Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

MORPOLOHIYA

Ang morpolohiya ay isang pag-aaral o pagsusuri sa mga morpema ng isang wika at pagsasama-sama nito
upang makabuo ng isang salita.
MORPEMA
Pinakamaliit na yunit ng salita na nagtataglay ng kahulugan.
ANYO NG MORPEMA
1. Morpemang ponema o makabuluhang tunog - binubuo lamang ng ponemang /o/ at /a/ na may
kahulugang taglay na nagpapakita ng kasarian.
Halimbawa:
o a
Doktor Doktora
Propesor Propesora
Abugado Abugada
Kusinero Kusinera
Mario Maria
Ang ponemang /a/ ay makahulugang yunit na tumutukoy ng ‘kasariang pambabae’.
2. Morpemang salitang ugat - Maituturing itong malayang morpema dahil nakatatayo itong mag-isa.
Halimbawa:
Dagat Takbo
Hiram Puti
Sulat Linis
Bata Galaw
3. Morpemang panlapi (maaaring unlapi, gitlapi o hulapi. Kombinasyon- kabilaan/lagihan) - Ang mga
panlapi ay may kahulugang taglay, kaya bawat isa ay isang morpema. Sila ay dumadagdag ng kahulugan
sa isang salitang ugat.
Halimbawa:

Morpemang Salitang- Bagong


Kahulugan
Panlapi ugat Morpema
Ma- Pagkakaroon ng katangiang taglay ng salitang ugat Bait Mabait
Um- Pagganap sa kilos Awit Umawit

-an Lugar na pinaglalagyan Aklat Aklatan


Ma- Nagsasaad ng pagkakaroon Pera Mapera

Ang mga panlapi ay tinatawag na di-malayang mga morpema dahil laging inilalapi sa ibang
morpema.
Halimbawa:
Mag- [maglaro]; pag- [pagbili]; i- [itapon]; maka- [makakain]; atbp.
May mga panlaping di-magkarugtong: mag-….-an [magtawagan] na may kahulugang “gantihang
pagsasagawa ng diwang isinasaad ng pandiwang sulat.”
URI NG MORPEMA
1. Morpemang Leksikal - May tiyak na kahulugan at kabilang dito ang mga pangngalan, panghalip,
pandiwa, pang-uri at pangabay.
Halimbawa:
Pangngalan: tao, disket, bahay, pisara, papel atbp.
Pandiwa: umawit, linisin, nagsisipag-alisan atbp.
Panghalip: tayo, ako, siya, ikaw, kami, sila
Pang-uri: mabait, banal, marami atbp.
Pang-abay: doon, diyan, kahapon, atbp.
2. Morpemang may kahulugang pangkayarian - Walang kahulugang taglay hanggaa’t di naisasama sa
iba pang morpema.
Pang-angkop: na, -ng, -g
Pangatnig: at, o, saka, at iba pa
Pang-ukol: tungkol sa/ kay, ayon sa/ kay at iba pa
Pananda: ang, ng, sa, si/sina, ni/nina, kay/kina, ay
Halimbawa:

“Nagbasa ng tula sa programa ang mga estudyante.”

3. Derivasyonal - Ito ay morpemang pinaghahanguan o pinagmulan.


Halimbawa:
awit = mang-aawit
sulat = manunulat
4. Infleksyunal - Nagagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga morpemang panlapi sa pandiwa sa
iba’t ibang aspekto.
Haimbawa:
Kumain-Kumakain-Kakain
DISTRIBUSYON NG MGA MORPEMA
Ang mga morpema ng isang wika ay may mga tiyak na kaayusan o distribusyong sinusunod:
 Ang unlaping um- ay laging nasa unahan ng salitang-ugat na nagsisimula sa patinig
Halimbawa:
Akyat [umakyat]; Alis [umalis]; Ulan [umulan]
 Ang gitlaping -um- ay laging nasa pagitan ng unang katinig at kasunod nitong patinig ng nilalapiang
salitang nagsisimula sa katinig
Halimbawa:
Tulong [tumulong]; Lakad [lumakad]; Punta [pumunta]; Samba [sumamba]
ALOMORP NG MORPEMA
Puwedeng magbago ang anyo ng isang morpema dahil sa impluwensiya ng kaligiran at ito’y
tinatawag na alomorph.
Ang morpemang pang- ay nagtataglay ng alomorp na pang, pam at pan. Gayundin ang
morpemang mang- na may alomorp na mang, mam at man. At gayundin morpemang kasing- na may
alomorp na kasing, kasim at kasin.

 Ginagamit ang alomorp na pang, mang at kasing (walang pagbabago sa mga anyo) sa mga patinig at
sa k, g, h, m, n, w at y.
Halimbawa ng Pang:
1. Pang+kasal= Pangkasal
2. Pang+hukay= Panghukay
3. Pang+walis= Pangwalis
Halimbawa ng mang:
1. Man+walis= Mangwalis
2. Mang+kain= Mangkain
3. Mang+hampas= Manghampas
Halimbawa ng Kasing:
1. Kasing+haba=Kasinghaba
2. Kasing+yaman= Kasingyaman
3. Kasing+hirap= Kasinghirap

 Ginagamit naman ang alomorp na pam, mam at kasim kung nauuna sa mga salitang-ugat na
nagsisimula sa p at b.
Halimbawa ng pam:
1. Pam+bansa= Pambansa
2. Pam+pulitika= Pampulitika
3. Pam+bata= Pambata
Halimbawa ng mam:
1. Mam+bato= Mambato
2. Mam+palo= Mampalo
3. Mam+prito= Mamprito
Halimbawa ng kasim:
1. Kasim+puti= Kasimputi
2. Kasim+baho=Kasimbaho
3. Kasim+bait= kasimbait

 Ginagamit naman ang alomorp na pan, man at kasin kung nauuna sa mga salitang-ugat ang nagsimula
sa d, l, r, s at t.
Halimbawa ng pan:
1. Pan+lunas=Panlunas
2. Pan+dakot=Pandakot
3. Pan+salo= Pansalo
Halimbawa ng man:
1. Man+ligaw= Manligaw
2. Man+daya= Mandaya
3. Man+tapon= Mantapon
Halimbawa ng kasin:
1. Kasin+talino= Kasintalino
2. Kasin+laki=Kasinlaki
3. Kasin+dami= Kasindami
PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO
Tumutukoy sa anumang pagbabago sa karaniwang anyo ng isang morpema dahil sa impluwensya
ng kaligiran nito. Ang kaligiran ay yaong mga katabing ponemang maaring makaimpluwensya upang
mabago ang anyo ng isang morpema. Ito yaong sinusundan ng morpema o ang sinusundan nito.
Limang Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko

1. Asimilasyon – ito ay ang pagbabagong karaniwang nangyari sa tunog na /ng/ sa mga panlaping pang-,
mang-, hing- o sing- dahilan sa impluwensiya ng kasunod na tunog ( unang tunog ng salitang nilalapian).
Halimbawa:
pang- + bansa = pangbansa = pambansa
mang- + bola = mangbola = mambola
sing- + tamis = singtamis = sintamis
Dalawang uri ng Asimilasyon:
1.1 Asimilasyong Parsyal o di-ganap – pagbabago sa unang morpema
Halimbawa:
pang- + dakot = pangdakot = pandakot
sing- + puti = singputi = simputi
sing- + rupok = singrupok = sinrupok
2.2 Asimilasyong Ganap – Pagbabago ng kapwa panlapi at salitang ugat.
Halimbawa:
mang + tahi = manahi
pang + palo = pamalo
pang + takot = panakot
2. Pagpapalit ng Ponema - may mga tunog na nababago sa pagbuo ng mga salita katulad ng; kapag ang
(d) ay nasa pagitan ng dalawang patinig, ito'y pinapalitan ng ponemang r.
halimbawa:
ma + damot = maramot
ma + dunong = marunong
ma + dami = marami
3. Metatesis - Kapag ang salitang-ugat na nagsisimula sa /l/ o /y/ ay nilalagyan ng gitlaping [in], ang /i/ at
/n/ ay nagkakapalitan ng pusisyon.

Halimbawa:

-in- + lipad = nilipad

-in- + yaya = niyaya

-in + yakap = niyakap

4. Pagkakaltas ng Ponema - Nagaganap ang pagbabagong ito kung ang huling ponemang patinig ng
salitang-ugat ay nawawala sa paghuhulapi nito.

Halimbawa:

takip + -an = takipan = takpan

kitil + -in = kitilin = kitlin

tanim + -an = taniman = tamnan

5. Paglilipat-diin - May mga salitang nagbabago ng diin kapag nilalapian. Maaring malipat ng isa o
dalawang pantig ang diin patungong huling pantig o maaaring malipat ng pantig patungong unahan ng
salita.

Halimbawa :

basa + -hin = basahin

ka + sama + han = kasamahan

laro + an = laruan (lugar)

dugo + an = duguan

KAYARIAN NG SALITA

1. Payak - Binubuo ng salita ugat lamang at walang kasamang panlapi at hindi rin nagkakaroon ng pag-
uulit.

Halimbawa:

Saya, dumi, grasa, bahay, ina, bata, anak, ama, kapatid, sulat

2. Maylapi - Bimubuo ng panlapi at salitang-ugat.


Halimbawa:

ma+saya= masaya

ma+dumi= madumi

ma+itim= maitim

ma+liit= maliit

lista+han= listahan

3. Inuulit - Salitang binubuo ng pag-uulit ng isang bahagi ng salita o ng buong salita.

Halimbawa:

masayang masaya

maduming madumi

itim na itim

bahay bahayan

4. Tambalan - Salitang binubuo sa pamamagitan pagsasama o pagtatambal ng dalawang salita upang


makabuo ng isang tambalang salita.

(a.) Minsan, nananatili ang ang kahulugan ng da,awang salitang pinagtambal at (b.) may pagkakataon ding
nawawala na ang orihinal na kahulugan ng dalawang salita at isang bagong salita na ang nabubuo mula sa
mga ito.

(a.) Halimbawa ng tambalang nananatili pa din ang kahulugan:

dalaga + bukid = dalagang bukid

balik +bayan = balikbayan

(b.) Halimbawa ng tambalang salitang nawala na ang orihinal na kahulugan:

Taingang –kawali = Taong nagbibihingibingihan

Bahaghari = Arko na may iba’t ibang kulay sa himpapawid

MGA BAHAGI NG PANANALITA

1. PANGNGALAN - Ang pangngalan ay salitang tinutukoy ang ngalan ng tao, bagay, pook, hayop o
pangyayari.

Dalawang uri ng Pangngalan:


 Pangngalang Pambalana - Karaniwang ngalan ng tao, bagay, hayop, o pangyayari.

Halimbawa:

lapis, papel, babae, lalaki, simbahan, ibon

 Pangngalang Tiyak o Pantangi - Ito ay tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop o pook. Ito
ay nagsisimula sa malaking titik.

Halimbawa:

Jill, Dr. Cruz, Bb. Verde, Farmer’s Market, Nestle Fresh Milk

2. PANGHALIP - Ang panghalip ay bahagi ng pananalita na inihahali o ipinapalit sa pangngalan upang


mabawasan ang paulit-ulit na pagbanggit sa pangngalan na hindi magandang pakinggan.

URI NG PANGHALIP

1.1 Panghalip na Panao - Ang panghalip na panao ay mga panghalip na ginagamit panghalili sa ngalan
ng tao. Sa Ingles, ito ay ang personal pronoun.

Mga Halimbawa:

Ako, Ikaw, Tayo, Sila, Kami

 Si Lorenzo at Fidel ay papunta sa parke./ Sila ay papunta sa parke.


 Ang magsasaka na ang bahala diyan./ Siya na ang bahala diyan.

2.2 Panghalip na Pamatlig - Ang panghalip na pamatlig ay ginagamit panturo. Sa asignaturang Ingles, ito
ay itinatawag na demonstrative pronoun.

Mga Halimbawa:

Ito, Iyan, Ganito, Iyon, Doon

 Kunin mo ang pitaka (nasa ibabaw ng mesa)./ Kunin mo iyan.


 Tupiin mo bao mo ipasok sa kabinet./ Ganito ang gawin mob ago mo ipasok sa kabinet.

3.3 Panghalip na Pananong - Ang panghalip na pananong ay ginagamit sa pagtatanong tungkol sa tao,
pook, pangyayari, bagay, etc. Tinatawag itong interrogative pronoun sa Ingles.

Mga Halimbawa:

Sino, Alin, Kanino, Anu-ano, Sinu-sino

 Kanino mo ibibigay ang pera?

 -sino ang pupunta mamaya?


4.4 Panghalip na Panaklaw - Ang panghalip na panaklaw ay tinatawag na indefinite pronoun sa Ingles. Ito
ay nagsasaad ng dami o bilang ng tao o bagay na nasasaklaw ng kilos.

Mga Halimbawa:

Lahat, Alinman, Sinuman, Ni-isa, Madla

 Lahat ay manonood ng sine bukas.


 Sinuman sa kanila ay karapat-dapat na manalo.

5.5 Panghalip na Pamanggit - Ang panghalip na pamanggit ay ginagamit bilang tagapag-ugnay ng


dalawang pananalita. Sa Ingles, ito ay itinatawag na relative pronoun.

Mga Halimbawa:

Na at ng

 Ang babae na nanalo ay sa barangay namin nakatira.


 Ang paa ng kalabaw ay malalaki.

3. PANDIWA - Ang pandiwa ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw.

Uri ng Pandiwa:

1.1 Payak - ito ay ipinalalagay na ang simuno.

Halimbawa:

Lubos na mahirapan ang walang tiyaga mag-aral.

2.2 Palipat - ito ay may simuno at tuwirang layon

Halimbawa:

Naglinis ng hardin si Nena.

3.3 Katawanin - ito ay may simuno ngunit walang layong tumatanggap.

Halimbawa:

Ang matiyaga nagwawagi.

4. PANGATNIG - Ang pangatnig ay ang mga salita o lipon ng mga salita at kataga na ginagamit sa pag-
uugnay ng isang salita sa kapwa salita, ng isang parirala sa kapwa parirala, o ng isang pangungusap sa
kapwa pangungusap.

Uri ng Pangatnig at halimbawa:


1.1 Paninsay. Ito ay ginagamit sa pangungusap na ang dalawang isipan ay nagkakasalungatan.

Halimbawa: Namatay si Mang Isko ngunit ang kanyang prinsipyo ay mananatiling buhay.

2.2 Pananhi. Ito ay ginagamit upang makatugon sa mga tanong na bakit o upang maipakilala ang mga ka
dahilanan ng isang pangyayari at ng anumang iniisip o niloloob.

Halimbawa: Ang kanyang prinsipyo ay mananatiling buhay sapagkat nariyan si Jun na magpapatuloy ng
kanyang naudlot na gawain.

3.3 Pamukod. Ito ay ginagamit upang ihiwalay, itangi, o itakwilang isa sa ilang bagay o isipan.

Halimbawa: Maging ang mga kasamahan niya’y nagpupuyos ang kalooban.

4.4 Panlinaw. Ito ay ginagamit upang dagdagano susugan ang kalinawan ng mga nasabi na.

5.5 Panubali. Nagsasaad ito ng pagkukurong di-ganap at nangangailangan ng ibang diwa o pangungusap
upang mabuo ang kahulugan.

Halimbawa:

Sakaling hindi ibigay, magpapatuloy ang welga.

6.6 Panapos. Nagsasaad ito ng wakas ng pagsasalita.

Halimbawa:

At sa wakas naibigay rin ang kanilang sahod.

7.7 Panulad. Nagpapahayag ito ng paghahambing ng mga gawa o pangyayari.

Halimbawa:

Kung ano ang utang, siya ring kabayaran.

5. PANG-UKOL - Ang pang-ukol ay bahagi ng pananalitang nag-uugnay sa pangngalan, panghalip,


pandiwa at pang-abay na pinag-uukulan ng kilos, gawa, ari, balak o layon.

Dalawang pangkat ng Pang-ukol:

1.1 Ginagamit na pangngalang pambalana : ukol sa, laban sa, hinggil sa, ayon sa, tungkol sa, para sa.

Mga Halimbawa:

 Ukol sa pilipino ang paksa ng usapin.


 Ang mga piling manggagawa ay binigyan ng bonus.
 Laban sa manggagawa ang kanilang pinapanukala.
 Ang mga aklat na ito ay para sa mahihirap.
2.2 Ginagamit sa ngalan ng tanging tao : ang gawa, ari, layon, at kilos ay para lamang sa ngalan ng tao
tulad ng: ukol kay, laban kay, para kay, tungkol kay, ayon kay, hinggil kay.

Mga Halimbawa:

 Ang gantimpalang pera ay ukol kay Maria.


 Para kay Juan ang pagkaing ito.
 Hinggil kay Enrico ang kanilang problema.
 Ang kanyang nilutong adobo ay para sa lahat.
 Ayon kay Rizal, ang pananaliksik ay nagdaragdag sa ating kaalaman.

6. PANG-ANGKOP - Ang pang-angkop ay mga katagang nag-uugnay sa magkakasunod na salita sa


pangungusap upang maging madulas o magaan ang pagbigkas ng mga ito. Ginagamit din ang pang
angkop upang pag-ugnayin ang mga panuring at ang mga salitang binibigyang turing nito.

Uri ng Pang-Angkop

1.1 Pang-angkop na na - Ito ay nag-uugnay ng dalawang salita na kung saan ang naunang salita ay
nagtatapos sa mga katinig maliban sa titik n. Isinusulat ito nang kahiwalay sa mga salitang pinag-uugnay.

Halimbawa:

Ang malinis na hangin ay ating kailangan. Ang nauunang salita ay malinis na nagtatapos sa titik s na isang
katinig.

2.2 Pang-angkop na ng - Ito ay isinusulat karugtong ng mga salitang nagtatapos sa mga patinig (a, e, i, o
u).

Halimbawa:

Pinipigil ng malalaking ugat ng mga puno ang baha.

 Ang pang-angkop na ng ay idinugtong sa salitang malalaki na nagtatapos sa titik i na isang patinig.


 Ang pang-angkop na -ng ay nag-uugnay rin sa mga salitang magkakasunod na kung saan ang naunang
salita ay nagtatapos sa katinig na n.
 Ngunit hindi ito isinusulat sa ganitong anyo. Ang titik na n sa hulihan ng salita ay kinakaltas na lamang.
Kaya ang pang-angkop na -ng at hindi g ang ginamit.

Halimbawa: luntian ng halaman - luntiang halaman Maraming banging matatarik sa ating bansa.

3.3 Pang-angkop na g – ginagamit kung ang salitang durugtungan ay nagtatapos sa titik na n.

7. PANG-URI – Ang pang-uri ay isang bahagi ng pananalita na binabago ang isang pangngalan,
karaniwang sinasalarawan nito o ginagawang mas partikular ito. Ang pang-uri ay nagbibigay ng turing sa
isang pangngalan o panghalip.
Halimbawa:

 Matamis ang inihaing mangga ni Aling Ising.


 Napakaganda nga ng bistidang iyan!
 Siya ay higit na matalino kaysa sa kanyang kuya.
 Ang sasakyan ay kulay pula.
 Libu-libong tao ang dumagsa sa pagtitipon.

8. PANG-ABAY - Ang Pang-abay ay bahagi ng pananalitang nagbbibigay turing sa pandiwa, pang-uri, o


kapwa pang-abay. Ang mga pang-abay ay nagsasabi ng kung paano, kalian, saan at gaano.

URI NG PANG-ABAY:

1.1 Pang-abay na Pamaraan – tumutukoy ito sa paraan kung paano ginawa ang isinasaad na aksyon ng
pandiwa.

Halimbawa:

Taimtim na pinakinggan ang kanyang awitin hanggang sa huling nota.

2.2 Pang-abay na Pamanahon - tumutukoy ito sa panahon kung kalian naganap ang isinasaad na aksyon
ng pandiwa.

Halimbawa:

Agad napalalambot ng musika ang isang matigas na kalooban.

3.3 Pang-abay na Panlunan – tumutukoy ito sa pook na pinagganapan ng aksyong isinasaad ng pandiwa.
Sumasagot ito sa tanong na saan.

Halimbawa:

Umawit si Nelsa sa isang amateur singng contest sa radio.

4.4 Pang-abay na Pang-agam - nagsasaad ito ng pag-aalinlangan at walang katiyakan.


5.5 Pang-abay na Panggaano - tumutukoy ito sa bilang o dami ng isinasaad ng pandiwa. Sumasagot ito
sa tanong na gaano o ilan.

Halimbawa:

Kaunti ang sumali sa paligsahan ng pagtakbo.

6.6 Pang-abay na Panang-ayon - ito ay nagsasaad ng pagpapatotoo o pagsang-ayon.

Halimbawa:

Opo, mahusay sumayaw si Gabby.


7.7 Pang-abay na Pananggi – nagsasaad ito ng pagtutol o di pagsang-ayon.

Halimbawa:

Ayaw siyang tantanan ng palakpak ng mga tao.

8.8 Pang-abay na Panulad - ito ay ginagamit sa pagtutulad ng dalawang bagay.

Halimbawa:

Higit na magaling sumayaw si Anna kaysa kay Nena.

9. PANTUKOY - Ang pantukoy ay katagang ginagamit sa pagtukoy sa tao, bagay, lunan o pangyayari. Ito'y
nahahati sa dalawang uri.

1.1 Pantukoy na Pambalana – tumutukoy sa mga pangngalang pambalana ang, ang mga, mga

 ang (isahan)

Halimbawa: Ang pinuno ay palaging naglilingkod sa kanyang mga nasasakupan.

 ang mga (maramihan)

Halimbawa: Nagtulung tulong ang mga mag-aaral sa paggawa ng collage.

 mga (maramihan)

Halimbawa: Ang pinuno ay tinulungan ng kanyang mga tagasunod.

2.2 Pantukoy na Pantangi - tumutukoy sa pangngalang pantangi (tiyak na tao) si, sina, ni, nina, kay, kina

 si (isahan)

Halimbawa: Si Gng. Roa ay isang mabuting guro.

 sina (maramihan)

Halimbawa: Nanguna sa paglilinis ng baranggay sina G. at Gng. dela Cruz.

 ni (isahan)

Halimbawa: Napagalitan ni Coach Gab ang mga manlalaro dahil hindi sila dumating sa oras.

 nina (maramihan)

Halimbawa: Hindi ikinatuwa ng guro ang pag-aaway nina Elsa at Luis.

 kay (isahan)
Halimbawa: Ibinahagi ni Sofia ang kanyang panghimagas kay Sam.

 kina (maramihan)

Halimbawa: Nakipagkasundo na si Elai kina Juan at Pedro.

10. PANGAWING - Ang pangawing ay nagpapakilala ng ayos ng mga bahagi ng pangungusap.

Ang AY ay palatandaan ng ayos ng pangungusap. Ibinabadya nito ang karaniwang ayos


pangungusap. Ang una ang panag-uri sa paksa ay nilalagyan ng pagbabago.

Palataandaan ito na inilipat ng posisyon ang bahaging paksa ng pangungusap. Ito ay pang-
dugtong sa mga pangungusap na di-karaniwang ayos

Halimabawa:

Ako ay galing sa banyo.

You might also like