Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

GENRE NG PANITIKAN

a. Alamat - isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng


mga bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga
pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa
kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga mito at kuwentong-bayan.

b. Anekdota - isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang


pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may
dalawang uri: kata-kata at hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga ginagawa ng
mga pagpapaliwanag sa mga ginagawa ng mga tao.

c. Nobela o kathambuhay- isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba't


ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong
ika-18 siglo, naging istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga
pangunahing literary genre. Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang
tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo.

d. Pabula - isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya mga
bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga,
pagong at matsing, at lobo at kambing. May natatanging kaisipang mahahango mula
sa mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang
mambabasa. Tinatawag din itong kathang kuwentong nagbibigay-aral

e. Parabula ay maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit


nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan
ang isang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang
inilalahok na tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang
kumikilos at nagsasalita gaya ng tao.
f. maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento - ay isang maigsing salaysay
hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at
may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan.
Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang
isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng
pangunahing tauhan.

g. Dula - isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo.
Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.

h. sanaysay - isang maiksing komposisyon na kailimitang naglalaman ng personal na


kuru-kuro ng may-akda.

i. Talambuhay - isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng


isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari o impormasyon.

j. Talumpati - isang buos ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa


pamamagitan ng pagsalita sa entablado. Layunin nitong humikayat, tumugon,
mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang
paniniwala. Ito ay isang uri ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa
isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.

k. Kuwentong-bayan - ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan


na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang
marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang
kwentong-bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay
nito ang alamat at mga mito
a. Alamat - isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga
bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil
sa tunay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang
alamat ng mga mito at kuwentong-bayan.

b. Anekdota - isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang


pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may dalawang
uri: kata-kata at hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga ginagawa ng mga
pagpapaliwanag sa mga ginagawa ng mga tao.

c. Nobela o kathambuhay- isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba't ibang


kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo,
naging istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing literary genre.
Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na
istilo.

d. Pabula - isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya mga bagay
na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at
matsing, at lobo at kambing. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula,
sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din
itong kathang kuwentong nagbibigay-aral

e. Parabula ay maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit


nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang
isang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na
tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at
nagsasalita gaya ng tao.

f. maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento - ay isang maigsing salaysay hinggil sa
isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang
kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela
at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o
iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan.

g. Dula - isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo.
Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.

h. sanaysay - isang maiksing komposisyon na kailimitang naglalaman ng personal na kuru-


kuro ng may-akda.

i. Talambuhay - isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang


tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari o impormasyon.

j. Talumpati - isang buos ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa


pamamagitan ng pagsalita sa entablado. Layunin nitong humikayat, tumugon,
mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Ito
ay isang uri ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas
sa harap ng mga tagapakinig.

k. Kuwentong-bayan - ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na


kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na
lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang
tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga mito
Anyo ng Panitikan
1. TULUYAN o PROSA - nagpapahayag ng kaisipan. Ito'y isinusulat ng patalata.
2. PATULA - nagpapahayag ng damdamin. Ito'y isinusulat ng pasaknong

Katulad ng maraming mga banyagang kabihasnan, mayroon nang panitikan sa Pilipinas noong
unang mga kapanahunan. Nagbuhat ang panitikan ng Pilipinas mula sa sari-saring mga lipon at
pangkat ng mga taong dumating sa mga kapuluan nito. May pagkaka-agwat-agwat na dumating sa
sinaunang Pilipinas ang mga Negrito, mga Indones, at mga Malay. Ang baybayin, ang isa sa mga
pagpapatibay na mayroon nang sistema ng pagsulat at pasalita sa sinaunang Pilipinas bago pa man
dumating ang mga pangkat ng mga dayuhan nagmula sa Kanlurang bahagi ng mundo. Subalit
karamihan sa mga naisulat na panitikang katha ng sinaunang mga tao sa Pilipinas ang sinunog ng
mga Kastila. Nangabulok at natunaw naman ang ibang naisatitik sa ibabaw lamang ng mga balat ng
punong kahoy at mga dahon ng mga halaman. May sarili nang panitikan ang ating mga ninuno sa
panahong ito. Alibata ang kadalasang ginagamit Gumagamit din sila ng mga biyas ng kawayan ,
talukap ng bunga o niyog at dahon at balat ng punungkahoy bilang sulatan at matutulis na bagay
naman bilang panulat.

Ang mga uri ng panitikang sumibol at sumikat sa Pilipinas noong sinaunang panahon ay ang alamat,
kuwentong bayan, epiko, mga awiting bayan, salawikain, karunungang bayan, sawikain, at bugtong.

 Alamat – kuwento tungkol sa pinagmulan ng isang bagay; halimbawa na ang Ang Alamat ng
Pinya
 Kuwentong bayan - mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan
sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa
isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kuwentong-bayan ng isang tiyak na pook o
rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga mito
 Epiko - tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa
mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-
kapani-paniwala.

Ang mga halimbawa ng mga ito:

a. Bidasari - Moro
b. Biag ni Lam- ang Iloko
c. Maragtas - Bisaya
d. Haraya - Bisaya
e. Lagda - Bisaya
f. Kumintang - Tagalog
g. Hari sa Bukid - Bisaya

 Awiting bayan -ay mga awit ng mga Pilipinong ninuno at hanggang


ngayon ay kinakanta o inaawit pa rin.

hal. Leron, Leron Sinta, Dalagang Pilipina, Bahay Kubo, Atin Cu Pung
Singsing, at Paruparong Bukid.

 Salawikain - nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang-asal ng


ating mga ninuno. Halimbawa: Aanhin pa ang damo kung wala na
ang kabayo.
 Sawikain – mga kasabihang walang natatagong kahulugan.
Halimbawa: Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
 Bugtong – maikling tulang karaniwang naglalarawan ng isang
bagay na siyang pahuhulaan. Halimbawa: Isang tabo, laman ay
pako. Ang sagot ay "langka".

gitna ng isang malawak na gubat sa labas ng kaharian ng


Albanya na nababagtas ng ilog Kositong makamandag ang tubig,
ay nakagapos ang isang kaawa-awang tao sa isang puno ng
Higera. Siya si Florante, anak nina Duke Briseo at Prinsesa
Floresca. Unti-unting pinapanawan ng buhay si Florante dahil ang
gubat ay sadyang nakakatakot. Mga mababangis na hayop ang
gumagala dito, ang huni ng mga ibon ay nakakalunos at ang
malalaking punongkahoy ay tunay na nakakasindak.
Sa isang di sinasadyang pagkakataon, napapunta ang isang
Persyanong Moro sa dakong kinalalagyan ni Florante. Ito ay
si Aladin, anak ni Sultan Ali-adab, na nagpaka-layu-layo sa sariling
bayan dahil sa sama ng loob sa ginawang pang-aagaw ng ama sa
kanyang kasintahang si Flerida. Nadinig lahat ni Aladin ang mga
panaghoy ni Florante tungkol sa kanyang mga kahirapan at siya
ay lubos na naawa. Tinunton niya ang pinanggagalingan ng tinig
at nakita ang dalawang leong naka-akmang pumaslang kay
Florante. Mabilis na pinaslang ni Aladin ang mga leon. Kinalagan
niya ang gapos ni Florante at pinagpilitang pahimasmasan
siya. Yayamang dumidilim na noon, dinala ni Aladin si Florante sa
may dakong pinasukan nito sa gubat at doon ay magdamag
siyang binabantayan. Kinabukasan ay nagkakuwentuhan silang
dalawa.
gitna ng isang malawak na gubat sa labas ng kaharian ng
Albanya na nababagtas ng ilog Kositong makamandag ang tubig,
ay nakagapos ang isang kaawa-awang tao sa isang puno ng
Higera. Siya si Florante, anak nina Duke Briseo at Prinsesa
Floresca. Unti-unting pinapanawan ng buhay si Florante dahil ang
gubat ay sadyang nakakatakot. Mga mababangis na hayop ang
gumagala dito, ang huni ng mga ibon ay nakakalunos at ang
malalaking punongkahoy ay tunay na nakakasindak.
Sa isang di sinasadyang pagkakataon, napapunta ang isang
Persyanong Moro sa dakong kinalalagyan ni Florante. Ito ay
si Aladin, anak ni Sultan Ali-adab, na nagpaka-layu-layo sa sariling
bayan dahil sa sama ng loob sa ginawang pang-aagaw ng ama sa
kanyang kasintahang si Flerida. Nadinig lahat ni Aladin ang mga
panaghoy ni Florante tungkol sa kanyang mga kahirapan at siya
ay lubos na naawa. Tinunton niya ang pinanggagalingan ng tinig
at nakita ang dalawang leong naka-akmang pumaslang kay
Florante. Mabilis na pinaslang ni Aladin ang mga leon. Kinalagan
niya ang gapos ni Florante at pinagpilitang pahimasmasan
siya. Yayamang dumidilim na noon, dinala ni Aladin si Florante sa
may dakong pinasukan nito sa gubat at doon ay magdamag
siyang binabantayan. Kinabukasan ay nagkakuwentuhan silang
dalawa.

You might also like