Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

KABANATA II

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Kaugnay Na Literatura

Ang droga ay isang kemikal na substance na bumabago sa kondisyon ng isip o

katawan ng isang tao. Maraming nagagawa ng mga drogang produkto ng modernong

medisina. Maaari niolang pabilisin o pahinain ang katawan, magtanggal ng sakit,

iwasan ang pagkabuntis, labanan ang mga impeksiyon, nagpapababa ng tensiyto0n,

nagpapaikli ng pagtulog, at nagpapababa ng appetite. (Quiobe at Galvez)

Ayon kay Quiambao, Maraming mga kabataan ngayon sa pagitan ng 13 pataas

ay marunong ng gumamit ng droga kung kayat nakakalimutan na nilang pumunta sa

kanilang paaralan kaya dumadami ang hindi nakakapagtapos ng pag-aaral. subalit ang

iba dito ay naiimpluwensyahan lang ng kanilang mga kaibigan sa paggamit nito. Ang iba

naman ay nakikita, kung kaya’t ginagaya nila ito.

Inilahad din ni Quaimbao ang mga dahilan kung bakit nagpapatuloy ang mga

kabataan sa pag-gamit ng droga:

1. Problema sa Pamilya.

2. Impluwensya ng mga Kaibigan.

3. Pagkadepres

4. Broken hearted
Ayon kay Jhover et al (2012) inilihad nila ang mga epekto ng pag-abuso sa droga

ng mga kabataan;

1. Ang droga ay nakakapagpapababa ng abilidad ng kabataan na magbigay ang

atensyon sa mga bagay.

2. Ang pag-gamit ng droga ay maaring mag mask o itago ang ano mang

problemang emosyonal kagaya ng anxiety, depression, moodiness o hallucinations.

3. Ang droga ay maaring magdulot ng pagkabaog o problema sa ereksyon ng

mga lalaki at paglaki ng clitories sa mga babae. Maari rin itong magdulot ng

pagfkakalbo, problema sa paglaki ng puso at atake sa puso, stroke, sakit sa liver,

cancer, acne at iba pang impeksiyon katulad ng aids.

4. Maari rin itong magdulot ng pagkasira ng utak (inhalants), atake sa puso

(stimulants), problema sa paghinga (sedatives) maari rin itong magdulot ng

pagkamatay.

Ayon kay Manalili (2012), ang mga droga ay nakasasama sa pisikalidad, nila.

Ang drug dependence ayon sa kanya ay isang istado na maaring pangsikolohikal,

pisikal o pareho, na nagreresulta mula sa chronic, periodic o continuous na paggamit.

Dahil dito may mga batas tulad ng mga:

Batas Republika Bilang 9165 kilala sa tawag na Batas na pinalawak sa mga

mapanganib na droga ng 2002 ( Comprehensive Harmful Drugs Act of 2002) nilalayon

ng batas na ito ang mahigpit na paglaban sa ipinagbabawal na gamot dahil sa

masamang epekto nito.


Batas Republika Bilang 6425, na ipinagtibay noong 30 Marso 1972, ay tumutugon sa

problema ng bansa sa illegal na droga, kabilang na ang paggamit, pagbenta at

adiksyon dito. Kilala din ito bilang Harmful Drugs Act of 1972.

Kaugnay na Pag-aaral

Ayon sa pananaliksik nina Almaida et al, (Baliwag Polytechnic College) inilahad

nila ang mga sintomas at signus ng ipinagbabawal na gamot.

1. Pangingitim ng kulay ng mga kuko, labi o ngipin.

2, Sobrang pagkagutom, sobrang pagkasaya at tulog ng tulog

3. Pagkawala ng memorya, mataas na blood stream pressure at pagtibok ng

puso, pag kahili at pagsusuka, irritable at agresibo.

Inilahad din nila ang mga karaniwang droga na inaabuso ng mga kabataan.

1. Sigarilyo – ano mang uri ng sigarilyo, tobacco, sigaro.

2. Cannabinoids ( marijuana, hashish)- ito ay ginagamit sa pamamagitan ng

isang pipe.

3. Inhalants (gasoline, ammonia, rugby)- ito ay sinisinghot sa pamamagitan ng

plastic, bote o kahit anong bagay na sarado.

Ayon kay Galvez, kasama sa mga kapinsalang naisasanhi ng mga bawal na

gamot ay ang ukol sa pagkakaroon ng problema sa katawan, sa kalusugan, sa mga

relasyon sa kaibigan, kamag-anak, at maging sa pamayanan. Maidaragdag din dito ang

pinsala na nagaganap sa kanyang pamumuhay dahil sa paggamit ng bawal na gamot,


pati na ang sa hanapbuhay, pag-aaral, at akomodasyon. Humahantong din sa paglabag

sa batas. At paggawa ng mga illegal at panganib sa sarili at sa ibang tao.

Ayon at sa tulong ng Dangerous Drugs Board, magtatayo sa kani kanilang

tanggapang panlalawigan ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG)

Ang National Youth Commision at ang Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad

Panlipunan (DSWD) ng special education center para sa mga out – of – school youth at

batang kalye. Ang nasabing Center, na pamumunuan ng panlalawigang Social Welfare

Development Officer, ay magiisponsor ng mga programa sa pagsugpo sa illegal na

droga, mga Gawain at kampanya na layuning turuan at imulat ang mga out- of- school

youth at batang kalye tungkol sa masasamang epekto ng pangaabuso ng illegal na

droga. Mungkahi ng ibat’t – ibang awtor ang pagkakaisa at pagdadamayan para matigil

na walang kabuluhang pagdanak ng dugo dahil sa epekto ng bawal na gamot.

Ayon sa kaisipan ni Gerard Leinwand: “ walang katanungan na ang paggamit ng

droga ay nag-uumpisa sa sigarilyo, marijuana, heroin hanggang sa mga pinaka malala

na amphetamine at iba pa na nakakasasama sa mental, moral, pisikal, at sosyal na

aspeto at ang kagamitan ng legal na droga na naabuso ay pag-aralang i-kontrol at

limitahan.”

Ayon sa mga mananaliksik, minumungkahi nila ang pagkakaroon pa ng mga

karagdagang kaalaman ang mga kabataan ukol sa paggamit ng illegal na droga, paano

ito magagamot at higit sa lahat paano ito mapipigilan sa paglaganap.

You might also like