Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Exemption sa mga UBHS Students, tinanggal na

Rhea Ramirez
Binigyang linaw ng Vice President for Academic Affairs, Dr. Abegayle Machelle Chua ang
pagtatanggal ng “exemption” sa mga aktibidad at pagsusulit ng mga estudyanteng sumasali sa
mga extra-curricular activites dahil sa mga samu’t saring naging tugon ng mga mag-aaral tungkol
dito.
Ayon sa kanya, ginawa ito upang mas mapagtibay hindi lamang ang pagsali nila sa mga
paligsahan kundi pati narin ang pagkakaroon ng Academic Competency ng mga mag-aaral.
“This would also help distinguish who is the best among the odds kasi kung laging
exempted pano malalaman yung totoong kakayahan ng bata,” saad niya.
Bagama’t natanggal na ang mga ganitong insentibo, nagkaroon naman ng bagong salik
ang Unibersidad na siyang mamahala sa mga gawaing pampahayagan, kultura at sining ng Basic
Education Curriculum na sya ngayong tinatawag na Culture, Arts, and Publication for Basic
Education Curriculum o CAPBE na pinamumunuan ng dating Senior High School Coordinator,
Dr. Redentor Rodriguez.
Dito ay mas mahahasa at matututukang mabuti ang mga mag-aaral sa mga larangangang
gusto nilang salihan o pasukin sa pamamagitan ng mga pagsasanay na mamaari nilang daluhan.
Ngunit sa kabila ng pagkakaroon ng ganitong salik sa paaralan, kias kumonti ang bilang
ng mga mag-aaral na sumasali sa mga organisasyong kaakibat nito.
“Mahirap pong balansehin ang oras at maghabol sa mga lessons lalo na po sa mga
Gawain pagnawawala kahit pa mayroong 2 weeks para magcomply,” ani ni Jasper delos Santos,
mag-aaral ng Grade 12.

You might also like