Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

“Mam!” “Ser!

”, ito ang kadalasan na naririnig nating mga salita sa apat na sulok ng silid-
aralan na binabanggit ng mga estudyante,upang pukawin ang atensyon ng kanilang mga guro.Sa
ganitong pamamaraan nababatid ng isang guro kung ang kaniyang mag-aaral ay may kailangan
o minsan pa nga ay kahit hindi magsalita ang isang bata ay nalalaman niya agad kung may
kailangan o suliranin ito.Ang mga guro ang itinuturing na pangalawang mga magulang ng mga
bata na pumapasok sa paaralan at siyang nagbibigay kalinga at patnubay sa mga isipang uhaw
sa kaalaman.

Sa loob ng klasrum humaharap ang guro sa iba’t ibang klase ng mag-aaral na kung saan
ang mga ito ay may iba’t ibang pag-uugali,paniniwala at kaalaman ngunit para sa isang guro isa
itong hamon na maihahalintulad sa pagluluto ng isang pagkain na kung saan masusing
pagsasamasamahin ang mga sangkap at pagkatapos ay lulutuin.Sa ganitong paraan lalabas ang
isang putahe na may kaayaayang amoy at ano sangkap nito?? mga kaisipang hinaluan ng
pangangaral.Mahirap magturo sa mga estudyante na hindi mawari ang nais sa buhay pero bilang
guro tungkulin niya na magturo at turuan ang mga mag-aaral na ito upang unti-unti nilang
malaman at maramdaman ang kariktan ng buhay.

Sisikat ang araw,malalanta ang mga dahon,hahangin ng malakas,matutuyot ang tubig sa


batis, muling magdidilim, ngunit kailanman hindi matatapos ang obligasyon ng isang guro sa
libulibong estudyante na kaniyang tinuruan, tinuturuan at tuturuan. Nakakapagod ang magturo
ngunit sa sandaling maramdaman ng isang guro ang dedikasyon sa ginagawa niya mapapawi
ito.Paulit-ulit siyang gigising at sa kaniyang bawat paggising patuloy niyang mararamdaman na
kaya siya bumabangon sa umaga ay para akayin muli ang mga isipang naghihintay sa kaniya sa
paaralan at umaasang muling matatamnan ng wastong aral.

Hindi man malaki ang sahod ng isang guro ngunit para sa akin,para siyang isang doktor
sapagkat inilalayo niya ang kaniyang mga mag-aaral sa sakit ng lipunan na nakapalibot sa
kapaligiran nito, para siyang abogado na nagtatanggol sa mga mag-aaral laban sa
kamangmangan,para siyang isang nars na kumakalinga sa mga isipang nangangailangan ng
karunungan, para siyang isang arkitekto na bumubuo ng plano para sa pagtupad ng pangarap ng
bawat estudyante, para siyang isang enginir na gumagawa ng isang gusali sa puso ng mga mag-
aaral upang lagakan ng tamang asal, para siyang isang tagaluto na naghahain ng
masusustansyang kaalaman para sa isipan.Hindi masusukat kailanman ng pera ang mga bagay
na nagagawa ng isang guro sa loob ng paaralan at sa bawat puso’t isipan ng mga estudyante na
ang turing sa guro ay isang bayani.

Hindi man siya katulad ng ibang bayani ng Pilipinas katulad ni Rizal na pambansang
bayani,o ni Lapu-lapu na kauna-unahang pinunong Pilipinong lumaban sa mga mananakop na
Kastila, o ni Apolinario Mabini na matalino at may napakatibay na paninidigan, o ni Heneral Emilio
Aguinaldo na unang pangulo ng Unang Rebolusyonaryong Republika ng Pilipinas, o ni Andres
Bonifacio na nagtatag ng Katipunan pero para sa karamihan ang mga guro ang bayani ng mga
bayani.Siya ang itinuturing na gabay ng mga kabataan na pag-asa ng bayan.

Bakit nga ba itinuturing na bayani ang mga guro? Dahil bilang isang bayani wala silang
ibang hangad kung hindi ang wastong kaalaman,karunungan at asal para sa ikabubuti ng
karamihan at ginagawa nila ito ng buong puso.Mahalin at pahalagahan ang mga guro sapagkat
sila ang tanglaw sa gabing madilim,ang perlas sa malawak na karagatan at ang bayani ng
paglalakbay sa buhay

You might also like