Research in Fil. KABANATA 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Introduksyon

Sa kasalukuyang panahon, maraming uri ng karamdaman o sakit ang

maaaring magkaroon ang isang tao. Ang iba sa mga ito ay normal lamang dahil sa

pabago-bagong klima at panahon. Ngunit hindi lamang ito pampisikal, mayroon ding

pang-kaisipan na lubos na makakaapekto sa pang araw-araw na buhay ng sinumang tao sa

mundo. Mga may kaugnayan sa hinahanarap sa buhay tulad ng pang-akademikong buhay na

kasabay ng mga maraming intindihin, at matataas na ekspektasyon na hinihingi ng mga taong

nakapaligid bukod pa ang kanilang pansariling mga kagustuhan; at pangangailangan na

maaaring makapagdahilan ng depresyon lalo na sa mga kabataan.

Ang Depresyon ay isang karamdamang pang-kaisipan na kung saan ang tao

ay nakararanas ng labis na kalungkutan at pabago-bagong pag-iisip ng utak dahil sa

pabago-bagong hormones na tinatawag na neurotransmitters ng isang tao. Ito ay

nakapipinsala sapagkat maaari itong makasira ng pamumuhay, koneksyon sa pamilya, at

pakikitungo sa mga kaibigan. Maraming iba’t ibang sintomas ang nauugnay sa depresyon. Ang

iba ay nakararanas ng ilan lamang sa mga ito at ang iba naman ay halos maranasan ang lahat

nito. Ang mga sintomas na maaaring makita rito ay ang pagkawalang gana o pagkawalang

interes sa mga gawaing ginagawa naman palagi, kawalan ng pag-asa, hindi makatulog nang

ayos o kung minsan ay labis kung matulog, parating pagod ang pakiramdam ngunit wala

namang masyadong ginawa buong araw, hirap sa pagdedesisyon o pagcoconcentrate, at

nakaiisip ng tungkol sa kamatayan o pagpapakamatay. Marami ang tumutingin dito na isa

lamang itong simpleng sakit sa kaisipan at hindi gaanong binibigyan ng halaga ng karamihan
Dahil ang iba ay hindi pa nakararanas ng ganoong sitwasyon at basta na lamang nilang

husgahan ang mga taong nakararanas nito.

Hindi basta-basta na makikita lamang sa pampisikal na kaanyuan at ekspresyon

ng mukha ang taong nakararanas ng depresyon na tila bang gumagamit lamang sila ng

maskara upang matakpan ang mga nasa saloobin at damdamin nito. Makikita silang nakangiti

at nagpapasaya ng ibang tao ngunit hindi natin nalalaman na may kondisyon na palang

kinakaharap at tinatago ang taong iyon. Maaaring dulot ito ng sobra-sobrang stress tulad ng

problema sa pamilya, problema sa pagkatuto lalo na kapag nadama ng isa ay nilalayuan siya

dahil dito, at ang kung ang mga anak ng magulang ay isang honor student, sobrang taas ng

inaasahan sa kanila ng kanilang mga magulang pati na rin ang kanilang mga guro kaya minsan

ang mga bata ay napupuwersa at nangangailangan ng mas mataas na pagkukunan ng

kaalaman. Dumarami ang bilang ng kabataan ang nakararanas ng depresyon sa panahon

ngayon.

Higit na nakakaapekto ang depresyon sa mga pagganap ng mga estudyante

sa paaralan at siya pang nagiging dahilan ng pagbagsak ng asignatura ng isang estudyante,

ngunit nagiging sanhi rin ng depresyon ang kawalan ng gana sa pag-aaral sapagkat sa oras na

sila ay nakararanas ng depresyon, kasabay nito ang pagbabago na pisikal na anyo at

naaapektuhan din ang mga emosyonal at spiritual na aspeto sa kanilang buhay. Idagdag pa

ang mga taong nakapaligid dito. Nawawalan din sila ng lakas ng loob upang gumawa ng mga

bagay na kaugnay sa pag-aaral. Napapaligiran ng mga taong may mga masasamang

intensyon. Dahil sa inggit na taglay, nagagawang mambully ng iba sa iba’t ibang paraan.

Maaaring pisikal, sikolohikal, o gamit ang internet (cyberbullying) na puwedeng makakababa

ng pag tingin at kumpyansa sa sarili ng isang estudyante.


Sa kasalukuyan, marami nang naitalang mga insidente ng pagpapatiwakal o

suicide ng mga kabataan sa ating bansa. Ayon sa datos ng 2015 na mula sa Global Burden

Disease Study, ang bilang ng nagpapatiwakal o suicide sa Pilipinas ay umaabot sa 1.9 na

milyon para sa kababaihan, 5.8 milyon para sa kalalakihan at 3.8 milyon para sa parehong

kasarian kada 100,000 sa buong populasyon. 2.6 milyong kaso ng depresyon dito sa Pilipinas

(salinsawikangFilipino;https://cnnphilippines.com/life/culture/2019/02/26/suicide-discourse.htm

l). Ang pambu-bully ang isa sa malaking dahilan na kung saan nakapagtutulak sa mga

kabataan na gawin ito dahil hindi na nila makayanan at ito na lamang ang natatanging

solusyon na kanilang naiisipan dulot ng depresyon. Maaaring humantong sa ganitong

kalagayan kapag hindi ito mapag-uusapan at mabibigyan ng payo. Mas pinipili na lamang ng

kabataang nakararanas ng depresyon na manahimik na lamang sa isang tabi at hindi

nagugustuhang makipag-usap sa iba dahil ang nasa sa kanilang isipan ay hindi lang rin naman

sila matutulungan at maiintindihan ng iba. Kahit sa kanilang mga sariling magulang ay hindi

makapagsabi dahil nandyan ang takot na balewalain lang din ng magulang kapag sila ay

nagpaliwanag o ‘di kaya’t maikumpara pa sila sa karanasan ng kanilang mga magulang.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay sumusuri sa epekto ng depresyon sa mga piling

mag-aaral ng Unibersidad ng Batangas. May mga espesipikong layunin ang pananaliksik na

sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan na gagabay para sa pag-aaral na ito.
1. Ano-ano ang iba’t ibang uri ng depresyon?

2. Paano nakaka-epekto ang depresyon sa mga piling mag-aaral ng Unibersidad ng

Batangas?

3. Ano-ano ang mga paraan upang maiwasan ang depresyon?

4. Ano ang maaaring makuhang benepisyo o pakinabang mula sa pananaliksik na ito?

Depinisyon ng Termenolohiya

Ang mga mananaliksik ay naghanda ng mga kahulugan ng mga pangunahing

terminolohiya upang mas maintindihan ang nais na ipaalam ng pananaliksik na ito.

Depresyon. Isang sakit sa pag-iisip na inilalarawan ng malawakang mababang mood

na sinamahan ng mababang pagtingin sa sarili (nawala ang pagpapahalaga sa sarili), kawalan

ng interes o kasiyahan sa mga normal na nakasisiyang mga gawain.

Hormones. Isang kemikal na inilabas ng isang selula o glandula sa isang bahagi ng

katawan na nagpapadala ng mga mensahe na nakakaapekto sa mga selula sa ibang bahagi

ng organismo.

Asignatura. Lupon ng mga aralin na ginagamit ng mga estudyante upang matuto.

Karaniwan nitong naka-ayos sa paraang magiging madali para sa mag-aaral na maintindihan

ang bawat topic na pinagaaralan.


Stress. Isang uri ng karamdaman na kung saan ikaw ay nahihilo at ito ay

kadalasang nanyayare sa eskewelahan o sa trabaho dahil sa pagod at pagkakulang ng

kumpyansa sa sarili.

Sikolohikal. Isang pang-uri na tumutukoy sa paraan ng pag-iisip ng isang indibidwal

at kung paano ito nakakaapekto sa pagkilos ng isang tao.

Pisikal. Isang aspeto ng isang bagay na nararanasan sa paggamit ng isa sa limang

pandamdam ng tao nang hindi binabago ang kanyang komposisyong kimikal. Ang mga

sumusunod ang mga pangdamdam: hipo, lasa, amoy, tingin, o tunog at sa malawak na

kaisipan, natitiktikan ito ng anumang instrumentong pangsukat.

Magulang. Pumapatungkol ito sa isang ina at ama. Nagpapalaki sa mga anak.

Pang-akademikong buhay. ito ay ang iba’t-ibang gawain na ibinibigay sa loob ng

paaralan upang sanayin ang mga estudyante at subukin ang kanilang kakayahan.

Kabataan. nangangahulugan at tumutukoy sa pangkalahatng mga bata na nakatira

sa isang lupain. Ito ay maaaring tumukoy din sa mge menor de edad. Kung saan

nangangailangan pa ng matinding pagpapatnubay mula sa mga kanilang magulang o mga

may-gulang na mga kasama.

Pagpapatiwakal o suicide. Ang sadyang pagkitil ng isang tao sa sariling buhay at

naaayon sasariling kagustuhan. May maliwanag na intensiyon ang isang tao sa pagtatapos ng

kaniyangbuhay.

Honor Student. Pagkakaroon ng karangalan o pangunguna sa klase.

Ekspektasyon. Isang pangyayari na hinahangad o gustong mangyari.


Problema. Isang sitwasyon o kaganapan sa buhay na maaaring nahihirapan ang

isang tao.

https://brainly.ph/question/add?entry=1613

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakasentro sa pagtalakay ng epekto ng Depresyon sa

mga piling mag-aaral lamang ng Unibersidad ng Batangas. Saklaw rin ng pag-aaral na ito ang

pagtukoy sa iba’t ibang uri ng depresyon, opinyon ng mga respondente at ang magiging

pakinabang nito sa mga mag-aaral na nasa ika-siyam at ika-sampung baitang ng Unibersidad

ng Batangas.

Hindi saklaw ng pananaliksik na ito ang iba pang impormasyon na hindi kaugnay

sa nasabing paksa at ibang pang antas ng Unibersidad ng Batangas maliban sa ika-siyam at

ika-sampung baitang.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay maaaring makatulong sa mga sumusunod:

Mag-aaral. Nakatutulong ito sa kanila upang lalong mapalawak at mahubog ang

kanilang kaalaman tungkol sa nasabing paksa. Makatutulong rin ito upang mabuksan ang

kanilang kamalayan bilang mag-aaral.


Guro. Upang magabayan at matulungan ang mga mag-aaral sa paggawa ng

pananaliksik. Maaari nila itong gamitin sa kanilang mga pagtuturo bilang isang reperensya.

Magulang. Upang maka-isip ng maaaring maipayo at maitutulong sa kanilang

mga anak. Sila ang magbibigay suporta sa paggawa ng kanilang mga anak ng pananaliksik.

Administrasyon. Makatutulong ang pananaliksik na ito sa hinaharap na

sitwasyon. Upang maibahagi sa mga mag-aaral ang kanilang kaalaman ukol dito at magamit

ito nang wasto sa pag-aaral.

Iba pang mga mananaliksik. Upang sila ay magkaroon ng ideya o karagdagang

kaalaman na maaari nilang gamitin sa kanilang pananaliksik.

You might also like