Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

LEARNING STRAND IV & V

DEVELOPMENT OF SELF AND A SENSE OF COMMUNITY EXPANDING ONE’S WORLD


VISION

PANUTO: Basahin ang bawat talata at tanong at mula sa mga opsyon ay piliin ang tamang sagot. Itiman ang bilog
na may katumbas na bilang ng inyong sagot sa sagutang papel.

1. Si Ben ay nakatapos ng Grade 10. Nais niyang magtuloy ng kolehiyo, ngunit hindi siya kayang pag-aralin ng
kanyang mga magulang kaya siya ay nagtrabaho habang nag-aaral hanggang sa siya ay nakatapos ng kursong
Computer Technology. Ngayon siya ay permanenteng empleyado na sa kanilang lugar. Anong katangian ang
tinataglay ni Ben?
A. masayahin at magiliw C. matapat at mapagkumbaba
B. matiyaga at determinado D. mayabang at tamad
2. Ang pagtingin sa sarili ay tumutukoy sa ___________________________.
A. pananaw ng mga kaibigan mo sa iyo C. pananaw ng iyong sarili
B. pananaw ng iyong pamilya sa iyo D. pananaw mo sa iyong pamilya
3. Alin sa mga sumusunod na paraan ang hindi wastong makapagpababa ng stress?
A. Pag-inom ng alak C. Pag-eehersisyo
B. Sapat na tulog D. Pagmumuni-muni
4. Ano ang maaaring mangyari sa isang tao na hindi marunong magdala ng stress na kanyang nararanasan sa
matagal na panahon?
A. Magiging sakitin C. Mabilis magalit
B. Magiging desperado/desperada D. Lahat ng nabanggit
5. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng pagiging matapat?
A. Tinatapos ko agad ang aking takdang aralin bago manood ng TV
B. Iniipon ko sa alkansya ang bahagi ng aking baon.
C. Nagsasabi ako ng totoo anuman ang kahihinatnan.
D. Iniingatan ko ang aking mga gamit para di agad ito masira.
6. “Huwag kang bibitaw! Subukan mo lang hanggang makamit ang tagumpay,” Anong mabuting katangian
ang ipinahihiwatig ng kaisipang ito?
A. matiyaga C. maagap
B. matipid D. makatatungan
7. Napansin mong sinira ng iyong kapitbahay ang bakod ng kabila mong kapitbahay na walang tao. Ano ang
dapat mong gawin?
A. Huwag siayang pansinin. C. Kausapin siya ng maayos na mali ang kanyang ginawa.
B. Pagsalitaan siya ng masama. D. Gamitan siya ng dahas.
8. Humingi ng tulong ang iyong kapatid sa paggawa ng kanyang takdang aralin na ipapasa na sa susunod na
araw. Ano ang gagawin mo?
A. Sisigawan siya at sasabihing huwag gambalain
B. Tutulungan mo siya sa paggawa ng kanyang takdang aralin.
C. Sasabihin sa kanya na sa iba siya humingi ng tulong.
D. Hindi siya papansinin.
9. Paano mo maipapakita ang paggalang sa karapatang pansarili (right poverty) ng iyong kapwa?
A. Hindi babasahin ang sulat na hindi para sa iyo.
B. Buksan agad ang sulat kahit hindi nakapangalan sa iyo.
C. Basahin ang mga mensahe sa cell phone ng iyong kaibigan.
D. Ipagsabi ang sikreto ng iyong kaibigan.
10. An gating pamahalaan ay mayroong kampanyang “Laban Kontra Droga.” Sa iyong palagay, ano ang
mabuting maidudulot nito sa bansa?
A. Maiiwasan ang pagkalat ng krimen. C. Maiwasan ang pag-aabuso sa kababaihan at kabataan
B. Maisasalba ang mga taong gumagamit ng droga. D. Lahat ng nabanggit.

Para sa bilang 11-13.


Basahin at unawain ang talata. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Manggagawa sa isang pabrika si Klara. Siya ay may anim na anak. Malayo ang lugar ng
kanyang pinapasukan kung kaya’t kailangan niyang gumising bago sumikat ang araw upang
makarating sa tamang oras. Sa bigat at dami ng trabahong dapat tapusin halos ginagabi na siya
sa pag-uwi. Bihira na siyang magkaroon ng pagkakataong makausap at makamusta ang
kanyang mga anak. Ang kanyang mga anak ay sa kanilang ama komukunsulta patungkol sa
mga gawain sa paaralan at asignatura.

11. Ayon sa binasang talata, ano ang tungkulin ni Klara sa kanyang pamilya?
A. Naghahanapbuhay para sa pamilya. C. Tagalaba ng mga damit ng anak.
B. Tagapag-alaga ng mga anak at asawa. D. Tagaluto ng pagkain para sa mga anak.
12. Bakit kaya hindi na nagagampanan nang maayos ni Klara ang kanyang tungkulin bilang asawa at ina?
Dahil________________.
A. Mas gusto niyang paglaanan ng oras ang trabaho kaysa sa pamilya
B. nagtatrabaho siya maagang umaalis at gabi ng umuuwi sa bahay.
C. hindi niya pinahahalagahan ang pamilya.
D. hindi niya mahal ang asawa at anak.
13. Sa iyong palagay, ano ang mabuting maidudulot nito sa kanyang mga anak habang sila ay lumalaki? Sila ay
________.
A. lalaki na may takot sa Diyos C. mawawalan ng pagmamahal sa magulang
B. hindi makakapagtapos ng pag-aaral. D. lalaking maunawain at responsable.
14. Ano sa palagay mo ang magiging resulta kung ang bawat miyembro ng pamilya ay ginagampanang mabuti
ang kani-kanilang tungkulin?
A. Nagkakasundo at may payapang pamumuhay. C. Pagkilala sa maling nagawa ng bawat isa.
B. Hindi nagkakasundo sa bawat tungkulin. D. Aasa sa masipag na kasapi ng pamilya.
15. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng karapat-dapat na tungkulin ng isang huwarang ama maliban sa:
A. Pagsusugal at pag-inom kasama ang barkada. C. Pagtulong sa pag-aalaga ng mga anak.
B. Paghahanapbuhay para sa pamilya. D. Pagbibigay ng oras at panahon tuwing Sabado at Linggo.
16. Sa pag-alaala ng pamilyang Reyes sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay, sila ay nagluluto ng iba’t ibang
pagkain, bumibili ng bulaklak at sama – samang pumupunta sa semeteryo. Kailan ipinagdiriwang ang Araw
ng mga Yumao sa ating bansa?
A. January 1 B. April 9 C. August 21 D. November 2
17. Nasunugan ang isang kapitbahay na malapit sa iyong pamilya. Ano ang iyong mararamdaman?
A. malulungkot B. masaya C. magagalak D. magagalit
18. Bagong pasok sa inyong klase si Maria. Ang kanyang pananamit ay nakakaagaw ng pansin sa karamihan
Dahil sa suot niyang maiksing palda at malalaking hikaw. Mamula-mula pa ang labi dahil sa lipstick. Paano
mo maipapakita ang magandang pakikitungo sa kanya?
A. Umayon kung ano ang iyong unang pagkilala sa kanya. C. Kilalanin muna siya bago humusga.
B. Tumingin sa kaniyang negatibong katangian. D. Lahat ng nabanggit
19. Ikaw ay bagong residente ng Barangay San Vicente. Gusto mong makibahagi sa mga gawaing pampaunlad
ng inyong barangay. Ano ang dapat mong gawin?
A. Pumunta sa estasyon ng pulis upang magtanong.
B. Gumawa ng sarili mong proyekto.
C. Humingi ng tulong sa iyong kapitbahay.
D. Pumunta sa barangay hall at magtanong kung ano ang mga proyekto nito.
20. Ang mga proyekto para sa pagpapaunlad ng isang pamayanan ay maipapatupad nang matagumpay kung
susundin ang mga sumusunod maliban sa:
A. May partisipasyon sa pagpaplano ang mga miymebro ng pamayanan.
B. Hinihingi ang opinion ng bawat myembro ng pamayanan.
C. Mag-isang gumawa ng proyekto an glider dahil ayaw niyang maabala ang miyembro ng pamayanan.
D. Pinapayagang magbigay ng mungkahi ang miyembro ng pamayanan.
21. Sina Cardo at Arian ay magkasintahan. Sila ay labing anim na taon pa lamang. Labis silang mapusok kaya
gusto na nilang magpakasal kahit hindi pa sila tapos mag-aral. Kung ikaw ang kaibigan nila, ano ang
maaari mong ipayo?
A. Tapusin muna ang pag-aaral, maghanap ng trabaho at saka magpakasal.
B. Huwag magpadala sa payo ng iba bagkus sundin ang bugso ng damdamin.
C. Mag-asawa ng maaga at saka magtapos ng pag-aaral.
D. Ang edad ng tao hindi hadlang sa pag-iibigan kaya ituloy ang balak.
22. Ang iyong Barangay ay magsasagawa ng isang pagpupulong tungkol sa proyektong “Harap Mo, Linis Mo,”
na naglalayong maiwasan ang pagkalat ng mga basura. Bilang bahagi ng iyong pamayanan, paano mo
maipapakita ang iyong aktibong pakikilahok?
A. Magmumungkahi ako ng mga makabuluhang paraan para di kumalat ang basura.
B. Hindi ako makikinig sa mga pahayag ng mga nakilahok.
C. Makikipagkuwentuhan ako sa aking mga kaibigan habang nagsasalita ang iba.
D. Uuwi ako kahit hindi pa tapos ang pagpupulong.
23. Ang Ramadan ay mahalagang pagdiriwang sa relihiyong Islam. Ano ang pangunahing gawain ng mga taong
nagdiriwang nito?
A. Nagsasayaw B. Nag-aayuno C. Nakikipagkaibigan D. Nagkakawang-gawa
24. Ang iyong kaibigan ay isang deboto ng kanilang relihiyon, ngunit hindi niya nagagampanan ang kanyang
tungkulin bilang mag-aaral dahil halos araw-araw siyang nasa simbahan para maglingkod. Ano ang maaari
mong ipayo sa iyong kaibigan bilang mag-aaral at miyembro ng kanilang relihiyon?
A. Mag-aaral na lamang at huwag pumunta sa simbahan.
B. Ituloy ang ginagawa dahil pupunta siya sa langit kahit di nag-aaral.
C. Pagtuonan ng pansin ang pag-aaral sa tuwing araw ng may pasok at ang paglilingkod naman sa tuwing
araw ng pag-samba.
D. Huwag siyang pansinin at gayahin.
25. Anong uri ng pagdiriwang ang dinarayo ng maraming deboto sa Quiapo tuwing Enero?
A. Pista ng Sto. Niño C. Pista ng Birhen Sto. Rosario
B. Pista ng Itim na Nazareno D. Pista ni San Juan de Bautista
26. Isa sa mga kaugalian ng mga Pilipino na ipinagmamalaki sa buong mundo ay ang pagdaraos ng mga festival.
Kung ang Cebu ay may Sinulog Festival, anong pagdiriwang naman ang Davao?
A. Ati-atihan Festival C. Dinagyang Festival
B. Mascara Festival D. Kadayawan Festival
27. Si Alvin ay nagtatrabaho sa China. Tuwing may okasyon sila doon, siya ay nagsusuot ng Barong Tagalog
dahil nais niyang ipakita na siya ay _____________.
A. Amerikano B. Pilipino C. Tsino D. Arabo
28. Alin sa sumusunod na pagpapahalaga ang naglalarawan sa mga Pilipino ano man ang pangkat
etnolingguistikong kinabibilangan?
A. Pagsasabi ng po at opo C. Matatag na relasyon ng pamilya.
B. Matatag na paniniwala sa Diyos D. Pagiging mapag-muni
29. Ang pinakakaraniwang pagkakakilanlan ng mga pangkat etnolingguistikong Pilipino ay ang wikang
ginagamit. Alin sa mga sumusunod na wika ang ginagamit ng mga Bisaya?
A. Hiligaynon B. Waray C. Ilonggo D. Lahat ng nabanggit
30. Ang mga sumusunod ay mga tungkulin at obligasyon ng bawat Pilipino maliban sa:
A. Tungkulin ng bawat Pilipino na igalang, ikarangal at bigyan ng pagkakaisa ang mga pamana,
pagpapahalaga at tradisyon.
B. Tungkulin ng bawat Pilipino na tumulong sa pag-unlad, kapakanan at pagkakaisa ng buong bansa.
C. Tungkulin ng bawat Pilipino na sumali sa makabuluhang Gawain para sa kanyang sarili at pamilya nang
karapat-dapat sa karangalan ng isang tao.
D. Pumipili ng mga sagisag o simbolo ng bansa na nais ikarangal at isinasantabi ang iba.
31. Isa ang Gender and Development (GAD) sa mga proyekto upang protektahan at tulungan ang mga
kababaihan, at isulong ang gender equality. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng gender equality?
A. Mga batang lalaki lamang ang maaring maglaro ng baril-barilan.
B. Pink ang isusuot ng babae at blue ang sa lalaki.
C. Maaaring maghugas ng plato ang anak na lalaki at babae.
D. Magaling sa Mathematics ang mga lalaki at sa English ang mga babae.
32. Ang mga sumusunod ay karapatan ng mga batang Pilipino maliban sa:
A. Ipinanganak at magkaroon ng pangalan C. Makapagtrabaho
B. Mahubog ang potensyal D. Makapaglaro
33. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na isang uri ng pang-aabuso sa mga kababaihan?
A. Iwanan siya ng kanyang asawa na may maraming utang na babayaran.
B. Pilitin siya ng kanyang asawa na ibigay ang buong sahod sa kanya.
C. Patigilin siya ng kanyang asawa sa pagtatrabaho.
D. Lahat ng nabanggit
34. Alin sa mga sumusunod na karapatan ang itinuturing na karapatang sibil?
Ang karapatang _______________.
A. Bumoto B. Pumili ng relihiyon C. Maging Malaya D. Magkaroon ng ari-arian.
35. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na salik sa integrasyon ng mga bansa sa daigidig ngayon?
A. Ang paglalaganap ng teknolohiya sa internet.
B. Panrelihiyong isyu sa Afghanistan.
C. Ang pagbagsak ng mga rehimeng awtoritaryan sa Gitang Silangan.
D. Pagtukoy sa bansang terorista.
36. Paano makakamtam ang “Unity in diversity” ng mga bansa at kultura sa mundo?
A. Pagkilala at pag-unawa sa pagkakaiba ng kultura ng bawat bansa.
B. Pagbuo ng samahang internasyunal laban sa malalaking bansa.
C. Pagtataguyod ng interes ng sariling bansa.
D. Pagtanggap sa pamumuno ng mga malalaki at mayayamang mga bansa.
37. Makakamtam ang “Unity in diversity” sa pagitan ng mga bansa kung ________________.
A. Kikilalanin at uunawain na ang bawat bansa ay may iba’t ibang kultura.
B. Magsasama-sama ang malalaki at mayayamang bansa.
C. Sasapi ang maliliit na bansa sa mga samahang internasyunal.
D. Itataguyod ng bawat bansa ang pansarili nitong interes.
38. Nalulong sa ipinagbabawal na gamot si Rico. Hindi na siya nakapag-aaral dahil kailangan niya ang
rehabilitasyon. Iniwan na siya ng kaniyang mga kaibigan at wala na siyang karamay maliban sa kanyang
nanay. Sa ganitong sitwasyon, paano mo matutulungan si Rico upang mabigyan siya ng bagong pag-asa?
A. Alukin at akitin siyang bumalik sa dating bisyo.
B. Ikalat at ipamalita ang kalagayan ng kaibigan.
C. Makikipagtulungan sa mga ahensya ng pamahalaan na makatutulong sa kaso ni Rico.
D. Isuplong siya sa pulisya upang mabigyan ng karampatang parusa.
Para sa bilang 39, basahin at unawain ang sumusunod na pag-uusap:

Lito: Hoy! Hindi ito basurahan!


Rey: Ano bang problema kung magtatapon ako diyan?
Lito: Mayroon trak na mangongolekta ng basura, hintayin mo na
lamang iyon at doon ka magtapon.
Rey: Sino k aba para utusan ako?

39. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Rey, ano ang dapat mong sinabi o ginawa upang maiwasan ang
napipintong away sa inyong dalawa?
A. Agad na sagutin nang mataas ang tono upang mapagtanto ni Rey ang kanyang pagkakamali.
B. Manghingi ng paumanhin kay Lito at hintayin ang trak.
C. I-report si Lito sa mga pulis upang matuto at hindi tularan ng iba.
D. Manghingi ng paumanhin at iwan na lamang ang basura sa pag-alis ni Lito.

Para sa bilang 40, basahin ang sumusunod na talata:

Isang araw, naglalakad ka pauwi nang di


sinasadya na nabangga ka ng iyong kapitbahay.
Nawalan ka ng panimbang at natumba. Nagsigawan
kayo at nagsisihan sa nangyari. Maya-maya ay
nagtutulakan na kayo. Nakita kang nakikipag-away
ng ilan sa iyong mga kaibigan at tinulungan ka sa
pamamagitan ng pagsuntok sa iyong kapitbahay.
Dumaan din ang mga kaibigan ng iyong kapitbahay
at nakita ang kaguluhang nangyayari. Nakita nila na
pinagtutulungan ninyong magkakaibigan ang
kanilang kaibigan. Kaya agad silang sumugod
upang tulungan ang kanilang kaibigan.

40. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na maging tagapamagitan, ano ang nararapat mong gawin?
A. Pagbawalang dumaan ang lahat ng sangkot sa gulo.
B. Sisihin ang unang nanuntok.
C. Panigan kung sino ang nabugbog ng husto.
D. Pakinggan ang bawat panig bago magbigay ng payo at desisyon.
41. Ano ang makatarungang solusyon na dapat gawin sa mga bansang may hindi pagkakaunawaan sa kanilang
teritoryo?
A. Paggamit ng dahas
B. Paghahati ng teritoryo sa maliliit na bansang umaangkin ditto.
C. Pagbibigay ng teritoryo sa maliliit na bansang umaangkin ditto.
D. Dayalogo upang bumuo ng mutual agreement sa pagitan ng mga bansang sangkot.
42. Anong katangian ang kailangan mong taglayin upang makaiwas sa mga personal na away?
A. Pagiging mapagpakumbaba at may mahabang pasensya.
B. Pagiging masipag at determinado.
C. Pagiging masikap at mnatipid.
D. Pagiging mainitin ang ulo at mahusay sa pakikipagtalo.
43. Ano ang kabutihang dulot ng pagluluwas ng ating mga produkto sa labas ng bansa?
A. Tataas ang presyo ng bilihin. C. Papasok ang dolyar sa bansa.
B. Dadayuhin ang ating bansa ng mga turista D. Lalabas ang dolyar sa bansa.
44. Ano ang isang indikasyon ng maunlad na ekonomiya?
A. Laki ng populasyon kumpara sa laki ng bansa.
B. Maayos na sistema ng transportasyon.
C. Pagdagsa ng mga produktong gawa sa ibang bansa.
D. Mataas na unemployment rate.
45. Bakit nakikialam ang United Nations (UN) sa ilan sa mga problema ng mga bansang kasapi nito?
A. Upang mapangalagaan ang pananatili ng kapayapaan sa buong mundo.
B. Upang patunayan ang karapatan at lawak ng kapangyarihan nito.
C. Upang pagsilbihan ang pansarili nitong interes.
D. Upang pangalagaan ang karapatan ng mga maliliit na bansa.
46. Ang Pilipinas ay masiglang nakikipag-ugnayan sa mga bansang China, Russia at Malaysia. Ano ang
maaaring maging epekto nito sa ating ekonomiya?
A. Maraming pagawaan ang magsasara at lilipat sa nasabing bansa.
B. Magkakaroon ng hidwaan ang mga nsabing bansa.
C. Magiging masigla ang pakikipagkalakalan natin sa mga nasabing bansa.
D. Maaaring pag-interesan ng mga nasabing bansa an gating teritoryo.
47. Ano ang banyagang institusyon na nagpapautang na pantustos para sa mga proyektong pagpapaunlad sa
isang bansa?
A. Philippine Natinal Bank C. Bangko Sental ng Pilipinas
B. Developmanent Bank of the Philippines D. World Bank
48. Anong pinakamalaking isyung pangkapaligiran ang kasalukuyang hinaharap at patuloy na hinahanapan ng
solusyon ng buong mundo?.
A. Polusyon B. Terorismo C. Erosyon D. Drugs
49. Alin sa mga sumusunod ang hindi natutunan sa pag-aaral ng Heograpiya?
A. Lokasyon ng lugar C. Klima ng isang lugar
B. Populasyon ng lugar D. Kalagayang political ng isang lugar.
50. Alin sa mga bansa sa ibaba ang hindi kabilang sa mga pinakamayayamang bansa sa mundo?
A. United Kingdom C. China
B. United States of America D. Malaysia

END OF LEARNING STRAND IV & V….

You might also like