Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 22

KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Tayo ay nabubuhay sa modernong panahon kung saan teknolohiya ang nagiging

balangkas sa ating araw araw na pamumuhay. Ito rin ang nagiging susi upang mapadali at

maging mas maunlad ang edukasyon sa mga paaralan. Nakakatulong na ito sa mga guro

sa kanilang pagtuturo gamit ang powerpoint at prodyektor, lalo na sa mga estudyante

gamit ang komputers. Karamihan din sa mga paaralan ngayon ay gumagamit ng mga

birtwual na klase at kabilang dito ang Imus Institute of Science and Technology. Google

classroom ang isa sa mga kasalukuyang pinili nito at madalas ginagamit upang

matugunan ang mga takdang aralin nang mabilis at libre sa papel.

Ang Google classroom ay isang website at pwede ring madownload bilang

aplikasyon sa android at ios. Ito ay ginagamit upang makamit ang mga asignatura,

gawaing pang-edukasyon, at paggrado nang walang ginagamit na papel. Ang mga

estudyante sa isang klase ay maglalagay ng isang code na binigay ng kanilang guro at ito

ang magsisilbing susi upang makasali sa isang partikular na paksa. Maari ring

magkomento ang mga guro sa mga gawa ng estudyante nang pribado at magbigay ng

mga anunsyo sa klase sa pamamagitan lamang ng google class. Linalayon ng mga

mananaliksik na malaman ang mga positibo at negatibong epekto ng Google Classroom

sa mga mag aaral ng Imus Institute of Science and Technology. Nais din malaman ng

1
mga mananaliksik kung paano nakakatulong ang Google Classroom sa akademikong

pagganap ng mga mag-aaral.

Ito ang piniling paksa ng mga mananaliksik upang mabigyang impormasyon ang

mga tao kung ano ang maaring maitulong ng Google Classroom sa edukasyon ng mga

mag-aaral pati na rin ang mga bagay kung saan maari pa itong mapabuti. Sa

pamamagitan nito ay mas mabibigyan potensyal ang paggamit ng Google Classroom sa

mga klase. Ang Google Classroom ay isa sa mga makabagong paraan ng pagtuturo sa

edukasyon ng mga mag aaral dahil sakop nito ang paggamit ng internet at mga

makabagong teknolohiya.

Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito na may paksang “Mga epekto ng Google Classroom sa

akademikong pagganap ng mga piling mag- aaral ng Imus Institute of Science and

Technology” ay nakatuon sa mga sumusunod na layunin

1. Nalalaman ang mga positibong epekto ng Google Classroom sa akademikong

pagganap ng mga mag-aaral

2. Natutukoy ang mga negatibong epekto ng Google Classroom sa akademikong

pagganap ng mga mag-aaral

3. Nalalaman kung paano nakakatulong ang Google Classroom sa akademikong

pagganap ng mga mag-aaral

2
Mga Pala Palagay

1. Malalaman kung ano ang mga positibong epekto ng Google Classroom

2. Malalaman kung ano ang mga negatibong epekto ng Google Classroom

3. Malalaman kung paano nakakatulong ang Google Classroom sa akademikong

pagganap ng mga mag-aaral ng Imus Institute of Science and Technology

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito na may paksang “Mga epekto ng Google Classroom sa

akademikong pagganap ng mga piling mag- aaral ng Imus Institute of Science and

Technology” ay naglalayag upang masagot ang mga sumusunod na suliranin

1. Ano ang mga positibong epekto ng Google Classroom sa akademikong pagganap

ng mga mag-aaral?

2. Ano ang mga negatibong epekto ng Google Classroom sa akademikong pagganap

ng mga mag-aaral?

3. Paano nakakatulong ang Google Classroom sa akademikong pagganap ng mga

mag-aaral?

3
Kahalagahan ng Pag Aaral

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa mga sumusunod.

Para sa mga mag aaral Ang Google Classroom ay mahalaga sa mga estudyante

dahil napapabilis nila ang paggawa ng mga takdang aralin at napapasa kagad nila ito ng

mabilis. Maganda ito dahil kahit walang klase o walang pasok ay pwedeng magbigay ng

takdang aralin ang guro, kapag nakagawa at tapos na gumawa ang mga estudyante pwede

kagad nila itong ipasa at makikita kagad ito ng mga guro. Pwede mag komento ang mga

estudyante sa mga pinapagawa ng guro na takdang aralin.

Ang mga guro ay maaaring mag-post ng mga anunsyo para sa mga mag-aaral katulad

ng mga Kaganapan sa paaralan o sa klase para alam ng mga mag-aaral kung ano ang

kanilang gagawin. Ang mga estudyante ay maaari ring mag-post tungkol sa mga

nangyayari sa loob ng silid aralan.

Para sa magulang Mababantayan nila ang kanilang anak sa paggamit nito at

masusubaybayan nila ito kung gumagawa ba ang kanilang anak ng takdang aralin o mga

aktibidad na pinapagawa ng kanilang mga guro at matutulungan ng mga magulang ang

kanilang mga anak kung nahihirapan sila sa kanilang takdang aralin

Para sa mga guro Ang Classroom ay isang bagong tool sa Google Apps para sa

Edukasyon na tumutulong sa mga guro na mabilis na gumawa at mag-ayos ng mga

takdang-aralin, epektibong magbigay ng feedback at madaling makipagkomunika sa

kanilang mga klase. Tinutulungan ng Classroom ang mga mag-aaral na ayusin ang

kanilang gawain sa Google Drive, kumpletuhin ito at ipasa at direktang

makipagkomunika sa kanilang mga guro at kaklase.

4
Pinagsasama-sama ng Classroom ang Google Docs, Drive at Gmail upang matulungan

ang mga guro na gumawa at mangolekta ng mga takdang-aralin nang hindi na

nangangailangan ng papel. Mabilis nilang makikita kung sino ang nakatapos na o hindi

pa sa kanilang gawain at magbigay ng direkta at real-time na feedback sa indibidwal na

mga mag-aaral.

Para sa administrasyon Ang Google Classroom ay maaring magbigay ng ideya sa

administrasyon kung paano nakakaapekto ang Google Classroom at ang teknolohiyang

ginagamitan nito sa akademikong pagganap ng isang estudyante at pagtuturo naman sa

isang guro. Sapagkat ito ay makabago at magpapaunlad sa pagiging makateknolohiya ng

paaralan

Para sa paaralan Mahalaga ang Google classroom sa paaralan lalo na kapag walang

pasok, o kapag napinsala ang paaralan. Magagampanan parin ang layunin ng paaralan na

makapagturo sa mga studyante sa pamamagitan nang mga guro nito na gumagamit ng

Google classroom.

Madaling mapakita ng paaralan sa mga magulang ang grado ng studyante dahil sa Google

classroom ay makikita roon ang mga kulang o hindi ginawa ng studyante.

Para sa kapwa mananaliksik Ito ay mahalaga sa mga kapwa mananliksik dahil

maari nila itong pagbasehan para sa kanilang mga sariling pananaliksik.

5
Saklaw at Limitasyon sa Pag aaral

Ang aming pananaliksik ay nakatuon lamang sa magiging epekto ng Google

Classrooom sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral. Ang mga saklaw dito ay ang

mga piling seksyon ng IIST lamang ang kukunin naming mga respodente. Ito ay ang mga

seksyong 11-A, 11-B, 12-STEM at ang 9-Silver na may pangkalahatang respodente na

120, 30 lamang bawat seksyon ang nabigyan ng sarbey. Hindi kasali ang mga guro at ang

mga epleyado ng paaralan sa naturang pananaliksik.

Katuturan ng mga Talakay

Google Classroom – isang free web service mula sa google na ginawa upang magawa

ang mga gawaing klase nang walang ginagamit na papel.

Akademikong Pagganap – kaalamang natatamo o mga kakayahang napauunlad ng

mga asignatura sa paaralan. Kasama dito ang paggawa ng mga asignatura at pag-aaral

sa mga takdang aralin.

Internet - Tumutulong ito sa mga tao na nangangailangan ng impormasyon para sa

kanilang mga takdang aralin, proyekto at iba pang mga gawain na may kaugnayan sa

kanilang pag-aaral at trabaho. Ginagamit din ito upang makausap natin ang mga taong

malayo sa piling natin.

Birtuwal – Nangyayari o nasa loob ng isang komputer o komputer network.

Aplikasyon – isang birtuwal na programa na madalas nakikita sa mga smartphones.

6
Komputer - isa itong electronikang gamit na patuloy na pinauunlad upang matugunan

ang yumayabong na sistering nasa bahagi ng selpon, kalkulator, laptop, ATM at iba

pang kagamitan na napagsisilidan ng iba't ibang impormasyon.

Teknolohiya - ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at

proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao.

Website - isang koleksiyon ng mga pahinang Web, na tipikal na karaniwan sa isang

partikular na pangalan ng dominyo o sub-domain sa World Wide Web sa Internet.

Akademiko - tumutukoy sa edukasyon,iskolarasyip,institusyon o pag aaral na nag

bibigay tuon sa pagbasa,pagsulat at pag aaral,kaiba sa praktikal o teknikal na Gawain

7
KABANATA 2

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Kaugnay na Literatura

Ayon kina John Wiley at Sons, (2012), ang mga may-akda na Rena Palloff at

Keith Pratt ay nakasulat sa isang komprehensibong sanggunian para sa mga guro na

gagamitin upang ihanda ang kanilang mga mag-aaral sa e-learning. “Ang e-learning ay

susi tungo sa isang makabago at modernong estilo ng pagtuturo ” tugon ni Pratt. Mga

Aralin mula sa Cyberspace Classroom ay sumasaklaw sa buong online na proseso sa

pagtuturo. Ang mahahalagang gabay na ito ay nag-aalok ng kapaki-pakinabang na mga

mungkahi para sa pagharap sa mga kritikal na isyu tulad ng pagsuri sa epektibong kurso,

pagtatrabaho sa online dynamics sa silid-aralan, pagtugon sa mga pangangailangang

online ng mga mag-aaral, paglipat sa online na pagtuturo, at pagtataguyod ng pag-unlad

ng komunidad sa pag-aaral

Ayon kay Jonassenn (2014) Ang pagsusuri sa panitikan ay nagbubuod ng

pananaliksik sa online na pagtuturo at pag-aaral. Inayos ito sa apat na paksa: kapaligiran

sa kurso, kinalabasan ng mag-aaral, mga katangian ng nag-aaral, at mga kadahilanan ng

institusyon at administratibo. Ang mga may-akda ay natagpuan maliit na pare-pareho ng

terminolohiya, natuklasan ang ilang mga patibay na patnubay, at tinukoy na pagbuo ng

mga linya ng pagtatanong. Ang mga konklusyong pangkalahatang iminumungkahi na ang

karamihan sa mga pag-aralan ay nasuri ay naglalarawan at pagsaliksik, na ang karamihan

sa mga mag-aaral sa online ay walang tradisyonal at Anglo American, at ang ilang mga

unibersidad ay may nakasulat na mga patakaran, alituntunin, o teknikal na suporta para sa

8
mga guro o mga estudyante. Ang asynchronous na komunikasyon ay tila upang mapadali

ang malalim na komunikasyon (ngunit hindi hihigit sa mga tradisyunal na klase), ang

mga mag-aaral ay nagugustuhan upang lumipat sa sarili nilang bilis, ang mga resulta ng

pagkatuto ay kapareho ng sa mga tradisyonal na kurso, at ang mga mag-aaral na may

naunang pagsasanay sa mga computer ay mas nasiyahan may mga online na kurso. Ang

patuloy na pananaliksik ay kinakailangan upang ipaalam sa mga kinalabasan ng mag-

aaral, mga katangian ng mag-aaral, kapaligiran ng kurso, at mga kadahilanan ng

institusyon na may kaugnayan sa mga variable ng sistema ng paghahatid upang subukan

ang mga teorya sa pag-aaral at mga modelo ng pagtuturo na likas sa disenyo ng kurso.

Ayon naman kay Shampa Iftakhar, (2016), ang virtual na silid-aralan ay isang

online na silid-aralan na nagpapahintulot sa mga kalahok na makipag-usap sa isa't isa,

tingnan ang mga presentasyon o video, makipag-ugnayan sa iba pang mga kalahok, at

nakikipag-ugnayan sa mga mapagkukunan sa mga grupo ng trabaho. Ang pinakabagong

kamakailang karagdagan sa virtual na silid-aralan ay ang Google Classroom. Inanunsyo

ng Google ang Silid-aralan noong Mayo 2014 bilang isang bagong tool sa Google Apps

for Education. Higit sa 30 mga guro ng Daffodil International University ang nagsimula

gamit ang silid-aralan ng Google mula Setyembre 2014. Ang layunin ng pag-aaral na ito

ay iulat ang pangkalahatang pagtingin sa mga silid-aralan ng Google na pinagtibay sa

iba't ibang klase. Ang papel na ito ay nagtatanghal ng mga maikling tampok ng Google

Classroom. Ang teoriya ni Roger ng pagsasabog ng pagbabago ay ginamit na isang

teoretikal na gawaing balangkas para sa papel na ito. Dagdag pa ni Elly Johnson (2017)

Ang Google Classroom ay maaaring gumana sa unidirectional na proseso dahil

makapaglilingkod ito sa mga estratehiya at istilo ng mga guro sa isang banda, at pag-

9
unawa, at epektibong partisipasyon ng mga mag-aaral sa ibang mga kasanayan sa silid-

aralan sa kabilang banda. Ang pagkakatulad ng silid-aralan ng Google ay apektado ng

iba't ibang mga kadahilanan. Ang ilan sa kanila ay hindi pa malinaw na tinukoy at

tinalakay sa nakaraang pananaliksik; samakatuwid, kailangan nila ng karagdagang

pagsisiyasat..

Kaugnay na Pag Aaral

Sinabi ni Davidson at Goldberg (2008) Sa paggamit ng teknolohiya nabago ang

ating buhay, para malaman ang bago sa ating sarili at masundan ang pagbabago. Ang

mga tagapagturo ay kailangang matuto ng mga bagong teknolohiya at programang

masusuportahan ang mga estudyante at ihikayat ang kanilang pag-aaral sa iba't-ibang

paraan.

Gamit ang teknolohiya na magagamit sa silid-aralan, higit pang mga paaralan ay

nilalagay ang teknolohiya sa kanilang kurikulum. Paano makakatulong ang teknolohiya

sa mga estudyante? At,ano ang pananaw ng guro at estudyante sa pagtuturo at pag-aaral

sa teknolohiya? Ang mga tanong na ito ay kailangang masagot. Ang pag-aaral na ito ay

dinisenyo upang suriin ang pagtuturo na batay sa teknolohiya gamit ang Google

Classroom para sa mag-aaral sa pag-aaralng araling Panlipunan. Ang layunin ay upang

siyasatin ang pagiging epektibo ng Google Classroom bilang isangprograma ng

kompyuter sa pagtuturo at pag-aaral ng mga pag-aaral sa lipunan. Ito ay sinabi ni Jon

Jacobs (2010)

10
Ayon naman kay Bonk Sanders (2012) Ang pagtuturo sa teknolohiya ay

nagbibigay ng oputunidad sa mga estudyante na matuto at masanay sa biswal at birtual na

kapaligiran. Sina Storz at Hoffman (2013) ay nakipagpanayam sa mga mag-aaral. Kahit

na positibo, ang ilang mga ininterbyu ng mga estudyante ay pinapapasok na ang

ginagamit na pang araw-araw na teknolohiya maaaring maging paulit-ulit ang klase. Sa

parehong paaralang ito, isang mag-aaral ang nananabik sa labis na paggamit at

pagtatanghal na "software" na nakakainip gamitin, habang ang isa pang sumagot na siya

ay "ginagawa ang parehong bagay, lamang ngayon sa mga computer ". Karagdagan pa,

tinatanggap ng mga mag-aaral na gumastos sa kanilang mga laptop para sa computer

games, paglalaro ng mga naturang games o pakikipag-chat sa mga kaibigan; sinabi

naman ng isang estudyante na siya ay naniniwala na ito ay mas napapadali ang kanyang

pagaaral sa pamamagitan ng naturang "software".

Ayon kay Randy Ventayen (2017), ang Google Classroom ay may malaking papel

sa paggawa ng mas madaling pag-aaral. Batay sa ilang pag-aaral, ang Google Classroom

ay lubos na inirerekomenda mula sa mga istudyante. Ang mga pangunahing dahilan sa

pag pagtangkilik ng Google Classroom ay kapakipakinabang sa pag-unawa, kaakit-akit,

at "operability". Habang ito ay lubhang kapaki-pakinabang sa mga aktibidad na hindi

pang-akademiko, ang platform ay lubhang kapaki-pakinabang sa mga takdang-aralin at

"group studies".

11
Batayang Teorya

Pinaghinalaang
kapakinabangan

Ugaling naglalayon Aktwal na pag-


sa pag-gamit gamit sa sistema

Pinaghihinalaang
dali ng pag-gamit

Pigura 1

Maraming iba’t-ibang teorya o modelo ng sistema ng impormasyon na binuo

upang pag-aralan ang pagtanggap sa makabagong teknolohiya. Isa sa mga pinakilala ay

ang Technology Acceptance Model (TAM)

12
Balangkas Konseptwal

Malayang Baryabol Di Malayang Baryabol

Mga positibong Epekto ng Google


Classroom Mga Gumagamit ng Google Classroom
Positibong Epekto
Mga negatibong epekto ng Google Negatibong Epekto
Classroom Halaga ng Tulong
Teknolohiya
Halaga ng tulong ng Google Classroom

Pigura 2

Ipinapakita sa pigura na ito ang balangkas konseptwal ng pag-aaral na binubuo ng

malaya at di malayang baryabol.

Ipinapakita sa balangkas konseptwal na ito ang bagay na kailangan ng mga

mananaliksik upang makumpleto ang datos pati na rin ang mga bagay na maaring

makaapekto ditto.

13
KABANATA 3

Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Pamamaraan

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong paraan ng pananaliksik.

layunin nitong tugunin ang mga katanungang sino, ano, kalian, saan, at paano ng isang

particular na paksain. Nais itong ilarawan ng mga mananaliksik ang mga pananaw ng

mga estudyante sa paggamit ng Google Classroom sa kanilang klase

Mga Respondente

Sa ginawang pag-aaral ng mga mananaliksik, ang mga respondenteng napili nila

ay may malaking kauganayan sa kanilang pag-aaral. Pinili nila ang mga seksyong 9-

Silver, 11-A, 11-B at 12-STEM dahil alam ng mga mananaliksik na sila ay nagamit ng

Google Classroom upang magawa ang mga takdang aralin. 30 bawat seksyon ang

kukunin ng mga mananaliksik. Inirekomenda ni Ms. Hapa ang mga seksyong 12-STEM

at 9-Silver dahil siya ay gumagamit ng Google Classroom sa kanyang paksa at sina Ms.

Logroño at Ms. Pentecostes naman sa sekyong 11-A at 11-B. Ito lamang mga seksyong

nagamit ng Google Classroom sa paaralan sa ngayon (S.Y 2018-2019)

Alam ng mga mananaliksik na ang kanilang mga respondente ay may malaking

maitutulong sa ginawa nilang pag-aaral upang malaman ang mga epekto ng Google

Classroom. Ang naturang pagsagot ng mga respondenteng ito sa mga katanungan ng mga

mananaliksik ibabase ang resulta ng isinagawang pag-aaral.

14
Paraan ng Pagsisiyasat

Pagsasarbey ang paraan na gagamitin upang mangalap ng datos. Ang

talatanungan ay inihanda at ibibigay sa mga naturang respondente upang makuha ang

kailangan na datos. Ito ang pinakamabisang paraan na naisip naming mga mananaliksik

para makaalap ng datos ng marami at mabilis sa oras. Ang frequency ang kukunin sa mga

resulta at ito ay dedepende sa mga sagot na ibinigay ng mga respondente

Kagamitan sa pagkuha ng datos

Upang makuha ang datos, pagsasarbey ang paraan na gagamitin ng aming mga

mananaliksik. Ito ay ibibigay at sasagutan ng mga napili naming respondente sa mga

naturang seksyon. Ang sarbey ay isang paraan na kadalasang ginagamit sa mga

pananaliksik na naglalayong makakuha ng mga impormasyon, partikular na ang bilang o

dami ng mga tao sa isang partikular na kondisyon o may opinyon.

Istadistikang Pagatataya

Kukunin ng mga mananaliksik ang frequency sa naturang datos at ito ay bibigyan

ng ranggo depende sa dami ng pumili nga mga pagpipilian sa survey paper. Ito ang pinili

ng mga mananaliksik dahil ito ang magbibigay sa amin ng impormasyon ukol sa

relatibong frequency galing sa mga sagot ng mga respondente. Kukunin din ang weighed

mean dahil kailangan ng mananaliksik ang average na datos ukol sa sarbey na ibinigay.

15
Bahagdang Teknik

Upang matukoy ang mga epekto ng Google Classroom sa akademikong pagganap

ng isang estudyante. Ang pormula na ito ang gagamitin.

Pormula

16
KABANATA 4

Presentasyon, Pagsusuri at Interpretasyon ng mga Datos

Pigura 3

Frequency Distribution ng Mga Positibong Epekto ng Google Classroom

Frequency Rank
Nagpapakilala ito sa e-learning platform sa mga estudyante 61 1st
Madaling mapapasa ang mga asignatura 51 2nd
Ito ay nakakatipid sa oras. Sa gayon ay magagawa ko ang
iba pang mga takdang aralin 51 2nd

Madalian at pribadong komunikasyon sa pagitan ng guro at


estudyante 33 4th

Madaling ma-access ang Google Classroom gamit ang


Komputers at smartphone. 26 5th
Linalagay ang mga aralin sa google classroom. Sa gayon ay
naipapadali ang pag aaral sa mga takdang aralin 45 3rd

Ipinapakita sa unang talaan ang mga positibong epekto ng Google Classroom sa

mga estudyante ng Imus Institute of Science and Technology. Nangunguna dito ang

pagpapakilala nito ng e-learning platform sa mga estudyante na nakakuha ng 61 puntos.

Pangalawa naman ang mas madaling mapapasa ang mga asignatura na nakakuha ng 51 na

puntos. Kasabay nito ang pagiging matipid sa oras na nakakuha din ng 51 puntos. Ikatlo

ay linalagay ang mga aralin sa google classroom, sa gayon ay naipapadali ang pag aaral

sa mga takdang aralin na nakakuha ng 45 na puntos. Ikaapat ay para sa madalian at

pribadong komunikasyon sa pagitan ng guro at estudyante na nakakuha ng 33 puntos.

Ang pinakahuli ay mas madaling ma-access ang Google Classroom gamit ang Komputers

at smartphone na nakakuha ng pinakamababang puntos na 26.

17
Pigura 4

Frequency Distribution ng Mga Negatibong Epekto ng Google Classroom

Frequency Rank
Hindi palaging nakakakonekta sa internet. Di palaging
maaccess ang mga takdang aralin sa google classroom 83 1st
kapag kelangan
Hindi sapat ang komunikasyon sa pagitan ng estudyante at
guro sa pamamagitan ng google classroom lamang 62 3rd

Maaring madaya ang mga sagot sa mga online na pagsusulit


sa Google Classroom sa pamamagitan ng paggamit ng 76 2nd
internet
Nakakatamad gumawa ng mga takdang aralin sa Google
Classroom 36 5th

Nagkakaroon ng mga error (madalas sa software) ang


teknolohiyang ginagamit ko kapag gusto kong maaccess ang 27 6th
Google Classroom
Di ko magagawa ang mga gawain sa Google Classroom
dahil ako ay matutuksong maglaro ng computer games 55 4th

Ipinapakita sa ikalawang talaan ang mga negatibong epekto ng Google Classroom

sa mga estudyante ng Imus Institute of Science and Technology. Nangunguna dito ay

hindi palaging nakakakonekta sa internet. Di palaging maaccess ang mga takdang aralin

sa google classroom na nakakuha ng 83 puntos. Pumapangalawa ang maaring madaya

ang mga sagot sa mga online na pagsusulit sa Google Classroom sa pamamagitan ng

paggamit ng internet na nakakuha ng 76 puntos. Pumapangatlo ang dahilang hindi sapat

ang komunikasyon sa pagitan ng estudyante at guro sa pamamagitan ng Google

Classroom lamang na nakakuha ng 62 puntos. Pumapang-apat naman ang “di ko

magagawa ang mga gawain sa Google Classroom dahil ako ay matutuksong maglaro ng

computer games” na nakakuha ng 55 puntos. Pumapang-lima naman ang dahilang

18
nakakatamad gumawa ng mga takdang aralin sa Google Classroom na nakakuha naman

ng 36 puntos. Panghuli ay ang pagkakaroon ng mga error (madalas sa software) ang

teknolohiyang ginagamit ko kapag gusto kong maaccess ang Google Classroom na

nakakuha lamang ng 27 puntos.

Pigura 5

Weighted Mean
Paano nakakatulong ang Google
Classroom sa Akademikong iyong 3.34
Akademikong Pagganap

Ipinapakita sa huling talaan na ang Google Classroom ay medyo nakakatulong sa

akademikong pag-ganap sa mag-aaral ng Imus Institute of Science and Technology na

nakatanggap ng weighted mean na 3.34.

Basehan

5 - Lubos na nakakatulong

4 - Nakakatulong

3 – Medyo nakakatulong

2 – Medyo hindi nakakatulong

1 – Hindi nakakatulong

19
KABANATA 5

Buod, Konklusyon at Rekomendasyon

Buod

1. Ipinapakita sa unang talahayan na may titulo na Mga Positibong Epekto ng

Google Classroom, 61 na estudyante ang pumili ng “Nagpapakilala ito ng e-

learning sa mga estudyante” bilang pinakamadalas na positibong epekto ng

Google Classroom sa akademikong pagganap ng mga estudyante. Para sa

ikalawang ranggo, nagtabla naman ang positibong epekto na madaling mapapasa

ang mga asignatura at ito ay nakakatipid sa oras. Sa gayon ay magagawa ko ang

iba pang mga takdang aralin na nakakuha ng 51 na bilang mula sa mga

estudyante.

2. Sa pangalawang talahayan na nagngangalang Mga Negatibong Epekto ng

Google Classroom 83 na estudyante ang nagsabi nang hindi palaging

nakakakonekta sa internet at hindi palaging maaccess ang mga takdang aralin sa

Google Classroom bilang pinakamadalas na negatibong epekto ng Google

Classroom sa akademikong pagganap ng mga estudyante. Pumapangalawa naman

ang napiling sagot na, maaring madaya ang mga sagot sa mga online na pagsusulit

sa Google Classroom sa pamamagitan ng paggamit ng internet na nagtamo ng 76

na bilang. Sumunod naman dito ay ang hindi sapat ang komunikasyon sa pagitan

ng estudyante at guro sa pamamagitan ng Google Classroom lamang na nakakuha

ng 63 na dami ng estudyante na pumili.

20
3. Ipinapakita sa pangatlong talahayan na mayroong titulo na paano nakakatulong

ang Google Classroom sa iyong akadamikong pagganap na medyo nakakatulong

ang Google Classroom sa akademikong paggnap ng mga estudyante na nakakuha

ng 3.34 na weighted mean.

Konklusyon

1. Karamihan sa mga respondente ng ang nagsasabi na ang pagpapakilala sa e-

learning platform ang pinakamadalas na epekto ng Google Classroom sa

akademikong pagganap ng estudyante.

2. Karamihan sa mga respondente ng ang nagsasabi na ang hindi palaging

pagaccess sa mga takdang aralin ng Google Classroom dahil wala palaging

internet ang pinakamadalas na negatibong epekto sa akademikong pagganap ng

estudyante.

3. Karamihan sa mga respondente ang nagsasabi na ang Google Classroom ay

medyo nakakatulong sa akademikong pagganap ng estudyante

21
Rekomendasyon

Mag-aaral Kailangan nila ito gamitin upang masanay sila na gumamit ng panibagong

teknolohiya na nahuhubog sa kanilang kaalaman

Magulang Ang Google Classroom ay isang paraan para mapatnubayan ang

pagganap ng kanilang mga anak dahil mamomonitor nila ito gamit ang mismong

account ng estudyante.

Administrayon Dapat tuklasin pa ng administrasyon kung paano pa mapapaunlad at

mapapadami ang paggamit ng Google Classroom sa kanilang sariling paaralan.

Guro Ang guro ang dapat mag hikayat sa mga estudyante na gumamit ng Google

Classroom upang mapadali ang kanilang pagtuturo at paggawa ng kanilang aktibidad.

Paaralan Maaring maglunsad ang paaralan ng mga programa o seminar ukol sa

naturang pag aaral.

Kapwa Mananaliksik Maari nilang paglawakin o gamitin ang mga datos na nakalap

para sa kanilang sariling pagsasaliksik.

22

You might also like