Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Pagkakagisa Para sa Pambansang Wika at Kultura

“Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat


payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga
wika. Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng
Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at
puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang medium ng opisyal na
komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.”
Salig sa Artikulo XIV s. 6 ng ating Konstitusyon, ang mga paaralan sa ilalim ng Kagawaran
ng Edukasyon bakilang na ang Immaculate Conception Academy ay taunang naglulunsad
ng mga gawaing magpapatibay sa wikang pambansa at kulturang Pilipino. Sunod sa
pambansang tema ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa taong ito sa atas ng kAomisyon
sa WIkang FIlipino, ang “Filipino: Wika ng Saliksik”, makabuluhang pinasinayaan ang
Buwan ng Wika sa Mataas na Paaralan sa pamamagitan ng Banal na Misa noong Agosto
3, 2018, sa pangunguna ni Padre Giovanni Gatdula, na nagmula sa parokya ng Christ the
King sa Greenmeadows, lungsod ng Quezon.

Sa loob ng isang buwan, tuwing ika-7 ng umaga hanggang bago magsimula ang klase
pinatugtog sa buong paaralan ang mga piling awiting Pilipino na may iba’t ibang tema
tampok ang mga awiting pambata, pangwika, makabayan, pampolitika, pangkalikasan,
romantiko, at pagpapahalagang nauuri sa Transpormatibong Edukasyon. Ito ay
kinagiliwan at sinabayan ng mga tagapakinig.
Sa taong ito, bawat pangkat mula baitang 7 hanggang 11 ay bumuo rin ng paskin tungkol
sa iba’t ibang paksa upang maipabantog ang iba’t ibang paksang pangwika,
pangkasaysayan at pangkultura. Ang mga mag-aaral sa baitang 7 ay bumuo ng mga paskin
ng mga bayaning Pilipino. Ang sa baitang 8 naman ay mga trivia ukol sa wika at mga sagisag
ng mga Pilipino at Pilipinas, habang ang sa baitang 9 at 10 ay mga paskin ng tuntuning
pambalarila. At para sa baitang 11, itinampok ang mga tuntunin sa pagsasaling-wika.
Ang mga paskin ay nakakabit sa paligid ng ICA sa loob ng isang buwan at naging paksa
ng Tagis-Talino noong ika-24 ng Agosto. Ang mga mag-aaral sa baitang 12, ay nagpasa
ng kanilang mga maka-Filipinong hugot at pick-up line bilang paglalapat ng kanilang
naging karanasan sa pag-aaral ng wika.
Sa pagbuo ng mga Paskin at Tagis-Talino, nagwagi ang mga sumusunod na pangkat at
indibidwal:

Baitang Pagbuo ng Paskin Tagis-Talino Tagis-Talino


( Indibidwal ) ( Pangkalahatan )
7 Freedom Daneth Francesca Dulatre
( 7-Harmony )
8 Competence Jillian Erica Chua
( 8-Commitment )
9 Prudence Erin Anthonie Ty
( 9-Obedience ) Erin Anthonie Ty
10 Gratitude Samantha Ng ( 9-Obedience )
( 10-Gratitude )
Pauline Wee Camille Esteban
( 10-Meekness) ( 12-Faith )
11 Justice Erica Delas Peñas at
Geanna See
( 11-Mercy)
Lourdes Pe
( 11-Service )
12 Camille Esteban
( 12-Faith )

Humigit-kumulang isang dekada na ring labis na pinananabikan ng lahat ang mga


paligsahang pambaitang sa Mataas na Paaralan tuwing sumasapit ang buwan ng Agosto
na nakatuon sa tema ng Transpormatibong Edukasyon, sa pamamagitan ng mga piyesa
at musikang ginagamit dito. Ang bawat pangkat mula sa limang baitang ay nagpamalas
ng kanilang pagkakaisa, pagkamalikhain, at pagmamahal sa wika at kulturang Filipino
sa kanilang mga inihandang presentasyon na tunay ngang inabangan at kinawilihan ng
mga manonood. Makalipas ang ibayong pagsisikap sa paghahanda, ginanap ang mga
paligsahan noong ika-29 ng Agosto, 2018 sa Delia Tetreault Sports Center.
Sa taong ito, natunghayan ng mga manonood ang paligsahan sa Indak ang mga mag-
aaral sa baitang 7 sa saliw ng “Ang Sarap Ang Saya Maging Pilipino” nina Darren Espanto
at Rachel Ann Go.
May temang makakalikasan naman ang mga binagong likiro ng awiting “Bida Best sa
Tag-araw” ng ABS CBN Summer Station ID 2018 na itinanghal ng baitang 8 sa kanilang
Tulawit.
Gamit ang mga puting guwantes at itim na ilaw, nagpakita ng iba’t ibang simbolo ang
mga mag-aaral sa baitang 9 sa binuong Black Theatre sa saliw ng tugtog na “Noypi” ni
Bamboo.
Ang kamangha-manghang palabas sa likod ng puting telon na naiilawan ng isang
spotlight ay nakapagmanidig ng balahibo ng mga manonood sa ipinakitang Shadow Play
ng mga mag-aaral sa baitang 10 sabay sa musikang “Bayad Ko” ng Gloc 9.
Huli, nayanig ang tanghalan nang pumasok ang mga mag-aaral sa baitang 11 sa kanilang
Sabayang Pagbigkas ng awiting “Kababaihan” ni Gary Gary Granada bilang piyesang
kanilang binigyang-buhay.
“Taon-taon, pagaling nang pagaling ang presentasyon ng bawat pangkat,” wika ng isa
sa mga hurado na palagi nang nagiging kabilang sa pagpili ng mga magsisipagwagi sa
mga patimpalak tuwing Buwan ng Wika. Isang karangalan para sa paaralan ang buong-
lugod na pakikibahagi ng mga piling-piling hurado mula sa larangan ng pagtuturo,
teatro, musika, at iba pang malikhain at makasining na pagganap sa pagpili mga
natatanging pangkat.
Sa mga patimpalak, nagwagi ang mga sumusunod na pangkat:
Patimpalak Unang Ikalawang Ikatlong
Gantimpala Gantimpala Gantimpala
Indak 7-Harmony 7-Freedom 7-Dignity at Truth

Tulawit 8-Refinement 8-Respect 8-Competence

Black Theater 9-Obedience 9-Purity 9-Prudence

Shadow Play 10-Meekness 10-Perseverance 10-Peace

Sabayang Pagbigkas 11-Goodness 11-Mercy 11-Wisdom

Sa nasabi ring araw at lugar, idinaos ang Kultural na Presentasyon. Sa pambihirang


pagkakataon, pinaunlakan ang Mataas na Paaralan ng Bayanihan Dance Company, ang
National Dance Company ng bansa sa bisa ng paggagawad ng National Commission for
Culture and the Arts, ng kanilang mga prestihiyosong katutubong sayaw sa saliw ng
katutubong instrumentong ensemble. Itinanghal ang mga sayaw mula sa makasaysayang
pananakop ng Espanyol na sinundan ng mga makulay na kulturang lalawiganin ng mga
Pilipino. Sa nasabing pagtatnghal, muling nasaksihan ng komunidad ang kabuluhan, saya
at ganda ng ating kultura!
“Itabi muna ang dayuhang
impluwensya
Ilabas sa baul ang
Filipiniana
Mga kasuotang katutubo
naman ang ating ipustura
‘Pagkat ngayon ay Buwan
ng Wika
Salamin ng ating mayanang
kultura
Sa lahat po’ng nakiisa,
pasasalamat ang
ipinauuna.”

Sa natatanging okasyong ito, nakiisa at nakisaya ang buong komunidad. Ang mga guro
sa Mataas na Paaralan ay gumayak din sa kanilang iba’t ibang porma ng Filipiniana.
Pinarangalan ang tatlong gurong may angat na hubog at ganda sa mahalagang
selebrasyon.

Sa ngalan ng buong departamento ng Filipino sa Mataas na Paaralan ng ICA, tigib na


papasalamat ang nais sa inyong ipadama. Sa pagkakaisang itampok ang panbansang wika
at kultura, taas-noong napanindigan ng bawat isa ang pagmamalaki sa pagiging tunay
na….PILIPINO. Hanggang sa muli!
Sanggunian: Official Gazette (2018). Ang Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, 1987. Manila, Philippines: Author. Retrived from
http://www.officialgazette.gov.ph/constitutions/ang-konstitusyon-ng-republika-ng-pilipinas-1987/

You might also like