Alamat NG Pitong Isla

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Alamat ng Pitong Isla

Nang kakaunti pa ang mga taong naninirahan sa Isla ng Panay, may isang mangingisdang
nakatira sa Iloilo. Siya'y may pitong anak na dalaga. Sabihin pa, pagkat magaganda kaya
maraming binatang nanliligaw.

Dumating sa Panay ang mga mangangalakal na galing sa Borneo.

Nagustuhan ng mga ito ang mga dalaga kaya sila'y hinandugan ng regalo. Tinanggap naman
ang mga alaala bagamat hindi tiyak ng mga dalaga kung ang mga ito ay tunay ngang kanilang
iniibig. Tumutol ang ama pagkat batid niyang ang kanyang mga anak ay isasama sa Borneo
pag-uwi ngmga negosyante. Sa gayon siya'y mapapag-isa. Subalit walang nagawa ang
kanyang pagtutol.

Isang hapon ang ama ay nagpunta sa dagat upang mamingwit. Nang siya'y makaalis ang pitong
anak na dalaga ay sumama sa mga mangangalakal. Dinala nila ang kanilang mga kasangkapan
at sumakay sa batel. Nang sila'y nasa Straight ng Guimaras, nakita ng ama ang tatlong
sasakyang kanilang kinalululanan. Ang ama'y humabol subalit hindi inabutan ng kanyang maliit
at mabagal na bangka ang mabibilis na praw ng mga taga-Borneo.

Ang kaawa-awang matanda ay pagod na pagod sa kagagaod. Siya'y nagmakaawa, "Mga anak
ko, magbalik kayo. Huwag ninyo akong iwan!" Siya'y nanambitan at lumuha ng masaganang
luhang sing-alat ng dagat. Malamig na simoy ng habagat ang kanyang nadama, bilang
katugunan sa kanyang daing, ang alapaap ay nagdilim. Ang langit ay nagsungit... Kumidlat at
umugong ang kulog. Pumatak ang mabigat na ulan. Nawala sa malas niya ang mga praw.

Umuwi ang matanda. Siya'y umiyak nang umiyak. Ang kanyang masaganang luha ay
nakikipagtimpalak sa patak ng ulan. Hindi siya nakatulog nang gabing iyon. Ang mga anak ang
kanyang naalaala.

Kinaumagahan, kinuha ang kanyang bangka at pumalaot sa gitna ng dagat sa


pagbabaka-sakaling makita ang mga anak na lulan ng mga praw. Baka raw naantala ng bagyo
ang kanilang sasakyan. Sa kanyang pagtataka ang kanyang nakita sa malayong tanaw ay
maliliit na isla na wala roon nang nakaraang araw. Siya ay gumaod nang gumaod. Kanyang
nakita ang mga pira-pirasong labi ng praw ng mga taga-Borneo na lumulutang malapit sa mga
isla. Kanyang binilang ang mga isla sa kanyang mga daliri. Pito! Sila ang mga anak na
dalagang nangalunod.

Ang mga praw na kanilang sinasakyan ay winasak ng malakas na bagyo. Ang mga sasakya'y
nilansag ng hangin at malakas naulan. Ang mga ito'y napadpad sa coral reef at mga bato.

Ang mga walang turing na anak na dalaga ay naging mga isla.


Tinawag na Mga Isla ng Pitong Makasalanan (Isla de los Siete Pecados.)

Pinoy Edition © 2019 - All rights reserved.

Source: ​https://m.pinoyedition.com/mga-alamat/alamat-ng-pitong-isla​.

Sagutin ang sumusunod n tanong.


1. Sino ang mga tauhan?
2. Sanng matatagpuan sa Pilipinas ang isla ng Panay?
3. Bakit naging isla ang mga anak ng matanda?
4. Anong aral ang mapupulot sa binasang alamt?

You might also like