Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Etimolohiya At Kaligiran Ng Ekokritisismo

Ang salitang ekokritisismo ay nanggaling sa mga salitang “ekolohiya” at “kritisismo.”


Ito ay isang interdisiplinaryong larangan ng makaagham na pagsulat ng panitikan.

Propesor Cheryll Burgess Glotfelty


Siya ang unang nagtambal sa dalawang salitang ito na nagpapahalaga sa kaugnayan ng panitikan at kalikasan. (1996)
Dahil dito, namuno siya sa pagtatag ng “Samahan para sa pagsusulong ng pag-aaral sa panitikan at kalikasan.”

Propesor Cheryll Burgess Glotfelty & Harold Fromm


Inilathala nila ang kauna-unahang “Klasikong Antolohiya ng mga Piyesang Pampanitikan.” (1996)

William Rueckert
- Ecopoetics (1978)
Pinakinang sa larangang ito ang walang katulad na paraluman ng tula gamit ang mga elemento ng kalikasan.
Itinaas ng disiplinang ito ang hindi maitatakwil na bisa ng panitikan.
Katotohanang lantad ang isinisiwalat ng panitikan hinggil sa wari’y pinababayaan nang kalikasan.
Nararapat lamang na pahalagahan ng tao ang kalikasan sa halip na sirain ito.

Mga Batayang Kaalaman sa Ekokritisismo


Ang katotohanang magkaugnay ang tao at kalikasan ay mapapansin sa mga panitikang umiiral, pasalita man, pasulat, o
elektroniko.
Ang panitikan ay sumasalamin sa lipunan at kulturang umiiral.
Nararapat lamang na magamit ng tagapagbasa ang angkop na dulog sa pagbasa ng panitikan.
Ang ekokritisismo ay isang dulog na nakaangkla sa pagpapalagay na may ugnayan ang panitikan at kapaligiran.
Bilang bagong litaw na kilusan, ang ekokritisismo ay nagsimula sa Estados Unidos noong huling taon ng 1980 at sa UK
naman noong 1990 umusbong ang Green Studies.
“The Ecocentricism Reader: Landmarks in Literary Ecology.”
-Cheryll Glotfelty & Harold Fromm
Samantala, sa UK:
“Romantic Ecology: Wordsworth and Environmental Tradition,” & “The Song of the Earth”
-Jonathan Bate
Sa pagbasa sa mga akda, ang ekokritiko ay gumagamit ng mga metodolohiya mula sa iba pang disiplina gaya ng sa agham
at sosyolohiya.
Para sa mga ekokritiko, ang kalikasan ay umiiral bilang isang likha na may sariling buhay. Ginagamit nila ang mata ng
kalikasan.

Mga Teoryang Pampanitikan


Ang ekokritisismo ay pinaikling anyo ng Ecological Literary Criticism na nagtatanghal sa kalikasan hindi lamang bilang
teksto kundi isang indibiduwal na may sariling entidad at may malaking papel bilang protagonista ng akda.

Henry David Thoreau


Kapag ang tao ay nabigong matuto mula sa kanyang kalikasan, siya ay hindi lubos na nabubuhay.

John Muir
May akda ng My First Summer in the Sierra.
Ralph Waldo Emerson at Margarette Fuller
Una, siya ang may-akda sa aklat na may pamagat na Nature. Ang pangalawa ang may-akda sa Summer on the Lakes,
During 1843.

Laurence Coup, Richard Kerridge, Greg Garrard, at Terry Gifford


Mga ekokritikong taga-Britanya
Mga Tanong na Dapat Isaalang-alang sa Pagbasa ng Akdang Pampanitikan
1. Paano isinasagisag ang kalikasan sa akdang ito?
2. Ano ang papel ng pisikal na tagpuan sa bamghay?
3. Ang mga pagpapahalaga bang ipinapahayag sa akda ay naaayon sa pagpapahalaga sa kalikasan?
4. Sa paanong paraan nakakaapekto ang karunungan sa relasyon ng tao at kalikasan?
5. Ano ang kaugnayan ng agham sa pag-aaral ng panitikan?
6. Ano ang posibleng bunga?

Narratology
Ito ay isang teoryang pampanitikan na nagsusuri sa estruktura ng salaysay batay sa panahon na ito ay umiral.
Ayon kay Aristotle…
Ang pinakamahalagang elemento ng isang akda ay ang mga tauhan at ang aksyon.
Elemento ng banghay:
1. Hamartia – nagsisiwalat ng kasalanan ng tauhan.
2. Anargorisis – pagtuklas ng sariling kasalanan.
3. Peripetcia – pagbabalintuha ng tauhan.

Mga Teoryang Pampanitikan


Mahalaga ring pag-ukulan ng pansin kapag nagsusuri ng panitikan ang aspektong kultural.

You might also like