Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Alamat ng Mangga

Kaisa-isang anak nina Aling Maria at Mang Juan si Ben. Mabait at matulungin si
Ben. Nagmana siya sakanyang mga magulang na mababait din naman. Isang
araw, isang matandang pulubi ang kinaawaan niBen.

Inuwi niya ang pulubi sa bahay, ipinagluto at pinakain. Isang araw naman,
samantalangnangangahoy, isang matandang gutom na gutom ang nasalubong
niya. Pinakain din niya ito at binigyanng damit.Makaraan ang ilang panahon,
nagkasakit si Ben.

Sa kabila ng pagsisikap ng mag-asawa na pagalinginang anak, lumubha ito at


namatay pagkatapos. Ganoon na lamang ang iyak ng mag-asawa.Kinabukasan,
habang nakaburol ang kanilang anak, dumating ang isang diwata. Hiningi nito
ang puso niBen, Ibinaon ng diwata ang puso sa isang bundok.

Ito ay naging punongkahoy na may bungang hugis-puso. Marami ang


nakikinabang ngayon sa bungang ito.

Mga tanong at kasagutan:


1.Bakit ito ang gusto mong basahin?
Dahil ito po ang aking paboritong prutas at hindi ko pa po alam kung ano po ba
ang alamat neto dahil ngayon kolang po ito nabasa.
2.Ibigay ang aral na natutunan mo sa kuwento na iyong binasa?
Magkaroon ng butihing puso at tunggan ang mga nangagailangan sa kahit na
anong paraan o abot ng iyong makakaya.

You might also like