Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

SARSWELA

Ang sarsuwela ay isang komedya o melodramang may kasamang awit at tugtog na nahihinggil sa mga
punong damdamin ng tao tulad ng pag-ibig, kapootan, paghihiganti, kasakiman, kalupitan at iba pa o kaya
naman ay tungkol samga suliraning panlipunan o pampolitika.Ayon sa kasaysayan nito, ito ay sinasabing
hinango ng mga Espanyol sa operang Italya sapagkat magkahalo angdiyalogong ginagamit dito---patula
at pasalita. Ang patulang bahagi ay karaniwang diyalogo ng mga pangunahing tauhan, bukod sa ito ay
nilalagyan ng komposisyon na maaring awitin. Samantala, ang tuluyang diyalogo ay yaong gamit naman
ng mga katulong na tauhan.
Ang sarsuwela ay binubuo ng tatlong yugto. Ang mga tagpo ay magkahalong seryoso at katawa-tawa.
Melodrama kung ito ay tawagin o kaya’y tragikomedya. Hango sa tunay na buhay ang paksa nito at kung
minsan ay nasosobrahan naman sa damdamin, lalo na sa pag-ibig kaya nagiging soap operatic.
Ang sarsuwela bagama’t ipinakilala noong panahon ng Espanyol ay lubos na namulaklak noong panahon
ng himagsikang Pilipino at Amerikano sa pangunguna nina Severino Reyes na kilala sa taguring Lola
Basyang sa kanyang dulang Walang Sugat; Aurelio Tolentino sa kanyang Kahapon, Ngayon at Bukas;
Juan Abad sa kanyang Tanikalang Ginto; Juan Crisostomo Soto sa kanyang Anak ng Katipunan; Amando
Navarette Osorio sa kanyang Patriya Amanda; at iba pa.
Unti-unting nanghina ang sarsuwela nang nakilala sa bansa ang bodabil o stage show. Ang pagtatanghal
na ito ay halos wala nang istorya, puro kantahan at sayawan lamang ang nangyayari kung kaya sa
paglaganap ng bodabil naging purong panlibangan na lamang ang teatro.
Sa kasalukuyan ang mga dulang pantanghalang ito ay patuloy pa ring ginagawa sa ating bansa bilang
pag-alaala sa mahahalagang pagdiriwang na may kinalaman sa pananampalatayang Kristiyanismo at
maging upang talakayin ang mga suliraning panlipunang nagaganap sa bansa.

Mga Elemento ng Sarsuwela


1. Iskrip o nakasulat na dula- ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-
alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip.
2. Gumaganap o aktor- Ang mga aktor o gumaganap ang magbibigay-buhay sa iskrip. Sila ang
bumibigkas ng diyalogo, at nagpapakita ng iba’t ibang damdamin.
3. Tanghalan- Anumang pook na pinagpasyahang pantanghalan ng isang dula ay tinatawag na
tanghalan. Maaaring hindi lamang entablado ang tanghalan ang daan, sa loob ng silid-aralan, at iba pa ay
nagiging tanghalan din.
4. Tagadirehe o Direktor- Ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nagpapasya sa
itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan ay dumidepende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip.
5. Manonood- Ang nagpapahalaga sa dula. Sila ang pumapalakpak sa galing at husay ng nagtatanghal.
Pinanonood nila nang may pagpapahalaga ang bawat tagpo, yugto at bahagi ng dula.
6. Eksena at tagpo- Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang ang
tagpo nama’y ang pagpapalit ng tagpuan.
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8, Alma M. Dayag, et. al

ALAM MO BA NA…
Ang dula ay maituturing na isang sining. Sa pamamagitan ng masining na pagsasatao ng mga karakter ay
napaabot nito sa mga manonood o mambabasa ang damdaming nais nitong iparating. Bunga na rin ng
impluwensiya ng mga bansang sumakop sa bansa, gayundin ng mga bagong kaalaman at karanasan ng
mga manunulat, idagdag pa ang kahilingan ng mga manonood ay nagkakaroon ng mga pagbabago sa
anyo ng mga dulang pangtanghalan. Ito ay maaaring mauri ayon sa paksa o nilalaman nito. Ito ay nag-
iiba-iba ng anyo batay sa damdaming nais palitawin ng may-akda nito. Mahalaga ang epekto nito
sapagkat nagdulot ito ng higit na kulay at kahulugan di lamang sa mga manonood kundi maging sa mga
taong gumaganap nito. Narito ang ilan sa mga uri ng dula ayon sa anyo.
1. Komedya-Katawa-tawa, magaan sa loob dalhin ang tema,at ang mga tauhan ay laging nagtatagumpay
sa wakas.
2. Trahedya-Dulang ang tema’y mabigat o nakasasama ng loob, nakaiiyak, nakalulunos ang mga tauhan,
karaniwang sila ay nasasadlak sa kamalasan, kabilugan, kawalan, at maging sa kamatayan, kaya
nagwawakas na malungkot.
3. Melodrama o Soap Opera-Dulang sadyang namimiga ng luha sa
manonood ng parang wala nang masayang bahagi sa buhay ng tauhan kundi pawang problema na
lamang ang nangyayari sa araw-araw.
4.Tragikomedya- Dulang magkahalo ang katatawanan at kasawian na laging may mga tauhang katawa-
tawa tulad ng payaso parang magsilbing tagapagpatawa, subalit sa huli’ynagiging malungkot na dahil
nasasawi o namamatay ang bida o ang mga bida.
5.Saynete-Itinuturing na isa sa mga dulang panlibangan nang mga huling taon ng pananakop sa atin ng
mga Espanyol. Ang paksa nito ay nahihinggil sa paglalahad ng mga kaugalian ng isang lahi o katutubo,sa
kanyang pamumuhay, pangingibig, at pakikipagkapwa.

6.Parsa- kapag puro katatawanan lamang kahit walang saysay ang kuwento,at ang mga aksyon ay
slapstick na walang ibang ginawa kundi magpaluan o maghampasan at magbitiw ng kabalbalan.
7.Parodya- Kapag ito naman ay mapanudyo ,ginagayaang ang mga kakatwang ayos, kilos, pagsasalita
atpag-uugali ngtao bilang isang anyong komentaryo o pamumuna o kaya’y pambabatikos na katawa-tawa
ngunit nakasasakit ng damdamin ng pinag-uukulan.
8.Proberbyo- kapagang isang dula ay may pamagat na hango sa mga bukambibig na salawikain,
angkuwento’y pinaiikot dito upang magsilbing huwaran ng tao sa kanyang buhay.

Severino reyes – ama ng sarswela

SEVERINO REYES
Si Severino Reyes ay mas kilala bilang “Lola Basyang”ay itinuturing na “Ama ng Sarsuwelang Tagalog”.Isa siyang
mahusay na direktor at manunulat ng dula.Nang itinatag ang liwayway noong 1923, si Severino Reyes ang unang
patnugot nito.Siya rin ay nagsilbing pangulo ng Aklatang Bayan at ginawang kasapi ng Ilaw at Panitik, kapwa mga
samahan ng mga manunulat .Unang nailathala ang kwento ni Lola Basyang sa Liwayway noong 1925. Siya ay
nakasulat ng 26 na Sarsuwela.

You might also like