Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 25

See discussions, stats, and author profiles for this publication at: https://www.researchgate.

net/publication/330846227

UFi: Ang Unibersidad ng Pilipinas sa Pagpapayabong ng Wika at


Nasyonalismong Filipino mula Panahon ng Komonwelt hanggang sa simula
ng Ikalimang Republika

Preprint · January 2017


DOI: 10.13140/RG.2.2.17366.50242

CITATIONS READS

0 531

1 author:

John Carlo Santos


University of the Philippines
15 PUBLICATIONS   0 CITATIONS   

SEE PROFILE

Some of the authors of this publication are also working on these related projects:

Mapa ng mga Epikong Filipino sa Filipinas View project

All content following this page was uploaded by John Carlo Santos on 04 February 2019.

The user has requested enhancement of the downloaded file.


Santos 1

John Carlo S. Santos


2016-89860
01 Disyembre 2017

UFi: Ang Unibersidad ng Pilipinas sa Pagpapayabong ng Wika at Nasyonalismong


Filipino mula Panahon ng Komonwelt hanggang sa simula ng Ikalimang Republika

Madaling sabihin na ang wika ay hindi nangangailangan ng nasyonalismo. Ngunit ang


huli ay may matinding pangangailangan sa nauna upang mabuhay at makapagsakatuparan ng
walang hanggang layuning pagbuklurin ang bayan. Ayon sa akda ni Benedict Anderson,
binibigyang-halaga niya ang papel ng print capitalism sa pagpapasimula ng konsepto ng
nasyonalismo. Malaki ang naging tulong nito sa proseso ng imagining community sa isang
homogeneous time1. Subalit kung susumahin, halimbawa, sa mga dyaryo, na siyang tanghalan
ng mga kaganapan sa komunidad, napagbubuklod nito ang iba’t ibang pamayanan gamit ang
isang lingua franca o ang komong wika ng dalawa o higit pang mamamayang may magkaibang
unang wika. Samakatuwid, ang wika ay nagmimistulang tulay ng pagkakaintindihan – na tanda
rin ng pagiging inklusibong nasyon2. Pinapakita nitong mahalagang matiyak ng isang
komunidad ang wikang magtatakda ng paglalapit-diwa ng kaniyang mga mamamayan.
Ang bansang Pilipinas, na nagdaan sa mahabang panahon ng kolonisasyon, ay
nagkaroon ng maraming pagsubok bago magkaroon ng isang wikang pambansa. Suliraning
itinuturing ang pagkakaroon natin ng higit sa 100 mga wika, 400 na dayalekto3 at ang paggigiit
ng mga kolonisador na kanilang wika ang higit na karapat-dapat na maging wikang pambansa
at opisyal, sa kabila ng nais nating pagsasarili at kalayaan.
Sa Saligang Batas 1935 inatasan ng Pamahalaang Komonwelt ang Pambansang
Asemblea upang bumuo ng wikang pambansa na ibabatay sa isa sa mga buhay na wika ng
Pilipinas4. Itinatag nito ang National Language Institute (NLI) na siyang nagmungkahing

1
Benedict Anderson, “The origins of national consciousness” sa Imagined
Communities: Reflections on the origin and spread of nationalism (London, Verso, 1983),
37-46.
2
Anthony Reid, “Understanding Southeast Asian nationalisms” sa Imperial Alchemy:
Nationalism and political identity in Southeast Asia (Cambridge, Cambridge University
Press), 25-28.
3
Jesus Ramos. “Pulitika ng pagpili/paggamit ng wika sa lipunang Pilipino” sa Mga
piling diskurso sa wika at lipunan (Lungsod Quezon, University of the Philippines Press,
1966), 231-254.
4
Official Gazette, Artikulo XIII, Seksyon 3, Saligang Batas 1935
Santos 2

Tagalog ang pinakamainam na gawing batayan 5. Sa Saligang Batas 1943 ng Ikalawang


Republika pormal na idineklara ang Tagalog bilang wikang pambansa6. Sa pag-usbong naman
ng rehiyonalismo7 at samu’t saring taliwas na opinyon hinggil sa Tagalog, tinawag itong
Pilipino noong 19598. Bagaman may pagpapalit ng ngalan, hindi pa rin nito sinaklaw ang
pagbabagong nais ng mga kilusang pangwika. Sa Kumbensiyong Konstitusyunal lamang
noong 1970-1973 nabigyan ng katuturan ang mga hinaing – na sa wakas ay ibabatay sa lahat
ng buhay na wika sa bansa (katutubo, Ingles, Kastila, at/o Arabo) ang Pilipino9. Sinalamin ito
ng Saligang Batas 1973 na nagsasabing sa oras na mapagtagumpayan ang mga pag-aaral na
ginagawa ng Surian sa Wikang Pambansa (dating NLI), tatawagin itong Filipino at hihiranging
isa sa mga wikang opisyal 10. At noong 1987, sa kasalukuyang konstitusyon, idinkelarang:

Ang wikang pambansa ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat


payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang
mga wika11.

Sa mahaba at maraming usaping naganap habang gumugugol ng isang tiyak na wikang


pambansa, ang Unibersidad ng Pilipinas ang natatanging institusyong pang-edukasyon na
inatasang manguna sa pananaliksik at pag-aaral sa magiging batayan ng mga probisyong
nabanggit. Sa katunayan, ang wikang Filipino ay isang adaptasyon sa rekomendasyon ni Prop.
Ernesto Constantino ng noong Department of Filipino and Philippine Languages 12. Si Prop.
Constantino, katuwang ang ilang masigasig na propesor ng departamento, ay bumalangkas ng
Pilipinong batay sa lahat ng wika sa Pilipinas noong 1960s na tinawag na Pilipino ng UP o UP
Filipino13. Una itong ginamit sa pamantasan bilang wikang panturo kaakibat ng Ingles. Nauna
rin ang UP sa pagkakaroon ng mga kursong nasa Pilipino, paglalangkap ng mga yunits sa wika

5
Official Gazette, Executive Order 134 ng Pamahalaang Komonwelt, 30 Disyembre
1937
6
Official Gazette, Artikulo IX, Seksyon 2, Saligang Batas 1943
7
Rehiyonalismo ang gagamiting salita upang bigyang kahulugan ang isang pulitikal
na ideyolohiyang may pokus sa interes ng partikular na rehiyon sa Pilipinas.
8
Jose Romero, Kautusan Blg 7 ng Secretary of Education, 1959. Makikitang ang
pagpapangalang Pilipino sa wikang Tagalog ay upang maipakita nitong ang wika ay
inklusibo at para rin sa mga Pilipinong hindi Tagalog.
9
Ernesto Constantino, et.al, Probisyon sa Pambansang Wika: Proposal sa ConCom,
1971-72
10
Official Gazette, Artikulo XV, Seksyon 3, Saligang Batas 1973
11
Official Gazette, Artikulo XIV, Seksyon 6a, Saligang Batas 1987.
12
Jovita Orara, Ang Unibersidad ng Pilipinas sa Kilusan para sa Wikang Pambansa
(1908-1973). (Lungsod Quezon, UP Sentro ng Wikang Filipino, 1993), 90.
13
Ibid.
Santos 3

at Araling Pilipino sa General Education Program, pagkakaroon ng Bilinggwal na Palisi sa


Wika, at maging sa patuloy na debelopment ng larangan ng Philippine Studies.
Tinatanaw ng UP ang wika bilang isa sa mga mahahalagang salik tungo sa
pagpapayabong ng nasyonalismo14. Sambit nga ng dating Pangulo Carlos Romulo, ang UP ay
ang bantayog ng nasyonalismong filipino (aking salin) 15. Hanggang sa kasalukuyan ay aktibo
ang unibersidad sa mga aktibidad na may kinalaman sa wika at nasyonalismong filipino at
nakaatang sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas (DFPP) sa Kolehiyo ng Arte
ng Literatura (KAL) ang pagtataguyod nito16. At bagaman opisyal at legal na ang Filipino sa
Saligang Batas, ang papel ng UP sa patuloy na pagpapayabong ng Filipino ay hindi pa rin
nagwawakas.
Layunin ng pag-aaral na ito na sundan at suriin ang mga naging papel ng unibersidad
sa pagpapayabong ng wika at nasyonalismong filipino. Ang pananaliksik ay mahahati sa
tatlong bahagi – ang kasaysayan sa paghahanap ng isang wikang pambansa, ang mga hakbang
ng UP sa pagsulong ng wikang Filipino, at ang relasyon ng wika at nasyonalismo sa konteksto
ng Pilipinas.

PAGHAHANAP SA WIKANG PAMBANSA


Panahon ng Espanyol. Noon pa man, hindi na iisa ang wika ng mga Filipino. Sa
panahon ng Espanyol, 333 taong iginiit, kasabay ng di-makataong polisiyang pang-ekonomiko,
ang kultura at wikang Espanyol. Tagalog ang wika ng himagsikang sinimulan ni Bonifacio at
ng Katipunan17. Gayunpaman, hindi na rin kataka-takang Espanyol ang gamit ng mga ilustrado
at peryodista sa pagsulat ng mahahalagang dokumento ng kilusang propaganda18. Ang

14
Unibersidad ng Pilipinas, Patakarang Pangwika sa UP. (29 Mayo 1989), 1.3. Sa
palising ito nakasaad na ang pagkakaroon ng isang wikang pambansa ay mahalaga upang
katawanin ang ating pambansang komunidad, padaliin ang komunikasyon, at palakasin ang
pagkakaisa bilang isang bansa. Ito ay tutulong sa pagpapantay sa anumang antas sa ating
lipunan, pagdebelop, at pagpapasigla rin ng sibilisasyong Pilipino.
15
Carlos Romulo, “Emphasis on Filipino Nationalism” sa The Philippine Collegian
(17 Hulyo 1962), 3, 8. Mula sa orihinal na siping: “Yes, we shall make of this campus of ours
– already easily the best in the country – no less than a Shrine of Philippine Nationalism.”
16
Sundan ang tala blg 14, 2.3.1. Inaatas ang pangunguna sa ebolusyon ng Filipino sa
DFPP.
17
Milagros Guerrero, Reform and Revolution, Kasaysayan: The History of the
Filipino People (Asia Publishing Company Limited, 1998), 5.
18
Sundan ang talag bgl 12, 8. Sinubukan man ni Marcelo del Pilar na sumulat gamit
ang wikang Tagalog, hindi ito gaanong karami kumpara sa mga nakalimbag sa wikang
Espanyol.
Santos 4

deklarasyon ng kalayaan ni Emilio Aguinaldo ay pawang sa banyagang wika nakalimbag19.


Dagdag pa’y Espanyol din ang wika ng Konstitusyong Malolos na walang anumang binanggit
ukol sa pagkakaroon ng sariling wika (o kahit pagtatakwil sa wikang Espanyol) 20.
Nagpatuloy ang naturang sitwasyong pangwika hanggang sa nanghimasok na ang
Amerika sa kolonisasyon sapagkat kasabay ng kanilang pananakop ay ang wikang Ingles
bilang wikang tagapagpaganap sa Pilipinas. Ninais ni President William McKinley na gamitin
ang wika ng mga mamamayan sa pagtuturo sa mga paaralang-bayang itinatag ng Amerika:

It will be the duty of the commission to promote and extend, and, as they find
occasion, to improve, the system of education already inaugurates (by the
military authorities. In doing this they should regard as of first importance the
extension of a system of primary education which shall be free to all, and which
shall tend to fit the people for the duties of citizenship and for the or (liner
avocations of a civilized community. This instruction should be given in the
first instance in every part of the islands in the language of the people. In view
of the great number of languages spoken by the different tribes, it is especially
important to the prosperity of the islands that a common medium of
communication may be established, and it is obviously desirable that this
medium should be the English language21.

Subalit, hindi ganoon ang nangyari. Ingles lamang ang ginamit na wika sa anumang
transaksyon, mapa-paaralang-bayan man o pamahalaan. Nang ipasa ang Jones Law22 noong
1916, tila nagkaisa ang lahat sa naising magkaroon ng wikang pambansa kaalinsabay ng
nalalapit na kalayaang ipinangako ng Amerika. May mga masisigasig na kilusang
nakikipagbuno upang tanghalin ang Ingles, Kastila, o wikang katutubo bilang wikang
pambansa ng nagsasariling Pilipinas.
Wikang Ingles sa Pagtuturo. Nangibabaw ang panawagang Ingles ang gawing wikang
panturo sa mga paaralan, bilang pagpapatuloy na rin ng Act No. 74 23. Kaya noong Hunyo 18
1908, sa pagkakatatag ng Unibersidad ng Pilipinas (UP), Ingles ang ginamit nitong midyum sa
kurikulum. Ito ay pinagtibay ng dalawang magkasunod na president ng UP na sina Pangulong

19
Philippine Declaration of Independence 1898
20
Official Gazette, Pamagat XIV, Artikulo 93, Konstitusyong Malolos 1899
21
Instructions of the President to the Philippine Commission by United States of
America President William McKinley, (7 Abril 1900), 10
22
Jones Law o ang Philippine Autonomy Act of 1916. Ito ay may hangaring susugin
ang Philippine Bill noong 1902 at magtatag ng pagbabago sa lehislaturang sangay ng
komisyon – gawing mga Filipino ang miyembro ng Philippine Commission (Mataas na
Kapulungan) at Philippine Assembly (Mababang Kapulungan)
23
Commission Act No. 74 o ang Education Bill sa ilalim ni General Superintendent
Barrows na lumalangkap sa pagtuturo ng Tagalog sa mga paaralang-bayan.
Santos 5

Ignacio Villamor (1915-1920) at Pangulong Guy Potter Benton (1921-1923). Ani Villamor sa
kaniyang talumpati:

The unity of language, as it has been indicated, is one of the causes leading to
the development of national sentiments. The University, therefore, should
cooperate with the public schools in establishing, as far as possible, such unity
in the Islands, and to this end it will put forth all necessary efforts to perfect
students in English literature, without disregarding the study of other languages,
thus enabling them to diffuse the English language among their countrymen 24.

Mababasa naman sa “College Folio”, pahayagang palihan ng mga mag-aaral ng UP,


ang kanilang pagsang-ayon sa paggamit ng Ingles bilang midyum ng wika. Ayon sa kanilang
editoryal noong 1911, ang Ingles ay nakatadhanang maging katas-taasang wika na maglalaman
ng mga pananaw at kaisipan ng sumisibol na henerasyon sa Pilipinas25. Sinang-ayunan din ito
nina Dr. Trinidad H. Pardo de Tavera26 at noong Pangulo ng Mataas na Kapulungan Manuel
Quezon27.
Ingles ang nangungunang wika ng pamahalaan at diskursong pang-Amerika. Kung
kaya’t hindi mahirap unawaing ang UP, sa ispesipikong era na ito, ay may malalim na
pagsuporta sa natuwang wika upang gawing opisyal na wika ng bansa. Ayon kay Dr. Bonifacio
Salamanca28, ang aksyong ito ay bunga ng masidhing pananakop ng Amerika sa mamamayang
Filipino. Ito raw ay “Filipino Collaboration” with the Americans sambit ni Dr. Romeo Cruz29.
Dito rin nagsimula ang “Miseducation of the Filipino” at “The Beginnings of Colonial
Education” na parehong akda ni Dr. Renato Constantino30.
Sa likod ng popular na posisyon ng mga Amerikano at Filipino sa Ingles bilang wikang
opisyal, iginiit pa rin ni Dr. Najeeb Saleeby, awtor ng “The Language of Education in the
Philippine Islands” na hindi mapapasulong ang mga Pilipino ng anumang wikang hindi rin nila
sarili. Nararapat lamang, ayon sa kaniya, na wikang katutubo ang gamitin sa pagtuturo sa

24
Consuelo Fonacier. “The role and mission of the university” sa Inaugural addresses
of the Presidents of the University of the Philippines (Lungsod Quezon, University of the
Philippines Press, 1971), 28.
25
Sundan ang tala blg 12, 13. Wala nang kopya ng College Folio sa anumang aklatan
sa Pilipinas.
26
The Philippine Herald, 25 Nobyembre 1920. Ito ay isang talumpati sa Inter-Alumni
Union.
27
The Philippine Herald, 23 Oktubre 1921.
28
Bonifacio Salamanca, The Filipino reaction to the American rule, 1901-1913
(Lungsod Quezon, New Day Pub, 1984)
29
Romeo Cruz, Filipino collaboration with the Americans, 1899-1902. 1956. Thesis
30
Sundan ang tala blg 12, 15.
Santos 6

kasalukuyang sanlinlahi31. Ang pananaw na ito ay binigyang-halaga ni Vice Governor George


Butte na udyok din ng ulat ng Monroe Educational Commission32. Bilang pinuno ng
Department of Public Instructions, ninanais niyang gamitin ang bernakular na wika sa
pagtuturo mula una hanggang ikaapat na baiting ng mababang paaralan.
Kaakibat nito, si Senador Hermenegildo Villanueva ay nagpanukala sa kongreso ng
isang batas na magtatakda sa pagbubuo ng “National Language Committee” na may
kapangyarihang pag-aralan ang mga pangunahing katutubong wika sa bansa upang makabuo
ng isang wikang komon at pambansa33. Nang sumunod na taon, si Senador Isabelo delos Reyes
naman ang nagpanukalang sapilitang ituro ang Ingles at Tagalog sa mababang paaralan.
Kinakailangan ding magtatag ng Academy of Philippine dialects na siyang gugugol ng panahon
sa pagsalin sa Tagalog ng mga librong pampaaralan34. Sinuportahan ito nina Kinatawan Tomas
Confesor, Kinatawan Alejo Labrador, at Kinatawan Pedro Gil. Mga kapwa Tagalog, nais
nilang isulong ang kanilang wikang katutubo upang maging wika ng mga Filipino. Naging
hudyat naman ito ng biglaang suliraning pangrehiyon. Sa pangambang ang Tagalog ay
magkakaroon ng mas mataas na antas pangwika kaysa sa iba pang katutubo, samu’t saring
kilusang tutol dito ang umusad. Nariyan ang Samahan ng mga Mananagalog, Kapulungang
Balagtas, Saghiram san Binisaya, Academia de la Lengua Filipina, Academia Ilocana,
Bulalakaw Society, at marami pang iba.
Hindi nagpahuli ang UP sa mga palitan ng kuro-kuro sa wikang pambansa. Si Prop.
Otto Scheerer ng Department of Oriental Languages (1920) ang nagsabing may social at
political considerations ang pagpili ng wika – na salik sa bisa nito sa madla35. Si Dekano
Francisco Benitez ng College of Education (1924) naman, matapos ang kaniyang masidhing
pag-aaral, ay nagsambit na mas mainam kung dayalek sa Pilipinas ang gamitin sa pagtuturo
upang hindi nananatiling matagal ang pag-aaral ng mga mag-aaral36. Sa huli, ang Philippine
Academy of Social Sciences ay nagtatag ng komisyong patuloy na mag-aaral hinggil sa isyu

31
The Philippine Herald, 3 Marso 1925.
32
Philippines. Educational Survey Commission, A survey of the educational system of
the Philippine islands by the Board of educational survey, created under acts 3162 and 3196
of the Philippine Legislature (1925). Ayon sa ulat na ito, hindi sapat ang pamamaraan ng
pagtuturo gamit ang wikang Ingles at walang katiyakan kung may katuturan pa ito sa
kanilang kailangang kakayahan pagtanda. Tagalog din ang nakikita nilang pinakalaganap na
wikang katutubo sa kabuuan ng sarbey.
33
The Philippine Herald, Ridiculous to give up PI tongue (27 Setyembre 1924).
34
Sundan ang tala blg 12, 22.
35
Sundan ang tala blg 12, 26.
36
The Philippine Herald, Locsin for use of native dialects (1 Setyembre 1928).
Santos 7

ng wika. Hinirang ni Pangulong Rafael Palma ng UP sina Prop. Norberto Romualdez ng UST,
Dekano Francisco Benitez ng UP College of Education, Superintendent Florentino Cayco ng
City Schools, Dr. Cecilio Lopez, puno ng UP Department of Oriental Languages at Patnugot
ng Pahayagang Mabuhay, G. Lope K. Santos na maging pangunahing miyembro nito37.
Wika sa Panahon ng Komonwelt. Kaalinsabay ng pagpapatibay ng Kongreso sa
Tydings-McDuffie Law, na siyang susi sa pagkakaroon ng Pamahalaang Komonwelt, agad-
agad ang pagbabalangkas sa saligang batas ng Pilipinas. Kaugnay nito ang pormal na mga
usapin hinggil sa wikang pambansa sa Kumbensiyong Konstitusyonal. Ayon kay G. Felipe
Jose, kailangang pagsumikapan ng bansa ang pagkakaroon ng “isang wikang tunay na kaniya,
kasama na rin ng kaniyang kalinangan at kabihasnan, kayamanan, dangal, at kapangyarihan” 38.
Binuo ng Kumbensiyon ang Committee on National Language na pinamunuan ni G. Alejo
Labrador mula Zambales. Sa pagpapasinaya nito ay tila naulit lamang ang nakaraang dekadang
pagtatalo kung Ingles o katutubong wika ang gagawing wikang pambansa. Sa isa sa mga sesyon
nagpanukala si G. Wenceslao Vinsons para sa probisyon ng Artikulo XIII, Seksyon 2-9 ng
Saligang Batas na sinang-ayunan ng mga delegado39:

The National Assembly shall take steps toward the development and adoption
of a common national language based on one of the existing native languages.
Until otherwise provided by law, English and Spanish shall continue as official
languages40.

Mula rito’y naglabas ang pamahalaan ng Komonwelt Act No. 184 (Batas sa Wikang Pambansa)
ukol sa pagtatatag ng National Language Institute (NLI). Bubuuin ito ng anim na delegado
mula sa anim na “principal language groups” na may layuning hanapin ang “isang wika” na
magiging batayan ng wikang pambansa. Si Prop. Jayme de Veyra ng UP Department of
Spanish ang itinalagang direktor ng nasabing instituto41.
Makalipas ang sampung buwan ng NLI, itinalaga, sa bisa ng kapangyarihan ni
Pangulong Quezon, na Tagalog ang magiging batayan ng wikang pambansa noong Disyembre
30, 193742. Makalipas ang dalawang tao’y ipinanukala naman niya ang Komonwelt Act No.

37
The Philippine Herald, Social scientists to study language (26 Mayo 1932).
38
Sundan ang tala blg 12, 29.
39
Jose Aruego, The Framing of the Philippine Constitution (Maynila, University
Publishing Co., Inc, 1949).
40
Official Gazette. Artikulo XIII, Seksyon 3, Saligang Batas 1935
41
Official Gazette, Commonwealth Act No. 184.
42
Sundan ang tala blg 5.
Santos 8

333 na siyang sumususog sa pagkakatatag ng NLI. Ang ngalan ng instituto ay gagawing


Institute of National Language o ang kilala ngayong Surian ng Wikang Pambansa 43.
Kinailangan ng Surian ng isang dalubwikang mag-aakda ng komprehensibong
batayang panggramar upang malinang ang wikang Tagalog. Dahil dito’y ipinasok ng Surian si
G. Lope K. Santos at di naglao’y nakapaglimbag ng “Balarila ng Wikang Pambansa.” Marami
pang teksto at manwal ang sumunod na naimprenta mula rito hanggang sa noong Hulyo 4 1940,
ipinasa na ang Komonwelt Act No. 570 na nagsasabing ang malapit nang mabuong “Filipino
National Language” ay isa nang wikang opisyal, paris ng Espanyol at Ingles 44.
Tagalog sa Panahon ng Hapon. Bagaman sinakop tayo ng mga Hapon noong 1942,
ang kilusan para sa wikang pambansa ay nagpatuloy sa pagyabong. Naging patakaran nito ang
pagpapalaganap ng “wikang pambansa ng Pilipinas o Tagalog” na siya namang isinandiwa ng
Surian – ang “papapaunlad sa wikang Tagalog.45” Hunyo 12 nang parehong taon itinakda ang
wikang Hapon at Tagalog ang magiging opisyal na wika ng bansa 46. At sa isa sa mga talumpati
ni Don Claro M. Recto tungkol dito, inatasan niya ang Unibersidad ng Pilipinas na magtakda
ng isang major na disiplina sa wikang pambansa sa ilalim ng Bachelor of Arts 47.
Panahon ng Republika. 1959, sa bisa ng Kautusan Blg 7 ni Secretary of Education Jose
Romero, ang Tagalog ay ginawang Pilipino – isinunod sa ngalan ng mga mamamayan ng
Pilipinas upang mas maging inklusibo48. Gayunpaman, para sa nakararami, ang aksyon ay
isang pagpapalit-bihis lamang – sapagkat Tagalog pa rin ang esensiya ng Pilipino. Si Prop.
Leopoldo Yabes ng UP, ang isa sa mga kritiko at pangunahing tumutuligsa sa wikang Pilipino
noon ang nagsabing ang kiling ng pamahalaan sa Tagalog noong panahon ng Hapon ay tanda
ng pagakduwag ng sa pamahalaang militar49. Sa era na rin na ito nagsimula ang “language
wars” – iba’t ibang eksperto na may magkakaibang opinyon sa wika ay tila sumabak sa gusot
at walang katapusang pagtatalo. At maging ang mga mag-aaral ng UP ay sumali sa nasyunal
na usapin:

Sa kabilang dako, kakaiba ang dating ng walang pag-aalinlangang paggamit ng


Pilipino ng mga aktibistang mag-aaral kaugnay ng kanilang ipinaglalabang mga
isyu. Pinatutunayan nila ang pagiging sapat nito hindi lamang bilang isang

43
Official Gazette. Commonwealth Act No. 333, 18 Hunyo 1938
44
Offical Gazette. Commonwealth Act No 570, 4 Hunyo 1940.
45
Official Gazette, Military Order No. 2, 17 Pebrero 1942.
46
Official Gazette Military Order No. 13, 12 Hunyo 1942.
47
Claro Recto, Sa Ikalalaganap ng Sariling Wika (1943).
48
Kagawaran ng Edukasyon, Kautusang Pangkagawaran Blg 7, 13 Agosto 1959.
49
Leopoldo Yabes, “The language policy reconsidered” sa Bulletin Today, Jan-Feb
1981.
Santos 9

wikang pangkomunikasyon kung hindi wikang makapagbibigay liwanag (kahit


na hindi kaagad mahagip ng isipan) sa mga isyung kinahaharap ng
sambayanang Pilipino: imperyalismo, kapitalismo, pasismo, at iba pa. Naging
tampok ang aktibismo ng mag-aaral sa kilusan upang makalinang at
makapagpalaganap ng isang wikang pambansa. Iniuugnay dito ang Movement
for the Advancement of Nationalisim (MAN) na itnatag noong 1967. Noong
1969, sa kanilang kongresong ginanap noon, ipinabatid din ang kanilang
pagkilala sa naroroong hinihingi “ng mga pangyayari sa bansa na Pilipino ang
dapat na wikang pambansa…”50

Ang karamihan ng mga pangyayari noong 1960s ang nagtulak para muling magkaroon
ng isang Kumbensiyong Konstitusyunal na sisiyasat sa buong balangkas ng pamahalaan upang
makagawa ng bagong saligang batas. Naantala ang mga plano at napagpatuloy na lamang ang
Kumbensiyon mula 1970 hanggang 1973.
Sa tulong ng rekomendasyon ni Dr. Ernesto Constantino ng UP Department of Filipino
and Philippine Languages, noong Nobyembre 24 1972, pormal na napagkaisahan ng mga
delegado sa Kumbensiyon ang mga sumusunod na probisyon ng Saligang Batas 1973:

SECTION 3. (1) This Constitution shall be officially promulgated in English


and in Pilipino, and translated into each dialect spoken by over fifty thousand
people, and into Spanish and Arabic. In case of conflict, the English text shall
prevail.

(2) The Batasang Pambansa shall take steps towards the development and
formal adoption of a common national language to be known as Filipino.

(3) Until otherwise provided by law, English and Pilipino shall be the official
languages51.

Malinaw na nakasaad na gagawa ng mga hakbang sa pagdedebelop ng wikang


pambansang ngayo’y ibabatay na sa lahat ng wika sa bansa at tatawaging Filipino. Subalit
hanggang hindi pa nababago ang batas, Ingles at Pilipino pa rin ang magiging opisyal na wika
ng Pilipinas.
Sa Saligang Batas 1987 na nakasaad ang legal na basehan ng kasalukuyang wikang
pambansa. Matapos ang mahabang panahong pananaliksik:

SECTION 6. The national language of the Philippines is Filipino. As it evolves,


it shall be further developed and enriched on the basis of existing Philippine and
other languages.

50
Sundan ang tala blg 12, 38.
51
Sundan ang tala blg 10.
Santos 10

Subject to provisions of law and as the Congress may deem appropriate, the
Government shall take steps to initiate and sustain the use of Filipino as a
medium of official communication and as language of instruction in the
educational system52.

MGA HAKBANG NG UP SA PAGSULONG NG WIKANG FILIPINO

President Gonzales stated that “the task of developing our native languages
interests me a great deal, for this gives hope of unifying the sentiments of our
people.” Should we succeed in developing a Filipino national language, he
continued, “I cannot think of a factor that will be more potent in welding our
people into a unified nation”53.

Bilang pamantasang nasyonal ng Pilipinas, palagiang sinasangkap ng UP ang kaniyang


sarili sa anumang usapin at gawaing kinapapalooban ng lipunang Filipino. Sa puntong ito ng
pananaliksik, ang kabuuang papel ng UP sa pagsulong ng Filipino bilang wikang pambansa
ang siyang bibigyang pokus.
Mga Kursong Pangwika sa UP. Nang si G. Lope K. Santos ay nakapaglimbag na ng
kaniyang Balarila ng Wikang Pambansa sa Surian, siya’y hinirang na maging propesor ng UP
at maging miyembro ng kaguruan ng Department of Oriental Languages (1938) 5455. Bilang
makisig na tagapagsulong ng Tagalog, dalawang buwan ng kaniyang pagtuturo’y iminungkahi
na niya sa University Council ang pagkakaroon ng mga kursong Tagalog 10-11 (Basic
Tagalog), at Tagalog 12-13 (Advanced Tagalog) 56. Dinagsa ang mga klaseng ito ng mga
Pilipino elit at Amerikanong sundalo na nais matuto ng bernakular na wika sa Kamaynilaan.
Kaya sa pagitan ng 1941-1954, dinagdagan pa ang kurikulum ng Tagalog 103-104 (Advanced
Course), Tagalog 105 (Rhetoric), Tagalog 106 (Survey), Tagalog 107 (Prose), Tagalog 108
(Poetry), at Tagalog 109 (Journalism)57.
Sa pagbitiw ni Dr. Cecilio Lopez bilang puno ng departamento ni G. Santos noong
1963, si Prop. Leopoldo Yabes ng Department of English and Comparative Literature, ang
pumalit dito. Kaiba sa sinundan, wala siyang interes sa pagsulong ng wikang Pilipino dahil

52
Official Gazette. Artikulo XIV, Seksyon 6, Saligang Batas 1987
53
Bienvenido Gonzales, “Own tongue factor in national unity” sa The Philippine
Collegian (6 Pebrero 1940), 1.
54
Paraluman Aspillera, Talambuhay ni Lope K. Santos (Lungsod Quezon, MCS
Enterprises, 1972).
55
Si Dr. Cecilio Lopez ang pinuno ng naturang departamento.
56
Minutes, 449th meeting of the Board of Regents, 29 Abril 1938, 174. Kataka-taka,
kahit na Tagalog ang pangalan ng kurso, “national language” ang turing dito ayon sa mga
deskripsyon.
57
Minutes, 153rd meeting, University Council. 21 Marso 1941.
Santos 11

noon pa man, Ingles na ang kaniyang kiling 58. Nang nagdulot ito ng gulo sa kaguruan59, siya
ay inilipat na maging Dekano ng Graduate School 60.
Ang mahusay na estudyante sa Linguistics ni Dr. Lopez na si Dr. Ernesto Constantino
ang humalili sa pamunuan noong 196661. Malawak ang pangarap ni Dr. Constantino hindi
lamang para sa departamento, kundi para rin sa pagpapaunlad ng wikang Pilipino. Una,
iminungkahi niya ang pagpapabago ng ngalan ng pakuldad - ang Department of Pilipino and
Philippine Literature (DPPL). Ayon sa ulat ng Board of Regents, ang pangunahing layunin ng
pagpapalit-ngalan ay ang pagkatawan sa mga kursong Philippine Institutions62 at Philippine
Studies63. Bukod pa rito, ayon kay Pangulong Carlos Romulo, ang DPPL ay pagpapahayag ng
pakikilahok at pakikiisa ng UP sa pagpapaunlad ng wikang pambansa at sa patuloy na
pagtulong at pag-alalay nito sa lipunan. Malinaw daw na nagtagumpay na ang Pilipino kaysa
Ingles sa loob ng pamantasan, kaya inaasahang ang bagong departamento ang higit na
makakapamahala sa mga gawain at pananaliksik na mas magpapaunlad pa sa wika, kultura, at
lipunan64.
Ang posisyon ni Pangulong Romulo sa pagsulong ng wikang pambansa, sa simula pa
lamang ng kaniyang panunungkulan, ay binigyang-puri ng mga mag-aaral. Sa Philippine
Collegian, pinasalamatan ni Jose Maria Panganiban ang mabuting pakay na ito ng pangulo.
Mainam daw ito sapagkat:

…ang bawa’t bansa sa daigdig ay may Pamahalaan na nagbabantay sa


kaayusan, kabuhayan at kapanatagan ng madla; may Watawat na sagisag ng
kasarinlan; may Pambansang Awit na buhay at sigla ng mga mamamayan sa
pagmamahal sa bayan; at may Sariling Wikang Pambansa na patunay ng
kaisahan ng buong bansa 65.

58
Sundan ang tala blg 12, 86.
59
Sundan ang tala blg 12, 88. Orihinal na sipi: Anuman ang naging kaugnayan ni
Prop. Yabes sa kilusan ng wikang pambansa, may nagsasabing kung muling pagbabalikan
ang kaniyang ginawa o nagawa, maaaring sabihing naging sagabal si Prop. Yabes, kundi man
talagang nakapigil siya, sa pagpapaunlad ng wikang pambansa o ng Pilipino, sa loob ng UP.
60
Sundan ang tala blg 54.
61
Sundan ang tala blg 12, 109. Sulat ni Dean Cesar Adib Majul sa Pangulo ng
Unibersidad ng Pilipinas, Oktubre 16, 1969, 1.
62
Pagkakroon ng kursong PI 100 o ang Life and Works of Jose Rizal na ayon sa Rizal
Law ni Senador Claro M. Recto noong 12 Hunyo 1956
63
Minutes, Board of Regents, 27 Enero 1966, 6.
64
Minutes, 231st meeting, University Council, 28 Enero 1967. Ito ay ang State of the
University Address ni Pangulong Carlos Romulo noong 1966-1967.
65
Jose Villa Panganiban, “Pagpapalaganap ng Pilipino sa UP” sa The Philippine
Collegian. 18 Setyembre 1962, 5.
Santos 12

Sunod-sunod na proyekto at panukala ang pinasinayaan ni Dr. Constantino. Nagrebisa


ng kurikulum at nagbukas ng mga bagong kursong di-graduwado at graduwado ang DPPL.
Ayon sa ulat nito noong 1967, binuksan ng tanggapan ang AB Pilipino, AB Philippine Studies,
AB Philippine Literature, MA Pilipino, at MA Philippine Studies66. Nagbukas din ang
tanggapan ng 15 bagong kurso sa literatura – dalawa rito ang Philippine Institutions 100: The
Life and Works of Jose Rizal at Philippine Literature 112 (The Nationalist Literary
Tradition)67. Ang mga kursong ito ay tanda ng malalim na kagustuhan ng unibersidad na
magkaroon ng nasyonalistiko at siyentipikong pag-aaral hinggil sa lipunan, literatura, at
kulturang Pilipino.
Pinalawak ni Dr. Constantino ang saklaw ng tungkulin ng DPPL. Iminungkahi niyang
isalin sa Pilipino ang lahat ng deskripsiyong pangkurso sa wika at panitikan. Sinang-ayunan
naman ito ng University Council68. Sa graduwadong larangan, gumuhit ng kontrabersiya ang
isang bagong kursong kaniya ring mungkahi – Pilipino 220 (Ang Pagpapaunlad ng Pilipino) –
Mga paraan at suliranin sa pagpapaunlad ng Pilipino bilang wikang pambansa ng Pilipinas.
Ang nilalaman kasi ng paksang nabanggit ay ang pagtalima niya sa pilosopiya ng Surian ng
Wikang Pambansa ukol sa wika – sapagkat tulad ng kaniyang gurong si Dr. Lopez, pinag-
aralan niyang higit na mainam na ibatay sa lahat ng wika sa bansa ang Pilipino. Kumbaga, ang
DPPL (diin sa kursong Pil 220) ang ginawa niyang laboratoryo ng angkin niyang pagdebelop
sa wikang UP Filipino (tatalakayin sa huling bahagi).
Isa pa sa mga tagumpay ng kaniyang panunugkulan ay ang pagpasa ng University
Council sa mungkahing maglagay ng mandatong 6 na yunits ng Pilipino sa General Education
(GE) Program ng UP Diliman. Unang semestre ng 1971-1972, agad itong ipinatupad69. Inadap
ito ng National Board of Education sa dahilang kailangang magkasama ang Pilipino at Ingles
sa bagong patakarang pangwika binubuo ng nagaganap na Kumbensiyong Konstitusyonal para
sa Saligang Batas 1973.
Tulad ng inaasahan, hindi ito buong pusong tinanggap ng mga miyembro ng kaguruan.
Nabuhay kasing muli ang iba’t ibang mungkahi ukol sa wika dahil sa nagaganap na
pagbuburador ng saligang batas. Pambihira naman ang pagtanggap dito ng mga iskolar ng
bayan. Sumabay ito sa tumutubong militansiya ng kilusang nasyonalismo sa simula ng

66
Annual Report, DPPL July 1 1966 hanggang June 30 1967 (17 Mayo 1967).
67
Sundan ang tala blg 12, 93. Wala nang anumang kopya ng College Folio sa library
at archives.
68
Minutes, 246th meeting of the University Council, 4 Mayo 1971.
69
Minutes, 247th meeting, University Council, 11 Setyembre 1971.
Santos 13

maligalig na dekada ’70 at ng mabilis na pagdaluyong ng aktibismo ng mga mag-aaral buhat


sa iba’t ibang radikal na pangkat – tulad ng Kabataang Makabayan (KM) at Samahang
Demokratiko ng Kabataan (SDK). Pansing Pilipino ang pangunahing wika nila ng protesta sa
rehimeng Marcos. Mas pumukaw pang higit dito ay ang malawak nilang hanay ng pagkilos na
tanging dapat tangkili’t ipalaganap ng masang mamamayan ay ang wikang Pilipino – wikang
higit na mas mataas kaysa Ingles 70.
Marahil ang samu’t saring panawagang ito ang nagpasiklab pa sa lumalagong
nasyonalismo ng Pilipinas sapagkat unti-unti nang nakikilalang ang mga “nasyonalistikong”
mamamayan ng bansa ay nakukubli ng paggamit ng wikang Pilipino – ng wikang tunay na
mula sa atin. Gayundin, pinaalab ng mga kilusan ang pusong makabayan ni Dr. Constantino
nang personal niyang pinag-aralan ang wikang pambansa. Komprehensibo niyang binuo ang
Pilipino ng UP o UP Filipino na ibinatay sa lahat ng wika sa Pilipinas71. Ito ang ginamit na
wika ng departamento sa halip na Pilipino (ng Surian).
Nang nagpatawag na ng mga delegadong paham sa wika ang Kumbensyong
Konstitusyunal, sina Dr. Constantino, Prop. Erenesto Cubar, Dr. Nelia Guanco Casambre,
Prop. Leopoldo Yabes, Prop. Tomas Aguirre, Jr, at Dr. Cecilio Lopez ang mga kaguruan ng
UP na lumahok sa komite ng wikang pambansa72. Tuwirang ipinahayag ni Dr. Constantino sa
ikalimang pulong ng Kumbensiyon ang nais niyang mangyari sa Pilipino – na tulad ng
kaganapan sa UP ay ibatay sa lahat ng wika ng bansa at tawaging Filipino. Gagamitin niya di
umano ang Universal Approach sa pagtatatag ng wikang Filipino 73.
Taliwas dito si Prop. Aguirre. Aniya, hindi mangyayaring ibabatay sa maraming wika
ang wikang pambansa. Tutol siya sa Pilipino, lalo na sa Filipino, dahil ito raw ay nagmula sa
ngalan ng masamang hari, si Felipe II ng noong malupit na kolonisador na Espanya 74.
Upang mapatunayang mali si Prop. Aguirre, sa ika-25 pulong ay inilahad ni Dr.
Constantino ang pag-aaral ni Dr. Lopez na “Vocabulary of the Philippine Languages.” Sambit

70
Sundan ang tala blg 12, 115.
71
Ernesto Constantino, “Ang Programa sa Filipino ng UP at ng bilingual na
edukasyon sa Pilipinas” sa Filipino o Pilipino? Mga Bagong babasahin sa pambansang wika
at literatura (Lungsod Quezon: University of the Philippines Press, 1974), 4. UP Filipino –
Ito ay wika ng masang Pilipino na di binubuo ng isng etnikong grupo lamang kundi ng lahat
ng mga etnikong grupo sa Pilipinas.
72
Leopoldo Yabes, Let’s study the new constitution: the language provision, 96.
73
Ibid. Ang universal approach ay ang paraang gagamitin ng mga paham upang
makabuo ng isang wikang pambansang batay sa mga wika sa Pilipinas. Pagsasamahin nito
ang karakter ng bawat wika upang magtasahan at makabuo ng isang istandard ng akdang
panggramar. Ang talang ito ay makikita rin sa tala blg 12.
74
Ibid, 57.
Santos 14

niyang kasalukuyan nang tinatrabaho ang mas pagpapalawig pang sakop ng naturang pag-aaral
upang makapaglimbag ng isang aklat-gramar para sa lahat ng katutubong wika sa Pilipinas.
Matapos nito’y nakaakit ng mga boto at pag-sang ayon ang paham. Ilan sa mga naunang
naghatid ng suporta sina Delegado Albano at Delegado Racalzo75. Di naglaon, sinaklaw ng
saligang batas ang rekomendasyon ni Dr. Constantino.
Ang pagsang-ayon ng mayoryang boto ng kumbensiyon ay isang katagumpayan sa
matagal nang inaasam ng unibersdidad hinggil sa pagiging Filipino ng wikang Pilipino. Sa
usaping pangwika, bukod sa UP, higit na nagwagi ay ang puwersa ng masang mamamayan,
sapagkat ang hakbang na ito ay tungo na sa ganap na dekolonisasyon. Ika nga ni Prop. Lila
Quindoza:

Bilang na bilang na ang araw ng mga Ingles sa sistema ng edukasyon. Maging


sa kasalukuyan na hindi pa pormal na tinatanggap ang Pilipino bilang wikang
panturo ay maraming guro na ang gumagamit nito76

Taong 1986, sa tulong ng mapayapang pagkakaisa ng mga Filipino buhat sa


magkakaibang sektor, matagumpay nilang naisagawa ang People Power Revolution na
nagpabagsak sa rehimen ni Pangulong Marcos. Tulad ng rebolusyong isang siglo ang
nakararaan, si Bonifacio ay lumaban din sa mapanupil na pananakop ng mga Espanyol.
Tagalog ang wikang nagbuklod sa mga mamamayan noon, samantalang Pilipino ang naging
susi sa pagkakaisa ng mga Filipino nang panahong ito ng EDSA. At kung itinuturing na
ikalawang kilusang pambayan ang rebolusyon 1986, gayundin naman, ito’y panahon ng
panibagong bahagi ng pakikisangkot ng UP sa usaping pangwika.
Filipino bilang Wikang Pambansa. Sinimulang pairalin sa buong bansa ang Palising
Bilingguwal ng UP (1968) noong 1973. Samantalang Ingles at Pilipino ang midyum ng
instruksyon sa mga paaralang-bayan, patuloy pa rin ang paggigiit ni Dr. Constantino sa
paggamit ng Filipino kaniyang matagal nang sinasaliksik:

Sa aming palagay, ang bilingguwalismong ito ay hindi magtatagal o magiging


permanente sa UP. Ito’y tutungo o patungo na sa “pangingibabaw at pag-iisa o
pagsosolo ng wikang Filipino bilang wikang panturo” 77.

75
Ibid, 96-97.
76
Lilia Quindoza, “Tungo sa isang pambansa, siyentipiko, at pangmasang wika” sa
The Philippine Collegian (20 Agosto 1971), 7G.
77
Sundan ang tala blg 71, 166.
Santos 15

At upang ipahayag ang dinidibdib ng unibersidad, noong 1974 ay pinalitang muli ang
ngalan ng DPPL at naging Department of Filipino and Philippine Languages (DFPL). Bago
matapos ang taon, sinundan naman ito ni Pangulong Salvador Lopez sa pagtatatag ng UP
Center for Filipino Development (CFD)7879. Sa kasamaang palad, sa pagtatapos ng
panunungkulan ni Pangulong Lopez, hindi ito ipinagpatuloy ng mga sumunod na pangulo ng
UP. Ganito man ang nangyari, hindi pa rin umurong ang DFPL sa adhikaing ito. Taong 1979
naipasa ang mandatong 12 yunits ng Filipino sa GE Program 80. Bunga nito’y dumami ang
klaseng pinasinayaan ng DFPL kasabay ng pagtaas ng enrolment sa kursong BA at MA
Filipino.
Sa matagumpay na pagpapababa kay Pangulong Marcos sa Malacaňan ay agad na
nagpatawag ng Kumbensiyong Konstitusyunal si Pangulong Cory Aquino upang itakda ang
“Freedom Constitution.” Nakita itong pagkakataon ng UP upang magsulong ng maka-
mamamayang tsarter ng bayan at ng nasyonalistiko, siyentipiko, makamasa, at malayang
wikang pambansa. Ipinasa ni Dr. Constantino, kasama sina Dr. Consuelo Paz, Prop. Rosario
Torres-Yu, at Prop. Jesus Fer. Ramos, ang “Proposal para sa CONCON: Probisyon para sa
Pambansang Wika”. Tagubilin ng mga patnugot, sa bahagi ng pangkalahatang prinsipyo,
mababatid:

Upang matagumpay na maiproklama ang isang tunay na nagsasarili at malayang


estado, dapat taglayin ng wikang pambansa ang mga katangiang makabayan,
di-elitista, makamasa, mapagbuklod, at siyentipiko.

Upang mataglay ang makabayang karakter nito, dapat lamang na ito’y isang
wika sa Pilipinas, kundi man, isang wikang batay sa mga wika natin. Walang
dayuhang wika ang makatutugon sa prinsipyong ito81.

Naidambana sa Saligang Batas 1987, matapos ang masalimuot na pakikipagbuno, ang


“Filipino” bilang wikang pambansa.
Palisi sa Wika sa UP Diliman. Bilang pagtugon ng UP sa pagiging opisyal ng Filipino
sa konstitusyon, noong Hulyo 18 1987, kaagad sinang-ayunan ng University Council ang

78
Minutes, 854th meeting, Board of Regents, 17 Disyembre 1974.
79
Ang dalawang hakbang na ito ang nasilbing mitsa upang tuluyang ipaglaban ng
sangkaguruan ng DFPL na tuluyang gawing Filipino ang wikang pambansa sa sumunod na
pagbalangkas ng panibagong konstitusyon noong 1986.
80
Minutes, 270th meeting, University Council, 11 Abril 1979.
81
Ernesto Constantino, Consuelo Paz, Rosario Torres-Yu at Jesus Fer. Ramos, “Mga
Pangkalahatang Prinsipyo” sa Proposal para sa CONCON: Probisyon para sa Pambansang
Wika.
Santos 16

pagtatatag ng komite na siyang bubuo sa panibagong palisi sa wika sa UP Diliman.


Ipinagkatiwala ni Chancellor Ernesto Tabujara ang Committee on Language Policy kay
Dekano Cesar Saldana ng College of Business Administration8283. Iniharap kay Pangulong Jose
Abueva kina-Agosto-han ang “Proposal for the Implementation of the Policy for Filipino as
the Medium of Instructions at UP Diliman”. Ipinasa ito ng University Council at pormal na
isinapubliko ang “University’s Language Policy” sa pagsang-ayon din ng Lupon ng mga
Rehente84.
Natatangi ang wikang Filipino batay sa pilosopiya ng naturang palisi. Sa ganitong
paraan pinahahalagahan ng UP ang wikang pambansa:

1.3. Kailangan natin ang isang pambansang wika bilang lingua franca ng mga
kultura at sibilisasyong Filipino. Kakatawanin ng wikang ito ang ating
pamanang ispiritwal at kultural bilang isang pambansang komunidad,
padadaliin ang komunikasyon sa lahat ng mamamayan, palalakasin ang ating
pagkakaisa bilang isang bansa, at tutulong sa pagkakapantay-pantay sa
ating lipunan.

Kasabay nito, kailangan din nating idebelop at pasiglahin ang ating mga lokal
at rehiyunal na kultura at wika, pagkat ang mga ito ang tunay na bukal na
siyang magpapayaman at magpapalakas sa sibilisasyong Pilipino85.

Kinikilala ng UP na ang Pilipinas ay higit pa sa pagiging isang bansa – sapagkat ito ay isang
natatanging multi-kultural at multi-lingual na nasyon86. At mapagbubuklod, mapagkakaisa, at
mapagpapantay lamang ang mga Filipino sa pamamagitan ng pagsulong ng isang tiyak at buhay
na wikang pambansa.
Bilang katuparan na rin sa pangarap ng dating Pangulong Lopez, inilangkap sa Palisi
ang pagpapatayo ng isang Sentro sa Wikang Filipino (SWF) bilang pagpapatuloy ng UP CFD87.
Si Prop. Teresita Maceda ang kauna-unahang itinalagang direktor ng Sentro88.
Binigyang-diin ni Prop. Maceda ang isa sa maraming panlipunang layunin ng Saligang
Batas 1987. Binigyang-diin niya na ang Estado, bilang pangunahing tagapagtaguyod ng

82
Ernesto Tabujara, Memorandum Blg 03, 11 Enero 1988.
83
Sa buong panahon ng pananaliksik, walang anumang dokumento ang UP Main
Library na nagpapaliwanag kung bakit sa dekano ng CBA iniatang ang responsibilidad sa
isang palisi sa wika.
84
Sundan sa tala blg 12, Vice President for Academic Affairs, Memorandum No 89-4,
29 Mayo 1989.
85
Sundan sa tala blg 14, 4.
86
Ibid, 1.
87
Ibid, 4.
88
Sundan sa tala blg 12, 151
Santos 17

nasyonalismo, ay dapat na magbigay prayoridad sa edukasyon, sining, kultura, at iba pa. Tulad
ng kaniyang sambit sa Educational Quarterly:

Dapat bigyang prayoridad ng Estado ang edukasyon, syensya at teknolohiya,


mga sining, kultura, at palakasan upang mapaunlad ang pagkamakabayan at
nasyonalismo, mapabilis ang kaunlarang panlipunan, at maitaguyod ang
ganap na paglaya at pag-unlad ng tao89.

Alam natin na ang wika ang pinakaepektibong daluyan ng kaisipan at damdamin. Lalo
na sa mga bansang sinakop ng iba’t ibang pangkat ng dayuhang may kani-kaniyang wika at
kultura, higit na kailangan nating magtakda (kundi ma’y maglikha) na nagsasariling
tagapagbuklod ng bayan – wika – na matapos ang tunggalian ng opinyon, panahon, lakas, at
dunong – wikang Filipino.

KONKLUSYON: WIKA AT NASYONALISMONG FILIPINO


Walang tiyak na kahulugan ang salitang nasyonalismo. Partikular sa Pilipinas, ang
kahulugan ng naturang salita ay mayroong iba’t ibang konteksto depende sa yugto ng panahon
kung kailan ito tinatalakay. Maaaring sabihin na sa panahon ng Katipunan, rebolusyong bayan
ang kahulugan ng nasyonalismo. Maaari rin, na sa panahon ng batas-militar ni Pangulong
Marcos, ang pagkakaisa ng lahat ng sektor ng lipunan habang nagmamartsa sa EDSA ang
kahulugan ng nasyonalismo. Gayundin, sa kasalukuyan, maaaring ang nasyonalismo ay idikit
sa pagmamahal sa bayan – mga sundalong nag-aalay ng buhay sa panahon ng sigwa, mga
overseas filipino workers na nagtataguyod ng pamilya at nag-aambag ng kita sa pambansang
ekonomiya, o dili kaya’y pagiging boluntaryong guro sa kanayunan, militanteng miyembro ng
pangmasang organisasyon, at pagiging kawani ng gobyerno. Ngunit upang bigyan ng isang
working definition ang ideyang ito, gagamitin nating lente ang pagpapakahulugan ni Dr.
Pamela Constantino:

At bagamat isang komplikadong salita ito [nasyonalismo], karamihan ng mga


depinisyon dito ay tumutukoy sa mga sumusunod na elemento: ang
pagkakaroon ng kamulatang pambansa, pambansang identidad, dimensyong
heograpikal, patriotismo, at pangangailangang aksyon para sa lalong
ikagagaling ng grupo o komunidad90.

89
Teresita Gimenez Maceda, “Implementasyon ng Palisi sa Wika sa UP” sa
Educational Quarterly, Vol 38 (Enero-Marso 1991), 2.
90
Pamela Constantino, “Wika, nasyonalismo, ideyolohiya” sa Mga piling diskuro sa
wika at lipunan (Lungsod Quezon, University of the Philippines Press), 11.
Santos 18

Ang kamulatang pambansa at pambansang identidad na tinutukoy ni Dr. P.


Constantino ay nakaangkla sa punong teorya ni Benedict Anderson, isang political scientist at
historyador. Ayon sa kaniyang akdang “Imagined Communites”, ang nasyon ay isang imagined
political community and imagined as both inherently limited and sovereign91. “Imagined” ang
mga nasyon sapagkat hindi malalaman ng sinumang mamamayan ng isang komunidad na
siya’y napapaloob sa isang mas malaking bahagi ng lipunan liban na lamang kung ito ay
tutumbok sa kaniyang imahinasyon. Limitado at malaya ang pagkokonteksto ng “imagined
communities” dahil datapwat malaya ang pag-iisip, nagmimistulan pa rin itong limitado
sapagkat pinipili ng iyong kaisipan ang bilang na mga salik na bubuo sa isang nasyon - iyong
batay lamang sa iyong pansariling palagay92.
Ang “linkage” sa imahinasyon ng isang nasyon ay nasa pagtrato sa mga imprentang
kagamitan (dyaryo) bilang isang mahalagang komoditi. Ani Anderson, ang petsang isinasatitik
sa ibabaw ng pahayagan ay gumaganap bilang tagapagpatunay ng “calendaric coincidence”.
Nilalayon nitong mapatunayang ang saklaw ng mga mamamayang nasa iyong kaisipang-
nasyon ay kasabay mong kumikilos sa isang homogeneous time93. Mapapansin ding ang
wikang ginagamit sa pagsusulat ay yaong wika ng target market ng mga kapitalistang may-ari
ng mga palimbagan. Alalaong baga, iniistandardays at nagpapagalaw ito ng animo’y
“pambansang” wika. Dulot nito’y nagiging probinsiyal o rehiyunal ang “mas maliit” na mga
wika ng mga mamamayang tumatangkilik din ng limbag na dyaryo.
Dito marahil nagsimula ang tungkulin ng wika bilang tagapagdaloy ng ideyolohiya. Sa
bawat seksyon ng balita, sa bawat naratibo at panawagang mababasa, at sa bawat pangyayaring
nakaaapekto sa lipunan, wika ang pinakamabisa nitong tagapag-ugnay. Sa bansang multi-
etniko at multi-linggwal tulad ng Pilipinas, panawagan ito sa pagsulong ng isang wikang
magbubuklod sa mga mamamayang Filipino. Hindi man kayaning maisalin ang mga ganang
tala sa daang mga wika ng bansa, ang pagbuo ng “wikang pambansa” na nakabatay sa lahat ng
lenggwahe ay higit na mahalaga at kinakailangan. Sabi nga ni Dr. Virgilio Almario ng
Komisyon sa Wikang Filipino, ang pagbalangkas ng “Filipino” ay tungo rin sa pagbuo ng
pambansang kaakuhan94 – mas malalim na pagkilala sa iyong sarili bilang bahagi ng
malaking lipunan.

91
Sundan ang tala blg 1, 6.
92
Sundan ang tala blg 1, 6-7.
93
Sundan ang tala blg 1, 33.
94
Virgilio Almario, “Nasyonalisasyon ng Filipino” sa Ang wikang Filipino sa lipunan
at mundong postmoderno (Maynila: Komisyon sa Wikang Filipino), 66.
Santos 19

Sa ganitong lebel din pinahahalagahan ni Anthony Reid ang papel ng wika sa pagbuo
ng nasyon (nation-building). Isa sa mga key-identity markers ng pagiging nasyon ay ang wika.
Kalakip ang lingua franca sa mga tanda ng kasarinlan at kalayaan95. Sinabi rin niyang
nagbibigay ito ng higit na bentahe sa mga bansa – halimbawa niya’y mas madaling
nakapagsarili at nakapagpaunlad ng pamahalaan ang Malaysia kaysa Pilipinas dahil mas maaga
silang kumalag sa gapos ng Dutch at malaking salik nito ang pagtatakda ng isang wikang
pambansa (Malay).
Wangis ito sa posisyon ni Rupert Emerson sa akda niyang “From Empire to Nation”.
Mahusay niyang iniutilisa ang kasaysayan ng India sa pagpili ng Hindi (sa halip na Ingles)
bilang wikang opiyal at nasyonal. Ang katuturan nito ay dahil ang mga mamamayang may
iisang wika ay nagkakaroon ng “immense common bond which also reaches back to a common
store of social memories.”96 Isa ang wika sa maraming bahagi ng bersyon niya ng “anatomy of
a nation.” Binigyan niya ng diin na "a national community is inconceivable without a
common language . . . There is no nation which at one and the same time speaks several
languages."97
Isang kabanata ng akda ang tumalakay sa kalagayang pangwika ng India. Nakasaad na
noon pa man, ang pagtuturo sa mababang paaralan ay nasa wikang katutubo. Ang Ingles, bilang
wikang global, ay nasa mataas na paaralan (at/o kolehiyo at unibersidad) na sinisimulan. Kung
tatasahin, parang magdudulot ito ng paggigiit ng naghaharing-uri sa masang mamamayan.
Ngunit, kabaligtaran ang naging resulta. Sa halip na talikuran, mas pinaghusay ng mga elit at
pulitikong Indian ang pag-aaral ng wikang katutubo upang mawala ang “barrier” na malimit
naghihiwalay sa hanay ng akademya at ng bayan. Pinaliwanag niya ang konseptong ito sa
ganitong paraan:
What will be the effects on Indian democracy of the distinction between the
upper elements of the society which move in circles where learning Hindi and
English is relatively easy and important, and the mass of the less educated who
will not have moved beyond the local language and its cultural horizons? The
probability is strong that leaders will increasingly emerge whose stature is
essentially limited to their linguistic community with its political-emotional
potentialities and whose claim to power may undercut the appeal of those who
act at the national level. But though the risks of discord and separatism are
undoubtedly real, the likelihood is that the deeper wisdom lies with those who
are prepared to recognize and build upon diversity rather than with those who

95
Sundan ang tala blg 2.
96
Rupert Emerson, “From empire to nation” sa The rise of self-assertion of Asian and
African peoples (Massachussets: Harvard University Press, 1962), 133.
97
Ibid.
Santos 20

seek to crush it out and march with direct ruthlessness toward national
uniformity98.

Kapansin-pansin ang punto na ang usapin ng wikang pambansa ay palagiang


ikinokonekta sa midyum ng pagtuturo sa sektor ng edukasyon. Ito ay dahil sa loob ng
pamantasan nahuhubog ang karater-panlipunan ng isang mamamayan. Edukasyon ang
susi tungo sa diwang makabayan - pagmamahal at paglaban para sa kalayaan, pambansang
demokrasya, nasyon, bayan. Ang wika ang tagapaghatid ng nasyonalismo at pamantasan ang
pinakaaktibo at pinakamalaking hulmahan ng mga nasyonalistikong filipino – at ang UP, bilang
pamantasang nasyonal ng bayan - ang pinakamalaking “makinalya” ng nasyonalismo.
Samakatuwid, mahihinuhang hindi lamang basta malawakang pumapel o nakisangkot
ang UP sa usapin ng pagsulong ng isang wikang pambansa; datapuwa’y nilalaman nitong
tungkulin ng unibersidad ang maging impukan ng mga mag-aaral na magpapanimula ng
“kamulatang pambansa.” At dahil ang wika ay salik sa pagbuo ng nasyon, nararapat lamang na
una itong isalang sa malawak na saliksikan ng unibersidad ng bayan – ang Unibersidad ng
Pilipinas.

98
Ibid. 144
Santos 21

Sanggunian

Almario, Virgilio, “Nasyonalisasyon ng Filipino”. Ang wikang Filipino sa lipunan at

mundong postmoderno. Maynila: Komisyon sa Wikang Filipino.

Anderson, Benedict. “The origins of national consciousness” sa Imagined Communities:

Reflections on the origin and spread of nationalism. London: Verso, 1983

Aruego, Jose. The Framing of the Philippine Constitution. Maynila: University Publishing

Co., Inc, 1949

Aspillera, Paraluman, Talambuhay ni Lope K. Santos. Lungsod Quezon: MCS Enterprises,

1972

Constantino, Ernesto, Consuelo Paz, Rosario Torres-Yu at Jesus Fer. Ramos. Proposal para

sa CONCON: Probisyon para sa Pambansang Wika. 1986.

Constantino, Ernesto. “Ang Programa sa Filipino ng UP at ng bilingual na edukasyon sa

Pilipinas”. Filipino o Pilipino? Mga Bagong babasahin sa pambansang wika at

literatura. Lungsod Quezon: University of the Philippines Press, 1974.

Constantino, Pamela, “Wika, nasyonalismo, ideyolohiya”. Mga piling diskuro sa wika at

lipunan. Lungsod Quezon: University of the Philippines Press.

Cruz, Romeo, Filipino collaboration with the Americans, 1899-1902. 1956.

Emerson, Rupert, “From empire to nation”. The rise of self-assertion of Asian and African

peoples. Massachusetts: Harvard University Press, 1962.

Fonacier, Consuelo. “The role and mission of the university”. Inaugural addresses of the

Presidents of the University of the Philippines. Lungsod Quezon: University of the

Philippines Press, 1971

Guerrero, Milagros, Reform and Revolution, Kasaysayan: The History of the Filipino People.

Asia Publishing Company Limited, 1998.


Santos 22

Kagawaran ng Edukasyon. Kautusang pangkagawaran blg 7, 13 Agosto 1959.

Maceda, Teresita, “Implementasyon ng Palisi sa Wika sa UP”. Educational Quarterly, Vol

38, Enero-Marso 1991.

Malolos Constitution 1899. Pamagat XIV, Artikulo 93

McKinley, William, Instructions of the President to the Philippine Commission by United

States of America President William McKinley, 7 Abril 1900).

Orara, Jovita, Ang Unibersidad ng Pilipinas sa Kilusan para sa Wikang Pambansa (1908-

1973). Lungsod Quezon: UP Sentro ng Wikang Filipino, 1993.

Philippine Autonomy Act of 1916.

Philippine Commission Act No. 74, 1901.

Philippine Commonwealth Act No 570, 4 Hunyo 1940.

Philippine Commonwealth Act No. 184.

Philippine Commonwealth Act No. 333, 18 Hunyo 1938

Philippine Commonwealth Executive Order 134, 30 Disyembre 1937.

Philippine Constitution, 1935

Philippine Constitution, 1943

Philippine Constitution, 1973

Philippine Constitution, 1987

Philippine Declaration of Independence 1898

Philippine Educational Survey Commission. A survey of the educational system of the

Philippine islands by the Board of educational survey, created under acts 3162 and

3196 of the Philippine Legislature. 1925.

Philippine Military Order No. 13, 12 Hunyo 1942.

Philippine Military Order No. 2, 17 Pebrero 1942.


Santos 23

Ramos, Jesus. “Pulitika ng pagpili/paggamit ng wika sa lipunang Pilipino” Mga piling

diskurso sa wika at lipunan. Lungsod Quezon: University of the Philippines Press,

1966.

Recto, Claro. Sa Ikalalaganap ng Sariling Wika. 1983. Talumpati.

Reid, Anthony. “Understanding Southeast Asian nationalisms”. Imperial Alchemy:

Nationalism and political identity in Southeast Asia. Cambridge: Cambridge

University Press

Romero, Jose, Kautusan Blg 7 ng Secretary of Education, 1959.

Salamanca, Bonifacio. The Filipino reaction to the American rule, 1901-1913. Lungsod

Quezon: New Day Pub, 1984

Tabujara, Ernesto. Memorandum Blg 03. University of the Philippines, 11 Enero 1988.

The Philippine Collegian, 17 Hulyo 1962.

------------------------------, 18 Setyembre 1962

------------------------------, 20 Agosto 1971.

------------------------------, 6 Pebrero 1940.

The Philippine Herald, 3 Marso 1925.

---------------------------, 1 Setyembre 1928.

---------------------------, 23 Oktubre 1921.

---------------------------, 25 Nobyembre 1920.

---------------------------, 26 Mayo 1932.

---------------------------, 27 Setyembre 1924

University of the Philippines Board of Regents. Minutes, 449th meeting, 29 Abril, 1938.

----------------------------------. Minutes, 854th meeting, 17 Disyembre 1974

University of the Philippines University Council. Minutes, 153rd meeting. 21 Marso, 1941.
Santos 24

----------------------------------. Minutes, 231st meeting, 28 Enero 1967.

----------------------------------. Minutes, 246th meeting, 4 Mayo 1971.

----------------------------------. Minutes, 247th meeting, 11 Setyembre 1971.

----------------------------------. Minutes, 270th meeting, 11 Abril 1979.

University of the Philippines. Patakarang Pangwika sa UP, 29 Mayo 1989.

Yabes, Leopoldo, “The language policy reconsidered”. Bulletin Today, Jan-Feb 1981.

--------------------. Let’s study the new constitution: the language provision. Lungsod Quezon:

University of the Philippines Press, 1913.

View publication stats

You might also like