Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

I.

Pamagat: Lalaki sa Dilim


II.Author: Benjamin P. Pascual
III.Tauhan
RAFAEL CUEVAS-
Sa umpisa ng kwento ay tila kasuklamsuklam ang kaniyang karakter. Babaero, tomador at
nagawa pang manggahasa ng isang babaeng bulag. Ngunit sakalaunan ay makikita ang parteng
liwanag ng kaniyangpagiging isang lalaki sa dilim. Makikita na kahit ganoon siya aymay
konsensiya naman pala siya. Mahalaga na napagtantoniyang ang mga masasamang gawain niya
dati aybumubulag sa kaniyang pandama upang makita ang ibapang magaganda at
mahahalagang bagay dito sa daigdig.Mahalaga ang kaniyang papel na ginagampanan dahil
isasiyang patunay na pwede bang magbago ang tao kungnanaisin lang niya. Hindi pa huli ang
lahat, matuto lang tayongtanggapin ang ating kamalian at maging handa at gustuhinang
pagbabagong nais nating gawin sa ating
mgasariliupang maging maginhawa ang ating pamumuhay atpakikisalamuha sa ibang tao.
Masaya kaming nga nagbabasadahil sa dulo ay luminaw ang paningin ni Rafel dahil sa pag-ibig.
Ngunit ang maipipintas naming sa kaniya ay hinahayaanniya na lang lokohin siya ng kaniyang
asawa at gawing tangahuwag lang masira ang kaniyang pangalan at puri. Dapat aynagpakatotoo
siya sa kaniyang sarili.
NICK CUERPO
Siya naman ay nabulag sa pambababae kaya‟t hindi nakita ang kaniyang responsibilidad sa
asawa at mga anak. Isang karakter na hindi dapat tularan ng mga lalakiat maging ng mga
kababaihan. Wala ng ibang ginawa kundipasakitan ang pobreng asawa na si Marina. Kung si
Rafael ay nagawang mabago, siya ay kahit sa katapusan ng kwento ayhindi nakita ang liwanag
na dapat niyang sundin. Namataysiya kasama ang kalaguyong si Margarita. Isa siyang
patunayna sa kasalukuyan at sa totoong buhay, may mga taong bulagpa rin sa kanilang mga
responsibilidad at hindi pa rin alamkung ano ang tama at mali. Dapat lamang ang
kaniyangkarakter sa kwento dahil siya ang magsisilbing eye opener samga mambabasa na kung
ikaw ay may ginagawang hindikaaaya aya, dapat mo lang itong pagbayaran at pagsisihansa huli.
Huwag hintayin ang panahong sisingilin ka na ngpanahon.Hangga‟t maaga ay magbago na.
MARGARITA CARRASCO
Si Margarita, bagaman galing saisang sosyal, edukado at disenteng pamilya ay nagawa paring
magtaksil sa asawa. Isang opera singer na natuksongmaglunoy sa ibang kandungan. Ginusto
niya, gawa ngkaraniwang tao, ang tunay na relasyon ng lalaki at babae.Masasabing pangit sa
panangin ang karakter ni Margarita. Isarin siyang karakter na hindi dapat gayahin. Dahil na rin
saimplwensya ng mga kanluranin, iba ang pananaw niya sakasal at pakikipagtalik. Siya ang
sumisimbolo sa liberismo.Nabulag siya sa kaniyang sariling kahinaan. Nagpatangay siyasa
pambobola ni Nick. Natural na mahihina ang mga babaengunit hindi dapat ito gawing lisensya
upang pumasok sa isangmagulo at immoral na sitwasyon. Gaya ng karakter ni Nick, siya ang
magsisilbing eye opener sa mga mambabasa na kungikaw ay may ginagawang hindi kaaaya aya,
dapat mo langitong pagbayaran at pagsisihan sa huli.
LIGAYA
Bagaman literal na bulag, mas maliwanag pa sasikat ng araw ang kaniyang pagpapahalaga sa
sarili. Nagingmatatag siya sa kaniyang pagbangon mula sa nalasap nakarahasan mula sa lalaki sa
dilim na si Rafael. Hindi nga siyanakapag-aral ngunit kahanga-hanga ang kaniyang mgaprinsipyo
sa buhay. Kapwa siya at ang kaniyang inang si
Aling Selya
ang sumisimbolo sa liwanag na dapat makita ng mgatao. Kahit mahirap lamang sila ay maalam
sila sa buhay. Silaang dapat gahayin ng mga mambabasa. Si Ligaya kahit nasinapit isang kalunos
lunos na pangyayari at nabuo ito, piniliniyang huwag ipalaglag ang bungang iyon. Maganda
angprinsipyo niyang palalakihin niya ang bata dahil bigay iyon ngDiyos. Handa siyang bumangon
at itayo muli ang kaniyangmga paa. Si Aling Selya naman ay handang gumabay saanak. Handa
rin itong magsakripisyo upang mabigyan ngkinabukasan ang mg anak sa hirap man o ginhawa.
Totoongkahanga-hanga ang pagkakabuo sa kanilang mga karakter.
IV.Tagpuan
- Bahay at klinikal ni Rafael
- Bahay nila ligaya
- Nayt klab kung saan nambabae sila rafael
V.Buod
MARINA CUERPONagsimula ang kwento sa isang lalaking nagngangalangRafael Cuevas. Isang
espesyalista sa mata. Nakagawa siya ng isangmalagim na krimen ng gabing bigyan siya ng Stag
party ngkanyang mga kaibigan bago pa man siya makasal kay Margarita,isang opera singer.
Nagawa niyang gahasain ang babaingkahaghabaghabag ang kalagayan. Isang bulag at maralita
angkanyang ninakawan ng kabirhinan. Dahil hindi makakita ang hindi

nakilala ang kanyang boses ay “ligtas” siya sa kanyang kasalanan.

Walang ebidensyang makapagpapatunay.Bilang paghuhugas at paglilinis niya ng konsensiya sa


nagawaniyang kasalanan kay Ligaya, ang babaeng kanyang ginahasa,binigyan niya ito ng
P50, 000.00 kasama ang liham na nagsasabingsakanya din magpagamot ng mata upang masingil
lamang ngkaunti upang hindi makahalata. Nagbunga ang kanyangnagawang kasalan kay Ligaya
na nagkataong isinunod sa kanyangpangalan bilang pagtanaw ng babae sa kanyang
nagawangkabutihan. Naging inaanak niya rin ang bata sa binyag. Ninong siyang kanyang sariling
anak.

Sa kanilang pagsasama ni Margarita ay nagkaroon ito ng lover at ito ay si Nick. Ang kanyang
kaibigan. Nagkaroon ng lama tangkanilang samahan na humatong din sa hiwalayan. Ang
napang-asawa niyang si Margarita ay isang modernong babae. TotallyAmericanized, sabi nga sa
nobela. Para kay Margarita ayos lang namagkaroon siya ng lover at gayon din si Rafael basta
magkaroonlang sila ng pagkakaintinihan ni Rafael at maging totoo sa isa‟t isa. Isang araw
habang nagbabasa ng pahayagan si Rafael aygumulantang sakanya ang isang balitang napatay si
Margarita atNick sa isang otel ng isang babaeng nasa 29 ayos. Ito ay si Marinaang asawa ni Nick
na matagal ng nagtitiis sa mga kabulastugan ngasawa hanggang sa umabot na sa sukdulan at
makapatay ito.Sa huli ay nagawa rin niyang aminin kay Ligaya at Aling Selaang ina ni Ligaya na
siya ang lalaki sa dilim na noon ay bumaboy sakatawan ni Ligaya. Malinaw kay Rafael na
papakasalan niya siLigaya.

Isang inang mapagmahal sa kaniyanganak at handang ipaglaban ang mga ito hanggang
sakamatayan. Nakakaawa ang kaniyang karakter. Aping api siya dahil sa kaniyang babaerong
asawa ngunit lubos na nagtitiispara sa mga anak. Hindi naming siya masisisi kung nagawaman
niyang paslangin ang kaniyang sariling asawa. Sagad nasagad na siya. Ngunit ang mali lang doon
ay nagpatangaysiya sa nararamdaman niya. Inilagay niya sa sariling mgakamay ang batas. Siya
ay nabulag na galit at sobra-sobrangpagmamahal sa anak. Dapat lamang siyang gayahain
saparaan ng pag-aalaga at pagmamahal sa anak ngunithuwag gayahin ang kaniyang pagiging
mahina. Dapat aymaging mahinahon pa rin tayo at gamitin ang mga legal naparaan upang
malutas ang problema.
VI.Simbolismo
Sinisimbolo ni Rafael ang isang indibidwal na naiipit satransisyon ng modern at tradisyunal na
tao. Sa nobela, makikita angpagiging modern niya dahil sa mga bisyo at pagiging laki sa
layawniya. Siya ay nakapag-aral at nagkaroon ng propesyon. Sa kabilangbanda naman makikita
ang kaniyang pagiging tradisyunal kungsaan naghangad siya ng isang mabuting pagsasama
ngmagasawa at pinahahalagahan niya ang prinsipyo ng pamilya.Samantala, si Margarita naman
ang sumisimbolo sa saliberismong umiiral sa bansa. Marahil naimpluwensyahan siya ngpagiging
opera singer at namulat siya sa mga maka-kanluraningbagay-bagay. Inilarawan rin siya ni Rafael
bilang extreme modernwoman dahil okay lang sa babaeng ito na magkaroon ng babae siRafael
habang siya naman ay mayroon ring lover. Makikita rin angkaniyang pagiging liberated nang
magkomento siya sa kwento ngpaggahasa kay Ligaya. Sinabi niya na kung siya ang papipiliin,
ayoslang naman daw na maggahasa dahil binigyan naman raw siLigaya ng limampung libong
piso.
VII.Teoryang Pampanitikan
Teoryang Klasismo/Klasisismo
Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaringpayak, ukol sa pagkakaiba ng estado
sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili
sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang maykaayusan.Sa nobela makikitang payak
ang mga pangyayari at lubos nabinigyang diin ang pag-iibigan ng dalawang pangunahing
tauhanna kapwa magkaiba ang estado sa buhay. Si Rafael ay nabibilangsa alta syodad,
samantalang si Ligaya ay mahirap at bulag. Kahitang nobela ay nag-umpisa sa isang masalimuot
na pangyayari, sabandang huli ay makikita ang pangkaraniwang wakas. Ang bawat karakter ay
nagkaayos, ang mga kontrabida ay napaparusahan, atang pangunahing tauhan na
nagkakaibigan ay nagkatuluyan.
Teoryang Saykolohikal/Sikolohikal
Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ngpagpapakita ng mga salig (factor) sa
pagbuo ng naturangbehavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isangtauhan sa
kanyang akda. Ipinakikita sa akda na ang tao aynagbabago o nagkakaroon ng panibagong
behavior dahil maynag-udyok na mabago o mabuo ito.Sa nobela maariing pinakita ang
pagbabago ng pag-uugali,paniniwala, pananaw, at pagkatao ni Rafael matapos
niyangmaggahasa si Ligaya at matapos siyang ikasal kay Margarita.Noong una ay laki siya sa
layaw, tomador at walang ibang ginawakundi manloko at gumamit ng babae. Ngunit matapos
niyangmagawan ng kasalanan si Ligaya, unti-unti siyang inusig ngkonsensya niya at
kasabay noon ang mga naging pababagongniyakap niya sa buhay niya. Nang ikasal
sila ni Margarita ay tuluyanna niyang iniwan ang masamang imahe niya sa nakaraan.
Nagingresponsableng asawa siya at doktor sa mga pasyente. Masasabingsiya ay
naghangad ng isang mabuting pagsasama ng magasawaat pinahahalagahan niya ang
prinsipyo ng pamilya.
Ang nobelang Lalaki sa Dilim ay isang mahusay na halimbawa ngisang akdang
modernista na kung saan ang tanging gusto aymagkaroon ng isang malaking
pagbabago upang magingmaginhawa ang pamumuhay ng bawat isa. Higit pa
riyan,nakalikha si Pascual ng isang karakter na naipit sa isang sukdulangkasalanan at
ang tanging nais ay malinis niya ang bahid ng sarilingputik.
Teoryang RomantisismoAng layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba‟t ibang
paraanng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sakapwa, bansa
at mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda nagagawin at gagawin ng isang nilalang
ang lahat upang maipaalamlamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang
napupusuan.Malinaw na ang nobela ay may teoryang romantisismo, ito aykwneto ng
pag-ibig ng isang mayamang lalaki na nagahasa angisang mahirap na babae. Inusig
siya ng kaniyang konsensya kayabinigyan niya ng pera ang babae ngunit hindi siya
nagpakilala.Bilang isang duktor sa mata ay siya ang gumamot dito. Nagingmalapit sila
ng babae. Hindi inaasahang may nabuong bata palanoong gabing nagahasa niya ito
kaya nabuntis si Ligaya. Sa huli aynabigyan rin ng hustisya si Ligaya at sa bandang huli
dahil natanggap nito ang pagkatao ng lalaking lumapastangan sakanyang puri at
naghari ang pagibig, hindi ang galit at mapapaitna emosyon.
Teoryang Moralistiko
Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba‟t ibangpamantayang sumusukat sa
moralidad ng isang taoangpamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang
mgapilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ngisang kilos o
ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Samadaling sabi, ang moralidad ay
napagkakasunduan ayon na rinsa kaantasan nito.Lubos dito tinalakay ang mga paksang
maaring hindi angkopsa mga bata, gaya ng sex, prostitusyon, gahasa at pagtataksil
saasawa. Ang mga nabanggit ay mga immoral na gawain sa atinglipunan. Ngunit dahil
sa impluwensya ng banyaga, nakita dito naang mga karakter ay pilit na ginagawa ito na
hindi naman akma sakulturang Pilipino. Sa bandang huli ay nanaig ang
mensahengpahalagahan natin ang ating kapurihan hanggang sa makapag-asawa
na tayo.At kahit nasa modernong panahon na ay magandapa rin kung ang mga babae‟y
aakto gaya ng mga DalagangPilipina.
VIII.Rekomendasyon
Madaling intindihin ang istorya. Sumasalamin ito sa mga tunay na nangyayari sa araw-
araw na buhay ng pamilyang pilipino

You might also like