Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 43

De La Salle University - Dasmariñas

ANG INVESTMENT FRAUD SA KASALUKUYANG PANAHON AT

EPEKTO NITO SA MGA KARAPATAN NG MGA TAONG NAGNANAIS

MAMUHUNAN

Isang Masusing Pag-aaral


na Iprinisenta sa Departamento ng Filipino
ng Pamantasan ng De La Salle Dasmariñas

Bahagyang Katuparan ng Gawain sa


Asignaturang Filipino

Isinumite nina:
Carañagan, Kiara Marie
Dacillo, Quennie Cyril
Perez, Kristine Anne
Remulla, Angelika Cenn
BSA12

Isinumite kay:
Gng. Jasmin P. Medellin
De La Salle University - Dasmariñas

PASASALAMAT

Ang pag-aaral na ito ay hindi maisasakatuparan kung hindi sa mga taong naging

parte at nakikoopera sa aming pananaliksik. Kaya naman taos puso kaming

nagpapasalamat sa lahat ng suporta at nagbigay ng lakas ng loob sa amin upang

mapagtagumpayan ang pag-aaral na ito.

Nagpapasalamat kami sa aming guro sa asignaturang ito dahil siya ang nagbigay

sa amin ng impormasyon at mga suhestiyon upang maging epektibo ang aming

pananaliksik. Siya rin ang gumabay at nagtama sa mga maliliit na kamalian at di-

angkop na pamamaraan.

Labis din kaming nagpapasalamat sa aming mga kamag-aral na nagtiyagang

magsagot ng aming mga inihandang sarbey. Bukod dito, nagpapasalamat din kami

sa kanila sa pagbibigay nila ng kaunting oras para mahagilap namin ang aming

mga datos na nais maabot.

Buong puso ring pasasalamat ang iniaabot namin kay Bb. Mary Anne Medina, na

siyang hiningian namin ng panayam upang mas maging katiwa-tiwala at

maaasahan ang maging resulta ng aming pag-aaral. Ipinagpapasalamat din namin

sa kanya ang paglalaan niya ng kanyang oras upang kami ay matulungan at

masuportahan sa pananaliksik na aming isinagawa.


De La Salle University - Dasmariñas

Isa rin sa mga gusto naming pasalamatan ay ang aming mga pamilya. Sila ang

nagtustos at naglaan ng aming mga pangangailangang pinansyal. Sila din ang

nagsilbing inspirasyon at gabay namin simula hanggang sa dulo nitong aming

pag-aaral.

Ang pinakamataas na papuri at pasasalamat ay inihahandog namin sa ating

makapangyarihang ama. Ang lahat-lahat simula sa pinaka maliit hanggang sa

pinaka malaking bagay na ginamit sa pag-aaral na ito ay ipinagkaloob ng ating

Diyos. Siya ang nagbigay sa amin ng lakas, talino, tiyaga at pasensya upang

malagpasan namin ang bawat suliranin na hinarap ng aming grupo sa pananaliksik

na ito. Kung kaya naman, aming ibinabalik ang lahat ng kanyang mga papuri sa

pamamagitan ng pag-aalay nitong pag-aaral na ito sa kanya.


De La Salle University - Dasmariñas

TALAAN NG NILALAMAN
De La Salle University - Dasmariñas

ABSTRAK
De La Salle University - Dasmariñas

INTRODUKSYON

A. KALIGIRAN

Katotohanang masasabi na ang pera ay katuwang at isang malaking isyu

na sa buhay ng mga tao. Sa praktikal na pananalita, maituturing na ang

pangunahing pangangailangan ng mga tao ay ang salapi sapagkat kung wala nito

ay hindi magiging madali ang pamumuhay ng bawat indibidwal. Ayon sa blog ni

Lasker (2012), ang pagkakaroon ng pera ay nagbibigay sa mga tao ng karapatan

na makatanggap ng bagay o mga bagay na kasing halaga nito. Sa madaling salita,

ang pera ay ginagamit upang makabili ng mga bagay na kasing halaga ng perang

mayroon ang mga tao. Ilan sa mga bagay na ito ay ang pang-araw-araw na

pangangailangan tulad ng pagkain, pambayad sa kuryente at tubig, pambili ng

mga gamit at mga di inaasahang pagkakagastusan. Ang mga bagay na ito ay

nagiging dahilan upang maglabas ang mga tao ng salapi. Kung hindi magiging

matalino ang mga tao sa paggamit ng kanilang pera ay maaaring maubos ito sa

mga walang saysay na bagay.

Dahil sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin at unti-unting pagliit ng halaga

ng pera, maraming tao ngayon ang gumagawa ng paraan upang magkaroon ng

limpak-limpak na salapi. Kadalasang iniisip at pinagkakaabalahan nila ay kung

paano mapapayaman ang kaunting pera na mayroon sila. Kung kaya naman sila’y
De La Salle University - Dasmariñas

sumusulong sa tinatawag na pamumuhunan o investment sa Ingles. Base sa isang

Investopedia Staff (2016) na sumulat ng artikulo patungkol sa investment, ang

pamumuhunan ay pagbibigay ng pera o kapital sa isang negosyo at umaasang

maibabalik ito nang may doble o higit pang halaga. Samantalang ayon naman kay

Cayabyab (2012), ang pamumuhunan ay ang paggamit ng naimpok na salapi at

naipundar na ari-arian para mapalago ang kita. Samakatuwid, isa sa mga pinaka-

epektibong paraan ng pagkita ng pera ang pamumuhunan sapagkat ang salapi na

pinuhunan ay siyang magtratrabaho para sa mga taong namuhunan. Sa ganitong

istilo, hindi na kailangan pa ng mga namumuhunan na umalis sa kanilang mga

bahay upang kumita ng pera sapagkat ang halaga ng pera na ibinigay nila ay

tataas depende sa napagkasunduang haba ng taon at laki ng porsyento. Dahil sa

ideya ng pamumuhunan, ang simpleng pag-iimpok ng maliit na halaga ay

nakakatubo na ng malaking balik. Sa hirap ng buhay ngayon ay hangad ng tao ang

kaalwanan sa pamamagitan ng pagsabak sa mga bagay tulad ng pamumuhunan.

Subalit kalakip ng kagandahan ng pamumuhunan ay may ilang panganib ring

dapat isaalang-alang sapagkat may posibilidad na mawala ang inilagak na salapi

maging ang inaasahang kita nito.

Hindi maiiwasan na sa sobrang pagkasabik ng mga tao na kumita ng

malaking pera ay sumasalang sila sa isang negosyong walang kasiguraduhan at

nakikipagsapalaran kahit limitado ang kaalaman. Kung kaya naman hindi lahat ng

namumuhunan ay maituturing na mapalad dahil ang iba ay lalong nalulubog sa


De La Salle University - Dasmariñas

kahirapan at humihingi ng saklolo sa pamahalaan. Sila ang mga taong biktima ng

Investment Fraud. Ayon sa aklat na Contouring Fraud For Competitive

Advantage nina Mark Button at Jim Gee, ang Fraud ay isang krimen kung saan

ang pangunahing modus nito ay ang manantala ng kapwang may kakaunting

kaalaman sa isang bagay. Samakatuwid, ang Investment Fraud ay ang tahasang

pandaraya sa pamamagitan ng pagbibigay ng maling impormasyon sa

pamumuhunan na nagbubunga ng lalong pagkalugi ng isang tao. Sangkot dito ang

isang kumpanya o organisasyon sa isang iligal at hindi makatarungang gawain

kung saan madaling nilang napapalaki ang kanilang sitwasyong pinansyal pati na

rin ang kanilang share price na hindi naman bumabalik sa taong namuhunan.

Madaming klase ng negosyo kung saan maaaring mamuhunan ang mga tao at ang

ilan sa mga ito ay ang stocks at bonds subalit mas magiging epektibo ang pagkita

ng pera kung may matalinong pag-iisip at sapat na kaalaman ang mga

mamumuhunan.

Sa kasalukuyang panahon, masasabing ang Investment Fraud ay isa ng

talamak at suliraning panlipunan. Ayon sa artikulong isinulat ni Benjamin B.

Wager (), isang abogado sa Eastern District ng California, sa panahon ng

pagkapilay ng ekonomiya, lalong tumataas ang bilang ng kaso ng mga taong

nabibiktima ng Investment Fraud. Ito ay marahil na din sa lalong pagbaba ng

antas ng pamumuhay ng mga tao. Dahil sa hindi masugpong kahirapan ay

nagagawa ng mga tao ang lokohin at samantalahin ang ibang mga tao sa
De La Salle University - Dasmariñas

pamamagitan ng mapanlinlang na mga salita at taliwas na detalye tungkol sa

pamumuhunan. Nabanggit ng Seniors Against Investment Fraud (2001), mula sa

Kagawaran ng Korporasyon sa California, sa kanilang ginawang booklet na sa

panahon ngayon ay ang mga matatanda ang pangunahing pakay ng mga

panlilinlang at pandaraya sa pamumuhan sapagkat kalimitan ay mayroon silang

tinatawag na “nest egg”, may sariling tahanan, maayos ang kanilang mga credit

cards at pinapalagay na bukas at madaling magtiwala. Sa isang artikulo ng

Philippine Daily Inquirer na isinulat ni Doris Dumlao-Abadilla noong ikalima ng

Nobyembre taong 2015, sinasabing isa sa bawat isang-daan na Pilipino ay

nabibiktima ng mga pandaraya sa pamamagitan ng pag-akit sa mga tao sa mga

investment na may malaking balik sa loob lamang ng maikling panahon. Higit

kumulang dalawamput-limang bilyon ang halaga ng mga perang nawala dahil sa

investment fraud. Nakalahad din sa artikulong ito ang panayam ng manunulat kay

Lalaine Monserate, assistant director na tagapamahala sa imbestigasyon at

pagpapakulong sa Securities and Exchange Commision (SEC), na nagsasabing

ang pinakakaraniwang uri ng pandaraya ay ang “Ponzi” at “Pyramiding” na

pamamaraan. Binanggit din ni Monserate na ayon sa record ay isang milyong mga

Pilipino ang naging biktima ng mga pandarayang ito. Ang bilang na ito ay

katumbas na ng isang porsyento sa pangkalahatang populasyon ng Pilipinas.

Ayon din sa parehas na artikulo, dalawa sa naglalakihang grupo ng investment

fraud sa Pilipinas ay ang Performance Investments Products Corp. (PIPC) at


De La Salle University - Dasmariñas

Aman Futures Group na nakakuha na ng labing-dalawang milyon sa investments.

Samakatuwid, hindi maikakaila na lalong tumataas ang bilang ng naglalabasang

modus ng investment fraud.

Sa patuloy na pagtaas ng krimeng ito sa bansa, ang Security Exchange

Commision o SEC ay patuloy ding gumagawa ng pamamaraan upang

maparusahan ang mga taong sangkot sa mga pandaraya at makapagbigay ng sapat

na proteksyon sa mga taong susulong sa pamumuhunan. Sa isang pahayag ng

SEC na inilathala ng money max, noong ika-pito ng Setyembre taong 2015,

idineklara ng SEC na hindi sila mag-aatubiling ipanawagan nang buong lakas ang

batas sa pamamagitan ng pagbibigay ng parusa at pagfafayl ng kriminal na

paratang laban sa mga taong gagawa ng investment fraud. Ang gobyerno din ay

nagpapatupad ng mga batas upang masugpo ang ganitong uri ng krimen. Isa na

dito ang Consumer Act of the Philippines; Article 2: Declaration of Basic Policy

kung saan ang patakaraang ito ay naglalayong protektahan ang interes ng mga tao,

paunlarin ang kanilang pangkalahatang kapakanan at magtatag ng mga

pamantayan ng pamamahala sa negosyo at industriya. Samantala, ang grupo

naman Anti-Fraud and Commercial Crimes Unit o AFCUU ang ahensya ng

pulisya na responsable sa pagmamasid, paniniktik, operasyon at pagsisiyasat ng

mga krimeng may kinalaman sa pagsasabotahe ng ekonomiya, pangkalakal at iba

pang iligal na gawaing konektado dito.


De La Salle University - Dasmariñas

Napili ito ng mga mananaliksik bilang paksa ng gagawing pag-aaral

sapagkat nais ng mga mananaliksik na lalong lumago ang kanilang kaalaman

patungkol sa isyu ng investment fraud na madalas makita sa mga balita sa

telebisyon o di kaya ay sa mga pahayagan. Gusto rin ng mga mananaliksik na

malantad ang mga tagong detalye ng isyung ito upang makatulong sa pagbibigay

ng solusyon sa problema ng lipunang kanilang kinabibilangan. Maituturing na

makabuluhan ang paksang ito para sa mga mananaliksik sapagkat hindi ito

pangkaraniwang paksa na madalas ng ginagamit sa pag-aaral. Sa pamamagitan ng

paksang napili ng mga mananaliksik ay lumalawak ang kanilang kamalayan sa

paligid at lalo nahahasa ang kanilang kritikal na pag-iisip at pagtingin sa mga

bagay-bagay.

Mahalagang pag-aralan ang mga ganitong uri ng paksa sapagkat ito'y

magsisilbing gabay sa lipunan upang sila ay makaiwas sa mga malubhang

sitwasyon tulad ng fraud. Dahil sa pag-aaral na ito, ang mga kabataang nasa

kolehiyo pa lang ay nagkakaroon na ng karunungan tungkol sa pamumuhunan at

sa darating na panahon ay makakaiwas na sila mula sa panloloko ng mga tao. Sa

pamamagitan din ng pag-aaral na ito ay nagkakaroon ang mga mananaliksik ng

mga bagong karanasan tulad ng pakikipag-usap at pakikisalamuha sa ibang mga

taong hindi nila karaniwang nakakasama. Dahil din sa kanilang ginagawang

pananaliksik ay nagiging bukas sila sa mga bagay tungkol sa paksa nang higit pa

sa normal na diskusyon at talakayan na nagaganap sa pagitan ng guro at mag-


De La Salle University - Dasmariñas

aaral sa loob ng silid-aralan. Dagdag pa rito, ang pag-aaral na ito ay nagnanais na

imulat ang diwa at kaisipan ng mga namumuhunan at mamumuhunan upang hindi

sila mabiktima ng mga pamanlinlang na sindikato ng pandaraya.

Sa kabuuan, ang mga dahilan sa pagpili ng paksa at mga kahalagahan ng

paksa sa pag-aaral, na nabanggit sa itaas ay maingat na isinaalang-alang ng mga

mananaliksik upang lalong maging kapaki-pakinabang ang buong proseso ng

pananaliksik.

Ayon kay Joel M. Ajero, Industrial and Corporate Security Management

(2014) ang mga pagsisiyasat sa seguridad (Security Surveys) ay nagreresulta ng

maganda o malaking tubo sa pamumuhunan. Maaring hindi nakakakitaan ng

malalaking progreso ang security survey ngunit masisiguro namang nagbibigay

ito ng maliliit na progreso sa loob lamang ng maikling panahon. Kahit na

nakasisiya ang pagkakakilala at pag intindi sa mga miyembro ng theft ring, mas

mabuti pa rin kung mapipigilan o mababawasan ang mga pagkakataon na

nagpapahintulot sa mga nakawan at pinsala sa mga ari-arian at manggagawa. Ang

mga propesyonal din sa seguridad ay naniniwala na ang pagsisiyasat sa seguridad

ay nagbibigay ng pinakamalaking kita sa pamumuhunan sa kahit na anong

organisasyon.

Ayon kay Andrew A. Lanyl, Confessions of a Stockbroker (1992), likas na

sa mga tao na gustuhing mamili tuwing sila ay masaya at magbenta kapag sila
De La Salle University - Dasmariñas

naman ay nalulungkot o nawawalan ng pag-asa. Karamihan sa mga tao ay

namumuhunan sa pamamagitan ng kanilang napagpasiyahang desisyon o dahil

lamang sa kanilang hinala. Hindi ito ang kanilang sinasabi, bagkus ito ang

kanilang ginagawa. Lahat ng tao ay nagsasabi na gusto nilang bumili ng mga

murang stocks at ipagbili ang mga ito sa mas mataas na halaga. Ngunit ito lang

ang masasabi ko bilang isang ahente (broker) na nagkaroon na ng pagkakataon na

makasalamuha sa napakaraming uri ng kliyente, sa totoong buhay, maraming tao

ang hindi makatanggi sa mga taong namimilit kaya nahahantong sila sa pagbili.

Ayon kay Dr. Gerald L. Kovacich, Fighting Fraud (2008), ang Consumer

Protection Law ay ginawa upang maprotektahan ang mga uto-utong mamimili na

mabilis maloko. Ang katunayan na ang maling payahag ay maaaring makita agad-

agad na mali ng isang sinanay at may karanasan ay hindi mababago ang kanyang

karakter o hindi rin mawawala ang kanyang kapangyarihan upang malinlang ang

mga kulang sa karanasan. Ang ating mga batas ukol sa pagprotekta ng mamimili

ay pinatupad upang maprotektahan ang mga mamamayan, ang mga naniniwala at

walang kaalaman na maihahalintulad sa isang lobo sa daigdig ng pagnenegosyo

na nagbabalat-kayong tupa.

Ayon kila Alan F. Westlin & Stephan Salisbury, Individual Rights in the

Corporation (1980), kung hindi tayo makikialam, nagpapahiwatig lang na wala


De La Salle University - Dasmariñas

tayong pakialam sa realidad, sa problema, at sa daigdig ngayon. Ang integridad

ay di gaanong impraktikal na nosyon na pinapangarap ng isang walang alam na

"do-gooders". Ang integridad ay ang pundasyon at pinakabasehan ng abilidad

upang gumawa ng negosyo. Kung ang ekonomiya ng merkado ay bumaba, ang

pangunahing kalaban - sosyolista sa ekonomiya at mga tagaayos sa gobyerno - ay

di dapat sisihin. Tayo ang dapat sisihin.

Guide to Investing: Bakit ang pamumuhunan ay isang basihan ng paglago

na kadalasan ay humahantong sa kabiguan? Ang pamamaraan na ito sa

pamumuhunan ay parang paglalagay ng karwahe sa unahan ng kabayo. Bago

bumili ng stocks, bonds, real estate o kahit na anong produktong may kinalaman

sa pag-iimpok, ang mga namumuhunan ay dapat munang magdesisyon kung ano

ang kanilang pang-matagalan na layunin. Sa oras na napapasyahan na ang

layuning ito ay madali na lamang silang makakapagdesisyon kung ang pagbili ba

ng isang partikular na stock ay nababagay sa naisagawang plano. Ang

pangmatagalang plano din ang nagpupwersa sa mga namumuhunan na kumapit sa

mga panganib, kasama na ang mga bagay na handa nilang pagdaanan para

makuha ang hinahangad na gantimpala (proporsyon ng panganib/gantimpala) at

ang pagpapasya kung sila na lang ba ang magdedesisyon para sa kanilang

investment o ang mga propesyonal na humahawak ng pamumuhunan na lamang

ang magdedesisyon para sa kanila. (Schuster, 1992)


De La Salle University - Dasmariñas

Ayon kay Frank J. Fabozzi, CFA, Investment Management (1995), ang

pamamahala sa pamumuhunan o investing management ay isang proseso ng

pamamahala ng pera. Ang dalawa pang mga salitang maihahalintulad dito ay ang

pamamahala sa portpolyo at pamamahala sa pera. Ang taong namamahala sa

portpolyo sa pamumuhunan ay tinatawag na tagapamahala sa pamumuhunan

(investment manager), tagapalit ng pera (money changer), o tagapamahala ng

portpolyo o koleksyon ng mga pamumuhunan (portfolio manager). Ang salitang

ito ang gagamitin sa buong libro. Sa industry jargon, ang tagapamahala sa

pamumuhunan ang nagpapatakbo sa pera. Ang layunin ng librong ito ay

maipaliwanag ang proseso ng pamamahala sa pangangapital— o ang

pagpapatakbo ng mga tagapamahala sa pera ng pamumuhunan. Ang prosesong ito

ay nangangailangan ng pag-uunawa sa iba’t ibang behikulo sa pangangapital, ang

paraan kung saan ang mga behikulong ito ay napapahalagahan, at ang iba’t ibang

mahusay na pamamaraan na maaaring magamit upang makapili ng behikulo sa

pamumuhunan na dapat isama sa portpolyo ng sa ganoon ay makamit ang mga

tunguhin sa pamumuhunan. Ang mga namumuhunan ay maaring maiuri bilang

tingiang namumuhunan (retail investors) o pangkatang namumuhunan

(institutional investors). Ang retail investors ay isang indibidwal. Ang

institutional investors ay ang mga kompanya sa pagseseguro, institusyon ng mga

lagakan (hal., bangko, samahan ng pag-iimpok at pagpapautang, at unyon ng mga


De La Salle University - Dasmariñas

pautang), pondo sa sustento, kompanya ng mga puhunan at ang mga pondo para

sa kaloob. Ang mga pinansyal na merkado sa Estados Unidos ay lumipat na mula

sa pagiging dominado ng retail investors hanggang sa pagiging institutional

investors.

Ayon kay Norma Dy Lopez-Mariano, Ph.D. Elements of Finance (2014)

ang Investment decision ay tumutukoy sa pagdedesisyon kung anong asset ang

makukuha, kahit na ito ay current assest bilang seguridad sa pamimili (marketable

security) o non-current assets bilang pagmamay-ari, halaman, instrumento o mga

pangmatagalang invesment sa stocks o bonds. Kaloob nito ang mga desisyong

kaugnay ng mga proyektong lilisanin o papasukan. Ang mga kasalukuyang pwede

pang i-konsumo na pinagkukuhanan at ang mga bagong pondo na pwedeng

gamitin para makalikom ng pera para sa negosyo. Ayon din kay Mariano (2014),

ang brokerage firms, financial institutions, bangko, kompanya sa pagseseguro,

kompanya sa pagsasanla at unyon ng pagpapautang ay nangangailangan ng mga

taong nakapagtapos sa larangang pampinansyal. Sila ay nabibilang sasukat ng

pamumuhunan. Ang pampinansyal na kompanya na kinukonsultahan ay

nangangailangan ng tauhang magpapayo sa mga kliyente kung paano ipangkapital

ang kanilang mga pera. Ang mga taga-analisa naman sa pagseseguro ay

nagpapayo sa mga kliyente tungkol sa kanilang mga portpolyo sa pamumuhunan.

Para makapagtrabaho sa mga kompanyang ito, kailangan magkaroon muna ng


De La Salle University - Dasmariñas

sapat na kaalaman tungkol sa mga salik na dahilan ng pagtaas at pagbababa ng

tubo sa singil, ang mga tuntunin kung saan kabilang ang institusyong

pampinansyal, at ang sari-saring uri ng pampinansyal na merkado at seguridad na

pampinansyal.

Komunidad ng Pamantasan ng De La Salle Dasmariñas. Sa rami ng

populasyon ng Pamantasan ng De La Salle University Dasmariñas, hindi lamang

madami ang mahihikayat na pumasok sa larangan ng pamumuhunan bagkus

madami rin ang mabibigyang paalala tungkol sa mga kaakibat na responsibilidad

na kakailanganin dito. Magiging maingat sila sa pagpili ng mga desisyon ukol sa

mga gawaing maaaring makaapekto sa kanilang kita. Sila ay matutulungang

maging handa upang makaiwas sa mga lalong pagkalugi at pandaraya. Ito ay

magsisilbi na kanilang gabay upang hindi maligaw dahil sa mga ipupuntong

kaparaanan sa pamumuhunan.

Mga Mag-aaral. Mahalagang maaga pa lamang ay itinatatak na sa

kamalayan ng mga mag-aaral ang kahalagahan at ng pamumuhunan at mga salik

nito. Sa gayon, ang mga kabataang ito ay may kakayahan nang buhayin ang sarili

sa hinaharap. Isinasaalang-alang ang pagpupunto ng kanilang mga karapatan kahit

mura pa lamang ang mga edad at liliit ang kanilang tiyansang mabiktima sa mga

pandaraya.
De La Salle University - Dasmariñas

Mga Mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay maaaring magamit ng ibang

mananaliksik sa hinaharap. Ito ay kanilang magiging gabay at sanggunian sa

pagtatala ng mga datos. Maaari nila itong siyasatin at lalo pang palawakin sa

pamamagitan ng paggawa ng bagong pag-aaral na may kaugnayan dito.

Mga Namumuhunan (Investors). Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito ay

mas mapapalawak pa ang kaalaman ng mga namumuhunan sa tamang pag-iimpok

ng kanilang salapi. Malilinang ang kanilang kakayahan sa pagtukoy ng tamang

kumpanya na magbibigay sa kanila ng patas na balik. Maiiwasan nilang maging

biktima o maging sangkot sa mga pandarayang kaakibat na panganib sa

pamumuhunan. Dagdag pa rito, maaari silang maging tagapayo ng mga bago pa

lamang sa larangang ito.

Mga Guro. Ang pag-aaral na ito ay lubos na makakatulong para sa mga

guro sa pamamagitan ng pagbubukas ng kanilang isipan tungkol sa

pamumuhunan. Sila ay magiging mahusay na impluwensya partikular na sa mga

kabataan. Mahalagang maging dalubhasa sila sa ganitong uri ng larangan dahil

sila ang may kakayahang magpalaganap ng mga kaalaman.


De La Salle University - Dasmariñas

B. TEORYANG PANSUPORTA

Ang teoryang napili ng mga mananaliksik at pinakaangkop sa gagawing

pag-aaral ay ang teoryang sosyolohikal. Ang teoryang ito ay nakatuon sa

kalagayan ng lipunan o suliraning panlipunan na nakakaapekto sa buhay ng mga

indibiwal na bahagi nito. Layunin ng teoryang ito na alamin ang ilang

pamamaraan ng tao upang masolusyonan ang suliraning kinakaharap niya sa

lipunan. Sinasaklaw din ng teoryang ito ang lahat ng aspeto ng lipunan tulad ng

politika, ekonomiya, kultura, etika, pilosopiya at sosyal. Napili ng mga

mananaliksik ang teoryang ito sapagkat makakatulong ito upang mabisang

masagot ang mga suliranin na mayroon ang pananaliksik at masunod ang mga

layunin ng pag-aaral. Magiging madali din para sa mga mananaliksik ang pag-

aaral sa ilalim ng teoryang ito dahil isinasaalang-alang ng mga mananaliksik

ang buong katayuan ng lipunan at epekto nito sa mga indibidwal. Mahalaga ang

gagampanan papel ng teoryang ito sa kabuuan ng pag-aaral sapagkat sa

pamamagitan nito ay malalaman ng mga mananaliksik ang epekto ng investment

fraud sa mga taong biktima nito at makakapagbigay din ang mga mananaliksik

ng ilang suhesyon kung paano maiiwasan ng mga taong ang muling mabiktima

ng mga pandaraya sa pamumuhunan.


De La Salle University - Dasmariñas

C. SULIRANIN/ LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay may apat na layunin. Una, ang pag-aaral na ito ay

naglalayong makapagbigay ng sapat na kaalaman sa mga tao sa lipunan tungkol

sa depinasyon ng Investment Fraud at ang iba’t ibang uri nito. Pangalawa, pakay

din ng pag-aaral na alamin ang iba’t ibang karapatan ng mga taong namumuhunan

o nagnanais pa lang na mamuhunan. Pangatlo, nais ng pag-aaral na ito na

siyasatin kung paano nakakaapekto ang Investment Fraud sa bawat indibidwal na

nabibiktima nito. Pang-apat, nais din ng pag-aaral na makabigay ng ilang

suhesyon o pamamaraan kung paano makakaiwas ang mga karaniwang tao sa

lipunan mula sa Investment Fraud.

Upang higit na maging makabuluhan ang pananaliksik ng mga

mananaliksik, ang pag-aaral ay ginabayan ng mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang Investment Fraud at ang mga uri nito sa kasalukuyang

panahon?

2. Ano-ano ang karapatan ng mga taong nagnanais mamuhunan?

3. Paano nakakaapekto ang investment fraud sa mga indibidwal na

nabibiktima nito?

4. Paano makakaiwas dito ang mga karaniwang tao sa lipunan, partikular

ang mga mag-aaral na nagnanais mamuhunan?


De La Salle University - Dasmariñas

METODOLOHIYA

Ang bahagi ng pananaliksik na ito ay naglalaman ng mga pamamaraan

kung paano gagawin ng mga mananaliksik ang kabuuan ng pag-aaral. Tinatalakay

dito ang disenyo ng pag-aaral, populasyon at lugar, mga teknik at pamamaraan ng

pangagalap ng datos at pagsusuri ng mga datos.

A. DISENYO NG PAG-AARAL

Ang sistemang napili ng mga mananaliksik ay may malaking epekto sa

magiging resulta ng pag-aaral at sa konklusyon ng nakalap na resulta kung kaya

naman karamihan sa mga mananaliksik ay nagnanais ng isang epektibo at

mapagkakatiwalaang obserbasyon o datos. Sa kaso ng pag-aaral na ito,

napagpasyahan ng mga mananaliksik na gamitin ang disenyong deskriptibo na

pinakaangkop sa pangagailangan ng pag-aaral. Ang disenyong ito ay naglalayong

ipaliwanag ang kasalukuyang kalagayan ng paksa at iba’t ibang kaganapan sa

lipunan na may kinalaman sa pag-aaral na gagawin. Sinasaklaw din nito ang mga

pangyayari sa kasalukuyang panahon at tinitingnan ang mga taong kabilang dito.

Napili ito ng mga mananaliksik bilang disenyo ng pag-aaral upang higit nilang

maintindihan ang mga kaso ng investment fraud na talamak sa kasalukuyan. Sa

pamamagitan ng disenyong ito ay nagiging makabuluhan ang pag-aaral at mas

mabilis na nakakalap ang mga impormasyong kinakailangan.


De La Salle University - Dasmariñas

B. POPULASYON AT LUGAR

Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral mula sa

klaseng BSA12 na nasa larangan ng pananalapi at ang mga piling propesor sa

“finance” na may sapat na kaalaman tungkol sa pamumuhunan. Ang grupo ng

mga taong ito ang napiling lumahok sa pag-aaral sapagkat sila ang mga taong

maaaring maging kasapi o kabilang na ng mundo ng pagnenegosyo. Sa murang

edad ng mga mag-aaral mula sa BSA12 ay nalalaman ng mga mananaliksik ang

kanilang opinyon sa pamumuhunan at kung sila ba ay nagnanais mamuhunan sa

darating na panahon. Sa tulong naman ng mga propesor ng asignaturang Finance,

makakakuha ang mga mananaliksik ng ilang datos patungkol sa pamumuhunan.

Ang lokasyon na napili ng mga mananaliksik ay ang Pamantasan ng De La Salle –

Dasmarinas. Ang Pamantasan ng De La Salle – Dasmarinas ay matatagpuan sa

probinsya ng Cavite na may higit kumulang labing-limang libong mag-aaral. Ang

paaralang ito ay kilala sa pagkakaroon ng isang malinis na kapaligiran dahil sa

dami ng naglalakihang mga puno na nakapaligid sa buong kampus. Ang lugar na

ito ay napili ng mga mananaliksik bilang lokasyon sa gagawing pag-aaral upang

maging madali ang pangangalap ng datos at hindi na kailanganin pa ang pumunta

sa malalayong lugar. Bukod dito, ang nasabing paaralan ay may mga grupo ng tao

– mga mag-aaral at mga propesor, na maaaring makatulong upang maisagawa ng

maayos ang pananaliksik.


De La Salle University - Dasmariñas

C. MGA TEKNIK AT PAMAMARAAN NG PANGANGALAP NG DATOS

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng tatlong uri ng teknik – ang sarbey,

pangkatang panayam at pagkonsulta sa aklat at artikulo. Ang sarbey ay isasagawa

sa mga mag-aaral mula sa BSA12 upang makakalap ng datos at impormasyon ang

mga mananaliksik tungkol sa pananaw at palagay ng mga mag-aaral sa

pamumuhunan. Sa kabilang banda, ang pangkatang panayam naman ay gagawin

kasama ang mga piling propesor ng asignaturang Finance upang lalong pang

maunawaan ng mga mananaliksik ang pamumuhunan at maging epektibo ang

gagawing pag-aaral. Ang mga mananaliksik ay kokonsulta din sa mga aklat at

artikulo upang makakalap ng mga impormasyon tungkol sa nangyayari sa

kasalukuyan panahon na may kinalaman sa pandaraya sa pamumuhunan. Isang

mainam na pamamaraan ng pangangalap ng datos ang pagbabasa ng aklat at

artikulo sapagkat nakakakuha ang mga mananaliksik ng datos mula sa mga

eksperto at awtor ng mga balita.

Sa ilalim ng instrumentong sarbey, ang mga mananaliksik ay magbibigay

ng isang papel na naglalaman ng ilang katanungan patungkol sa personal na

impormasyon ng mga mag-aaral tulad ng kasarian, taong gulang at kurso, baitang

at seksyon. Nakasaad din sa sarbey na ito ang mga katanungan tungkol sa

pamumuhunan at sasagutin ito ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng paglalagay

ng tsek sa kanilang napiling sagot. Kukuhanin ng mga mananaliksik ang


De La Salle University - Dasmariñas

kabuuang bilang ng mga mag-aaral na nagsagot ng sarbey at kung ilan sa mga ito

ang babae at lalaki. Ililista din ang porsyento ng mag-aaral na pumili ng bawat

sagot. Para naman sa proseso ng pangkatang panayam, ang mga mananaliksik ay

gagawa ng liham na nagpapahintulot ng isang interbyu para sa mga propesor.

Maghahanda din ang mga mananaliksik ng mga tiyak na katanungan upang

mabigyan ng kasagutan ang mga bagay na hindi malinaw sa mga mananaliksik.

Sa pagkonsulta sa mga aklat at artikulo, ang mga mananaliksik ay sama-samang

pupunta sa Aklatang Emilio Aguinaldo upang kumuha ng ilang impormasyon

mula sa mga librong tumatalakay sa paksa ng pag-aaral. Maaari ding mangalap ng

datos ang mga mananaliksik sa mga artikulo sa internet na naglalaman ng iba’t

ibang kaso ng pandaraya sa pamumuhunan. Ang mga nasabing pamamaraan ay

napiling isagawa upang mas maging kapani-paniwala at tama ang mga datos na

makukuha at upang maging madali ang pangangalap ng impormasyon.

D. PAGSUSURI NG MGA DATOS

Ang mga resulta at datos ay susuriin ng mga mananaliksik gamit ang

paraang kritikal at paraang “interpretative”. Ang pagsusuri sa paraang kritikal ay

pag aanalisa sa loob ng isang masugid na group discussion kung saan ang bawat

myembro ng mananaliksik ay gumagamit ng kritikal na pag-iisip sa pamamagitan

ng pamumuna at tinitingnan ang mga resulta nang higit sa pinakikita nito. Ang

mga mananaliksik ay magpapalitan ng opinyon, kuro-kuro at palagay patungkol


De La Salle University - Dasmariñas

sa kanilang indibidwal na pagkakaintindi sa lumabas na resulta. Ang pagsusuri ng

datos na ito ay maaaring gamitin sa mga sagot na nakuha mula sa pangkatang

pakikipanayam, impormasyon na nakuha mula sa mga aklat at artikulo at sa

lalabas na resulta ng mga table sa sarbey. Para naman sa interpretative na pag-

aanalisa, gagamit ang mga mananaliksik ng pormula upang makuha nila ang mga

wastong resulta ng ginawang sarbey. Ang pormulang gagamitin ay:

𝑃 = 𝐾 ⁄𝑅 x 100 kung saan ang


P – Porsyento
R – Bilang ng mga respondente
K – bilang ng mga respondente na pumili ng bawat sagot

Napili ng mga mananaliksik ang ganitong paraan upang mas maging

kapaki-pakinabang ang mga resulta at magamit ang mga ito sa pinakamabisang

paraan nang sa ganon magiging mabisa ang pag-aaral.


De La Salle University - Dasmariñas

RESULTA AT DISKUSYON

Ang bahagi ng pag-aaral na ito ay nagpapakita ng presentasyon, pag-

aanalisa at interpretasyon ng mga nakalap na datos sa pamamagitan ng sarbey at

pangkatang panayam na isinagawa ng mga mananaliksik. Sa bahaging ito ay

makikita ang pagtatali ng mga resulta, diskusyon ng mga datos, konklusyon sa

ginawang pag-aaral at pagbibigay ng ilang rekomendasyon patungkol sa

pananaliksik.

A. RESULTA

Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng sarbey sa dalawapung piling

mag-aaral mula sa seksyong BSA12. Sa unang bahagi ng pagsasarbey,

pinasagutan sa mga respondente ang ilang personal na katanungan tulad ng edad

at kasarian at optyonal naman ang pangalan.

Talahanayan ng Edad

Katangian Kabuuan (K) Porsyento (%)

Edad

16 4 20

17 15 75

18 1 5

Respondente (R) 20 100


De La Salle University - Dasmariñas

Ang talahanayan ng edad ay nagpapakita na apat (20%) sa mga

respondente ay labing-anim na taong gulang, labinglima (75%) naman sa

kanila ang labing-pitong gulang at isa (1%) sa kanila ang nasa edad na

labing-walong gulang. Ipinapakita nito na ang bilang ng mga respondente

na nasa labing-pitong gulang ay higit na malaki kaysa sa mga nasa labing-

anim na gulang. Kung mapapansin, ang mga respondente ng pananaliksik

na ito ay nabibilang sa ika-unang taon sa kolehiyo.

Talahanayan ng Kasarian

Katangian Kabuuan (K) Porsyento (%)

Kasarian

Lalaki 4 20

Babae 16 80

Respondente (R) 20 100

Ang talahanayan ng Kasarian ay nagpapakita ng resulta ng kasarian ng

mga respondente kung saan apat (20%) sa kanila ay kalalakihan at labing-

anim (80%) naming ang kababaihan. Ipinapakita nito na ang bilang ng

mga kababaihan na respondente ay mas madami kaysa sa mga respondente

na kalalakihan.
De La Salle University - Dasmariñas

Layunin bilang 1 - Alamin ang depinasyon ng Investment Fraud at

ang mga uri nito sa kasalukuyang panahon.

Talahanayan 1.1

Katangian Kabuuan (K) Porsyento (%)

Kaalaman sa
Investment Fraud

Wala 7 35

Meron 13 65

Respondente (R) 20 100

Ang talahanayan 1.1 ay nagpapakita ng bilang ng mga mag-aaral na

nakakaalam at hindi nakakaalam ng Investment Fraud. Pito (35%) na

mag-aaral ay nagsasabing hindi nila nalalaman ang isyung ito habang

labingtatlo (65%) naman sa kanila ang nasasabing sila ay may kamalayan

sa Investment Fraud. Mula sa labingtatlo na mag-aaral, sinasabing ilan sa

mga salik na siyang naging daan upang malaman nila ang paksang ito ay

ang mga mga balita sa telebisyon kung saan sampu (76.92%) sa

labingtatlo ay pinili ito at ang natitirang tatlo (23.08%) naman ay sumagot

na nababasa nila ito sa mga social networking sites. Makikita dito na mas
De La Salle University - Dasmariñas

malaki ang bilang ng mga taong nakakaalam ng Investment Fraud at

nalaman nila ito buhat sa mga naririnig nila sa telebisyon at nakikita sa

mga sites. Dahil dito ay masasabing ang mga balita ay isang malaking

tulong upang ang mga kabataan ay mamulat sa isyung tulad ng Investment

Fraud.

Talahanayan 1.2

Katangian Kabuuan (K) Porsyento (%)

Kaalaman sa Uri ng
mga Investment Fraud

Wala 18 90

Meron 2 10

Respondente (R) 20 100

Ang talahanayan 1.2 ay tumatalakay naman sa kaalaman ng mga

respondente sa mga uri ng Investment Fraud. Labingwalo (90%) sa

dalawampung respondente ang nagsabing sila ay walang alam sa mga uri

ng Investment Fraud at dalawang (10%) mag-aaral naman ang nagsabing

sila ay may alam. Ayon sa dalawang mag-aaral na ito, nalaman nila ang

mga uri ng Investment Fraud sa pamamagitan ng kanilang mga guro noon


De La Salle University - Dasmariñas

na nakapagturo na ng ilang bagay tungkol sa paksang ito. Sa talahanayan

na ito ay makikita na napakalaki ng lamang ng mga mag-aaral na walang

kaalaman sa mga uri ng Investment Fraud kaysa mga may alam.

Sinasalamin dito na halos lahat ng mga mag-aaral ay walang kamalayan

pagdating sa uri ng Investment Fraud na maaaring maging daan upang sila

ay mabiktima rin kung sila sasabak sa pamumuhunan ngayon.

Layunin bilang 2 - Alamin ang iba’t ibang karapatan ng mga taong

namumuhunan o nagnanais pa lang na mamuhunan.

Talahanayan 2.1

Katangian Kabuuan (K) Porsyento (%)

Proteksyong Gagabay

Batas 8 40

Sariling Kaalaman 8 40

Suporta ng mga Kakilala 2 10

Walang ideya 2 10

Respondente (R) 20 100


De La Salle University - Dasmariñas

Ang talahanayan 2.1 ay nagpapakita ng bilang ng mga mag-aaral na

nakakaalam at hindi nakakaalam ng iba’t ibang karapatan ng mga

namumuhunan o nagnanais pa lamang na mamuhunan. Walo (40%) na

mag-aaral ay nagsasabing sila ay may palagay na ang batas ang magiging

proteksyong gagabay sa mga namumuhunan habang walo (40%) naman sa

kanilang palagay na ang kanilang sariling kaalaman. Dalawa (10%) na

mag-aaral ay nagsasabing sa suporta ng kakilala tulad ng pamilya at mga

kaibigan ang magbibigay kapanatagan pagdating sa proteksyong gagabay

sa isang mamumuhunan habang dalawa (10%) na mag-aaral ang

nagsasabing wala silang ideya. Makikita dito na pantay ang bilang ng

mag-aaral na nagsasabing naniniwala sila sa batas at sa sarling kaalaman

bilang gabay sa proteksyon ng papasok sa pamumuhunan.

Talahanayan 2.2

Katangian Kabuuan (K) Porsyento (%)

Dahilan sa kaunting
kaalaman sa karapatan

May limitadong kaalaman 13 65


Hindi binigay ang
7 35
impormasyon na ito
Respondente (R) 20 100
De La Salle University - Dasmariñas

Ang talahanayan 2.2 ay tumatalakay naman sa dahilan sa kaunting

kaalaman sa karapatan ng isang mamumuhuan. Labingtatlo (65%) sa

dalawampung respondente ang nagsabing sila ay may limitadong

kaalaman sa karapatan at pito (35%) na mag-aaral naman ang nagsabing

silaay hindi naturuan o nabigyan ng impormasyon na ito. Mas maraming

mag-aaral ang may kaalaman ukol sa mga karapatan ng isang

mamumuhunan ngunit di hamak na ito ay kulang at hindi sapat. Kaugnay

nito, ayon sa mga respondente, siyam (45%) sa kanila ang nagsasabing

magiging madali ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga karapatan ng mga

mamumuhunan sa pamamagitan ng pagkonsulta sa mga eksperto. Lima

(25%) naman ang nagsabing riserts ang pinakamabisang paraan habang

apat (20%) ang nagsabing epektibong makakatulong ang pagbabasa ng

mga libro at dalawa (10%) naman ang nagsabing wala sila ideya sa

ganitong bagay. Makikita dito na ang pagkonsulta sa mga eksperto ay ang

nangungunang paraan upang maipaalam sa mga mamumuhunan ang

kanilang karapatan. Sinundan ito ng paggawa ng mga riserts, pagbabasa

ng mga libro at pinakakaunti naman ang nagsabing wala silang ideya.

Layunin bilang 3: Siyasatin kung paano nakakaapekto ang Investment

Fraud sa bawat indibidwal na nabibiktima nito


De La Salle University - Dasmariñas

Talahanayan 3.1

Katangian Kabuuan (K) Porsyento (%)

Dahilan sa pagiging biktima


ng Investment Fraud

Walang sapat na kaalaman 10 50

Nais na sumalang agad 3 15


Madaling nahikayat sa
6 30
kaakit-akit na salita
Walang ideya 1 5

Respondente (R) 20 100

Ang talahanayan 3.1 ay nagpapakita kung paano nakakaapekto ang

Investment Fraud sa bawat individwal na nabibiktima nito. Sampo (50%)

o kalahati sa dalawampung respondente ang nagsabing sila ay walang

sapat na kaalaman ng epekto sa indibidwal na nabibiktima ng Investment

Fraud habang tatlong (15%) mag-aaral naman ang nagsabing ang

paghahangad na sumalang agad sa pamumuhan ang dahilan kung bakit

nabibiktima ang isang indibidwal . Ayon naman sa anim (30%) na mag-

aaral, ang dahilan ng pagiging biktima ng Investment Fraud ay madaling

mahikayat ang indibidwal sa mga taong gumagamit ng kaakit- akit na mga


De La Salle University - Dasmariñas

salita, habang isang (5%) respondente ang nagsasabing wala siyang ideya.

Makikita dito na ang nangungunang dahilan kung bakit nabibiktima ang

isang indibidwal sa Investment Fraud ay walang sapat na kaalaman ang

mga sumasalang sa pamumuhunan. Sinundan ito ng mga mabubulaklak na

salita na ginagamit ng mga nang-aalok at pumangatlo naman ang

paghahangad agad ng mga nabibiktima na sumalang at kumita ng pera

habang isa lang ang nagsabing wala siyang ideya. Dahil dito ay

masasabing may mga salik na nakakaapekto kung bakit nagiging biktima

parin hanggang sa kasalukuyang panahon ang mga ordinaryong tao at

madalas ay dahil ito sa mabilisang pagdedesisyon nang walang

kasiguraduhan.

Talahanayan 3.2

Katangian Kabuuan (K) Porsyento (%)

May alam sa epekto ng


Investment Fraud

Meron 13 65

Wala 7 35

Respondente (R) 20 100


De La Salle University - Dasmariñas

Ang talahanayan 3.2 ay tumatalakay naman sa mga respondante na may alam sa

epekto ng Investment Fraud. Labingtatlo (65%) sa dalawampung respondente ang

nagsabing sila ay merong alam sa mga epekto sa indibidwal na nabibiktima ng

Investment Fraud at pitong (35%) mag-aaral naman ang nagsabing sila ay walang

alam. Mula sa labingtatlong mag-aaral na ito, siyam (69.23%) ang nagsasabing

maaaring pagkalugi ng mga indibidwal ang naging epekto matapos maging

biktima ng Investment Fraud habang apat (30.77%) naman na respondente ang

nagsasabing maaaring maging maingat na ang biktima at hindi na naniniwala sa

mga taong nanghihikayat sa pamumuhunan. Makikita sa talahanayan na ito na

mas marami ang bilang ng mga respondente na mayroong alam sa mga epekto ng

Investment Fraud kaysa sa mga respondente na walang ideya at ang pangunahing

epekto ayon sa kanila ay ang pagkalugi ng mga namumuhunan kung kaya naman

ang mga namumuhunan ay natututo ng maging maingat at matalino sa pagsalang

sa pamumuhunan.

Talahanayan 3.3

Katangian Kabuuan (K) Porsyento (%)

Dapat bang sumali pa sa


pamumuhunan

Oo, sumali pa 11 55

Hindi, wag na 9 45
De La Salle University - Dasmariñas

Respondente (R) 20 100

Ang talahanayan 3.3 ay nagpapakita ng bilang ng mga mag-aaral na

sumasang-ayon at hindi sumasang-ayon sa muling pagsabak sa

pamumuhunan matapos mabiktima ng Investment Fraud. Labing-isa

(55%) sa dalawampung mag-aaral ang nagsabing mainam na sumali pa sa

pamumuhan habang siyam (45%) naman sa kanila ang nasasabing higit na

makakabuti kung huwag ng sumali muli at iwanan na ang mundo ng

pamumuhunan. Mula sa labing-isa na mag-aaral, sinasabing ang

pangunahing dahilan kung bakit marapat na sumali ulit ang mga taong

minsan ng naging biktima ng pandaraya sa pamumuhunan ay maaari pang

lumago ang kanilang mga pera kung may tamang proseso ito at may sapat

na kaalaman naman ang mga namumuhunan. Ang dahilan na ito ay pinili

ng walong (72.73%) respondente at ang tatlo (27.27%) naman ay

nagsabing huwag susuko ang mga namumuhunan dahil may pagkakataon

pa upang itama ang mga pagkakamali. Makikita sa talahanayan na ito na

magkalapit lang ang resulta ng mga mag-aaral na nagsabing dapat pang

sumali at hindi na dapat pang sumali sa pamumuhunan. Masasalamin dito

na ang opinyon ng mga respondente ay halos nagkahati sa dalawang

magkaibang panig. Dahil dito ay masasabing ang pagiging biktima ng


De La Salle University - Dasmariñas

pandaraya sa pamumuhunan ay tunay ngang nakakaapekto sa

pagdedesisyon ng mga indibidwal tungkol pamumuhunan.

Layunin Bilang 4: Makabigay ng ilang suhesyon o pamamaraan kung

paano makakaiwas ang mga karaniwang tao sa lipunan mula sa

Investment Fraud

Talahanayan 4.1

Katangian Kabuuan (K) Porsyento (%)

Paraan upang makaiwas sa


Investment Fraud

Riserts 3 15

Formal Education 15 70
Mamuhunan sa kilalang
2 10
kumpanya
Respondente (R) 20 100

Ang talahanayan 4.1 ay nagpapakita ng mga maiinam na paraan kung

paano makakaiwas sa Investment Fraud ang mga taong nagnanais pa

lamang na mamuhunan. Tatlo (15%) sa dalawampung mag-aaral ang


De La Salle University - Dasmariñas

nagsabing riserts ang mabisang paraan upang makaiwas ang mga

mamumuhunan mula sa mga pandaraya. Samantalang labinglima (75%)

naman sa kanila ang nagsabing formal education ang pinakaangkop na

paraan upang maging edukado at malaman ng mga namumuhunan kung

alin ang mapagkakatiwalaan at ang hindi mapagkakatiwalaan na

investment. Dalawa (10%) naman sa kanila ang nagsabing marapat lang na

mamuhunan sa mga kilala at pribadong kumpanya na may tamang proseso

at seguridad na sinusunod. Ayon din sa kanila may mga taong may

kakayahang makakapagbigay sa kanila ng magpagkakatiwalaang

impormasyon mula sa mga pamamaraan na kanilang pinili. Labingtatlo

(65%) ang nagsasabing ang mga financial analyst ang makakatulong sa

kanila upang malaman nila ng lubusan ang mga bagay na kaakibat ng

pamumuhunan. Samantalang pito (35%) naman sa mga respondente ang

nagsabing ang kanilang sarili ang lubos na makakatulong sa kanila.

Makikita dito na ayon sa mga mag-aaral, ang formal education ang

pinakaepektibong paraan upang mapukaw ang isip ng mga taong

namumunan. Sinundan naman ito ng pagririserts at pinakahuli naman ang

pamumuhunan sa mga kilalang kumpanya. Upang maging mabisa ang

pag-iwas sa pandaraya, malaking porsyento ng mga respondente ang

nagsasabing ang mga financial analyst ay ang mga may lubos na

kakayahan na maipaliwanag ng maayos sa mga namumuhunan ang


De La Salle University - Dasmariñas

proseso ng pamumuhunan. Habang may mga ilan ding mag-aaral ang

nagsabing ang kanilang sarili ay ang tanging kailangan at makakatulong sa

kanila.

Talahanayan 4.2

Katangian Kabuuan (K) Porsyento (%)

Kinakailangan upang
makaiwas sa Investment
Fraud
Dokumento ng Kontrata 18 90

Financial Status Documents 2 10

Identification Cards 0 0

Bank Accounts 0 0

Respondente (R) 20 100

Ang talahanayan 4.2 ay nagpapakita ng mga kinakailangang bagay upang

makaiwas sa Investment Fraud. Malaking porsyento ng respondente ang

nagsabing dokumento ng kontrata ang kinakailangan upang lubos na

makaiwas sa pandaraya. Ito ay pinili ng labingwalong (90%) mag-aaral at

tanging dalawa lang (10%) ang nagsabing financial status documents ang

kinakailangan. Samantalang ang identification card at bank accounts

naman ay walang nakuhang boto mula sa mga respondente. Makikita sa


De La Salle University - Dasmariñas

talahanayan na ito na napakalaki ng agwat ng mga pinagpilian at ang

dokumento ng kontrata ang sinasabi nilang may pinakamahalang papel sa

lahat samantalang pumangalawa lang ang financial status documents.

Masasalamin dito na dapat sa bawat pagsalang ng mga tao sa

pamumuhunan, magiging ligtas sila mula sa mga pandaraya kung may

mga dokumentong nagpapatunay na sila ay may binitawang kontrata at

may pirma ng bawat indibidwal.

B. DISKUSYON
De La Salle University - Dasmariñas

C. KONKLUSYON

D. REKOMENDASYON
De La Salle University - Dasmariñas
De La Salle University - Dasmariñas

APENDIKS

You might also like