Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ANG MAHIWAGANG PALASYO

Noong unang panahon may dalawang manlalakbay na


nagngangalang Juan at Jose na naligaw sa napakalawak na kagubatan
munit sila ay nakatagpo ng isang palasyo sa gitna ng
kagubatan.nagbakasakali ang dalawa at pumasok sa loob upang humingi
ng tulongmunit lubos-lubos na lamang ang kanilang pagtataka ng
walang madatnang tao roon.At lalo pang namangha sa napakaraming
ginto.magtatangka na sanang mambulsa si Jose ng pigilin sya ni Juan at
itinuro ni Juan ang napakalaking batong ginto na may nakasulat na ayon
sa sulat.

"ang sino mang kukuha ng higit sa pangangailangan ay hindi na


makakalabas ng palasyo"

ng mabasa iyon ni Jose ay natawa lamang ito waring hindi naniniwala sa


nakasulat at sabay ipinang bulsa ang lahat ng gintong kanyang
mahawakan.Mayamayapay waring gumalaw ang palasyo na pawang
lumilindol napatakbo ang dalawa palabas ng palasyo munit hindi
nakalabas ng palasyo si Jose at kasamang naglaho ng palasyo.
Ang Matalik Kong Kaibigan

Tulad ng nakagawian kong gawin, pagkarating ko sa bahay mula sa


paaralan, hinanap ko ang pahayagan. Ipinatong ko ang pagod kong mga
paa sa bangkito at inumpisahan kong basahin ang kolum ni George Nava
True tungkol sa kalusugan at mga sakit sa katawan.Sunod kong
tinunghayan ang Entertainment at pagkatapos nito, sinulyapan ko ang
mga pangalan ng mga namatay sa obituary.Laking gulat ko na lang nang
makita ko ang pangalan ng aking matalik na kaibigan. Bigla akong
tumayo na nanikip ang dibdib.Sinabi ko kay Nanay na namatay si
Richard at pupuntahan ko agad sa St. Peter's Chapel kung saan siya
nakaburol.Sa St. Peter's, sinabi sa information na sa huling silid sa
kaliwa naroon ang aking kaibigan.
Sa pagpasok ko pa lamang sa silid ay nakita ko na agad ang iba naming
kabarkada. Puro sila malungkot at halos maiyak-iyak.
Di ko mapigil ang aking luha habang minamasdan ko ang mukha ni
Richard sa loob ng kabaong. May mga tapal ang kanyang pisngi at noo.
Lumapit sa akin ang kapatid niyang si Kristine.

"Nabundol ng trak ang kotseng sinasakyan niya."

"Saan nangyari ito?" ang tanong ko.

"Sa may Magallanes Village, sa Expressway, noong Sabado. Wala


ngang nakakita kung anong plate number ng truck. Hit and run ang
nangyari."

"Nanghina ako nang mabasa ko sa pahayagan ngayong hapon.


Nagmadali nga akong pumarito," ang wika ko.

Isang mabait at masayang kaibigan si Richard. Marami siyang kaibigan,


mahirap at mayaman. Buhat pa ng maliliit kami ay magkaibigan na at
madalas magkasama, nagbabasketball, namamasyal, nagsisimba, at iba
pang gawain ng mga bata.Bakit kaya siya binawian agad ng buhay?
Labimpitong taon pa lamang siya. Marami pa sana siyang magagawa at
matutulungan. Nasabi ko tuloy sa sarili na hindi nga pala nakatitiyak ang
sinuman kung kailan daratihg ang kamatayan. Maaaring sa araw ding
ito, o sa madaling panahon.Kailangang maging handa sa lahat ng oras.
Kailangan ang paghingi lagi ng awa. at kaiinga sa Diyos, at ang pagiging
mabait.
Matulunging Bata

Ang mabait, masipag, maalalahanin at mapagmahal na bata ay tumutulong


nang kusa sa bahay, di lamang para sa sarili kundi pati sa mga magulang at
mga kapatid.

Para sa aking sarili, ay inilalagay ko sa kanya-kanyang lalagyan ang lahat ng


aking gamit sa paaralan, sa bahay at sa iba pa. Sa ganito, ay hindi ako
maghahanap at mag-aaksaya ng panahon lalo na kung nagmamadali ako.

Hindi na rin ako makagagalitan. Laging nasa lugar ang mga libro,
notebook, lapis, pentelpen, pad paper, school bag, payong, sapatos, at
lahat-lahat na. Walang kakalat-kalat.

Sa Kuya at Ate ay tumutulong din ako lalo na kung sila ay abalang-abala sa


ibang gawain. Pagdating nila mula sa paaralan ay sasalubong na ako sa
hagdan pa lamang, upang kunin ang kanilang gamit at ilalagay ko na sa
kani-kanilang lalagyan. Kapag nagpuputol ng panggatong ang Kuya ko ay
iniaakyat ko na ang maliliit na piraso. Sa Ate naman, kapag nagwawalis, ay
kukunin ko ang basahan at ako na ang magpupunas sa mga mesa at
upuan.

Si Tatay at Nanay ay wala; sila ang gumagawa para sa amin. Ay, mayroon
pala. Sabi ng Nanay na malaking tulong daw sa kanila ni Tatay kung ako,
kaming magkakapatid, ay masunurin, masipag, magalang at malinis.
Natutuwa daw sila at hindi raw nila nararamdaman ang pagod, at
nagpapasalamat pa sa Panginoon.

Kaya naman maingat kami sa damit upang di sobrang marumi ang


lalabhan. Takbo ako agad sa pagtulong kung kaya ko rin lamang gaya ng
paghahanda sa hapag-kainan, pag-urong ng mga ito pagkatapos,
paghugas at pagligpit.

Ang dami, ano? Pagnakagawian na ay walang mahirap. At napakasarap


pang pakiramdaman at pakinggan ang, “Ay salamat! Mabait at matulungin
ang aking anak!”

You might also like