Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 39

KOMUNIKASYON

KOMUNIKASYON
Mula sa salitang Latin na “COMMUNIS” na
nangunguhulugang “karaniwan” o
“panlahat”.
Ang komunikasyon ay:
– ang akto ng pagpapahayag ng ideya sa
pamamagitan ng pasalita o pasulat na paraan.
(Webster)
– Isang intensyonal o konsyus na paggamit ng
anumang simbolong tunog o anumang uri ng
simbolo upang makapagpadala ng
katotohanan, ideya, damdamin o emosyon
mula sa isang indibidwal tungo sa iba. (Greene at Petty)
– Proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng
mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues
na maaaring berbal o di-berbal. (Bernales, et al., 2002)
Upang maging epektib na
komyunikator, kailangang
idebelop natin ang kasanayang
reseptib at ekspresib.

Pakikinig Pagsasalita

Pag-iisip
Mga Kasanayang Mga kasanayang
Pagmamasid
Reseptib Ekspresib
Pagdanas

Pagbasa Pagsulat
Ang komunikasyon ay maaring magamit para sa mabuti o masamang layon.

Kapag tinatangka sa komunikasyon ang tuklasin ang


katotohanan, pagyayamanin at igloripay ang mga aspetong
nagpapabuti sa kalidad ng buhay ng tao, ang komunikasyon
ay mabuti.

Ngunit kapag sinisira o binabaluktot ang


katotohanan sa komunikasyon, nililito o nililihis ang
mga mamamayan sa kabutihan, ang komunikasyon
ay masama.

Hindi sapat na alam natin gamitin ang komunikasyon nang mabisa at


mapanghikayat. Kailangan din nating maging matapat, makatotohanan,
matapang upang ang komunikasyon ay magbunga ng mabubuting epekto at
transpormasyonh intelektwal, sosyal at ispiritual.
KOMUNIKASYONG INTRAPERSONAL
• Ito ay tumutukoy sa komunikasyong pansarili.
- pag-iisip, pag-aalala, pagdama, mga prosesong nagaganap sa
internal nating katauhan.
• Ito ang syang pinakabatayan ng dalawa pang uri ng komunikasyon.

KOMUNIKASYONG INTERPERSONAL
• Ito ay tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa pagitan ng dalawang
tao, sa pagitan ng isang tao at maliit na pangkat.
• Ito ang humuhubog ng ating uganyan o relasyon sa ating kapwa.

KOMUNIKASYONG PAMPUBLIKO
• Ito ay tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa pagitan ng isa at
malaking pangkat ng mga tao.
• Ito ang uri ng komunikasyon sa pamamagitan ng mga midyang pangmasa
tulad ng telebisyon, radyo, pahayagan, at pelikula.
1
2
3 KATANGIAN
4
5
6
1 ANG KOMUNIKASYON AY ISANG PROSESO.

• Encoding - ano ang mensahe, paano ipadadala,


anu-anong salita ang gagamitin, paano isasaayos,
anong daluyan ang gagamitin at ano ang
inaasahang reaksyon ng tatanggap.

• Decoding – ano ang kahulugan ng mensahe, ano


ang inaasahang reaksyon mula sa kanya, paano
niya tutugunan at paanong paraan niya ito
tutugunan.
2 ANG PROSESO NG KOMUNIKASYON AY
DINAMIKO.

Nagbabago ang komunikasyon dahil sa impluwensya


ng lugar, oras, mga pangyayari at mga taong sangkot
sa proseso.

3 ANG KOMUNIKASYON AY KOMPLIKADO.

Ito ay dahil sa : persepsyon ng isa sa kanyang sarili, sa kausap,


Iniisip niyang persepsyon ng kanyang kausap sa kanya at
ang tunay na persepsyon ng kanyang kausap sa kanya.
4 MENSAHE, HINDI KAHULUGAN, ANG NAIPADADALA AT
NATATANGGAP SA KOMUNIKASYON.

Ang pagpapakahulugan ay depende sa tumatanggap nito.

5 HINDI TAYO MAAARING UMIWAS SA KOMUNIKASYON.

Hindi man tayo magsalita, sa ating mga kilos, galaw,


kumpas at anyo, hindi man sinasadya ay
nakapagpapadala tayo ng mensahe.
6 LAGING MAY DALAWANG URI NG MENSAHE SA PROSESO NG
KOMUNIKASYON.

• Relasyunal – di berbal na pagpapahiwatig ng


damdamin o pagtingin sa kausap.

• Panlinggwistika – pasalita, gamit ang wika.


MGA

MODELO
Modelo ni Berlo (Modelong SMR)

Pinanggalingan Mensahe Tagatanggap


(Source) (Message) (Receiver)

Enkowding Dekowding

Linear ang paglalarawan sa proseso ng komunikasyon sa modelong


ito. Bininigyang-diin dito ang direksyon ng proseso mula sa
pinanggalingan (S) tungo sa tagatanggap (R).
Ipinapahiwatig din dito na ang mensahe (M) o ang pagpapadala at
pagtanggap nito ay nakadepende sa enkowding at dekowding nito.
Modelo ni Aritotle ng Pag-eenkowd ng Mensahe
Pagtuklas
(Discovery)
ng kaalamang lohikal, emosyunal o etikal.

Pagsasaayos
(Arrangement)
ng mga kaalaman sa paraang istraehikal

Pagbibihis
(Clothing)
ng ideya sa malinaw na salita o pahayag

ng mensahe mula sa
Paghahatid
(Delivery)
pinanggalingan tungo sa
tagatanggap

Ito ay kaugnay ng sub-prosesong enkowding.


May aplikasyon ito sa ano mang anyo ng diskurso, pasalita man o pasulat.
Batay sa modelong ito, ang anumang mensahe ay kailangang tuklasin,
isaayos at bihisan bago maihatid.
Modelo ni schramm

Lawak ng Karanasan Lawak ng Karanasan

SIGNAL

Enkowding Dekowding

Ipinapahiwatig nito na bawat taong sangkot sa isang sitwasyong


pangkomunikasyon ay may kani-kaniyang field of experience sa maaaring
makaapaekto sa bisa ng komunikasyon. Samakatwid, the more the sender and the
receiver share a common field of experience, the more tendency for the
communication to be effective.
Modelong Kontekstual – Kultura
Mensahe

Nag-eenkowd nagdedekowd

Konteksto
pinanggalingan tagatanggap
Kultura

nagdedekowd Nag-eenkowd

pidbak
Mensahe/Pidbak na nakapaloob sa Makabuluhang Konteksto Ayon/Batay sa
mga Kultura na Ekspektasyon

Binigyang-diin ang konteksto at kultura bilang siyang mga sentral na


elemento sa siklikal na proseso ng komunikasyon.
Sa madaling sabi, malaki ang impluwensya ng konteksto at kultura sa
komunikasyon.
Modelo ng Transakyong Komunikasyon
Sitwasyon
Mensahe… Tagatanggap ng
Mensahe,
Pinanggalingan naapektuhan ng
ng Mensahe, layunin,
apektado ng kaalaman,
kanyang layunin, kasanayan at
kaalaman, atityud sa pag-
kasanayann, iinterpret ng
atityud, at mensahe at
kredibilidad pagpapadala ng
Pidbak pidbak

Inilalarawan nito ang komunikasyon bilang isang transaksyon.


Tinutukoy din nito kung anu-ano ang mga salik na nakaaapekto sa
pinanggalingan at tatanggap ng mensahe at kung paano nililimitahan
o hinuhubog ng daluyan ang mensahe.
Interaktib na Modelo ng Komunikasyon
Daluyan/tsanel Mensahe

Pinanggalingan Tagatanggap

tagaenkowd
tagaenkowd

Sagabal Sagabal

Pidbak Daluyan
Sagabal

Ito ay naglalarawan ng interaktib na komunikasyon.


Ang interaksyon ng pinanggalingan at tagatanggap ay nakasalalay sa
mensahe, daluyan, kapaligiran, pidbak at mga sagabal.
The Shannon Weaver Mathematical Model,
1949

Information Transmitter Receiver


Source (Encoder) Channel (Decoder)
Destination

Message Signal Received Message


Signal
Concepts: Noise
Entropy Source
Redundancy
Noise
Channel Capacity

Matematikal ang ginawang lapit sa paglalarawan ng komunikasyon nina


Shannon at weaver.
Ang bisa ng isang aktong komunikasyon ay naksalalay sa wastong
kalkulasyon ng mga salik na nakaaapekto rito tulad ng transmitter,
channel, receiver, at noise.
A Helical Model of Communication from Dance,
1967

1
Helix ang ginawang representasyon ni Dance.
Inilalarawan nito ang impluwensya ng mga nagaganap na pagbabago, partikular sa isang
tao, sa komunikasyon.
Ang nakaraan ang pinag-uugatan ng mga pagbabago sa komunikasyon sa kasalukuyan,
samantalang ang kasalukuyan nman ang batayan ng komunikasyon sa infinite na
hinaharap.
Reusch and Bateson Functional Model, 1951
C
R S Function o tungkulin ng
Level 4 E komunikasyon ang binigyang-
diin. Ang tungkulin ng
komunikasyon ay
mailalarawan sa apat na
antas;
Level 3
(1) Intrapersonal
(2) Interpersonal
(3)Pangkatan
(4) Hanggang kultural.
Level 2
Mapapasin sa modelo na
habang tumataas ang antas
Level 1 ay mas dumarami ang taong
E – Evaluating
S – Sending sangkot sa apat na gawain;
C – Channeling (E) pagsusuri, (P) pagpapadala,
R – Recording (c) Pagchachannel, at (R)
- One Person
Pagrerecord.
1 Nagpadala ng Mensahe

SANGKAP 2 Mensahe

Daluyan o Tsanel ng
3 Mensahe
AT
4 Tagatanggap ng Mensahe

PROSESO 5 Tugon o Pidbak

Potensyal na Sagabal sa
NG 6 Komunikasyon

KOMUNIKASYON
Nagpadala ng Mensahe
1 Sender
Tao o pangkat ng mga taong pinagmumulan
ng mensahe.

Mensahe
2 Inpormasyon
Dalawang uri ng mensahe:
a) mensaheng pangnilalaman/panlinggwistika.
b) mensaheng relasyunal o mensaheng di-berbal.
3
Daluyan o Tsanel ng Mensahe
Kategorya ng daluyan
a) daluyang sensori o tuwirang paggamit ng paningin,
pandinig, pang-amoy, panlasa at pandama
b) daluyang institusyunal – mga kagamitang
elektroniko tulad ng telepono, e-mail, fax, mobile
phone.

Tagatanggap ng Mensahe

4 Receiver
Nagbibigay-kahulugan o magde-decode sa
mensaheng kanyang natanggap.
Tugon o Pidbak
5 Ang pagbibigay tugon o pidbak ay isang mahalagang
paraan ng pagkontrol sa mga sagabal sa
komunikasyon.
Tatlong uri:
(a)tuwirang tugon (b)di-tuwirang tugon (c)naantalang tugon

Potensyal na Sagabal sa Komunikasyon

6 Communication noise o Filter


Ito ang mga dahilan kung minsan ng hindi
pagkakaunawaan.
Apat na uri:
a) semantikong sagabal
b) pisikal na sagabal
c) pisyolohikal
d) saykolohikal
KOMUNIKASYONG
BERBAL
Ang Komunikasyong Berbal ay anyo ng
paghahatid ng mensahe sa pamamagitan ng mga
salitang simbolo na kumakatawan sa mga ideya at
bagat-bagay.
Nakapaloob dito ang pagsulat,pagbasa,
pagsasalita, at pakikinig.

Simbolisasyon – isang proseso ng pagtutumbas ng ideya,


pangyayari, lugar, o bagay.
Ito ay maaaring sa pamamagitan ng berbal na simbolo, di-berbal na
simbolo o sa magkasabay o kumbinasyunal na ppaggamit ng dalawa.
Ayon kay Gerald (1960), ginagamit ang berbal na
komunikasyon sa mga sumusunod na sirkumstanses:

1. Kung may sunud-sunod na datos na kailangang lutasin,


ang paggamit ng pandinig ay higit na mabisa kaysa
biswal na pamamaraan sa paglikha ng temporal na
diskriminasyon.

2. Kapag ang tatanggap ng mensahe ay abala sa ibang


gawain o kondisyon, ang kanyang alertness ay
nababawasan.

3. Kapag ang mga mensahe ay mahahalaga, maiikli o


madadali, mas madali iyong mauunawaan at
matatandaan kapag napakinggan o nabasa.
4. Kapag mahalaga ang pleksibiliti ng transmisyon
ng mensahe, mahalaga ang paggamit ng tinig lalo
na sa pagbibigay ng iba’t ibang impleksyon at
empasis.

5. Kapag nais nating maglahad ng impormasyong


kaugnay ng isang tiyak na usapin o isyu, ang
paggamit ng berbal na paraan ay napakabisa.

6. Kapag ang resepsyong biswal ay hindi mabisa sa


kadahilanang maiuugnay sa kondisyong
pangkapaligiran, ang paggamit ng berbal na
paraan ay mas lalong angkop.
Sa pagpapakahulugan o pag-iinterpret ng mga simbolong
berbal, mahalagang maisaalang-alang ang maaaring
pagmulan ng kahulugan ng bawat salita:

1. Referent ang tawag sa bagay o ideyang kinakatawan


ng isang salita.
2. Common Reference ang tawag sa parehong
kahulugang ibinibigay ng mga taong sangkot sa isang
sitwasyong pangkomunikasyon.
3. Kontekstong Berbal ang tawag sa kahulugan ng isang
salita na makukuha batay sa ugnayan nito sa iba pang
salita sa loob ng isang pahayag.
4. Ang paraan ng Pagbigkas o Manner of Utterance ay
maaari ring magbigay ng kahulugang konotatibo.
KOMUNIKASYONG
DI - BERBAL
Ang Komunikasyong Di-Berbal
ay naipapakita sa pamamagitan ng
galaw ng katawan, pagtingin,
tikas o tindig, ekspresyon ng mukha at
paralanguage (pitch, volyum, bilis at
kalidad ng tinig).
MAHALAGA ANG KOMUNIKASYONG DI-BERBAL DAHIL:

1. Inilalantad o ipinahihiwatig nito ang


kalagayang emosyunal ng isang tao.

2. Nililinaw nito ang kahulugan ng isang


mensahe.

3. Pinananatili nito ang interaksyong


resiprokal ng tagapagpadala at
tagatanggap ng mensahe.
IBA’T IBANG ANYO NG KOMUNIKASYONG DI-BERBAL:

1. Oras (Chronemics)
– ang paggamit o pagpapahalaga ng oras ay
maaaring kaakibatan ng mensahe.
2. Espasyo (proxemics)
– maaaring may kahulugan ang espasyong inilalagay
natin sa pagitan ng ating sarili at ng ibang
tao. Intimate, personal, social o public
Espasyo sa pakikipag-usap, fisikala na kaayusan ng
mga bagay-bagay sa isang lugar.
3. Katawan (kinesics)
– kilos ng katawan: mata, mukha, pananamit at
kaanyuan, tindig at kilos, kumpas ng kamay.
4. Pandama (haptics)
– paggamit ng sense of touch sa paghahatid ng mensahe;
Hawak, pindot, hablot, pisil, tapik, batok, haplos at
hipo.
5. Simbulo (Iconics)
– mga simbolo sa bilding, lansangan, botelya, reseta atbp.
6. Kulay (Chromatics)
– maaaring magpahiwatig ng damdamin o oryentasyon.
7. Paralanguage
– paraan ng pagbigkas sa isang salita.
8. Bagay (objectics)
– paggamit ng mga bagay o objects sa komunikasyon.
MGA
KONSIDERASYON SA
MABISANG
KOMUNIKASYON:

Ayon kay Dell Hymes (Bernales, et al., 2002), kailangang


isaalang-alang ang ilang konsiderasyon upang matiyak na
magiging mabisa ang komunikasyon. Ginamit niya ang
akronim na SPEAKING.
S etting (saan nag-uusap?) ay maaaring mapagkamalang-bastos o walang pinag-
aralan. – ang lugar ay may malaking impluwensya sa komunikasyon. Kung
hindi ito isaalang-alang
P articipants (Sino ang kausap?) – pabagu-bago ang paraan n gating pakikipag-usap
depende sa kung sino ang kinakausap. Binibigyang pansin ang edad,
kasarian, katungkulan, propesyon atbp.
E nds (Ano ang layunin sa pag-uusap?) – ibagay ang pananalita sa layunin gaya ng
pagiging malumanay, may awtoridad, seryoso, masaya atbp.
A ct Sequence (Paano ang takbo ng Pag-uusap?) – ang komunikasyon ay dinamiko,
samakatuwid ang isang usapan ay nagbabago. Kasama ditto ang
pagbabago ng paksa at paraan ng pag-uusap.
K eys (Formal ba o informal ang usapan?) – pagpili ng salitang gagamitin na babagay
sa formalidad ng okasyon.
I nstrumentalities (Ano ang midyum ng usapan?) –tsanel o daluyan ng komunikasyon. Ang
midyum ang humuhubog at naglilimita sa isang mensahe.
N orms (Ano ang paksa ng usapa?) – Mahalagang maisaalang-alang ang paksa ng
usapan.
G enre (Nagsasalaysay ba? Nakikipagtalo o nagmamatwid? Naglalarawan? O
nagpapaliwanag?). Mahalagang batid ng isang tao kung ano ang genre na
ginagamit ng kanyang kausap, nang sa gayo’y malaman din niya kung anong
genre ang kanyang gagamitin.
Iba pang pangangailangan sa isang prosesong
pangkomunikasyon upang maging mga epektibong
partisipant:

1. Kailangang maunawaan nila ang proseso ng komunikasyon.


2. Kailangang may positibong perseption siya sa knayang sarili, sa
tagatanggap ng kanyang mensahe o pidbak, sa kaniyang
mismong mensahe o pidbak at sa kabuuan ng prosesong
pangkomunikasyon.
3. Kailangang marunong silang mag-encode at mag-decode ng mga
mensahe.
4. Kailangang may sapat din syang kaalaman at kasanayan sa
paggamit at pagpapakahulugan ng mga simbolong di-berbal sa
pakikipagkomunikasyon.
5. Kailangang mauunawaan niya ang mga batayang konsepto at
simulain sa komunikasyon at kailangan alam niya kung paano
gagamitin ang mga iyon sa mga partikular na sitwasyon at sa
iba’t ibang antas o uri ng komunikasyon.
1
2
3
4
5
6 BY: MARIA KARMINA T. GUMPAL BSED

You might also like