Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY

Alexis Faye A. Olarte Mr. Ferdinand Atienza


XI-STEM 3 September 23, 2019

Replektibong Sanasay sa Pelikulang “Miracle in Cell No.7”

Hustisya. Marahil marami sa atin ang naghahangad ng isang maunlad at


matatag na hustisya para sa ating bansa. Sa dami ng isyung laganap sa ating
bansa ay malaki ang parte ng makatarungang hustisya upang mapanatili ang
kapayapaan. Ngunit, hindi sa lahat ng pagkakataon ay naihahain ang tamang
hustisya para sa isang tao. Tulad na lamang ng istorya mula sa pelikulang Miracle
in Cell No.7. Naging isa itong tanyag na pelikula dahil sa makabagbag damdaming
kwento nito patungkol sa mag-amang sina Yong Goo at Ye-seung. Ipinakita dito
ang pagkakakulong ni Yong Goo dahil inakusahan siyang ginahasa at pinatay ang
isang bata. Samantala, ang kanyang anak na si Ye-seung ay walang kamalay-
malay na hindi na muli pang makalalaya ang kanyang ama dahil hinatulan ito ng
kamatayan. Nagtapos ang pelikula sa sitwasyon kung saan ang bata, si Ye-seung,
ay naging isang ganap na abogado at ipinaglaban pa rin ang kaso ng kanyang
ama. Sa kabutihang palad, napatunayang walang sala ang kanyang ama ngunit
huli na ang lahat dahil matagal na itong patay.

Nakikita ko ang sitwasyong iyon sa kasalukuyang kaganapan sa ating


bansa. BIlang isang mag-aaral na mulat at nasa tamang kaisipan na ay masasabi
kong hindi makatarungan ang hustisya sa ating bansa. Naalala ko noong laganap
ang balita tungkol sa pagpatay kay Kian delos Santos dahil siya umano ay
gumagamit at nagbebenta ng droga. Gamit ang lahat ng kakayahan ko ay
nagsaliksik ako at nangalap ng impormasyon tungkol dito. Umabot pa ako sa
puntong nanonood ako ng mga dokumentaryo upang mas maunawaan ko ito.
Nalaman ko na ang batang si Kian ay isang mabuting mag-aaral tulad ko na may
magandang pangarap para sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya ngunit lahat
ng ito ay nasira nang patayin siya ng mga pulis. Sinabi pa na sinadya siyang lagyan
ng droga upang mas madiin siya sa kasong iniatang sakanya. Nakita ko rin ang
pag-alsa ng mga magulang ni Kian at ang pakikiramay ng ibang tao. Dahil dito,
Nakita ko kung gaano kabulok ang sistema ng katarungang sa ating bansa. Dito
ko nasaksihan na laging natatalo ang mga taong walang pribilehiyo.

Sa lahat ng na

You might also like