Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Elias

Maria clara

Sisa

Kabanata 23: liwanag at dilim


Madilim–dilim pa nagsigayak na ang mga kabataan, kadalagahan at ilang matatandang
babae na patungo sa dalawang bangka nakahinto sa dalampasigan. Ang mga kawaksing babae ay
mayroong sunung-sunong na mga bakol na kinalalagyan ng mga pagkain at pinggan. Ang mga
bangka ay pinalalamutian ng mga bulaklak, mga iba,t-ibang kulay na kagaya ng gitara, alpa at
tambuli.Si Maria Clara ay kaagapay ang mga matatalik nitong kaibigan na sina Iday, Victorina,
Sinang at Neneng. Habang naglalakad masaya silang nagkukuwentuhan at nagbibiruan. Paminsan-
minsan ay binabawalan sila ng mga matatandang babae sa pangunguna ni Tiya Isabel. Pero, sige
pa rin ang kanilang kuwentuhan.Nag-tigisang bangka ang mga dalaga sapagkat lulubog daw ang
kanilang sinasakyan. Dahil dito,mabilis na lumipat ang ilang kabinataan sa bangkang sinasakyan ng
mga dalagang kanilang pinipintuho. Si Ibarra ay napatabi kay Maria. Si Albino ay kay Victoria.
Natahimik sa pagkakagulo ang mga dalaga .Ang piloto o ang sumasagwan sa dalawang bangkang
para umusad sa tubig ay isang binatang may matikas na anyo,matipuno ang pangangatawan,maitim
tumingin, mahaba ang buhok at siksik sa laman. Ito ay si Elias.Habang hinihintay na maluto ang
agahan. Hinawakan ni Maria Clara ang alpa at umawit ng Kundiman. Baldtdana ay hindi nakaimik.
Bigla naman nagulanta ang mga tao roon sapagkat may narinig silang nakatutulig na ingay: pag ihip
ni Albino sa tambuli Sinabi ni Andeng na nakahanda na ang sabaw para sa isisigang na isda.Ang
mga nagpipiknik ay nasa may baklad na ni Kapitan Tiyago. Ang magbibinatang anak ng isang
mangingisda ay namandaw sa baklad. Ngunit,kaliskis man ng isda ay walang nasalok.Si Leon na
katipan ni Iday ang kumuha ng panalok. Isinalok ito. Ngunit,wala ring nahuling isda. Sinabi na ang
kawalan ng isda sa lawa.Sasagawan ang mga babae na baka mapahamak ito. Pero, pinayapa sila
ng ilang mga kalalakihan sa pagsasabing sanay si Elias na humuli ng buwaya.Ilang saglit lang,
nahuli na ni Elias ang buwaya. Pero higit na malakas ang buwaya, nagagapi si Elias. Dahil dito,
kumuha ng isang punyal si Ibarra at lumundag din sa lawa. Hindi hinimatay si Maria Clara sapagkat
ang mga ‘dalaga noon ay hindi marunong mahimatay.’Biglang umalimbukay ang pulang tubig.
Lumundag pa ang isang anak ng mangingisda na may tangang gulok. Pamayamaya’y lumitaw sin a
Ibarra at ang piloto o si Elias na dahil iniligtas siya ni Ibarra sa tiyak na kapahamakan, utang niya
ang kanyang buhay dito.Natauhan mula sa pagkapatda si Maria ng lumapit sa kanya si Ibarra.
Nagpatuloy ang mga magkakaibigan sa pangingisda at nakahuli naman ng marami. Nagpatuloy sila
sa gubat na pag-aari ni Ibarra. Nananghalian sila sa lilim ng mayatabong na punong- kahoy na
tumutunghay sa batisan.

Kabanata 25: si elias at salome


Pagkaraang libutin ni Ibarra, nagsadya ito sa bahay ni Mang Tasyo. Inabutan niya ito ng
nagsusulat ng heroglapiko sa wikang Pilipino. Abala ito, kaya ninais niyang huwag ng gambalain ang
matanda. Pero napuna nito ng siya ay papanaog na. Pinigilan si Ibarra, Sinbi ni Mang Tasyo na ang
sinusulat niya ay hindi mauunawaan ngayon. Ngunit, ang mga susunod na salin- lahi ay
maiintidahan ito sapagkat ang mga ito ay higit na matalino at malamang hindi nahihimbing sa
panahon ng kanilang mga ninuno.Ipinalagay ni Ibarra na siya ay dayuhan sa sariling bayan at higit
namang kilala si Mang Tasyo ng mga tao.. Kung kaya’t isinangguni niya ang kanyang balak tungkol
sa pagpapatayo ng paaralan. Pero, sinabi ng matanda na huwag siyang sangguniin sapagkat
itinuturing siyang baliw ni Ibarra, at sa halip ay kanyang itunuro sa binata ang Kura, ang kapitan ng
bayan at ang lahat ng mayayaman sa bayan. Ayoon pa rin sa kanya, ang mga taong kanyang
tinutukoy ay magbibigay ng masasamang payo subalit ang pagsangguni ay hiindi nangangahulugan
ng pagsunod. Sundin lamang kunwari ang payo at ipakita ni Ibarrang ang kanyang ginagawa ay
ayon sa mga pinagsangunian.Tinugon ni Ibarra si Mang Tasyo na maganda ang kanyang payo
peero mahirap gawin sapagkat kinakailangan pa bang bihisan ng kasinungalingan ang isang
katotohanan. Maagap na tumugon din ang matanda na higit pa sa pamahalaan ang kapangyarihan
ng isang uldog, nagtagumpay lamang ang binata kung ito ay tutulungan at kung hindi naman. Ang
lahat ng kanyang mga pangarap ay madudurog lamang sa matitgas na pader ng simbahan. Matindi
ang paniniwala ni Ibarra na siya ay tutulungan kapwa ng bayan at pamahalaan.Nagpatuloy na
magkaroon ng tunggalian ng paniniwala sina Mang Tasyo at Ibarra. Ayon pa rin kay Mang Tasyo
ang gobyerno ay kasangkapan lamang ng simbahan. Na ito ay matatag sapagkat nakasandig sa
pader ng kumbento at ito ay kusang babagsak sa sandaling iwan ng simbahan.Sinabi ng binata na
kasiyahan na niyang masasabi ang dipagdaing ng bayan. Ito ay hindi naghihrap tulad ng sa isang
bansa sapagkat dati – rati tinatangkilik tayo ng relihiyon at ng pamahalaan. Pero, sinabi naman ni
Mang Tasyo na pipi ang bayan kaya hindi dumaraing. Katunayan, anya darating ang panahong
magliliwanag ang kadiliman at ang mga tinimping buntunghininga’y magsisiklab. Ang Bayan ay
maniningil ng pautang at sa gayo’y isusulat sa dugo ang kanyang kasaysayan.Ipinaliwanag ng
binata na ang Pilipinas ay umiibig sa Espanya at alam ng bayan na siya ay tintangkilik. Kaya ang
Diyos, ang Gobyerno at ang relihiyon ay di- papayag na sapitin ang araw na sinabi ni Mang Tasyo.
Ikinatwiran naman ng matanda na tunay na mainam ang mga balak sa itaas ngunit hindi natutupad
sa ibaba dahil sa kasakiman sa yaman at sa kamangmangan ng bayan. Sa palagay niya, ang
dahilan ay sapat ang utos ng Hari ay nawawalang silbi sapagakat walang nagpapatupad. Dahil dito,
ang aatupagin ng pamahalaan rito kundi ang magpayaman sa loob lamang ng tatlong taong
panunukungkulan. Sa puntong ito, napuna ni Mang Tasyo na lumalayo na sila ni ibarra sa usapan.
Inungkat muli ni Ibarra ang paghingi niya ng payo. Ang payo ng matanda ay kailangang magyuko
muna si Ibarra ng ulo sa mga naghari-harian.Hindi naatim ni Ibarra ang payo ng matanda at sa halip
ayy sunod-sunod na tanong ang kanyang pinakawalan.(1)Kailangan bang magyuko at
mapanganyaya? (2)Kailangan bang maapi upang maging mabutiing kriistiyano at parumihin ang
budhi upang matupad ang isang layunin? (3)Bakit ako mangangayupapa kung ako ay
nakapagtataas ng ulo?Direkto sa punto naman ang sagot ni Mang Tasyo na “Sapagakat ang lupang
pagatatamanan ninyo ay hawak ng inyong mga kaaway. Kayo ay mahina upang lumaban.
Kailangang humalik muna kayo ng kamay!” Mariing sinalungat naman ni Ibarra ang pahayag na ito
ng matanda sa pagsasabing:”humalik pagkatapos nilang patayin ang aking ama at hukayin sa
libingan. Ako’y hindi naghihiganti sapagakat mahal ko ang aking relihiyon. Ngunit ang ank ay hindi
nakaklimot!”Sa sinabing ito ni Ibarra, Inimungkahi ng matanda na habang buhay sa ala-ala ng binata
ang sinapit ng kanyang ama ay limutin muna niya ang tungkol sa kanyang balak na papapatayo ng
paaralan. Kinakailangang gumawa na lamang siya ng ibang paraan na ikagagaling ng kanyang mga
kababayan. Naunawaan ni Ibarra ang payo ng matanda, pero kailangang gawin niya abng
naipangakong handog sa kasintahang si Maria. Humingi pa si Ibarra ng payo kay Mang
Tasyo.Isinama ng matanda ang binata sa may tabi ng bintana. Ang ibinigay nitong payo ay mga
halimbawa. Itinuro ni Mang Tasyo kay Ibarra ang isang rosas na sa deami ng bulaklak ay yumuyuko
sa lakas ng hangin. Kung ito ay magpapakatigas ng tayo, ang tangkay niya ay tiyak na mababali.
Ang sinunod niyang itinuro ay matayog na puno ng makopa. Dati-rati, anya, ay isang maliit na puno
ang itinanim. Ito ay tinukuran niya ng mga patpat hanggang sa kumapit ang mga ugat nito sa lupa.
Kung ang puno ay itinanim niya ito ng malaki ay hindi mabubuhay sapagkat ibubuwal ng hangin. Ito
ay ipinaparis niya kay Ibarra na parang isang punong inilipat sa isang lupaing mabato mula sa
Europa. Kaya, kailangan nito ang sandalan. Isa pa, hindi kaduwagan ang pagyuko sa dumarating na
punlo. Ang masama ay sumalubosdfng sa punlong iyon, upang hindi na muling
makabangon.Tinanong ng binata kung malilimot ng kura ang ginawa niya. Nag-aalala na baka
pakitang –tao lamang ang pagtulong sa kanya dahil sa ang pagtutujro ay magiging kaagaw ng
kumbwento sa kayamanan ng bayan.Binigyan diin ni Mang Tasyo na hindi man magtatagumpay si
Ibarra, ito ay maroon ding mapapala sapagkat tiyak na may lalabas na bagong pananim mula sa
mga itinanim nito. At ang binata ay magsisilbing isang mabuting halimbawa sa iba na natatakot lang
magsimula. Kinamayan ni Ibarra si Mang Tasyo at sinabing kakausapin niya ang kura na marahil ay
hindi naman kastulad ng umusig sa jkanyang ama. Ipakikiusap din niya sa kura na tangkilikin ang
kaawa-awang balo at ang mga anak. Ilang saglit pa, tuluyang umalis na si Ibarra

Kabanata 45 ang mga nagrerebelde.


sa wakas ay natagpuan ni Elias si Kapitan Pablo sa isang yungib sa kagubatan pagkatapos
ng anim na buwan na hindi pagkikita. May dalawang linggo na rin ang nakalipas nang malaman ni
Elias ang sinapit ng kapitan. Malapit ang loob niya sa matanda at itinuturing niya itong ama. Pareho
rin silang nag-iisa na sa buhay.Sinubukang kumbinsihin ni Elias si Kapitan Pablo na maisama ito sa
mga lupain ng katutubo. Sinabi Niya Na Malayo man ito sa sibilisasyon ay makakapamuhay ng
mapayapa ang matanda at makakalimot sa sinapit ng kanyang pamilya. Tinanggihan naman ito ng
matanda at matiim itong nanindigan na ipaghiganti ang masaklap na nangyari sa kanyang mga anak
sa kamay ng mga dayuhan. Hindi siya matatahimik hanggat hindi nagkakaroon ng katarungan ang
kaawa-awang sinapit ng kanyang pamilya.Tatlo ang anak ni Kapitan Pablo, isang babae at
dalawang lalake. Pinagsamantalahan ng isang alagad ng simbahan ang kanyang anak na dalaga.
Ang isa niyang anak na lalaki ay nag-imbestiga sa nangyari kung kayat nagpunta ito ng kumbento.
Tila nagkaroon naman diumano ng nakawan sa kumbento kung kaya't pinagbintangan ang kanyang
anak na lalaki. Hindi man napatunayan ang nasabing nakawan, hinuli pa rin ito at ibinitin at
nakatikim ng pagpapahirap sa kamay ng mga awtoridad. Hindi tinugon ni Kapitan Pablo ang mga
sigaw ng pagtawag ng kanyang anak sapagkat noon ay mas nanaig ang kanyang kaduwagan at
pagnanais sa mapayapang buhay. Ang kura naman ay hindi man lamang naparusahan kundi inilipat
lamang ng panibagong lugar. Ang isa naman niyang anak na lalaki ay pinaghinalaang maghihiganti.
Sa kasamaang palad, may isang pagkakataon na hindi nito nadala ang kanyang sedula kung kaya't
hinuli ito ng mga sibil. Pinahirapan din ito at ng hindi na makayanan ay kinitil nito ang sariling
buhay.Kung kaya para kay Kapitan Pablo, wala nang mahalaga sa kanya kundi ang ipaghiganti ang
sinapit ng kanyang mga anak. Lulusob sila sa bayan sa tamang oras, kasama ng iba pang mga
kapus-palad na pinag-uusig ng pamahalaan. Lubos naman itong nauunawaan ni Elias, kaya't ang
simpatya niya ay nasa matanda. Minsan na ring hinangad ni Elias ang paghihiganti, ngunit sa
kagustuhang wala ng madamay pa sa kanyang paghihiganti, kinalimutan na lamang niya ito. Ayon
kay Kapitan Pablo, madali itong gawin para kay Elias sapagkat magkaiba naman sila ng sinapit. Si
Elias ay bata pa at walang namatay na mga anak. Pinangakuan naman niya si Elias na walang
madadamay na inosente sa gagawin nilang paghihiganti.Isinawalat din ni Elias kay Kapitan Pablo
ang naging pagkikita at pagkakaibigan nila ni Ibarra. Ikinuwento rin nito ang mga katangian ni Ibarra
at ang pang-aaping sinapit ng pamilya nito sa kamay ng pari. Sinabi nito kay Kapitan Pablo na
makakatulong si Ibarra sa pagpapa-abot sa Heneral tungkol sa mga hinaing ng bayan. Sumang-
ayon naman ang matanda at malalaman niya ang resulta ng pakikipag-usap ni Elias kay Ibarra
tungkol dito pagkatapos ng apat araw. Ang mga tauhan ng Kapitan Pablo ang kakatagpuin ni Elias
upang maipag-bigay alam sa matanda ang sagot ni Ibarra. Kapag sumang-ayon si Ibarra,
magkakaroon ng katarungan ang kanilang mga hinaing at kung hindi naman, nangako si Elias na
sasama sa kanilang layunin.”

Kabanata 49: tinig ng pinaguusig


Nang sumakay si Ibarra sa bangka ni Elias, waring ito ay hindi nasisiyahan. Kaya,kaagad na
humingi ng paumanhin si Elias sa pagkagambala niya sa binata. Sinabi ni Ibarra ang dahilan,
nakasalubong niya ang alperes at gusto nitong muli na magkausap. Dahil nag-aalala siya ng makita
si Elias, nagdahilan na lamang siya. Naalala rin niya ang balak niyang dalawin si Maria.Sa Bangka
ay hindi na nagpaligoy-ligoy si Elias.Sinabi ni Elias na siya ang tinig ng mga sawimpalad. Si Kapitan
Pablo na puno ng tulisan na ang pangalan ay hindi niya binanggit ay humihingi ng pagbabago sa
pamahalaan tulad ng paglalapat ng katarungan, pagbibigay ng dignidad sa mga tao, at pagbawas ng
kapangyarihan sa mga guwardiya sibil na nagiging dahilan ng kanilang pag-aabuso sa karapatang
pangtao..Handa si Ibarra na gamitin ang pera upang humingi ng tulong sa mga kaibigan niya sa
Madrid at pati sa Kapitan Heneral pero iniisip niya na sa halip makabuti ay baka lalong makasama
ang kanilang balak.Sinabi ni Ibarra na upang magamot ang sakit, kailangang gamutin ang sakit
mismo at hindi ang sintomas lang. Kapag malala na ang sakit, kung kailangan ang dahas para ito ay
masgpo ay kailangang ilapat ang panlunas kahit na mahapdi.Nagdebate sila sa buting nagawa ng
simbahan at ang sanhi ng panunulisan ng mga tao.Hindi napapayag ni Elias si Ibarra sa kaniyang
pakiusap sa binata kaya sinabi nitong sasabihin niya sa mga sawimpalad na umasa na lang sa
Diyos.
Kabanata 52: ang mga tao sa libingan.
Madilim ang gabi at malamig ang ihip ng hangin pumapaspas sa mga dahong tuyo at alikabok
ng makipot ng daang patungo sa libingan. May tatlong anino na paanas na naguusap sa ilalim ng
pinto ng libingan. Itinanong ng isa kung nakausap na niya ng kaharap si Elias. Hindi raw pero
siguradong kasama ito sapagkat nailigtas na minsan ni Ibarra ang buhay nito. Tumugon ang unang
anino na ito nga ay pumayag na sumama sapagkat ipapadala ni Ibarra sa Maynila ang kanyang
asawa upang ipagamot. Siya ang sasalakay sa kumbento upang makaganti siya sa kura. Binigyang
diin naman ng ikatlong anino na kasama ng lima lulusob sila sa kwartel upang ipakilala sa mga sibil
na kanilang ama ay may mga anak na lalaki. Isa pa, sinabi ng alila ni Ibarra na sila ay magigng 20
na katao na. Saglit na huminto sa pagaasanan ang mga anino nang mabanaagan nilang may
dumarating na isang anino na namamaybay sa bakod.Pagdating sa lugar ng tatlo, nagkakilala sila.
Ipinaliwanag ng bagong dumating na anino na sinusubaybayan siya kaya’t naghiwa-hiwalay na sila
at tinagubilinan ang mga dinatnan ng kinabukasan ng gabi nila tatanggapin ang mga sandata
kasabay ng sigaw na "Mabuhay Don Crisostomo"! ang tatlong anino ay nawala sa likod ng pader.
Ang bagong dating naman ay naghintay sa sulok ng pintuan.Nang dumating ang ikalawang anino,
namasid ito sa kanyang paligid. Umaambon palibhasa, sumilong ito sa pintuan kaya’t nagkita sila ng
unang sumilong. Naisipan nilang magsugal at kung sinuman ang manalo sa kanila ay maiiwan
upang makipagsugal sa mga patay. Pumasok sila sa loob ng libingan at sa ibabaw ng punto ay
umupong magkaharap upang magsugal. Ang mataas sa dalawa ay si Elias at ang may pilat sa
mukha ay si Lucas. Nagsimula na silang magsugal sapagkat sa isang tao lamang ang
nakikipagpagsugal ang mga patay. Natalo si Elias kaya umalis itong hindi kumikibo. Nilamon siya ng
kadiliman .Nang gabing iyonn dalawang sibil ang naglalakad sa tabi ng simbahan. Pinaguusapan
nila ang tungkol sa paghuli kay Elias sapagkat sinumang makahuli rito ay hindi mapapalo sa loob ng
tatlong buwan. Nakasalubong nila si Lucas at itinanong kung saan ito pupunta. Sa simbahan
papunta si Lucas Upang magpamisa, sabi niya sa 2 sibil. Pinabayaan nila sapagkat ayon sa alperes
walang pilat si Elias. Ilang saglit lamamg, si Elias mismo ang nakasalubong ng mga sibil. Dinala siya
sa liwanag upang kilalanin. Sinabi ni Elias na hinahabol niya ang lalaking may pilat sapagkat siyang
bumugbog sa kanyang kapatid. Ang mga sibil ay patakbong nagtungo sa simbahang pinasukan ni
Lucas. Agad na hinawakan ni Crisostomo ang pisngi ni Elias at ng walang sabi sabi ay hinalikan ni
Crisostomo si Elias sa labi. Namula si Elias dahil sa pag kakagulat pero ito ito ay nagustuhan nya
din. Agad silang nag espadahan. Di nila alam na nanonood si Padre Damaso at ginaya nila ito ni
Padre Salvi
Kabanata 54: ang lihim na nabunyag

You might also like