Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Noong Abril 6, 1924, tatlong magkatambal ang

lumahok sa unang balagtasan sa Instituto de Mujeres,ito


ay sina Rafael Olay laban kay Tomas de Jesus,Amado V.
Hernandez laban kay Guillermo Holandez. [2] Sa mga
lumahok, sina Jose Corazon de Jesus (Huseng Batute), at
Florentino Collantes(Kuntil Butil), isang rin manunula sa
Bulacan ang nakatanggap ng pinakasiglang tugon mula sa
madla. "Bulalak ng Lahing Kalinis-linisan" ang pamagat ng
kanilang paksang kanilang pinagtalunan na sinulat nilang
pareho.Ang dalawang ito ang nanomina sa panglawang
paghaharap.

Dahil sa matagumpay na pagtanggap ng publiko kina


De Jesus at Collantes, naghanda ang nag-organisa ng mga
ilang pang mga balagtasan na kinakasangkutan ng
dalawa. Dahil sa talino ng dalawa naghanda sila ng
balagtasan na walang iskrip noong Oktubre 18, 1925 sa
Olimpikong Istadyum sa Maynila upang lalo pa silang
masubok.[1] Ang naging paksa nila ay "Ang Dalagang
Filipina: Noon at Ngayon." Kinuha ni De Jesus ang panig
ng kababaihan noon samantalang pinili ni Collantes
naman ang kababaihan ngayon. Sa katapusan ng
balagtasan, nanalo si De Jesus at tinanghal na Unang Hari
ng Balagtasan.
Pagkatapos ng pagtatanghal nila De Jesus at
Collantes noong 1925 hanggang lumipas ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig, naging sikat ang balagtasan sa
Pilipinas at ninanais ng mga manunula ang titulong Hari
ng Balagtasan.[1] Dahil sa kasikatan ng ganitong anyo ng
panitikan, nagkaroon ng ibang kahintulad na patulang
pagtatalo sa ibang wika mula sa Pilipinas katulad ng
Ilokano at Kampampangan maging wikang Ingles o
Kastila. Naimbento ng mga Ilokano ang bukanegan bilang
pagkilala kay Pedro Bukaneg, isang Ilokanong makata.
Samantalan, nagkaroon naman ng crisotan ang mga
Pampango na hinango nila mula sa manunula at
dramatistang si Juan Crisostomo Soto.

Huwan:
Ang nakakatulad nitong pagtatalo:
Pork tsap at hambardyer ang wikang Ingles mo;
Ang wikang Tagalog naman ay adobong
Masarap sa akin nguni’t di mo gusto.
Dapat mong malamang ang wikang pambansa
Ay kinamulatan mulang pagkabata;
Ito ay ang buhay, kaluluwa at diwa. . .
Ng pagkalahi ko sa balat ng lupa!

-Ang balagtasan ay umusbong sa panahon ng


Amerikano,ang mga karagatan duplo at batutain naman
ay umusbong sa panahon ng Espanyol.
-Sa balagtasan , ang mga tawag sa nagtatalo ay
Makata at ang tawag sa taga pamagitan ay
"Lakandiwa/Lakandula", habang sa duplo naman, ang
tawag sa mga nagtatalo ay Bilyako at Bilyaka at sa taga
pamagitan ay "Punong Halaman".
- ang duplo ay isang laro, habang ang batutain ata
karagatan ay isinasagawa tuwing may lamay.
Pagkakatulad:
- Pareho silang nagtatalo
- may tatalong tao (ang mga nagtatalo at taga
pamagitan)

You might also like