Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Group 6

Vidal, Catherine

Viernes, Maria Izza

Villa, Jessa Mae

Paano Nagsimula ang Mundo

Lahat ng mga bagay na nakapalibot sa atin at maging ang ating sariling katawan ay nagtataglay ng
matter. Ang lahat ng matter ay gawa sa iba’t-ibang kumbinasyon ng elements. Ang elements naman ay
mga atoms na may kanya-kanya ring katangian at sa ngayon ay may 118 elements ng nadiskubre at ang
ilang sa mga ito ay pamilyar na sa atin gaya ng oxygen, carbon, hydrogen, gold at silver. Ito ay ayon sa
bidyong aking napanood sa YouTube na may pamagat na “Paano Nagsimula ang Mundo” at ang
kinabibilagang jargon ay ang AGHAM.

Nabuo ang mundo dahil sa pagsabog ng Big Bang. Ang ebidensya ng pagsabog ay ang maliit na
porsyento ng white noise na nasasaksihan sa television kapag maglilipat ng tsanel ay mula sa radiation
ng Big Bang. Ito ay gumawa ng hindi mabilang na hydrogen atoms.Sa dami ng hydrogen atoms sa
kalawakan ay nagmistula silang higanteng tipak ng ulap. Ang gravity ang siyang humihila sa mga ito
palapit sa isa’t-isa. Ang may parte kung saan maraming hydrogen clouds ay nag indense at sa loob ng
ilang milyong taon ay naging mga bituin. Simula sa kapanganakan at kamatayan ng mga bituin ay
nabubuo ang lahat ng klase ng elemento. Ang isang atom ay binubuo ng tatlong sub-atomic particles ---
ang proton at neutron sa sentro st sng electron na umiikot sa paligid. Ang kaibahan ng isang element sa
iba pang element ay ang daming ng proton sa loob ng nucleus. Ang bawat isang sub-atomic particles ay
may sariling charge kung saan positive sa proton, neutral sa neutron at negative sa electron. Ang charge
ng proton at electron ay maikukumpara sa poles ng isang magnet kung saan hindi pwedeng magdikit ang
may parehong charge. Nangangahulugan ito na hindi pwedeng pagkumbinahin ang isa o higit pa na
element upang bumuo ng isang panibagong element maliban na lang kung may matinding pressure na
magdidikit dito. Kung ang dalawang element, ay napwersa na mapaglapit ng husto, ay doon pa lang
gagana ang tinatawag na strong nuclear force. Mapagdidikit ng husto ang dalawa dahil dito na siya
namang bubuo sa panibagong element. Ang tawag sa prosesong ito ay nuclear fushion. Sa pagsasama ng
dalawa o mahigit pang protons ay naglalabas ng matinding enerhiya. Ang init at liwanag na nanggagaling
sa araw ay dahil sa nuclear fushion. Ang araw ay walang humpay na nagkukumbina ng hydrogen atoms
at ang epekto ay ang sikat ng araw na siyang bumubuhay sa lahat ng nilalang sa daigdig. Ang mga bituin
ay nagtataglay ng matinding gravity dahil sa mass nito. Pero habang pinipiga ng ng gravity ang mga
bituin, ang mga hydrogen at hellium atoms ay napupuwersang magdikit. Nagkakaroon ng nuclear
fushion at naglalabas ng enerhiya. Pero dahil ang direksiyon ng enerhiya ay papalabas, nababawasan
nito ang pressure ng gravity at naiiwasan ang pag collapse ng bituin sa sarili nitong bigat. Ngunit ang
gravity at limitado lamang ang fuel ng bituin kaya kinakailangan ipagpatuloy ang nuclesar fushion sa
ibang paraan. Ang araw ay walang kakayahan mag fuse ng helium pero sa mga ibang malalaking bituin
ay madali lamang. Ang problema ng mga tala ay ang iron na siyang stable sa lahat ng mga elemento.
Kapag dumami ang iron ay mababawasan ang nuclear fushion at tuluyang magco-colapse ang bituin at
magdudulot ng isang matinding pagsabog na tinatawag na Supernova. Ang Supernova ay isang maliit na
Big Bang. Ang enerhiyang ginagawa nito sa loob lamang ng isang segundo ay higit pa sa dami ng
enerhiyang ginawa ng mga bituin habang nabubuhay pa. Sa tindi ng lakas ang mga matitigas na iron
atoms ay nag fuse sa iba pang atoms at dito mabubuo ang lahat ng klase ng elemento. Sa kamatayan ay
muling uusbong ang isang bago at mas magandang kabanata. Ang mga alikabok mula sa labi ng bituin na
gawa mula sa lahat ng element ay muling pagsama-samahin ng gravity. Sa ganitong paraan nabuo ang
araw, planeta at tayong mga tao. Ang ating katawan at lahat ng bagay sa paligid ay nagmula sa ningning
ng mga bituin.

Para sa akin, naniniwala ako sa Big Bang. Ang tao ay isang maituturing na matter dahil nagtataglay ito ng
mass. Ang katawan natin ay binubuo ng elemeno at kailangan natin ang hydrogen at oxygen para
mabuhay. Ang hydrogen at oxygen ay ilan lamang sa mga elemento dahil sa pagsabog ng Big Bang. Tayo
ay nakakatayo dahil sa gravity. Dahil sa bidyo, natutunan ko kung gaano kaimportante ang mga bituin sa
paglikha ng iba’t-ibang element na kakailanganin din ng tao. Naunawaan ko rin kung paano nakakalikha
ng iba pang elemento dahil sa mga bituin. Hindi lamang pala nagbibigay ng kahali-halinang tanawin ang
mga bituin sa pagkislap nila sa kalawakan kundi may importante din pala silang gampanin at ito ay
napakaimportante para mapanatili ang mundo at ang iba pang mga planeta sa kani-kanilang sariling
posisyon.

You might also like