Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Transisyon Patungong Kalayaan

Hindi mapagkaka-ila ang mga naging hakbangin ng mga ninuno upang ipaglaban ang
kalaayan ng bansa. Sa dinami-daming paraan, mapa himagsikan man yan o politikal,
kinailangan pa rin ng ibang oportunidad upang makamtan ang tunay na kalaayaan.

Isang kabalintunaan ang naganap sa kasaysayan noong 1929. Sa pagbagsak ng stock


market ng New York, ang ekonomiya ng Estados Unidos ay bumagsak. Sa pagsimula ng
Great Depression ng Amerika, tila naging pabor sa bansa ang pangyayari pagdating sa
pagsulong ng kalayaan. Ang kasaamang palad ba na ito sa Amerika ay kabutihang palad para
sa Pilipinas?

Akalain ba naman? Ang dating hinahangad ng Amerika ay tinawag na ngayong


Achille’s heel. Pilipinas na gustong maangkin, ngayo’y isang pasanin. Ayon sa Amerika,
banta ang mga produkto ng Pilipinas sa kanilang ekonomiya (lalo na ang asukal), maging ang
labor force ng Pilipinas na maaaring umapekto sa labor force ng Amerika. Kaya naman
ninais na pakawalan tayo.

Wala akong maisip na termino para sa naging desisyon ng senado ng Estados Unidos
na palayain ang bansa. Halatang “pinagsamantalahan” ang bansa at personal na interes ang
naging motibasyon ng Amerika. Sa kabila ng lahat ng dumanak na dugo at mga hinaing at
askyon ng mga Pilipino, parang ang bilis naman na basta basta tayo papalayain.

Ngunit hindi rin masisisi ang Amerika sa mga desisyon, sapagkat kung ito ang
pinakalohikal na desisyon para sa kapakanan ng bansa, bakit hindi gawin? Nasa krisis ng
depresyon ang Amerika, wala na sigurong ibang paraan upang resolusyonan ito kung hindi
bitawan ang Pilipinas.

Kaso nga lang, mistulang “pinaglauran” ang bansa sa pagkakapasa ng Tydings-


McDuffie Act. Nabago lang ang ibang salita mula sa kinopyahang Hare-Hawes-Cutting Act.
Bakit mas pabor pakinggan ang terminong naval reservations and fueling stations kaysa
military and other reservations?

Sa pagkakatatag ng Commonwealth noong 1935, hindi ko masabi kung dapat ba


tayong tumanaw ng utang na loob sa Amerika dahil “naging daan” ito sa kalayaan ng
Pilipinas. Sabagay, ang transisyon naman ay naging mabuti dahil nasimulang ilakad at
resolbahin ang iba’t ibang isyu ng mga Pilipino tulad ng kawalan ng hukbong sandatahan at
sistemang hudisyal, at pagkakaroon ng distansya ng mga social classes.

Isa sa aking mga katanungan sa gitna ng transisyon ay: Bakit iniisp ng Amerika na
paglampas sa awtoridad ang balak ni Quezon makipag-ugnayan sa Japan pero sa ibang
bansa tulad ng China ay hindi? May kaugnayan kaya ito sa kasalukuyang relasyon ng
Amerika at Japan noon?

Sa “pagtulong” ng Amerika, mayroon kayang hidden intention na hindi sinasabi kung


bakit tumutulong sila. Kung nais man nila ng alyansa, bakit hindi agad tayo pinalaya at nauwi
pa sa digmaan at alitan?

Marami pang katanungan ang maaaring ibato sa panahon ng Commonwealth. Ngunit


mahirap kung magkakaroon pa ng mga debate ng mga punto. Kaya naman, bahala na dapat
ang mga mamamayan mag-isip ng kritikal at magbigay hinuha sa kasaysayan. Ang mas
mahalaga at mabuti, malaya tayo ngayon at sana nama’y hindi muli magpasakop ang
Pilipinas sa ibang bansa dahil lang sa mga desisyon ng pamahalaan.

You might also like