Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

MGA PATAKARAN NA IPATUTUPAD SA PAARALAN

Supreme Student Government Organization

Bilang pagtangkilik sa karapatan at responsibilidad ng pinakamataas na organisasyon


ng mga mag-aaral sa paaralan, ang samahan ng SSG sa Pambansang Mataas na Paaralan ng
Bunducan ay maglalahad ng mga alituntunin at patakaran na nararapat sundin ng mga
kasapi ng samahan kasama ng lahat ng mag-aaral sa nasabing paaralan.

Ang hindi pagsunod sa lahat ng nasasaad na alituntunin ay may karampatang aksyon


na naaayon sa handbook ng paaralan.

Obligasyon at Responsibilidad ng Samahan ng Supreme Student Government

Bukod sa mga nabanggit na sa Constitution and By Laws na nasasaad sa DepEd Order


No. 47, s. 2014, ang mga sumusunod na responsibilidad at obligasyon ng bawat kasapi ng
SSG ay nararapat na sundin ng bawat isa bilang bahagi ng kaayusan at disiplina ng samahan.
Ang lahat ng ito ay mahigpit na ipatutupad para sa mga kasapi at anumang hindi nila
maisakatuparan ay may kaukulang aksyon batay sa handbook ng paaralan. Mahigpit na
ipatutupad ang lahat ng patakarang ito at isang warning lamang ang binibigay sa lahat ng
miyembro ng SSG. Kaugnay nito, lahat din ng patakaran na nasa handbook ay nararapat
nilang sundin.

 Pagsusuot ng kumpletong uniporme kabilang ang ID at sapatos kung hindi umuulan,


baha o putik ang daan;
 Maayos na pagkakatali ng buhok at walang kulay para sa mga kababaihan; Walang
kulay, maayos na gupit (2x3) para sa mga kasaping lalaki;
 Pagtatanggal ng hikaw, pasak o butas ng tainga para sa mga kalalakihan at ang isang
pirasong hikaw lamang sa bawat tainga para sa mga kababaihan;
 Regular na pagpasok sa paaralan maliban na lamang kung may katanggap-tanggap
na dahilan at may pinadalang excuse letter sa gurong tagapayo;
 Pagkakaroon ng respeto, paggalang, pagsunod, pag-unawa at magandang gawi sa
mga guro at maging mag-aaral sa paaralan sa lahat ng oras;
 Pagkakaroon ng itinakdang lugar upang panatilihin ang kalinisan sa paaralan;
Maaaring makiusap sa mga mag-aaral na maglinis;
 Paglilinis at pagpapanatili ng kalinisan sa itinakdang lugar ng lilinisin;
 Ang pagdadala ng cellphone sa paaralan ay ipinagbabawal (depende sa usapan ng
gurong tagapayo at ng kasapi ng SSG)
 Pagdisiplina at pagsasaway sa mga kamag-aral na hindi maganda ang gawi sa
paaralan;
 Pagtulong sa opisyales ng kani-kanilang seksyon at baitang at sa gurong tagapayo sa
mga mag-aaral na nangangailangan ng atensyon;
 Kasama at kaagapay ang YES-O, magtutulungan ang dalawang organisasyon sa
kalinisan ng paaralan.

Mga Patakaran at Obligasyong Nararapat Sundin ng mga Mag-aaral sa Paaralan

Ang mga sumusunod na patakaran ay siya ring nasasaad sa handbook ng paaralan na


ginawan ng modipikasyon at ispesipikasyon ng samahan sa mas malinaw na pamantayan ng
paaralan.

 Pagpasok sa paaralan na kumpleto ang uniporme. Para sa mga kalalakihan: ID, polo,
slacks na itim at hindi pantalon, sapatos kung hindi baha, putik, umuulan, puting
damit na panloob; Para sa mga kababaihan: ID, blouse, palda, sapatos. Hangga’t nasa
loob ng paaralan ay nararapat isuot ang uniporme sa lahat ng oras.
 Ang gupit ng mga kalalakihan ay naaayon sa gupit ng isang mag-aaral (2x3), walang
kulay at walang bangs. Para naman sa mga kababaihan, ang buhok ay nararapat na
walang kulay at kung maaari ay palaging nakatali ang buhok upang magmukhang
malinis.
 Ang mga kababaihan ay hindi maaaring maglipstick, lip tint, lip pencil o lip liner na
halatang halata lalo na ang mga kalalakihan. Lip gloss, lip shiner o lip balm na natural
ang kulay lamang ang pinapayagan sa mga kababaihan upang magmukhang disente
ang mga mag-aaral.
 Ang pag-aahit ng kilay sa mga kababaihan at kalalakihan ay hindi din nararapat sa
mga mag-aaral.
 Nararapat lamang na maayos ang gupit ng mga kuko ng lahat ng mag-aaral. Maging
ang kalinisan sa katawan ay kinakailangan ding bigyang pansin. Maging ang nail
polish para sa mga kababaihan at kalalakihan ay hindi rin nararapat mapwera na
lamang sa oras at panahon ng asignaturang TLE na parte ng kanilang paksa. Ang mga
gurong tagapayo ang araw – araw na gagabay sa mga mag-aaral sa bagay na ito.
 Aumang uri ng hikaw, pasak o nakasuot sa tainga sa mga kalalakihan ay hindi
nararapat sa loob ng paaralan. Sa mga kababaihan naman ay isang hikaw lamang sa
bawat tainga. Maging sa dila, ilong o ibang parte ng katawan ay bawal ang hikaw o
anumang pasak dito.
 Hindi dapat maglagay ng tattoo sa katawan ang sinumang mag-aaral ng nasabing
paaralan. Kung mayroon na ay nasa pag-uusap na ng gurong tagapayo, mag-aaral at
magulang. Ang ipinagbabawal ay ang paglalagay ng tattoo sa loob ng paaralan sa
paanong paraan man maging hena, ballpen, o pentel pen.
 Ang pagsusuot ng mga singsing na may spike ay hindi din maaari. Maging pagdadala
ng mga nakasasakit na bagay o matatalim na kasangkapan ay ipinagbabawal. Maging
anumang uri ng pampasabog, o kagamitang may kinalaman sa terorismo at mga
bagay na makakapanakit sa lahat ng mag-aaral, guro o napapaloob sa isang paaralan
ay mahigpit na iiwasan.
 Ang paninira ng anumang gamit sa paaralan at hindi pagbabalik ng aklat o anumang
pagmamay-ari ng paaralan o guro o maging kapwa mag-aaral ay nararapat na
papalitan sa mga mga-aaral na nakasira o nakawala batay sa usapan ng gurong
tagapayo, namumuno ng paaralan, mag-aaral kasama ang magulang.
 Ang lantarang pagpapakita ng damdamin sa kasintahan o nililigawan sa loob ng
paaralan ay mahigpit na ipinagbabawal. Kapag sila ay nasa loob ng paaralan o silid –
aralan ay nararapat na magkahiwalay at hindi dapat magkahawak ng kamay,
magkayakap o magkaakbay.
 Kung may klase at hindi nagpaalam sa guro na uuwi o aalis, iyon ay cutting class. Ang
simpleng pagpapalam sa guro at pinayagan na may magandang rason ay dapat
maging gawi ng mga mag-aaral sa lahat ng oras.
 Mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng cellphone o anumang gadget sa
paaralan maging charger man ito, headset, PSP, tablet, o ano pa mang uri sa oras at
panahon na nasa paaralan ang mag-aaral. Kahit recess o tanghalian ay mas
makakabuting walang hawak na gadget ang mga mag-aaral.
 Paninigarilyo, pag-iinom ng anumang uri ng alak, paggamit ng droga at pagsusugal.
Ilan din ito sa mga bagay na dapat iwasan ng mga mag-aaral sa loob ng paaralan.
o Mahigpit na ipinagbabawal ang paninigarilyo sa loob at labas ng paaralan sa
lahat ng rehistradong mag-aaral na pumapasok sa nasabing paaralan. Ito ay
upang igalang ang pagkakatayo ng paaralan at mga programang ipinatutupad
ng paaralan kasama ang komunidad.
o Pagsusugal ang tawag sa paghagis ng pera sa isa pang pera at ang nagsusugal
ay ang sinumang mag-aaral na nanonood o tumataya sa mga nagsusugal.
May pustahan man o wala ay pagsusugal pa din ang tawag kung may gamit
na pera. Kasama dito ang pagdadala at paggamit ng baraha at text money.
Agarang pagsamsam sa mga gamit na ito ang ipatutupad.
o Ang sinumang pumasok sa paaralan na may dalang alak o nakainom ay
mabibigyan ng karampatang aksyon batay sa usapan ng mga guro, bata at
magulang at naaayon sa handbook ng paaralan.
 Anumang uri ng pambubully, pambabastos o kahalayan (maging gawi man salita o
pagguhit) na makakasakit sa kapwa mag-aaral ay may karampatang aksyon batay sa
handbook ng paaralan.
Ang lahat ng guro ang gagabay sa mga mag-aaral maging gurong tagapayo man o
sinumang guro sa paaralan tungkol sa mga batas na ito.

Anumang uri ng paglabag sa lahat ng nakasaad sa kasulatang ito ay may


karampatang aksyon na nababatay sa handbook ng paaralan. Lahat ng ito ay pag-
uusapan ng lahat ng guro, namumuno sa paaralan, samahan ng PTA, at sangkot na mag-
aaral kasama ang magulang batay sa nagawa ng mag-aaral. Ang mga bagay na kaya ng
ayusin at tapusin ng gurong tagapayo kasama ng mag-aaral at magulang ay hanggang
doon na lamang at hindi na kailangan pang palawakin.

Ang lahat din ng nakasaad dito ay pawang napag-usapan at napagkasunduan ng


samahan ng SSG na walang halong pamimilit. Ang lagda ng lahat ng miyembro ng SSG na
kalakip ng kasulatang ito ang patunay sa lahat ng ito.

Inihanda ni:

JOYCE ANNE M. MARQUEZ


Gurong Tagapayo ng SSG

Binigyang pansin:

LUISA R. OGERIO
Pangulo
Samahan ng PTA

ADELIA H. PACIA
Officer-In-Charge
CHRISTOPHER R. OGERIO ROSE ANN M. BARCELON
SSG President SSG Vice President

LEALYN M. BIHAG JENNY G. DINHAYAN


SSG Secretary SSG Treasurer

JEWEL B. DE JESUS EDGARDO M. BAUTISTA


SSG Auditor SSG Public Information Officer

ANGELINE A. MENDOZA BERNADETTE A. BAUTISTA


SSG Peace Officer SSG Peace Officer

CZARINA M. UMANDAL IRISH JANE A. DE MAYO


SSG Grade 8 Governor SSG Grade 8 Representative

ABEGAIL A. DE JESUS MARIA ANA C. MONTEMAYOR


SSG Grade 9 Governor SSG Grade 9 Representative

SHEILA R. SAMONTEZA
ANNIE O. ENERO
SSG Grade 10 Governor
SSG Grade 10 Representative

You might also like