Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Sa pag-usbong ng makabagong panahon,teknolohiya ang naging sandigan ng halos lahat ng tao sa

mundo. And pagkaimbento ng iba't-ibang mga kagamitang may kinalaman sa teknolohiya ay labis na
nagbigay ng ginhawa sa buhay ng tao. At kabilang sa mga natulungan ng teknolohiya ay ang mga mag-
aaral. Ang paggamit ng "internet" ay naging bahagi na ng buhay ng isang mag-aaral. Dito nagagawa
nilang mangalap ng sapat na impormasyon na kakailanganin nila sa kanilang pag-aaral at mga aralin. Ang
mga "gadgets" at ang internet ay nakakatulong sa mga mag-aaral sapagkat mas napapadali nito ang
pangangalap ng mga impormasyon ng mga estudyante at hindi na lamang sila naka depende sa isang
pagkukunan ng impormasyon dahil napakalawak ang sakop nito. Nakatutulong ang teknolohiya sa mga
estudyante upang sila ay makagawa ng mga proyekto at mga "requirements" sa paaralan.
Samakatuwid,ito ay nakakatulong upang mas mapabuti pa nila ang kanilang akademikong pagganap.

Sa pag-aaral na isinagawa ni Lee,Cho,Kim at Noh(2005)na pinamagatang "Smartphones Addiction in


University Students and Its Implication for Learning,nalaman na ang mataas na lebel ng pagkalulong sa
paggamit ng "smartphones" ay nagresulta sa mababang antas ng pagkatuto at mababang antas ng
"efficiency" sa kanilang pag-aaral. Isang pakikipanayam rin ang isinagawa sa mga estudyanteng
masyadong babad sa kanilang mga smartphones at nalaman na ang mga ito ay madaling ma "distract" at
ma "interrupt" dahil sa mga applications na nasa kanipang mga smart phones kapag sila ay nag-aaral.

Ang masyadong pagbababad o pagkalulong sa paggamit ng mga smartphones ay isa sa mga pangunahing
dahilan na nakakaapekto sa pang-akademikong pagganap ng mga estudyante. Ayon nga kay Sarwar at
Soomro(2013) sa kanilang isinagawang sarbey,na ang labis na pagkalulong sa smartphones ay isang
dahilan kung bakit tayo ay mas nahihirapang makatulog. At ang kakulangan sa oras ng pagtulog ay may
masamang epekto sa akademikong pagganap ng mga estudyante.

Layunin:

Nais ng konseptong papel na ito na magbigay diin sa epekto ng labis na pagkababad sa mga gadgets at
kung anu ang implikasyon nito sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa ikalabing-isang baitang
ng Eastern Visayas Regional Science High School. Hangad ng mga mananaliksik na magbigay ng
kamalayan sa mga mag-aaral kung anu ang magiging epekto sa kanilang pag-aaral kapag sila ay labis na
malulong sa paggamit ng kanilang nga gadgets.

Inaasahang Output:

Inaasahang makakabuo ng pananaliksik na papel na maaayon sa layunin ng konseptong papel na ito na


magbigay ng diin at kamalayan sa epekto ng labis na paggamit ng gadgets ang ang implikasyon ito sa
akademikong pagganap ng mga mag-aaral.
Gagamitin ng mga mananaliksik ang pag- survey, pag-oobserba at pakikipanayam bilang mga
instrumento sa pagkolekta ng mga datos sa mga napiling kalahok. Ang survey ay ibabahagi sa mga
kalahok upang sagutin. Sa paggawa ng survey, nahahati ito sa tatlong bahagi. Ang biograpikong datos,
dahilan ng paggamit ng mga “cellular device”, at oras / gumugol ng paggamit ng cellular device sa isang
araw.

Ang unang bahagi ay dinisenyo upang makuha ang personal na impormasyon tungkol sa mga kalahok,
tulad ng kanilang kasarian, edad, antas ng taon (opsyonal), at ang kanilang pangalan (opsyonal). Ang
pangalawa ay upang makuha ang dahilan kung bakit ginagamit nila ang kanilang mga cellular device; ang
ikatlo ay upang malaman kung gaano karaming oras ang ginugugol nila gamit ang kanilang mga “cellular
device” sa isang araw.

Ang mga mananaliksik ay mag- oobserba sa mga napiling kalahok. Ang mga napiling kalahok ay
oobserbahan batay sa kung paano sila kumilos sa klase kung sila ba ay gumagamit ng “cellular devices”
habang nagklaklase at kung kailan nila ito ginagamit.

Ang mga mananaliksik ay makikipanayam sa mga napiling kalahok upang makakalap ng mas tiyak na
impormasyon ang mananaliksik. Pagkatapos makuha ang mga kailangang mga datos ito’y susuriin,
itatala, analisahin at bibigyan interpretasiyon.

You might also like