Professional Documents
Culture Documents
WikangFilipino Hininga KapangyarihanatPuwersa
WikangFilipino Hininga KapangyarihanatPuwersa
net/publication/317234596
CITATIONS READS
0 17,759
1 author:
4 PUBLICATIONS 0 CITATIONS
SEE PROFILE
All content following this page was uploaded by Romeo Palustre Peña on 30 May 2017.
Abstrak
Sa papel na ito sisipatin kung bakit nararapat pahalagahan ang sariling wika. Isa sa
pagtutuunan ang sinabi ni Bienvenido Lumbera na, “Parang hininga ang wika, sa bawat
sandali ng buhay natin ay nariyan ito. Palatandaan ito na buhay tayo, at may kakayahang
umugnay sa kapwa nating gumagamit din dito.” Mula sa mga pahayag na ito, titingnan
kung bakit hininga ang pagtuturing sa wika lalo na sa sariling wika. Tatalakayin din kung
paano nagiging kapangyarihan ang sariling wika sa Pilipinas. Sisipatin din kung bakit ang
sariling wika ay hindi nakababawas ng katalinuhan at katanyagan kung gagamitin sa iba’t
ibang larangan. Dahil kung ang usapin ay karunungan, maraming nag-aakala na mahina
ang mga Pilipinong hindi nagsasalita ng wikang dayuhan dahil sariling wika ang ginagamit
sa pagpapadaloy ng karunungan. Isasangkot rin sa papel na ito ang angkop na angkop
na pananaw ni Umberto Eco sa kanyang sanaysay na “Language, Power, Force”
nakasaad dito na, “We must not be amazed then to hear people say that the given
language is power... because outside the given language there is nothing.”
Abstract
This paper will discuss why we must value our own language. One of the focus of the
paper is a line from Bienvenido Lumbera stating that “Language is like the air we breathe;
in each moment of our lives we feel its existence. It marks our life and has the ability to
establish connections with our fellowmen who also use it.” From this statement, we will
look into the reasons of our own language being the air we breathe. It will also discuss
how language becomes power in ou society. It will also seek into the assertion that the
native language can never alleviate one’s intelligence and fame if used as medium in
different disciplines. For when we talk about intelligence, many Filipinos believe that those
who don’t speak in foreign language/s in carrying out their ideas are intellectually inferior
in the transmission of knowledge. This paper will also include the appropriate statement
of Umberto Eco from his essay “Language, Power, Force” that states “We must not be
amazed then to hear people say that the given language is power... because outside the
given language there is nothing.”
Mga Susing Salita: Filipino Language, Power, Force, Bienvenido Lumbera, Umberto
Eco
Parang hininga ang wika, sa bawat sandali ng buhay natin ay nariyan ito. Palatandaan
ito na buhay tayo, at may kakayahang umugnay sa kapwa nating gumagamit din dito.
—Bienvenido Lumbera
We must not be amazed then to hear people say that the given language is power...
because outside the given language there is nothing.
—Umberto Eco
nag-aakala na mahina ang mga Filipinong hindi nagsasalita ng wikang dayuhan partikular
na ang mga taong hindi nakapagsasalita ng matatas sa Ingles. Madalas silang
maparatangang walang alam o mas masakit, tinataguriang bobo. Isa itong masaklap na
pangyayari. Ngunit humihina na ang ganitong pagpaparatang dahil ginagamit ang wikang
ito ng kasalakuyang Pangulo at hindi naman ito nakabawas ng katalinuhan at
katanyagan. Sa kanyang mga talumpati at opisyal na pakikipagtalastasan sa taumbayan,
buhay na buhay ang wikang Filipino tulad ng pagsasabi niya sa kanyang SONA na
malakas ang bansang Pilipinas. Hindi ba’t napakaliwanag ang landas na tatahakin kung
kasabay ng malakas na Pilipinas ay malakas rin ang Filipino bilang matatag na wikang
pambansa?
At ang huling isyu, kulang na kulang daw sa mga sanggunian at kakaunti ang
naisasaling karunungan mula sa banyagang wika tungo sa wikang Filipino na
kailangang–kailangan ng mga estudyanteng Pilipino.
Ilan ito sa nagiging dahilan kung bakit natatrapik ang biyahe ng wikang Filipino.
Paulit-ulit na lamang ang ganitong isyu na ipinupukol ng mga Pilipinong mahina ang
pagkilala sa sariling wika sa ating bansa. Kaya paulit-ulit na natatrapik ang ating identidad
bilang Pilipino.
Totoo na ang Ingles ang wika ng mundo para magkaunawaan ang iba’t ibang lahi
sa daigdig ngunit hindi totoo na wikang Ingles ang wika ng karunungan sa bansang may
sariling kultura at kabihasnan, lalo na’t ang bansang ito ay may sariling wika. Baluktot
ang daang tinutumbok ng mga Pilipinong hanggang sa kasalukuyan ay nagsusulong na
sa Ingles matatamo ang ganap na pagkatuto.
Wala naman talaga sa wikang dayuhan ang pagkatuto ng mga Filipino kundi nasa
sariling wika. Pagpapatunay nga ng isang edukador na Canadian na si Phil Bartle, “Sa
pag-aaral ng basikong literasiya, ang wikang gagamitin ay base sa kung ano ang
karaniwang naiintindihan at alam ng pamayanan. Walang isang wika ang pinakamahusay
kaysa sa iba.” Kung babalikan din natin ang kasaysayan ng Pilipinas, nang ipinag-utos
ng mga Amerikano noong 1901 na gawing opisyal na wikang panturo ang wikang Ingles
sa mga paaralan sa Pilipinas, makalipas lamang ang dalawampu’t limang taon ay nabatid
agad ng Amerikano sa pamamagitan ng pag-aaral ng Monroe Educational Survey
Commission na hindi naging matagumpay ang pagkatuto ng mga Pilipino gamit ang
wikang Ingles sa kanilang pag-aaral. Dahil dito ipinag-utos din noong 1931 na wikang
vernakular na ang gagamiting wikang panturo sa elementarya.
Matagal na dapat nating alam na ang wikang dayuhan ang isa sa dahilan ng
pagkaligaw nating mga Pilipino sa daan ng karunungan. Noon pa sinasabi at ipinaalala
ng isa pang Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan na si Virgilio Almario na,
“Kailangang-kailangan na natin ang Filipino sa edukasyon at opisyal na talastasan. Pero
ayaw nating harapin ang tawag ng taumbayan.”
Ang matibay na halimbawa ay noong Agosto 20, 2007, tatlong korte sa Lungsod
ng Malolos ang nagdesisyong gumamit ng Filipino sa paglilitis upang maisulong ang
pambansang wika. Labindalawang istenograpo mula sa hukuman 6, 80 at 81 bilang
modelong korte gamit ang wikang pambansa ang sumailalim sa pagsasanay sa Marcelo
H. del Pilar College of Law ng Bulacan State University bilang pagsunod sa direktiba ng
Korte Suprema ng Pilipinas hinggil sa paggamit ng Wikang Filipino sa istenograpiya.
Pangarap noon ng dating Punong Mahistrado na si Reynato Puno na pati sa Laguna,
Cavite, Quezon, Nueva Ecija, Batangas, Rizal at Metro Manila ay maipatupad ang
paggamit ng sariling wika sa paglilitis.
Sa landas na tinatalunton natin bilang mga Pilipino, dapat magkaisa tayo. Tigilan
na ang kolonyal na pag-iisip na nagpapabagal sa pag-unlad ng identidad at karunungan
nating mga Pilipino. Kung may naiaambag man ang kasalukuyang administrasyon sa
pagpapalakas ng sariling wika, huwag lang doon umasa, higit dapat tayong maging
malakas bilang mga Pilipino. Magiging malakas tayo kung mananatiling matatag ang
ating sariling wika dahil idiniin ni Lumbera, “Parang hininga ang wika, sa bawat sandali
ng buhay natin ay nariyan ito.”
_________________
Naipresent ang papel na ito sa Nakem International Conference na may temang “Panagtagikua: Our Right to Our Languages, Our
Right to Emancipatory Education” na ginanap sa San Fernando City, La Union noong December 5-7, 2012 at nagwagi rin ito ng
Ikalawang Gantimpala sa Gawad Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa Sanaysay 2012.
Nailathala rin ang papel na ito sa Filipinolohiya: Journal sa Filipino ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Volume 1, Issue 1,
2014, pahina 11-22.
MGA SANGGUNIAN:
Aquino, Benigno Simeon III S. (2010) salin ni Roberto T. Añonuevo. 10 Ways to Fix
Education in the Philippines nasa http://alimbukad.com.
Bartle, Phil. (2008) salin ni Myla Burke. Mga Prinsipyo ng Kaalaman sa Pagbasa at
Pagsulat nasa http://www.scn.org/mpfc/modules/lit-prtt.htm.
Eco, Umberto. (1986). Language, Power, Force nasa Travels in Hyperriality: Essays
translated from Italian by William Weaver. Great Britain: Picador
Nakahara, Koichiro. (2005). Review of Some Literatures and Results of Survey on English
and Filipino in the Philippines nasa http://opac.kanto-gakuin.ac.jp.