Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

LA SALLE GREEN HILLS

Senior High School

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK

MGA SITWASYONG PANGWIKA

 SITWASYONG PANGWIKA SA TELEBISYON


 Ang telebisyon ay itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa
kasalukuyan dahil sa dami ng mamamayang naaabot nito.
 Sa paglaganap ng cable o satellite connection ay lalong dumadami
ang manonood ng telebisyon saanmang sulok ng bansa sapagkat
nararating na nito maging ang malalayong pulo ng bansa at maging
ang mga Pilipino sa ibang bansa.
 Wikang Filipino ang nangungunang midyum sa telebisyong sa ating
bansa.
 Ang pagdami ng palabas pantelebisyon partikular ang mga
teleserye o telenobela at pantanghaliang programa na
sinusubaybayan ng milyong-milyong manonood ang isa sa
malalaking dahilan kung bakit ang halos lahat ng mamamayan sa
bansa ay nakauunawa at nakapagsasalita ng wikang Filipino.

 SITWASYONG PANGWIKA SA RADYO AT DIYARYO

RADYO
 Filipino ang nangungunang wika sa radyo.
 Ang halos lahat ng mga estasyon ng radyo AM man o sa FM ay
gumagamit ng Filipino at iba’t ibang barayti nito.
 May mga estasyon ng radyo sa probinsyang may mga programang
gumagamit ng rehiyonal na wika pero kapag may kinapanayam sila
ay karaniwang wikang Filipino sila nakikipag-usap.

DIYARYO
 Sa mga diyaryo, wikang Ingles ang ginagamit sa mga broadsheet
at wikang Filipino sa mga tabloid maliban sa People’s Journal at
Tempo na nakasulat din sa wikang Ingles.
 Tabloid ang mas binibili ng masa o mga karaniwang tao tulad ng
mga drayber ng bus at dyip, mga tinder sa palengke, mga
ordinaryong manggagawa, at iba pa dahil sa mas mura at nakasulat
sa wikang higit nilang naiintindihan, kaya naman masasabing mas
malawak ang impluwensiya ng mga babasahing ito sa nakararaming
Pilipino.
 Ang lebel ng Filipinong ginagamit sa mga tabloid ay hindi ang pormal
na wikang karaniwang ginagamit sa mga broadsheet.

 SITWASYONG PANGWIKA SA PELIKULA

 Bagama’t mas maraming banyaga kaysa lokal na pelikula ang


naipalalabas sa ating bansa taon-taon, ang mga lokal na pelikulang
gumagamit ng midyum na Filipino at mga barayti nito ay mainit ding
tinatangkilik ng mga manonood.
 Ang wikang ginagamit ay Filipino, Taglish, at iba pang barayti ng
wika.

Dayag, A. M. at del Rosario M.G. G. (2017). Pinagyamang Pluma: Komunikasyon at Pananaliksik


sa Wika at Kulturang Pilipino. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.
 Ang pangunahing layunin ng mga ito sa paggamit ng Filipino bilang
midyum ay upang makaakit nang mas maraming manonood,
tagapakinig , o mambabasang makaunawa at malilibang sa kanila.

SITWASYONG PANGWIKA SA IBA PANG ANYO NG KULTURANG


POPULAR

 FLIPTOP

 Ito ay pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-rap.


 Nahahawig ito sa balagtasan dahil ang mga bersong nira-rap ay
magkatugma bagama’t sa FlipTop ay hindi nakalahad o walang
malinaw na paksang pagtatalunan.
 Kung ano lang ang paksang sisimulan ng naunang kalahok ay
siyang sasagutin ng kanyang katunggali. Hindi tulad ng balagtasan
na gumagamit ng pormal na wika sa pagtatalo, sa FlipTop ay
walang nasusulat na iskrip kaya karaniwang ang mga salitang
ibinabato ay di pormal at maibibilang sa iba’t ibang barayti ng wika.
 Pangkaraniwan din ang paggamit ng mga salitang manlalait para
mas makapuntos sa kalaban.
 May malalaking samahan na silang nagsasagawa ng mga
kompetisyong tinatawag na Battle League.
 Ang bawat kompetisyong tinatampukan ng dalawang kalahok ay
may tigtatlong round at ang panalo ay dinedesisyunan ng mga
hurado.
 May mga FlipTop na isinasagawa sa wikang Ingles subalit ang
karamihan ay sa wikang Filipino lalo sa tinatawag nilang Filipino
Conference Battle.
 Ang karaniwang paraan ng paglaganap ng FlipTop ay sa
pamamagitan ng YouTube.

 PICK-UP LINES

 Sinasabing makabagong bugtong kung saan may tanong na


sinasagot ng isang bagay na madalas maiugnay sa pag-ibig at iba
pang aspekto ng buhay.
 Sinasabi ring nagmula ito sa boladas (mga mambobola o bolero) ng
mgq binatang nanliligaw na nagnanais magpapansin, magpakilig,
magpangiti, at magpa-ibig sa dalagang nililigawan.
 Ito’y nakatutuwa, nakapagpapangiti, nakakikilig, cute, cheesy, at
masasabi ring corny.
 Madalas itong marinig sa usapan ng mga kabataang magkakaibigan
o nagkakaibigan.
 Ang wikang ginagamit sa mga pick-up lines ay karaniwang Filipino
at mga barayti nito subalit nagagamit din ang Ingles at Taglish dahil
mga kabataan ang higit na nagpapalitan ng mga ito.
 Kailangang ang taong nagbibigay ng pick-up line ay mabilis mag-
isip at malikhain para sa ilang sandal lang ay maiuugnay o mai-
konekta ang kaniyang tanong sa isang nakapagpapakilig na sagot.
 Nauso ang pick-up lines dahil sa impluwensiya ni ”Boy Pick-up” o
Ogie Alcasid sa programa nilang Bubble Gang na may ganitong
segment.

Dayag, A. M. at del Rosario M.G. G. (2017). Pinagyamang Pluma: Komunikasyon at Pananaliksik


sa Wika at Kulturang Pilipino. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.
 Naging matunog din ito lalo na nang gamitin ni Senadora Miriam
Defensor Santiago sa kanyang mga talumpati; at isinulat pa niya sa
aklat na Stupid is Forever.

 HUGOT LINES

 Ito ay iba sa pick-up lines. Tinatawag din love lines o love quotes.
 Ang tawag sa mga linya ng pag-ibig na nakakakilig, nakatutuwa,
cute, cheesy, o minsa’y nakaiinis.
 Karaniwang nagmula ito sa linya ng ilang tauhan sa pelikula o
telebisyong nagmarka sa puso’t isipan ng mga manonood subalit
madalas nakagagawa rin ng sarili nilang “hugot lines” ang mga tao
depende sa damdamin o karanasang pinagdaraanan nila sa
kasalukuyan.
 Minsa’y ang mga ito’y nakasulat sa Filipino subalit madalas, Taglish
ang gamit na salita sa mga ito.

 SITWASYONG PANGWIKA SA TEXT

 Ang pagpapadala at pagtanggap ng SMS (short messaging system)


na lalong kilala bilang text message o text ay isang mahalagang
bahagi ng komunikasyon sa ating bansa.
 Humigit-kumulang 4 na bilyong text ang ipinadadala at natatanggap
sa ating bansa araw-araw kaya naman tinagurian tayong “Texting
Capital of the World.”
 May mga pagkakataong mas komportable ang taong magparating
ng maiikling mensaheng nakasulat kaysa sabihin ito nang harapan
o sa pamamagitan ng tawag sa telepono.
 Sa text nga naman ay hindi mo nakikita ang ekspresyon ng mukha
o tono ng boses ng taong tumatanggap ng mensahe.
 Sa pagpindot din sa keypad ay mas nabibigyan ng pagkakataon ang
taong i-edit at piliin ang mas angkop na pahayag o salita kaysa sa
kung aktuwal niya itong sinasabi sa harapab man o sa telepono.
 Gumagamit ng magkahalong Filipino at Ingles at pinaikling mga
salita.
 Sa pagbuo ng mensahesa text, madalas ginagamit ang code
switching o pagpapalit-palit ng Ingles at Filipino sa pagpapahayag.
 Madalas ding binabago o pinaiikli ang baybay ng mga salita para
mas madali o mas mabilis itong mabuo.
 Gumagamit din ng mga titik, numero, at simbolo sa pagpapaikli ng
mensahe.
 Walang sinusunod na rule o tuntunin sa pagpapaikli ng salita, Ingles
o Filipino man ang gamit basta’t maipadala ang mensahe sa
pinakamaikli, pinakamadali, at kahit paano’y naiintindihang paraan.
 Usong-uso rin sa text ang paggamit ng daglat bilang shortcut o
pagpapaikli sa mga parirala lalo na sa Ingles.

 SITWASYONG PANGWIKA SA SOCIAL MEDIA AT SA INTERNET

 Marami ang nagtuturing ditong isang biyaya dahil nagiging daan ito
ng pagpapadali ng komunikasyon sa pagitan ng magkakaibigan o
mga mahal sa buhay lalo na iyong malalayo sa isa’t isa o matagal
nang hindi nagkikita.
 Madaling makabalita sa mga nangyayari sa buhay sa pamamagitan
ng mga nakapost na impormasyon, larawan, at pagpapadala ng
pribadong mensahe gamit ang mga ito.

Dayag, A. M. at del Rosario M.G. G. (2017). Pinagyamang Pluma: Komunikasyon at Pananaliksik


sa Wika at Kulturang Pilipino. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.
 Tulad din sa text, karaniwan ang code switching o pagpapalit-palit
ng Ingles at Filipino sa pagpapahayag gayundin ang pagpapaikli ng
mga salita o paggamit ng daglat sa mga post at komento rito.
 Sa social media ay mapapansing mas pinag-iisipan ang mga saita
o pahayag bago i-post dahil mas maraming tao ang maaaring
makabasa nito.
 Sa post o komento ay madalas makita ang edited. Ibig sabihin, may
binago o inayos ang nag-post o nagkomento pagkatapos niyang
mabasa ang kanyang isinulat.
 Sa Internet, bagama’t marami nang web site ang mapagkukunan ng
mga impormasyon o kaalamang nasusulat sa wikang Filipino o
Tagalog ay nananatiling Ingles pa rin ang pangunahing wika nito.
Napakalawak at napakarami kasi ng mga taong konektado sa
Internet na umaabot sa mahigit 3 bilyon sa buong mundo.
 Ang pangunahing wika sa mga web site at sa iba pang
impormasyong mababasa, maririnig, at manonood sa Internet ay
nananatiling Ingles.
 Ang mga babasahin at impormasyong nasusulat sa wikang Filipino
sa Internet ay ang mga dokumentong pampamahalaan tulad ng
ating saligang batas, mga kautusang pampamahalaan mula sa iba’t
ibang kagawaran, mga impormasyon mula sa iba’t ibang sangay ng
pamahalaan, gayundin ang maraming akdang pampanitikan, mga
awiting nasusulat sa wikang Filipino, mga resipi, rebyu ng mga
pelikulang Tagalog, mga balita mula sa iba’t ibang pahayagang
online, diksiyonaryong Filipino, mga impormasyong pangwika, video
ng mga broadcast, at samo’t saring sulatin sa wikang Filipino tulad
ng mga blog, komento, at marami pang iba.

 SITWASYONG PANGWIKA SA KALAKALAN

 Wikang Ingles ang higit na ginagamit sa mga boardroom ng


malalaking kompanya at korporasyon lalo na sa mga pag-aari o
pinamuhunan ng mga dayuhan at tinatawag na multilingual
companies. Ito rin ang wika sa mga Business Process Outsourcing
(BPO) o mga call center lalo na iyong mga kompanyang nakabase
sa Pilipinas subalit ang sineserbisyuhan ay mga dayuhang
customer.
 Ang mga dokumentong nakasulat tulad ng memo, kautusan,
kontrata, at iba pa ay gumagamit din ng wikang Ingles.
 Ang mga web site ng malalaking mangangalakal na ito ay sa Ingles
din nakasulat gayundin ang kanilang mga press release lalo na kung
ito ay sa mga broadsheet o magazine nalathala.
 Nananatiling Filipino naman at iba’t ibang barayti nito ang wika sa
mga pagawaan o production line, mga mall, mga restoran, mga
pamilihan, mga palengke, at maging sa direct selling, komersiyal o
patalastas sa telebisyon o panradyo na umaakit sa mga mamimili
upang bilhin ang mga produkto o tangkilikin ang mga serbisyo ng
mga mangangalakal.

 SITWASYONG PANGWIKA SA PAMAHALAAN

 Sa bisa ng Atas Tagapagpaganap Blg. 335, serye ng 1988 na “nag-


aatas sa lahat ng mga kagawaran, kawanihan, opisina, ahensiya,
at instrumentaliti ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang
na kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na

Dayag, A. M. at del Rosario M.G. G. (2017). Pinagyamang Pluma: Komunikasyon at Pananaliksik


sa Wika at Kulturang Pilipino. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.
mga transaksiyon, komunikasyon, at korespondensiya,” naging
mas malawak ang paggamit ng wika sa iba’t ibang antas at sangay
ng pamahalaan. Ito ang malaking kontribusyon ni dating Pangulong
Cory Aquino sa paglaganap ng wikang Filipino sa pamahalaan dahil
hanggang sa kasalukuyan ay nananatili ang mga pinasimulan
niyang mga inisyatibo sa paggamit ng wika.
 Si Pangulong Benigno Aquino III ay nagbigay rin ng malaking
suporta at pagpapahalaga sa wikang Filipino sa pamamagitan ng
paggamit niya ng wikang ito sa mahahalagang panayam at sa mga
talumpating ibinibigay niya katulad ng SONA o State of the Nation
Address.Sa buong panahon ng kanyang panunungkulan ay sa
Filipino niya ipinaparating ang kanyang SONA.
 Maging sa mga opisyal na pagdinig sa pamahalaan ay wikang
Filipino rin ang ginagamit subalit hindi rin naiiwasan ang code
switching lalo na sa mga salitang teknikal na hindi agad naihahanap
ng katumbas sa wikang Filipino.

 SITWASYONG PANGWIKA SA EDUKASYON

 Sa mababang paaralan (Kinder hanggang Baitang 3) ay unang wika


ang gamit bilang wikang panturo at bilang hiwalay na asignatura,
samantalang ang wikang Filipino at Ingles naman ay itinuturo bilang
magkahiwalay na asignaturang pangwika.
 Sa mas mataas na antas ay nananatiling bilingguwal kung saan
ginagamit ang wikang Ingles bilang mga wikang panturo.
 Ang pagkakaroon ng batas at pamantayang sinusunod ng mga
paaralan, pribado man o pampubliko ay nakatutulong nang malaki
upang higit na malinang at lumaganap ang unang wika ng mga mag-
aaral, gayundin ang wikang Filipino, kasabay ng pagkatuto ng
wikang Ingles at makatulong sa mga mag-aaral upang higit nilang
maunawaan at mapahalagahan ang kanilang mga paksang pinag-
aaralan.

Dayag, A. M. at del Rosario M.G. G. (2017). Pinagyamang Pluma: Komunikasyon at Pananaliksik


sa Wika at Kulturang Pilipino. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.

You might also like