumbong ng isa sa
mga tauhan ng kanyang ama sa pamamalakaya isang madaling araw na makita
siyang may dalang salakuban at salakot.

“HHwag ka nang sumama, Lope!” pigil nga kanyang ama at pinandilatan siya. Hindi
naikaila sa kanya ang salab sa muka nito .
“Uuwian ka na lang namin ng sinigang na kanduli, mamaya,” pakli ng isang tauhan
ng kanyang ama at binunutan ng mahinang tawa.

Hindi sya kumibo noon bagama’t may namugad na poot sa bata niyang puso. Sa
kanyang kalooban ay parang may balani ang tubigtng dagat. At kung isipin niya’y
may nakikita siyang daigdig sa kalautan niyon na ibig niyang matatap... At ang
lambat na ginagamit ng kaniyang ama. Nais nyang masundan at matutuhan ang
gawain niyon. At maging isa sa mga malalakas na tauhan nito na nagbabanat ng
buto at nagpapatulo ng pawis sa paglalabas.

Napakagat-labi nalamang si Lope ng tumulak na palaot ang bangkang llambata. Naiwan


siya sa dalampasigan. Nang humabol siya ng tanaw ay may namuong butil sa kanyang
mga mata. Gayunma’y hindi siya nawalan ng pag-asa. Madali siyang kumuha ng sagwan
at nagbunsod ng isang bangkang lunday. Sinagwan niya iyon. Palapit sa lambatan ng
kanyang ama. Nagtaka si Mang Ambo nang matanawan siyang nag-iisang pumalaot.

“Bukas, Lope, ay h’wag mo nang uulitin yang ginawa mo!” hindi nakaila ang sa tinig ng ama ang galit, at
inakmaan sya ng hataw ng sagwan. “Napakalakas ng lood mo! h pag-ahoy nati’y makikita mo ang hinahanap
mo!” banta pa ng kanyang ama.

“Baka akala ho’y gawang biro ang pamumukot,Mang Ambo,” sabad nang isang tauhan ng kaniyang ama.

“Ewan ko sa batang’yan. Pinag-aaral mo na’y siya pang nagluluko. Ni hindi naman marunong maghayuma’y
gustong sumama sa paglabas.”

“Mabuti kaya’y patigilin na n’yo ang batang’yan,” buntot ng isa pang tauhan ng kanyang ama.

Hindi na sya kumibo. Naupo na lamang siya sa dulo ng lambatan . Noon niya nakita ang hirap na dinaranas
ng kanyang ama sa paglalabas ng pukot.maghapong naka bilad ang katawan sa matinding sikat ng araw.
Gayundin ang mga tauhan nito. Kung minsa’y maghapong nakababad sa tubig. At ang pagtulo ng pawis na
animo’y tila agos kung dumaloy sa katawan sa pagbatak ng lambat . . .

NAPAWI sa isip ni Mang Lope ang gunitang iyon ng maulinigan siyang tinig. Tinawag siya . Napakurap si
Mang Lope.

“Pareng Lope, manusog kana at mag-uumaga na!” natinig nyang sigaw ng kanyang kumpare .

“Sikat na nga ang mga tala, e. Magsabay na tayo kumpare!” pasigaw niyang tugon at nag simula na siyang
manusog. At pagkaraan pa ng ilang mga sandali ay sinamsam na niya ang lambat ng kanyang kitid . napailinh
si Mang Lope nang makita ang kanyang huli. May sumunong lungkot sa kanyang puso.

Ikaanim na nang umaga nang makarating si Mang Lope sa pantalan. Matapos nyang maibigay ang huling
biya at kundali sa tagapaglako at mapagbukod ng maiuulam ay inayos niya ang kanyang mga lambat.
Pagkatapos ay iginantong niya ang kanyang bangka. Sabay na rin silang umahon ng kanyang kumpare.

Mabilis niyang ibinilad ang lambat ng kitid .sa harapan ng kanilang bahay. Madali rin siyang pumanhik.
Naratnan niyang nakahain na si Aling Nena.

“Kumain ka na, Lope at nang mainitan’ yang sikmura mo,” salubong sakanya ni Aling Nena. “Pakukuluan ko
na lang’ tong sampalok na ipapanuka sa uwi mong kanduli.”
“Kayo ni Nilo, kumain na ba?” di kinukukusa’y naitanong niya kay Aling Nena. Puno ng kalungkutan ang
kanyang tinig.

“Hindi pa, Lope. Hihintayin ko na siyang magising at mag sasabay na kami,” maagap na tugon ni Aling Nena.
“Kagabi’y magdamag silang nag-aral ng kanyang kinakapatid. May pagsusulit daw sila mamaya,”dagdag pa
ni Aling Nena at sinabayan ng hihip ang namamatay na ningas ng apoy.

Hindi na kumibo si Mang Lope.sinulyapan lamang niya ng tanaw ang natutulog na si Nilo. At nagpatuloy sa
pagkain.

Nang makadama siya ng antok ay lumapit siya sa kanilang duruwangan. Payapa siyang naupo sa bangkong
dahilig. Napatuon ang kanyanh paningin sa bagong sumisikat na araw sa tuktok ng bundok. Maliwanag . .
.maningning . . .at uminit ang sikat . . . May sumilid na kasiyahan sa kanyang puso. Pumikit siya

You might also like