Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman sa linguistika ng guro ng

wika?
ANG LINGGWISTIKA AT ANG GURO NG WIKA

Sa Pagtuklas ng karunungan, napakahalaga ng magiging tungkulin ng Linggwistika sa pagpapakadalubhasa ng


isang indibidwal upang lumawak ang pananaw at magbukas ang kaalaman upang matuto sa takbo ng buhay sa
ginagalawang daigdig ng isang tao .

Ama ng Linggwistikang Pilipino DR. CECILIO LOPEZ

Ano ba ang Linggwistika?

Ang Linggwistika ay ang pagsasaalang-alang at paggamit ng mga maagham na paraan sa pag-aaral at pagsusuri
ng wika.

Maagham na paraan sa pagtuklas ng impormasyon at kaalaman tungkol sa wika.:

Ang maagham na paraan ay nagdaraan sa hindi kukulangin sa limang proseso, tulad ng mga
sumusunod:

Paraan ng pagsasama-sama ng mga tunog upang bumuo ng pantig, Paraan ng pagsasama-sama ng mga pantig
upang bumuo ng salita,

1. PROSESO NG PAGMAMASID

Paraan ng pagsasama-sama ng mga salita upang bumuo ng pangungusap Pagbabagu-bago ng tunog o mga tunog
dahil sa impluwensya ng kaligiran at iba pa.

2.Ang proseso ng pagtatanong

2.Ang proseso ng pagtatanong . Ang tinatangka lamang itanong ng isang linggwista ay ang mga tanong na
masasagot niya sa pamamagitan ng maagham na paraan .

3.Ang proseso ng pagklasipika

3. Ang proseso ng pagklasipika . Maiayos ang bunga ng kanyang pananaliksik o pagsusuri sa isang
sistematikong paraan .

4.Ang proseso ng paglalahat

4. Ang proseso ng paglalahat . Ang proseso ng pagklasipika ay dapat humantong sa pagbuo ng nasabing mga
abstraksyon ayon sa naging resulta o kinalabasan ng obserbasyon at pagsusuring isinagawa sa mga datos .

5. Ang proseso ng pagberipika at pagrebisa

5. Ang proseso ng pagberipika at pagrebisa. Ang anumang paglalahat , hipotesis , teorya at prinsipyo , mga
tuntunin o batas na nabuo ng isang linggwista ay kailangang patuloy na mapailalim sa pagsubok upang ma
modipika o marebisa kung kailangan .
Kahalagahan ng Linggwistika sa guro ng wika

Ano ba ang nagagawa ng isang linggwista na hindi nagagawa ng isang karaniwang guro? Ano ba aNg nagiging
pakinabang sa linggwista ng isang guro ng wika?

Ang Linggwistika sa Paglinang sa Wikang Pilipino

Prinsipal na paraan Literatura o Panitikan Gramatika o Balarila

Ang pagpaplano at paggawa ng mga patakarang pangwika

Ang pagpaplano at paggawa ng mga patakarang pangwika . Paano mapangangalagaan ang mga wika ng pook
na kinatataniman na tunay na kulturang pilipino?

Papaano mapauunlad ang wikang pilipino bilang isa sa mga tatak at kasangkapan natin sa pag-uugnayan bilang
isang malayang lahi. Papapaano mapananatili ang ingles bilang wikang tulay natin sa pagdukal ng karunungan
at pakikipag-ugnayang pandaigdig .

Sa paghahanda ng mga kagamitang panturo

Sa paghahanda ng mga kagamitang panturo EDPITAF (EDUCATIONAL DEVELOPMENT PROJECTS


IMPLEMENTING TASK FORCE). Ang pagkakaroon ng guro ng kaalaman at malawak na pananaw sa
kalikasan ng wika.

Sa pagtuklas ng karunungan, napakahalaga ng magiging tungkulin ng linggwistika sa pagpapakadalubhasa


ng isang indibidwal. Ang linggwistika ay ang pagsasaalang alang at paggamit ng mga makaagham na paraan
sa pag aaral at pagsusuri ng wika; makaagham na paraan tulad ng proseso ng pagmamasid, proseso ng
pagtatanong, proseso ng pagkaklasipiko, proseso ng paglalahat at proseso ng pagberipika at pagrebisa. Ang
isang guro ay nararapat magkitaan ng kaalaman sa tamang paggamit ng wika upang magamit ito sa
pagpaplano at paggawa ng mga patakarang pangwika at pagkakaroon ng malawak at mabisang kaalaman
tungkol sa kalikasan ng wika. Bilang isang guro ng wika, mainam lamang na magtaglay siya ng sapat na
kaalamanan sa linggwistika sapagkat siya ang magiging modelo ng kanyang mga mag aaral. Mainam
lamang na makitaan siya ng potensyal at kaalaman sa tamang paggamit ng wika nang sa gayon ay magamit
din ito ng mga mag aaral sa tama at wasto nitong diwa. Gamitin, linangin at ipagmalaki ang wika natin dahil
ito ang ating pinagmulan at pinagkakilanlan.

Ano ang pagkakaiba ng kakayahang linguistika at kakayahang komonikatiba?

Kakayahang Linggwistiko
-Ang kakayahang linggwistiko ay tumutukoy sa kakayahan o abilidad ng isa na
makapagsalita iba't ibang mga lenggwahe, wika, at dayalekto. Nakakatulong ito
upang mas mapadali ang pakikipagtalastasan gayundin ang komunikasyon sa iba.
- isang kakayahan o katalinuhan sa larangan ng lingwahi
- ito ay nagbubuo ng kakayahan nito sa isang wika sa tamang pagbigkas at agsulat.
May malalim na kaalaman sa wika sa pagsulat at a pagbigkas na may taglay ng
tamang gramatika.
- abilidad ng sang tao na makabuo at makaunawa ng maayos at makabuluhang
pangungusap.
Kakakyahang Komunikatibo
-tumutukoy sa angkop na paggamit ng mga pangugusap batay sa hinihingi ng
isang interaksyong sosyal.
- isang lingguwista at antropologo, hindi lamang dapat sinasaklaw ng
kasanayan ang agiging tama ng pagkakabuo ng mga pangungusap, kundi ang
pagiging angkop ng mga ito, depende sa sitwasyon. (Dell Hymes, 1972)

Ang kakayahang pang lingguwistiko ay ang natural na kaalaman ng tao sa


sistema ng kanyang wika dahilan kaya nagagamit ito ng tama at mabisa. Ito ay
abilidad ng isang indibidwal na makabuo at makaunawa ng maayos at
makabuluhang pangungusap. Ang kakayahang komunikatibo ay ang paggamit ng
wika sa wasto at angkop na sitwasyon. Ayon sa pag aaral, ang unang layunin sa
pagtuturo ng wika ay upang magamit sa pakikipag unawaan at pakikipag usap sa
ibang tao. Ang kakayahang pangkomunikasyon ay ginagamit upang mabisang
pagkaintindihan ang dalawang taong nag uusap dala ang angkop na mensahe na
nais iparating.

Ikalawang Pangkat:
Arcos, Mary Rose
Banga, Eugene
Belardo Judy Mae
Cortes, Rey Ann
Daep, Ronalyn
De Lumen, Arvie
Ecal, Reymark

You might also like