Professional Documents
Culture Documents
Article 2 Ateneo
Article 2 Ateneo
May apatnapung taon na mula nang itatag ang Kagawaran ng Filipino kaakibat ang Patakarang
Bilingguwal ng Pamantasang Ateneo De Manila, bagay na pinanghahawakan namin upang
isulong ang edukasyong multilingguwal, multidisiplinaryo, at multikultural.
Hindi lamang midyum ng pagtuturo ang Filipino. Isa itong disiplina. Lumilikha ito ng sariling
larang ng karunungan na nagtatampok sa pagka-Filipino sa anumang usapin sa loob at labas ng
akademya.
Hindi lamang midyum ng pagtuturo ang Filipino. Isa itong disiplina. Lumilikha ito ng sariling
larang ng karunungan na nagtatampok sa pagka-Filipino sa anumang usapin sa loob at labas ng
akademya. Dapat patuloy itong ituro sa antas tersiyaryo at gradwado bilang integral na bahagi ng
anumang edukasyong propesyonal. Sinususugan nito ang Pahayag-Misyon ng Kagawaran ng
Filipino na itinatakda “ang propesyonal at multidisiplinaryong pagtugon sa pangangailangan na
iuwi at iugat sa sariling kultura ang pamantasan at lahat ng pinaglilingkuran nito, hindi sa
pamamagitan ng pagtatakwil sa mga kaalamang hiram kundi sa integrasyon nito sa mga
kaalamang sarili.”
Dapat maging mapagmatyag laban sa mga tao at institusyong ginagamit ang kasalukuyang
isyung pangwika upang itangi ang sarili at kanilang mga interes.
Hindi sapat ang pagsasabatas ng mga pagbabago sa edukasyon, wika, at kultura. Dapat angkop
ang paghahandang estruktural sa makataong pagpapatupad nito. Kailangang balikan ang
konstitusyunal na responsabilidad ng Estado na itaguyod ang “pangangalaga, pagpapayaman, at
dinamikong ebolusyon ng isang pambansang kulturang Pilipino salig sa simulaing pagkakaisa sa
pagkakaiba-iba sa kaligirang malaya, artistiko, at intelektuwal na pagpapahayag” (Art. XIV, Sek.
14).
Kailangang balikan ang konstitusyunal na responsabilidad ng Estado na itaguyod ang
“pangangalaga, pagpapayaman, at dinamikong ebolusyon ng isang pambansang kulturang
Pilipino…
Hindi sapat ang pagsasabatas ng mga pagbabago sa edukasyon, wika, at kultura. Dapat angkop
ang paghahandang estruktural sa makataong pagpapatupad nito.
_______________________________________________
Tungkol sa isyu:
Noong Mayo 2013, pinirmahan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang batas na K-12
(Enhanced Basic Education Act) na magreresulta sa karagdagang tatlong taon sa sampung taon
na basic education ng mga Pilipino. Ito raw ay para makasabay sa kalidad ng edukasyon sa mga
karatig na bansa. Bago mapirmahan ang batas, isang taon nang ipinapatupad ng Department of
Education (DepEd) ang K to 12 sa mga “pilot school” at ihinabol na lang ang batas para
gawing ligal ang patakaran at maipatupad sa buong kapuluan. Kinaharap naman ng
implementasyon ng K to 12 ang maraming usapin, gaya ng kakulangan ng klasrum, guro sa
grades 11-12, technical expertise sa “senior high”, at iba pa. Ibang usapin pa ang pagsusuri at
pag-alam sa kalidad ng edukasyong nakukuha ng mga kabataan sa bagong programang ito.
Binatikos ng iba’t ibang paaralan ang patakarang ito dahil hindi lang pagtatanggal sa Filipino
sa kurikulum ng kolehiyo ang magiging implikasyon nito, kundi pagtatanggal din ng mga guro
sa Filipino na karamihan ay matagal nang panahong nagsisilbi sa paaralan. Muli ring
nabuksan ang mga diskurso at usapan hinggil sa pagpapanatili at pagpapayaman ng wikang
Filipino, pagpapayabong ng sariling kultura at pagmamahal sa bayan.
Mula sa sama-samang pagkilos ng mga guro sa kolehiyo, nabuo ang Tanggol Wika o Alyansa ng
mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino na naglalayon na panatilihin ang asignaturang
Filipino sa kolehiyo, at isulong ang makabayang edukasyon. Patuloy pa rin ang paglaban ng
mga guro at pagkondena sa CHED Memo na inaasahang maisakatuparan sa S.Y. 2018-2019.
Source: http://www.manilatoday.net/ang-paninindigan-ng-kagawaran-ng-filipino-ng-
pamantasang-ateneo-de-manila-sa-suliraning-pangwika-sa-kasalukuyan/