Handaan Ni Efren Abueg

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

HANDAAN

ni Efren Abueg
Nagsimula ang istorya sa isang handaan na pinangunahan nina Mrs. Paking at ang
asawa nito upang magbigay ng karangalan sa bise-presidente ng segurong kinabibilangan ni
Mrs. Paking na kapanggagaling lamang sa paglilibot ng buong daigdig.
Isa sa dumalo ay ang kasama sa departamento ni Mrs. Paking na si Manuel dala ang
kaniyang asawa na si Flavia sa bisig nito. Wala pa man sa tarangkahan ay kita na ang
panghuhusga ni Flavia sa handaang dinaluhan, bawat sulok ng bahay ay tila sinusuyod niya
ng tingin ng may halong pangungutya at hiya sa kadahilanang baka mayroon siyang kakilala
sa handaang dadaluhan niya dahil una sa lahat, hindi ganitong uri ng handaan ang tipo niya
kundi grande at magarbo. Sinasabi niya sa kaniyang sarili na sa oras na sila na ang
magbibigay ng handaan sa bise-presidente, hindi siya palalamang kay Mrs. Paking at mas
bobonggahan niya ang handaan na ihahandog dito.
Dumating ang termino nina Flavia ang asawa nito sa pagbibigay ng handaan sa bise-
presidente. Bago ang handaan, nagkaroon ng alitan ang mag-asawa dahil sa pagiging
magastos ni Flavia. Nais ni Flavia na magpasikat dahil maaaring dumalo ang mga kaibigan
niyang elegante at siya’y umiiwas sa tuksong matatamo niya kung sakaling ganoon sa
handaan nina Mrs. Paking ang kaniyang ihahanda.
Ang handaan nina Flavia ay naging magarbo. Ngunit hindi iyon nagustuhan ni
Manuel at tila nag-iinit pa rin ang ulo dahil sa paggasta ni Flavia ng malaking pera para
lamang sa isang handaan. Lingid sa kaalaman ng dalawa, mayroong sorpresang anunsiyo ang
bise-presidente sa handaang iyon.
Ang pahayag ng bise ay ang patungkol sa kampanya ng kawanggawa at hindi alam ni
Flavia na isa sa mga big shot kung tatawagin ang kaniyang asawa na si Manuel. Nang
tinawag ng bise ang pangalan ng kaniyang asawa ay tila nanlumo siya dahil sa laki ng halaga
na binitawan ng kaniyang asawa para sa kampaniyang iyon. Hanggang sa natapos ang
handaan at inusisa niya si Manuel ukol sa donasyon na kaniyang ibinigay. Ngunit para siyang
nasampal ng ipamukha ni Manuel sa kaniya na mas malaki ang perang ginasta niya sa
handaan kaysa sa perang donasyon sa kawanggawa.

You might also like