Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Cordova Catholic Cooperative School

(formerly Cordova Academy)


Poblacion, Cordova, Cebu

Araling Panlipunan 9
Quarter 2 – Final Examination

Pangalan: _____________________________ Taon at Seksyon:_________________________________

Petsa: _______________________ Lagda ng Proktor: __________________Iskor: __________________

Multiple Choice. Basahin at unawain ng mabuti ang bawat katanungan. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1)Alin ang nagpapaliwanag kung bakit mahal ang kandila at bulaklak sa tuwing sasapit ang Araw ng mga Patay?

a.Tuwing sasapit ang Araw ng mga Patay, itinatago ng mga prodyuser ang panindang kandila at bulaklak
upang lalong tumaas ang presyo nito.
b. Dahil sa tuwing sasapit ang Araw ng mga Patay, nagkakasundo na ang mga konsyumer at prodyuser
na itaas ang presyo sapagkat pareho naman silang nakikinabang dito.
c. Tanggap ng mga konsyumer ang pagtaas ng presyo ng kandila at rosas tuwing sasapit ang Araw ng mga
Patay sapagkat hindi matatawaran ang kanilang mga mahal sa buhay.
d. Dahil sa okasyon, tumataas ang demand ng mga konsyumer sa kandila at rosas. Ito ang nagbibigay-
daan sa paglipat ng kurba ng demand sa kanan na nagreresulta sa pagtaas ng presyo ng mga ito.

2)Sa ekonomiks, pinag-aaralan kung paano matutugunan ang walang katapusang pangangailangan ng tao. Ayon
naman sa Batas ng Supply ______________ .

a.Kapag mababa ang presyo, marami ang handa at kayang bilhin ng mamimili.
b.Kapag mataas ang presyo, kakaunti lamang ang handa at kayang ipagbili ng prodyuser.
c.Kapag mataas ang presyo, marami o mataas din and bilang ng produktong handang ipagbili ng
prodyuser.
d.Wala sa nabanggit.

3)Ito ay tumutukoy sa talaan o listahan na nagpapakita ng kaugnayan ng presyo at dami ng supply para sa isang
partikular na produkto o paglilingkod.

a. supply schedule b. supply function c.supply curve d.quantity supplied

4)Tumutukoy ito sa punto sa pinagsamang kurba ng demand at suplay na magkasalubong; o punto kung saan
ang quantity demanded at quantity supplied ay pantay o magkapareho.

a.ekwilibriyo b.surplus / kalabisan c.disekwilibriyo d.shortage / kakulangan

5)Ito ay tumutukoy sa talaan o listahan na nagpapakita ng kaugnayan ng presyo at dami ng demand para sa isang
partikular na produkto o paglilingkod.

a.demand schedule b.demand function c.demand curve d.quantity demanded

6)Isa sa mahahalagang konsepto sa microeconomics ang konsepto ng demand. Alin sa mga sumusunod ang
pinakaangkop na kahulugan ng demand?

a.Ito ay tumutukoy sa mga produktong kahalili ng mga pangangailangan ng isang konsyumer.


b.Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng prodyuser sa iba’t ibang presyo.
c.Ito ay tumutukoy sa kabuuang dami ng produkto na mabibili sa bawat presyo kung ang konsyumer ay
makakabili ng lahat ng kanilang pangangailangan.
d.Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa (willing) at kayang (able) bilhin ng mga konsyumer sa
iba’t ibang halaga o presyo.
7)Alin sa mga sumusunod na pahayag ang magpapaliwanag sa ipinapahiwatig ng graph sa ibaba kaugnay ng
Batas ng Demand?

a.malaki ang kakayahan ng konsyumer na bumili kapag mataas ang presyo.


b.habang tumataas ng presyo, bumababa ang quantity demanded ng konsyumer.
c.habang tumataas ng presyo, tumataas din ang quantity demanded ng konsyumer.
d.kapag mababa ang presyo ng produkto, hindi mahihikayat ang konsyumer na bumili nito.

8)Ang downward sloping na galaw ng demand curve ay nagpapahiwatig ng:

a.kawalang ugnayan ng presyo at demand.


b.positibong ugnayan ng presyo at demand.
c.inverse na ugnayan ng presyo at quantity demanded.
d.pagtaas ng presyo ng mga produkto at paglilingkod.

9)Ang upward sloping na galaw ng supply curve ay nagpapahiwatig ng __________.

a.kawalang ugnayan ng presyo at quantity supplied.


b.positibong ugnayan ng presyo at quantity supplied.
c.inverse na ugnayan ng presyo at quantity supplied.
d.pagbaba ng quantity supplied kapag tumataas ang presyo ng mga produkto at paglilingkod.

Suriin ang talahanayan sa ibaba. Pagkatapos ay sagutin isa-isa ang mga tanong sa bilang 10-13.

Demand Schedule para sa Lumpia

Presyo (P) Quantity Demanded (Qd)


Christine Lea Stephen
₱7 4 5 0
₱6 8 10 2
₱5 12 15 4
₱4 16 20 6
₱3 20 25 8

10)Kung ang halaga ng bawat piraso ng lumpia ay ₱5, ang dami ng demand ni Christine para rito ay _____.

a. 4 piraso. B. 8 piraso. c. 12 piraso. d. 16 piraso.


11)Kung si Stephen ay may kakayahan lamang bumili ng anim (6) na piraso ang lumpia, ang pinakamataas na
handa at kaya niyang ibayad ay ____________.

a.₱ 3. B. ₱ 4. C. ₱ 6. D. ₱ 7.
12)Kung ang halaga ng lumpia ay tumaas mula ₱ 3.00 tungong ₱ 5.00, babawasan ni Lea ang dami ng kanyang
demand para rito nang sampung (10) piraso. Ito ay dahil sa _____.

a.batas ng supply c. kanyang mga inaasahan


b.batas ng demand d. pagbabago ng kanyang panlasa

13)Kung si Christine at Stephen lamang ang bibili ng lumpia, at ang halaga ng lumpia ay ₱ 4 bawat piraso, ang
kabuuang demand nila para sa siomai ay_________________.

a.10 piraso b. 16 piraso c. 6 piraso d. 22 piraso

14)Upang masabing supply, kailangang may kagustuhan at kakayahan na ipagbili ng prodyuser ang isang uri ng
produkto. Halimbawa, may 15,000 piraso ng instant noodles ang kailangan. Ayon sa datos, mayroong 4
kumpanya ng noodles ngunit sa bilang na ito, 2 lamang ang nais gumawa ng kabuuang 10,000 piraso ng
instant noodles kung ipagbibili ito sa presyong Php7.00. Batay sa pahayag, ilan ang maitatalang supply ng
instant noodles?

a. 2 piraso b. 4 piraso c. 10,000 piraso d. 15,000 piraso


15)Nagaganap ang ekwilibriyo sa pamilihan kapag sa iisang presyo pantay ang dami ng quantity demanded sa
quantity supplied. Sa kalagayang ito, ano ang implikasyon ng pagkakaroon ng ekwilibriyo sa pamilihan?

a.sa presyong ito, may labis na quantity supplied sapagkat maaaring magtaas ng presyo ang mga
prodyuser upang tumaas ang kita.
b.sa presyong ito, hindi masaya ang konsyumer dahil ang labis na quantity demanded ay hindi
napupunan ng labis na quantity supplied.
c.sa presyong ito, parehong masaya ang konsyumer at prodyuser sapagkat tumaas man ang presyo,
kaunti na lamang ang bibilhin ng mga konsyumer.
d.sa presyong ekwilibriyo, parehong masaya ang konsyumer at prodyuser sapagkat ang dami ng nais
bilhin ng mga konsyumer ay kasindami ng nais ibenta ng mga prodyuser.

II.PAGSUSURI: LABIS? KULANG? o SAKTO?. Suriing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Tukuyin kung
ang sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng surplus, shortage, o ekwilibriyo. Isulat ang titik L kung ang
pahayag ay nagsasaad ng surplus/kalabisan, K kung shortage/kakulangan at E kung nagsasaad ito ng ekwilibriyo.

______16)Wala pang kalahating araw ay nabenta na lahat ang panindang home-made pancake ni Arlene.
_______17)Nagkasundo sina Irish at ang kanyang suking kostumer na si Ryan sa halagang Php4 bawat piraso
ng ice candy at sa dami na 25 piraso.
______18)Dahil sa semestral break, naging matumal ang benta ng buko juice ni Mang Willie.
_______19)Limampung kilo ang supply ng karne ng baka sa Cordova Public Market at limampung kilo rin ang
demand ng mga mamimili para rito.
_______20)Dahil sa biglaang pagsuspinde ng klase kaninang umaga dulot ng bagyo, napanis lamang ang mga
panindang puto ni Aling Nina.
_______21)Handang bumili ng dalawang dosenang pulang rosas si Dennise para sa kanilang anibersaryo ni
Hanz ngunit isang dosena lamang ang natitirang suplay sa kanyang suking tindahan na Illery’s Flower Shop.
_____22)May naihandang 45 piraso ng hamburger si Airah ngunit 53 piraso ang handang bilhin ni Frank.
________23) Biniling lahat ni Venhur ang mga tindang biko ni Ciara.
____________24) Sampung kilo ng tilapia ang kailangan ng mga mag-aaral ng Grade 9-Amoin para sa kanilang
luncheon boodle fight, ngunit mayroon lamang natitirang supply na apat na kilo nito sa palengke.
III. Buuin ang supply schedule sa pamamagitan ng paggamit ng supply function. Ipakita ang iyong solusyon.

25)
Qs1 =85+2P Qs2 =95+3P

Solusyon:

IV. Pagpapahalaga. Basahin ang sitwasyon na nasa ibaba at sagutan ang katanungan ukol dito. (5 pts)

26) Nagkaroon ng malakas na bagyo sa inyong lugar . Isa kang negosyante na nagtitinda ng mga
pangunahing bilihin ng mga mamamayan. Nagkaubusan ng suplay ng bigas at LPG. Isa ka sa mga
negosyanteng may natitira pang suplay nito. Ang iba pang negosyante sa inyong lugar ay nagsipagtaas na
ng kanilang presyo. Bilang isang negosyanteng na naisadamdamin ang Embrace diversity and value
integrity of the individuals. Ano ang gagawin mo? Bakit?

_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

You might also like