Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ˊʻAym paynʼʼ

Sandali, kwentuhan lang kita nang kaunting update sa masalimoot kong


buhay dito sa marahas na mundong aking kinasadlakan. Naglalakad ako
palabas ng campus ng LNAIS galing sa TM class.(Las Navas)
Half day ako ngayon. Bakit? NCAE bukas, ibig sabihin busy sa review ang mga
pulutong ng kabataan ngayon,hindi kasi sila nakapag-review kahapon.
Bakit? Ninamnam kasi nila ang biyayang hatid ng kamatayan ng mga bayani
kahapon,gumala lang sila at nag-fisbok maghapon.
Mejo malalaking hakbang ang lakad ko palabas.Tatlong agenda ang
kailangan kong matapos bago dumilim.
Una, ang kumain ng lugaw sa may kanto,(dalawang liko papunta sa sakayan
ng tricycle mula sa campus),pangalawa kumuha ng certificate of academic
completion sa UEP. At ikatlo,umupo bilang hurado sa LNHS.(high school sa
Laoang).
Inabot ako ng dalawang oras sa xerox center dali sa pila.(brown out kasi mula
umaga at 'yun nasa harap ng simbahan ng Las Navas ang natatanging xerox
center ang may generator).Tapos lakad ulit ng isang kilometro patungo sa
sakayan ng tricycle/motor para matupad ang unang agenda,ang lugaw.
Ang bilis ng hakbang ko nang may tumawag sa akin.(akala ko hindi ako ang
tinawag,una hindi ko pinansin)pero dahil katunog ng buo kong pangalan ang
binanggit niya,,pati apelyido,lumingon na ako.
Isang security guard ang tumawag sa akin. Kinabahan ako siyempre.
May nilabag ba akong batas ng dinaanan kong gusali?
Jaywalking ba ako kahit walang traffic o road sign?
Kremin na ba ang pagiging pangit?
Lumapit ang sekyu.Sinamantala ang aking paghinto.
Mukha na ba akong shoplifters?Gangster? Pusher? Snatcher?

“Hoy kumusta?”sabi nito.

“Uy,ok lang naman. Ikaw sino ka?" Ito sana ang sagot ko sa hindi maalalang
pangalan ng kaharap pero nginitian ko na lang at sinabing:

“Ayos lang.”

Lumapit siya sa akin at ikinagulat ko ang sinabi. “May bf ka na yata ngayon


no?” Ang weird na tanong niya.
Parang hindi na nga yata tanong,parang declarative statement na.
Parang gusto kong talikuran ang kaharap.
Ang lakas naman kasing makaintriga. Out of nowhere may magtatanong
sa'yo nang ganito sa kasagsagan ng iyong pagmamadali. Ano pa bang
magiging reaksyon ko lalo't hindi ko kilala ang nilalang na parang showbiz
reporter na nag-anyong sekyu.
Sumagot ako. Sabi ko wala akong balak. Nagtaka lang talaga ako sa
itinanong niya.May kung anong tunog malisya. Pero mas nagtaka ako sa sarili
ko dahil sumagot ako kahit hindi ko kilala o hindi lang maalala.
Weird siya. Weirder ako.
Naging klasmet ko ba'to dati? Naging biktima ko ba ng kapangitan ng ugali
ko dati?
Bakit kilala niya ako at hindi ko siya kilala.100% sure ako na kilala ko pa
hanggang ngayon ang mga naging klasmet ko mula grade one to college.
Mula sa TESDA hanggang sa workshops natatandaan ko pa lahat.
Kaso hindi na nasagot ang lahat ng tanong ko dahil nabangga na ako ng
traysikel na puno ng studyante.
Dahil nakalingon ako kay sekyu kaya nasapol ang kanang bente ko ng
gulong. Nadumihan ang suot kong slacks.
Nagalit si sekyu sa matanda,mga 150 years old na sigurong nagmamaneho
ng traysikel.
Bakit daw hindi nagpreno tanong ni sekyu.
Bakit daw kami nagkukuwentuhan sa gilid ng daan,depensa ni lolo driver.
Nagalit si sekyu,natural.
Kesyo nagkukwentuhan(na hindi naman talaga) sasagasaan na ako?*ubo*
Nag-sorry na lang ako.
Pero humingi ng pasensya si lolo gamit ang dalawampung wika,including
Aramaic,Swahili,Bengali, Russian, Jeje at Beki.
Pero seryoso ang sekyu. Magpa-X-ray daw ako. At tsaka magreklamo.
Sabi ko 'wag na.
Marami akong lakad. Besides, nadumihan lang naman ang pangbaba kong
suot.At saka,mukhang ilang rebolusyong Pilipino na ang pinagdaanan ni
Tatang.Na-survive niya ang ilang Makapili noong panahon ng Hapon,hindi
isang munting galos ko ang magpapakulong sa kaniya at sa kaniyang traysikel
na ginamit pa yata ni Mc Arthur.
Sabi ko okey na.At gusto kong idugtong ang salitang “sino ka?"
Kaso huwag na. Mapapahaba lang ang usapan.
Tinanong niya ako kung nasaktan ako. Gusto kong isagot: “Mas iritado ako sa
iyo ,pwede bang makaalis na?”
Pero naalala kong nagbago na pala ako *ubo* kaya naisagot ko na lang ay
“Iʻm fineʼʼ
Nabigla ako sa sagot ko. English eh, Im fine!
Nabigla si sikyu.Nabigla si Tatang.
Kaya sa susunod na may magtatanong ulit sa akin tungkol sa letseng love life
na 'yan,kung may bf ako o wala, ang isasagot ko na lang ay "I'm fine."
Para iwas disgrasya.

Ngayon papunta na ako ng UEP, tapos na akong maglugaw.


Now, I'm in a semi-siksik na habal-habal going back to my regular programmed
task.

Dalisay/Lydia

August 29, 2017 at 3:19pm ·

You might also like