Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

-1-

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Kabanata I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

INTRODUKSYON

Sa ating bansa, hindi nawawala ang pagtatalo lalo na’t patungkol sa wika.

Kamakailan lang naglabas ang Commission on Higher Education ng isang memorandum

na naglalayong ipatanggal ang asignaturang Filipino sa kolehiyo. Bilang isang mag aaral,

mahalaga ang pagkakaroon ng isang wikang alam ng lahat. Ang pangit naman siguro sa

isang bansa na ang wikang kinagisnan ay bigla-bigla na lang kakalimutan.

Importante ang asignaturang Filipino kasi marami tayong matutuklasan at

malalaman tungkol dito. Isa pa ay parang naglalakbay ka pabalik sa nakaraan upang

malaman ang mga sinulat ng mga mahuhusay manunulat sa tula, kwento, maikling

kwento, pabula, at kung ano-ano pa. Sa mga kwento na ito ay may mga aral tayong

nakukuha at pwedeng isabuhay. Alam naman natin ang mga kolehiyo ay may malalawak

nang isipan o nasa tama na ang pag-iisip nila pero kailangan nilang gamitin ito sa

pagtutuklas nang tema o ipinapahiwatig nang tula o malalalim na kwento o paghahanap

nang bagay na gustong ipahiwatig nang iyong binasa. Isa pa pala ay ang asignaturang

Filipino ay hindi lang sa mga tula kundi ito rin ay para sa pag-aayos nang ating mga

salita. Pag-aayos nang ating pagbigkas nang salita at pagkakaayos nang ating gagawing

kwento man o tula. Matutuhan din nating magsalita nang malalalim na salita,

makabuluhang kwento na kahit magulo ay may ipinaparating, at pwede nating magamit

ang ating emosyonal na damdamin sa pagsasagawa nang dula-dulaan, balagtasan at iba

pa. Ang Filipino din ay tumutukoy sa ating sariling wika at dito ay nagagamit pa natin
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
-2-

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

ang wika pero paano na kung wala na ang Filipino o kaya ang wika? Nasabi ko na ang

kahalagahan nang asignaturang Filipino pero bakit nga ba kailangan nilang tanggalin ang

asinaturang Filipino sa kolehiyo? Ano kayang mangyayari kung wala na ang Filipino?

Dahil ba sa ingles na asignatura ay matatanggal ang asignaturang Filipino?

KALIGIRANG KASAYSAYAN

WIKANG FILIPINO

Ang wikang Filipino ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng

Pilipinas—ang Ingles ang isa pa—ayon sa Saligang Batas ng 1987. Isa itong wikang

Awstronesyo at ang de facto ("sa katotohanan") na pamantayang bersiyon ng wikang

Tagalog, bagaman de jure ("sa prinsipyo") itong iba rito. Noong 2007, ang wikang

Filipino ay ang unang wika ng 28 milyon na tao, o mahigit kumulang isangkatlo ng

populasyon ng Pilipinas. 45 milyon naman ang nagsasabing ikalawang wika nila ang

wikang Filipino.

WIKANG FILIPINO SA KURIKULUM

Taong 1937 nang inirekomenda ng Institute of National Language na gawing

batayan para sa wikang pambansa ang Tagalog, alinsunod sa nakasaad na kinakailangang

magkaroon ng wikang pambansa sa 1935 Philippine Constitution.

Sinundan ito ang paglalabas ni dating Pangulong Manuel L. Quezon ng Executive

Order No. 263 noong Abril 12, 1940 na naguutos na isama sa kurikulum ng lahat ng

pampubliko at pribadong paaralan ang pagtuturo ng wikang pambansa. Alinsunod nito,


KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
-3-

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

naglabas naman ang Secretary of Public Instruction ng Bureau of Education Circular No.

26, s. 1940 na ang pagtuturo ng wikang pambansa ay ipapatupad sa fourth year ng high

school at second year sa mga pampubliko at pribadong teacher-training institutions.

Sa pagdating ng mga mananakop na Hapon, ginawang Tagalog ang medium of

instruction at pagdating ng 1943 ay itinakda ng Executive Order No. 10 ni dating

Pangulong Laurel ang pagtuturo ng pambansang wika maski sa elementarya.

SENIOR HIGH SCHOOL

Sa isang panayam, nilinaw ni CHED executive director Atty. Julito Vitriolo na

hindi umano tuluyang aalisin ang asignaturang Filipino sa edukasyon dahil inililipat

lamang ito sa senior high school. Inihayag rin ng opisyal na maaaring lumipat ang ilang

guro sa senior high school upang maipagpatuloy ang pagtuturo.

Subalit, para kay David San Juan, prospesor sa Filipino, hindi mabuting solusyon

ang paglilipat ng mga guro sa senior high school. Aniya, may posibilidad na bumaba ang

suweldo ng mga ito, kumpara sa kasalukuyang tinatanggap nila. Mahalaga rin umanong

ipagpatuloy ang pagtuturo sa kolehiyo ng wikang Filipino upang magkaroon ng mas

intelektwal na talakayan, dagdag niya. Gayunpaman, iginiit ni Vitriolo na kapag maitatag

na ang pundasyon ng wikang Filipino sa senior high school pa lamang, maitataguyod na

ito hanggang sa paglaki. Samantala, siniguro rin niyang maaari pa umanong mabago ang

utos kapag natapos na nilang dinggin ang panig ng mga tutol.

KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
-4-

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

TANGGOL WIKA

Noong Hunyo 21, nagsamasama ang mahigit 300 na propesor at mag-aaral mula

sa 43 unibersidad at kolehiyo para itatag ang Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang

Filipino (Tanggol Wika). Panawagan ng Tanggol Wika na panatilihin ang pagtuturo ng

asignaturang Filipino sa bagong General Education Curriculum (GEC) sa kolehiyo,

rebisahin ang Commission on Higher Education (CHED) Memorandum Order 20 series

of 2013, gamiting ang wikang Filipino sa pagtuturo ng iba’t ibang asignatura, isulong ang

makabayang edukasyon. Dagdag pa, sinasabi ng grupo na ang pagtatanggal sa asignatura

ay magdudulot ng malawakang pagkawala ng trabaho ng umaabot sa 10,000 full time at

20,000 part time na mga guro.

PAGLALAHAD NG MGA SULIRANIN/TANONG

Ang pag aaral na ito ay tungkol sa pagpapatanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo.

Layunin ng pag aaral na ito na sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

 Nararapat ba na tanggalin ang assignaturang Filipino sa kolehiyo?

 Sang- ayon ka ba sa nilabas na memorandum ng CHED?

 Hindi ba pagtatraydor na rin sa sarili nating bansa ang pagtakwil sa sarili niyang

wika?

 Kung matanggal ang asignaturang Filipino sa kolehiyo, nakabababa ba ito ng

estado ng ating bansa?

KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
-5-

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

 Magiging maunlad ba ang mga Pilipino kapag wikang Ingles ang ginagamit na

wikang pangturo sa kolehiyo at hindi wikang Filipino?

 Sa tingin mo, sapat na ba ang ating kakayahan upang makipagsabayan sa ibang

bansa na ang ginagamit na wika ay Ingles?

 Maganda ba ang maidudulot ng pagtatanggal ng asignaturang Filipino sa

kolehiyo?

 Bakit ang ginagawang basehan ng pagkatalino ay ang kakayahang makaunawa at

makapagsalita ng Ingles?

 Bakit pilit nating ginagaya ang ibang bansa na walang pagmamahal sa sarili

nilang wika?

 Bakit hindi nating bigyang pansin ang wikang Filipino at itoy ating pagyamanin?

LAYUNIN

• Pahalagahan at paunlarin ang wikang Filipino

• Upang lubos na malinang ang kaalaman ng lahat ukol sa wikang Filipino

• Maunawaan ng bawat Pilipino ang kahalagahan ng wikang Filipino

• Upang matuldukan ang mga pagtatalo hingil sa mga isyu sa wikang Filipino

KAHALAGAHAN

• Mapagtantong hindi dapat alisin ang assignaturang Filipino sa kolehiyo

• Maiparating sa lahat na hindi basehan ang wika sa pagiging matalino

• Mapatibay ang pagkakabuklod-buklod ng mga Pilipino


KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
-6-

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

• Mapaunlad ang bansa sa pamamagitan ng wikang Filipino

KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA

You might also like