Asd

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

LES MISERABLES

Pathos

Kahulugan: Pathos or the emotional appeal, means to persuade an audience by


appealing to their emotions. Authors use Pathos to invoke sympathy from an
audience; to make the audience feel what the author wants them to feel. A common
use of pathos would be to draw pity from an audience. Another use of pathos would
be to inspire anger from an audience, perhaps in order to prompt action. Pathos is the
Greek word for both “suffering” and “experience”. The words empathy and pathetic
are derived from pathos.

Kaya yan ang aking napiling gamitin, dahil tumatalakay ito sa emosyon ng bawat
tauhan sa pelikula, at mas madaling sipiin ang bawat teksto at idea dahil ang mga
pangyayaring naganap ay pangaalipin sa mga tao sa Pransya ng gobyerno. Mas
madaling ipahayag kung ano ang mga nararamdaman nila sa pamumuno ng mga
sakim at walang paki kundi magpayaman at gamitin ang kapangyarihan sa
pansariling kapakanan lamang.

Makikita din natin kung paano nakakaapekto sa tao ang wika, kung gaano nakaka-
impluwensiya ang mga salita na may halong totoong emosyon. Makikita natin sa
pangyayari na eksena nung gabing tumakas ni Valjean sakanyang trabaho, pinatuloy
siya ng Pari na si Obispo Myriel, pinatuloy siya sa simbahan upang magpalipas ng gabi
at ipinaghain pa ng pagkain, kahit gaano kabuti ang ipinakita nung pari, ninakawan
pa rin ito ni Valjean, ninakaw ang mga pilak na plato at kagamitan sa kumbento at
nagmadaling tumakas nung kinagabihang iyon. Pero kinabukasan ay nahuli rin siya
ng mga pulis at idinala ulit sa simbahan para iharap kay Myriel, sabi ng mga sundalo
nahuli na nila ito na may dala-dalang mga kagamitan at halatang ninakaw lamang
ang mga ito. Pero ang sabi ng pari ibinigay niya talagaa ito sakanya bilang regalo,
kahit si Valjean ay gulat na gulat sa pinakitang kabaitan ng pari, na halos wala siya na
sabi. Nung nakaalis na ang mga sundalo, dali dali sinabe ng pari na para sakanya
talaga ang mga iyan, upang makapag simula ulit ng magandang buhay. Na mas
kailangan niya ang mga iyon at magpakalayo layo. Sa mga sinabi ng pari,
napagtanto ni Valjean na may pagasa pa muli upang maging maayos at maging
mabuting tao, kala niya huli na ang lahat pero dahil sa mga sinabe ng pari at
ipinakitang kabaitan, dun siya natauhan ulit at kung ano dapat niyang gawin,
Magpatuloy sa buhay at tumulong sa mahihirap, para makabawi sa ginawang
maganda ni Myriel sakanya.

1.) Buod

Ang Les Miserabes ay isang nobela na nilikha ni Victor Hugo, na nanggaling sa


bansang Pransya, ginawa itong pelikula at pakanta ang tema upang mapaganda
lalo ang pagpapahayag ng mga salita o ang mga retorika sa bawat linya na
kanilang gagamitin, para mas mararamdaman ng taimtin ng mga manunuod kung
ano ang nais maipahayag ni Victor Hugo sa kanya likha.

Nagsimula ang kwento sa isang kulungan sa Pransya, dito pinakilala si Jean Valjean
na isang preso sa Digne, na nakakulong na ng limang taon sa kadahilanang
pagnanakaw ng tinipay para sa anak ng kanyang kapatid na babae. Siya ay
tumakas sa kanyang trabaho sa kulungan, siya ay kinupkop ng isang pari na si Obispo
Myriel, na tumulong sakanya upang makapag simula ulit ng maganda buhay.
Nakalipas ang ilang taon, makikilala na siya sa pangalang Ginoo Madeleine, isa
siyang mayor sa isang syudad. Meron siyang pabrika at dito nagtatrabaho ang isang
babae na si Fantine, meron siyang anak na si Cosette, ay kanyang ipinahabilin sa
isang mga magnanakaw na sina Thernadier, pinagmamalupitan siya dito at inaalipin
ng magasawa. Napaalis siya sa kanyang trabaho dahil may anak siya sa
pagkadalaga. Sa di malamang gagawin ni Fantine, akala niya masakit ang kanyang
anak at kailangan niya ng pera, binenta nya ang kanyang buhok, ngipin at ang
kanyang pagkatao, nagbenta siya ng aliw para pambayad lang ng utang. Muntik na
makulong si Fantine dahil may tinanggihan sya na lalaki at nasaktan niya ito, sakto
andun si Javert pero humadlang si Valjean upang tulungan si Fantine, dinala niya ito
sa ospital pero dun na rin ito binawian ng buhay. Bago mamatay si Fantine, hinabilin
niya na alagaan si Cosette at kunin sa pangangalaga ng mga Thernadier at
magsimula ulit dahil muntik na rin siya mahuli ni Javert dahil nakilala siya na siya ung
tumakas sa trabaho na si Jean Valjean.

May namumuong rebolusyon sa Pransya dahil sa kahirapan na nararanasan ng mga


tao duon, pinaglalaban nila ang kanilang adhikain hanggang sa huli, kasama dito
ang iniirog ni Cosette na si Marius, niligtas ni Valjean ito upang makabalik ng buhay
kay Cosette at mamuhay ng mapayapa, subalit ang mga ksamahan ni Marius ay
namatay lahat sa kamay ng mga sundalo. Pinaglaban nila hanggang sa huli ang
kanilang pagmamahal para sakanilang inang-bayan.

2.) Pagtatalakay ng Kapangyarihan ng Wika (Sa napiling senaryo)

Ang napili kong senaryo na tumatak sakin sa pelikulang ito, ay ung paglaban ng mga
iskolar sa gobyerno. Dito pinapakita nila na tutol sila sa pagpatuloy na panghahamak
sa mga mahihirap, sa di pagtulong at pagbigay pansin ng gobyerno sa taong bayan.
Nagsimula sila magplano ng mga dapat gawin laban sa mga sundalo, kasama ang
mga taong bayan na magsisimula ng rebolusyon. Sinasabe nila na di na sila payag na
magpatuloy na mamuhay sa ilalim ng mga abuso sa kapangyarihan, nanaig ang
pagsasama-sama ng lahat ng tao, dahil parehas sila lahat ng nararamdaman, kahit
ung mga ibang mayayaman ay sumama sakanila upang labanan ang mga
nakatataas. Ramdam ng bawat isa ang mga salitang lumalabas sa salita nila Marius
at Enjolras, na tama na ang pang-aapi at pang-aalipin sakanila, ramdam nila ang
pighati ng bawat tao na nahihirapan sa pamumuno ng mg sakim, ramdam nila ang
bawat salita dahil sa sobrang pagmamalupit ng gobyerno. Lumaban sila dahil
naniniwala sila na kahit anong mangyari, gano man kahirap ang lahat, di mawawala
ang pag-asa na kanilang tinatamasa. Na may Diyos na tutulong sakanila hanggang
sa huli. Ung pamagat ng pelikula ay sakto sa kanila, “Les Miserables”, sa tagalog,
“Ang mga Miserable”. Ang kahulugan ng Miserable sa tagalog ay mga tao na
sobrang nakakaranas ng paghihirap sa pamumuhay.

Makikita din natin ang sobrang kalupitan ng batas sa kanila na halos di na ito
makatarungan. Nakulong si Jean Valjean sa kadahilanan na nagnakaw lamang siya
ng isang tinapay para sa anak ng kanyang kapatid na babae, nagawa niya lamang
ito na isang beses dahil sa kahirapan at di nila nakayanan ang gutom. Para sakin
dahil nagnakaw ka lang ng isang bagay ay isang masamang tao kana, Oo labag ito
sa batas, pero kung wala naman ginagawa ang gobyerno at dina tumutulong sa
mahihirap, wala ng ibang magagawa ang mga tao kundi gumawa ng di dapat
upang mabuhay lang.

3.) Konklusyon
asdasdasdas
LIFE OF PI

Pathos

Pathos ang aking napiling paraan ng pagpapahayag bilang pagpapalitaw at


pagpapatingkad ng kapangyarihan ng wika sa tao. Dahil ang pelikulang ito ay
tumatalakay sa buhay, karanasan, at paniniwala sa relihiyon. Nakaakibat ang
emosyon sa bawat parte ng pelikula na ito dahil ang paniniwala sa relihiyon ay dapat
ramdam mo ito sa puso mo.

1.) Buod

Nagsimula ang kwento, sa isang lugar sa Pondicherry, French India, kung san ito ay isa
sa lugar sa India na nahaluan ng kultura ng Pransya nung mga panahon na hawak
pa nila ang Pondicherry, kung saan pinakilala ang bida na si Piscine Patel, nagsimula
ang storya at may kasama si Pi na isang manunulat, nais ng manunulat na marinig
ang kwento ng buhay ni Pi at pilitin siyang paniwalain na may Diyos. Kwinento naman
ni Pi ang kanyang di malilimutan na karanasan na tumatak sakanya habang buhay.
Ang unang kwinento niya ay kung saan galing ang pangalan niya na “Pi”, ito daw ay
ipinangalan ng kanyang tatay base sa isang magandang pool sa Paris, nirekomenda
daw ito ng kanyang tiyuhin na si Mamaji, dahil sa sobrang ganda ng pool don, pag
lumangoy ka, mababago ang pagtingin mo sa buhay. Piscine Molitor ang pangalan
ng pool at duon naging pangalan niya ay Piscine Molitor Patel, lagi daw siyang
inaasar sa klase dahil ang katunog ng Piscine at “Pissing” ibig sabihin ay ihi o laging
umiihi kahit saan. Hanggang siya ay lumaki, madami siyang natuklasan na mga
relihiyon at isa isa niya itong sinubukan paniwalaan at sundan, tutol ang kanya ama
sa mga paniniwala sa ganyan dahil may sakit ang kanyang ama at di daw siya
nailigtas ng relihiyon, kundi siyensiya at medisina.

Dumating araw na kailangan nila umalis ng India at pumunta sa Amerika, ibebenta


na nila ang zoo nila upang makapag simula ng bagong buhay sa ibang bansa. Pero
kasama nila ang mga hayop at sa barko at duon nalang ibebenta pagdating. Isang
gabi nagising si Pi dahil sa sobrang lakas ng ulan sa karagatan, lumabas siya ng
kanilang kwarto upang tignan ang rumaragasang panahon, sa sobrang tuwa ni Pi, di
niya namalayan na di na normal ang mga alon dahil nagsisimula na itong kainin ang
buong barko sa lakas at taas ng mga alon. Binalikan niya ang kanyang pamilya pero
huli na ang lahat, napuno na agad ng tubig ang kailaliman na parte ng barko kung
saan sila natutulog. Humingi si Pi ng tulong pero di rin siya natulungan ng mga ito,
hanggang sa nahulog na lamang ang safety boat na kanilang gagamitin, at nahulog
magisa si Pi sa karagatan habang bumabagyo at kinakain ng alon ang kanyang
bangka. Duon nagsimula ang paglalakbay ni Pi sa napakalawak na karagatan
kasama ang kanyang kaibigan na Leon na si Richard Parker, nagsurvive sila sa dagat
sa pamamagitan ng mga naituro sakanya ng kanyang ama. At sa pag di pagkalimot
ni Pi sa Diyos.

2.) Pagtatalakay ng Kapangyarihan ng Wika (Sa napiling senaryo)

Ang aking napiling senaryo sa pelikulang ito ay tumatak sakin ng sobra, dahil
naguusap sila patungkol sa relihiyon, kung alin ba ang mas kapani-paniwala na
relihiyon at kung ano ba ang dapat gawin kung ikaw ay naniniwala sa relihiyon.

Pi: Faith is a house with many rooms


;But no room for doubt?
Pi: Oh, plenty. On every floor. Doubt is useful, it keeps faith a living thing. After all, you cannot
know the strength of your faith until it’s been tested.

Yang kanilang paguusap ang pinaka nagustuhan ko dahil tama nga naman si Pi, di
mo malalaman kung di mo susubukin. Ganito lang yan eh, bumili ka ng isang gamit,
pero di mo malalaman kung gano ito katibay kung di mo gagamitin o di mo
susubukan. Naniniwala ka nga pero gano kalakas ang iyong paniniwala?
Nangagamba ka ba baka di ito taliwas sa sarili mong paningin sa buhay? Tulad nga
ng sabi ni Pi, magagamit mo iyan para malaman mo kung talagang tama ba ang
iyong paniniwala sa iyong relihiyon base sa iyong sariling paniniwala at karananasan.
Iyan lamang ang nagpapabuhay at nagpapatuloy sa iyong paniniwala at relihiyon,
ang pangangamba at pagiisip kung alin ang tama.

Tulad din ng kanyang ama na di naniniwala sa relihiyon, ang tingin niya sa relihiyon ay
isang epidemya na nag-cocorrupt sa buhay ng tao. Kaya siya hindi naniniwala sa
relihiyon dahil nung siya ay nagkasakit ng Polio, hinahanap niya ang mga diyos-
diyosan na kanyang hinihingian ng tulong, pero di siya nasagip o natulungan ng
relihiyon, kundi ang medisina at makabagong siyensiya ng Amerika.

3.) Konklusyon

asdasdasdasdasda

You might also like