Bryan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

I.

Pamagat: CANAL DE LA REINA


• Ang pinagbatayan ni Arceo sa pagsulat ng nobelang "Canal dela Reina" ay ang kahindik-hindik
na sitwasyon ng ating lipunan na dala ng mapaglaro at mandarayang isip ng mga tao.
Nakasentro ang kanyang sensibilidad sa palala nang palalang sitwasyon nito kung saan hindi
maitatanggi ang katotohanang ang mga mayayaman na ay nagpapayaman pa samantalang ang
mga mahihirap ay pinahihirapan pa. • Pinagsanib rin niya ang Romantisismo at Markismo, na sa
kabila ng matinding tunggalian ay may damdaming dadalisay sa kalooban ng bawat tao.
• Isa pang natitiyak kong pinagmumulan ng kanyang inspirasyon sa pagsulat nito ay ang alaala
ng kanyang kamusmusan -isang alalang larawan ng kalinisan at kaayusan ng lipunan sa mga
nauna nang panahon, ang Canal dela Reina bilang isang esterong mabughaw-bughaw, walang
amoy, malinis at malinaw noon subalit sa kasalukuyan ay gaya na ng natural na tubig-Maynila --
marumi, mabaho at larawan ng kawalan ng disiplina ng mga tao.
II. Author Liwayway A. Arceo
ay ipinanganak sa Manila noong ika 30 ng Enero 1924 mula sa kilalang pamilya ng mga
manunulat.Nagsulat siya ng ilang nobela kabilang dito ang Canal de la Reian at Titser. Mayroon
din siyang mga koleksiyon ng maiikling kuwento tulad ng "Ang Mag- Anak na Cruz, Mga Maria,
Mga Eva at "Maybahay, Anak at iba pa". Ang kanyang kuwentong "Uhaw ang Tigang na Lupa"
ay nanalo ng ikalawang gantimpala sa Pinakamabuting Maikling Likha noong 1943. LIWAYWAY
A. ARCEO
Si Liwayway Arceo ay kilala rin bilang isa sa pinakaunang nagsulat ng soap opera para sa radyo.
Ang kanyang dramang "Ilaw ng Tahanan" ay inere sa DZRH, DZMP at DZPI mula Marso 1949
hanggang Hulyo 1958. Ilan pa sa kanyang mga naisulat na script ay ang Dely Magpayo, Ang
Tangi kong Pag-Ibig at Kasaysayan ng mga Liham ni Tiya Dely. Siya rin ang bumuo ng Lovingly
Yours, Helen na inere noong 1978. Bukod dito, sumulat din siya ng ilang script sa telebisyon ang
Sangandaan at Damdamin na parehong tinangkilik ng publiko. Namatay siya noong 1999 sa
edad na 75.
III. Tauhan
Pamilyang de Los Angeles - Sila ay isang pamilyang may pagkakaisa at unawaan para sa isa’t
isa. Masasabing isa silanghalimbawa ng maayos at halos perpektong pamilya. 1. Salvador - Ang
padre de pamilya at mabuting asawa ni Caridad.Tahimik lang ito at minsanan lamang kung
magsalita. Kahitminsan lamang ito magsalita, talagang may kabuluhan at maylalim naman ito.
Madalas din siyang sumasang- ayon sa mgadesisyon ni Caridad lalo na’t kung sa tingin niya’y
ito’y tama at parasa ikabubuti ng asawa.
Caridad - Isang napakamaunawaing ina sa kanyang pamilya.Malaki ang pagmamahal at
pagaalala niya sa kanyang asawa lalona sa kanyang mga anak na si Leni at Junior. Isa siyang
babaeng may malakas at matibay na loob. Hindi siya aga d-agad nagpapatinag sa mga
problemang kanyang kinakaharap. 3. Leni - Panganay na anak na babae nina Salvador at
Caridad. Nagtapos ito ng medisina at kasalukuyang nag-iinternong doktor.Espesiyalidad nito
ang Pediatrics at talaga namang makikita ang husay ni Leni sa panggagamot. Matalino rin si L
eni at sakatunayan ay siya pa ang nakakuha ng unang pwesto sa Medical Board Exam.
Junior - Huling miyembro ng pamilya. Kasalukuyan itong kumukuha ng kursongArchitecture sa
isang unibersidad. Pamilyang Marcial - Ang pamilyang ito ay puno ng kaguluhan. Wala kasi
silang maayos na komunikasyon. Hindi pinakikinggan ni Nyora Tentay ang kanyang anak na si
Victor at pilit na pinasusunod ito sa kanyang mga nais kahit naay aw naman nito.
Victor -Ama ni Gerry at asawa ni Gracia. Sunud-sunuran ito sakanyang ina. Hindi man kita ay
mahal na mahal niya angkanyang pamilya. 6. Gracia -Asawang hinwalayan ni Victor dahil sa
kagustuhan nginang si Nyora Tentay.
Gerry - Anak ni Victor at Gracia.
Nyora Tentay - Siya ang bumubuhay sa lahat halos ng naninirahan sa Canal de la Reina.
Dahil sa kanyang pagiging usurera, ang kanyang tindahan ay siyang kinukunan ng pagkain ng
lahat ng nakapaligid sa kanya. Simula nang mabyuda siya ay pera na lang ang kanyang
ninanasa sa buhay. Siya ang utangan at ang tubo ay 20% kada buwan.

IV. Tagpuan
• Umikot ang kalamnan ng nobela sa bayan ng Canal de la Reina - isang tunay na pook sa
Tundo, Maynila kung saan isinilang ang manunulat na si Liwayway A. Arceo. Ito’y kaayon ng
daang Juan Luna, karugtong ng maikling lansangang Fajardo. Sa nobela ay inilalarawan ito
bilang isang maburak, mabaho, at pinamumugaran ng mga iskwater.
V. Buod
Binalikan ni Caridad de los Angeles ang lugar kung saan unang namulat ang kanyang mga
mata, ang Canal de la Reina, makalipas ang ilang taon mula nang lisanin niya ito dulot ng
sunog bago sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ngunit sumikip ang kanyang
dibdib nang maratnang ang lupang noo’y tila paraiso sa kanya ay isa nang larawan ng
kahirapan dahil sa mga iskwater at sa ‘di kanais-nais na tanawin at amoy. Nagtungo siya sa
Canal de la Reina kasama ang asawang si Salvador at ang mga anak na sina Leni at Junior
upang bisitahin ang kanilang lupa na ipinagkatiwala pa ng mga ninuno niya kay Osyong.
Ngunit hindi niya inaasahan na ang lupang ipinamana sa kanya ay ipinagbili ni Osyong sa
usurerang si Nyora Tentay nang mabaon ito sa utang. Sa suliraning ito nag-umpisa ang
pagkakaugnay-ugnay ng mga tauhan sa bawat isa. Ipinapakita lamang na mahalaga ang
lugar sa buhay ng tao. Nagdemanda si Caridad patungkol sa pagmamay-ari ng lupa. Hindi
naman siya inurungan ni Nyora Tentay. Hindi naging hadlang ang kanilang kasarian bilang
babae na maging matigas at malakas ang loob. Si Caridad ay suportado ng kanyang
mapagmahal na pamilya. Naninindigan sila sa katotohanang maibabalik sa kanila ang lupa sa
tulong ni Atty. Agulto, kahit may kahirapang kalabanin si Nyora tentay dahil pinapakilos nito
ang kanyang pera upang impluwensyahan ang mga opisyal.Nakatulong sa paglutas sa kaso si
Gracia, ang manugang ni Nyora Tentay na minatapobre ng matanda noong naninirahan pa
sa kaniya. Masama ang loob ni Gracia kay Nyora Tentay at kay Victor na kaniyang
hiniwalayang asawa. Nalaman ni Gracia ang tungkol sa kaso nang masabi sa kanya ni Dado,
asawa ng yumaong si Paz na kaibigan niya. Si Paz bago mamatay ay naging pasyente pa ni
Leni. Nagkapalagayan kaagad ng loob si Gracia at ang pamilya ni Caridad, maging ang mga
anak na kapwa doktor, si Gery at Leni. Simula nang dumating si Caridad sa buhay ni Nyora
Tentay ay tila natauhan na si Ingga sa pagmamalupit sa kanya ng matanda. Nang dumating
ang isang napakalakas na bagyo na tumangay at luminis sa Canal de la Reina at iba pang
bahagi ng Kamaynilaan, nagkaroon ng malaking pagbabago sa buhay ng mga tauhan. Ang
tubig dulot ng baha ang naging dahilan ng pagsibol ng kabutihan. Nang tangayin ang mga
tao sa Canal de la Reina kasama na si Nyora Tentay, inagaw ni Ingga ang mga alahas sa
katawan at ang bayong ng kayamanan ni Nyora Tentay upang makapaghiganti. Kapwa sila
nakaligtas sa baha. Si Ingga ay napunta sa Sampaguita Health Center kung saan siya sinundo
ni Junior, nagboluntaryong sumama sa rescue operation, upang iuwi sa bahay ng mga de los
Angeles. Si Nyora Tentay naman ay napunta sa paaralang-bayan ng Lakandula, at nabaliw
nang hindi makita ang kanyang bayong.Sa kabila ng kasamaan ni Nyora Tentay ay isinauli pa
rin ng pamilya de los Angeles ang bayong ni Nyora Tentay na kinuha ni Ingga. Naroon ang
mga papeles ni Nyora Tentay ngunit nanaig pa rin ang pagiging patas sa puso ng pamilya de
los Angeles. Naibalik na ni Junior ang bayong ngunit hindi pa rin nakakakilala si Nyora
Tentay; kahit si Victor na kaniyang anak ay hindi pa rin niya makilala. Ito ang naging
magandang dahilan ni Victor upang makalapit sa kanyang minamahal na anak, si Gery na
isang manggagamot. Hindi man espesyalista si Gery sa pag-iisip ay inirekomenda niya ang
kanyang Lola Tentay sa isang kakilalang doktor sa mental hospital. Sa panahong iyon din sa
loob ng klinika ni Gery muling nagkatagpo si Victor at si Gracia. Nanliit si Victor sapagkat sa
kabila ng pagiging babae ni Gracia ay nagawa nitong itaguyod si Gery sa marangal at
marangyang pamumuhay samantalang siya ay naging sunud-sunuran lamang kay
NyoraNaramdaman ni Victor na gusto na niyang maging responsible at independenteng
lalaki. Hindi maitatanggi na mahal pa rin niya si Gracia kung kaya’t naglakas-loob na siyang
bumukod ng bahay kay Nyora Tentay nang bumalik na sa katinuan ang matanda. Ayaw na
niyang maging alipin ng salapi ng kanyang ina.Napatunayan na sa korte na si Caridad ang
tunay na may-ari ng lupang inaangkin ni Nyora Tentay, sa tulong ng pagtestigo ni Tisya,
asawa ng yumaong si Osyong na naging katuwang sa pagbabantay noon sa lupa. Wala ng
magagawa pa ang matanda kundi tanggapin ang kanyang pagkatalo. Nagbabadya ito ng
mabuting simulain, total ay hindi na pinayagan ang mga iskwater sa Canal de la Reina.
Malinis na talaga ang lugar.Karagdagan sa kagalakan ng pamilya de los Angeles ay ang
pagkamit ni Leni sa unang pwesto ng Medical Board Exam bilang babae at pinakabatang
doctor. Kasama sa pagbati at pagbisita ni Gery kay eni ang ama nitong si Victor.Ang naging
wakas ng nobela ay tipikal na hinahanaphanap ng mga Pilipino na pagsikat ng araw matapos
ang malakas na unos. Nagkasundo na ang pamilya de los Angeles at ang pamilya Marcial
mula nang ikasal ang anak ni Caridad at Salvador na si Leni, at ang anak ni Victor at Gracia
na si Gery. Ang Si Junior naman ay pinayagan nang kumuha ng kursong abogasya matapos
ang kasalukuyang kursong arkitektura. Si Ingga ay bumalik na sa kanyang probinsya. Si
Nyora Tentay ay tinanggap na ang pagkatalo. At si Victor at Gracia naman ay nagkakasundo
na rin.Sa Canal de la Reina nangyari ang masalimuot na bagay, ngunit kaloob pa rin na dito
umusbong ang pagbangon at pag-asa sa mas masiglang bukas. Ngunit hindi pa roon
matatapos ang lahat; sapagkat nagbabadya ang pagdedeklara ng Martial

VI. Simbolismo
Simbolismo • Mayaman sa simbolismo ang akda, ginamit nito ang tubig at pagbaha bilang
tagadalisay ng kaluluwa at ng natutuyong pamayanan. • Ang lupa bilang perpektong halimbawa
ng bayang nasakop ng mga banyagang manunupil at ng mga mapanghangad gaya ni Nyora
Tentay. • At higit sa lahat, ang Canal dela Reina bilang simbolo ng bagong simula at pag-asa
para sa mga tauhan lalo't higit sa mga nagnanais ng pagbabago.
Pananalita • Pinagsanib ng naturang nobela ang pwersa ng mga salitang kolokyal at balbal.
Ang kolokyal na makikita sa pananalita ng pamilya delos Angeles na magkahalong ingles at
tagalog samantalang balbal naman sa salitang namumutawi kay Nyora Tentay.
Damdamin • Ang damdamin ng akda ay maituturing na mapanghimagsik, isang damdaming di
maikakailang kaugnay pa rin ng ating bansa. • Nagpapahayag rin ito ng damdaming
mapangudyok sa mga mambabasa -- ang talikdan ang mga aral na inilahad ni Arceo sa akda. •
Gayundin ang namamayaning damdamin ng pag-ibig na sa kahuli-huliha'y naging solusyon sa
suliranin sa pagitan ng dalawang nagbabanggaang pamilya.
VII. Teoryang Pampanitikan
REALISMO -Dahil ito ay nagpapakita ng katotohanan sa pangyayari sa lipunan.
-Karaniwan nitong pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng Diskriminasyon,
Kurapsyon, kahirapan at iba pa.
VIII. Rekomendasyon
Madaling intindihin ang istorya. Sumasalamin ito sa mga tunay na nangyayari sa araw-araw na
buhay ng pamilyang Pilipino

You might also like