Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

KABANATA I:

PAGLALAHAD NG SULIRANIN AT KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

Panimula

Ang wikang panturo ay ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. Sa


pangkalahatan ay Filipino at Ingles ang mga opisyal na wikang panturo sa paaralan ngunit
matagal na itong isyu sa larangan ng edukasyon sa kung ano ang mas dapat gamitin sa pagtuturo
sa paaralan. Mayroong nagsasabing wikang Filipino ang mas dapat gamitin dahil mas
naiintindihan ito ng mga mag-aaral ngunit sa kabilang banda, mayroon ding nagsasabing mas
dapat gamitin ang wikang Ingles upang mas mahasa ang paggamit nito at ito ang universal
language ng mundo.

Layunin ng mga akademikong institusyon na epektibong ipaintindi sa mga mag-aaral ang


bawat paksa at aralin ngunit obligasyon din ng bawat akademikong institusyon na tumupad sa
mga itinakda ng batas. Itinakda ng Patakarang Edukasyong Bilingguwal sa mga paaralan noong
1974-1975 ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 na nag-uutos ng makahiwalay na paggamit ng
wikang Pilipino at Ingles bilang midyum ng pagtuturo ng mga tiyak na asignatura sa primarya,
intermedya at sekondarya. Ipinatupad ng pamahalaan ang Executive Order No. 210 noong Marso
17, 2003 na muling nagtatakda sa wikang Ingles bilang pangalawang wika sa pagtuturo sa
pribado at pampublikong paaralan. Nilalayon ng kautusang ito na paunlarin pa ang kasanayan ng
mga estudyanteng Pilipino sa wikang Ingles. Kabilang sa probisyong ito ang pagtatakda na ituro
ang mga asignaturang matematika at agham gamit ang wikang Ingles simula ikatlong baitang ng
paaralang primarya. Bukod pa rito, inaatas ding gawing Ingles ang pangunahing wikang panturo
sa paaralang sekundarya. Inilabas din ng Kagawaran ng Edukasyon ang Order No. 26 noong
Agosto 22, 2006 upang maipatupad ang nasabing utos. Sa pagsunod dito ng mga akademikong
institusyon, hindi lamang sa loob ng silid-aralan ginagamit ang wikang Ingles ngunit maging sa
labas nito, isang patunay dito ay ang mga nakapaskil sa paligid na English-speaking zone at
pagbabawal sa mga mag-aaral na gamitin ang sariling wika.

Sa kabilang banda, ayon sa Seksyon 6 ng Artikulo 14 ng Konstitusyong 1987, ang


wikang pambansa ay Filipino. Ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga
wika sa Pilipinas. Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya
ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang
itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika
ng pagtuturo sa sistema ng edukasyon. Sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 52 isinaad ang
pagbabago sa Patakarang Edukasyong Bilingguwal na ang patakarang Bilingguwal ay
naglalayong makapagtamo ng kahusayan sa Filipino at Ingles sa antas na pambansa sa
pamamagitan ng pagtuturo ng dalawang wikang ito bilang mga midyum ng pagtuturo sa lahat ng
antas. Sa pagpasok ng bagong kurikulum na K-12 Curriculum, ipinasa ng Kagawaran ng
Edukasyon ang Kautusan Blg. 74 Serye 2009 na may pamagat na Institutionalizing Mother
Tongue-Based Multilingual Education (MLE)

Sa kabila ng mga nasabing batas at ordinansa, ang pagsasalita at paggamit ng wikang


Ingles ang naging batayan ng lipunan sa katalinuhan at antas ng isang tao. Mas itinataguyod ang
wikang Ingles bilang midyum ng pagtuturo’t komunikasyon kaysa sa sariling wikang Filipino.
Sa kabilang banda naman, hindi rin makakailang may pakinabang rin sa mga mag-aaral ang
pagtuturo gamit ang wikang Ingles. Bukod sa lumalawak ang kanilang kaalaman hinggil sa
daigdig, nahahasa ang kanilang kakayahang gumamit ng wikang Ingles lalo na’t ito ang wikang
ginagamit sa larangan ng komersyo at agham ngunit hindi rin makakaila na mas komportable ang
mga mag-aaral na gamitin ang wikang kinagisnan dahil mas naiintindihan nila ang mga aralin
kung wikang Filipino ang gamit sa pagtuturo lalo na sa mga mahihirap na paksa, at mas
naipapahayag at naipapaliwanag ng mga mag-aaral ang kanilang saloobin at mensahe.

Sa bagong kurikulum na K-12 at ang pagpasa ng Mother Tongue-Based Multilingual


Education (MLE), inaasahang mas mapapayabong hindi lamang ang mga mag-aaral kundi pati
ang sariling wika. Iba-iba man ang mga dayalektong maaaring makagisnan ng mga mag-aaral,
ang mga dayalektong ito ay wikang Filipino pa rin .Ang kalagayan ng wikang Filipino sa
larangan ng edukasyon ay kapansinpansin na mas pinagtutuunang pansin ang wikang Ingles.
Kapansinpansin din na mas naiintindihan ng mga mag-aaral ang aralin kapag ang paksa ay
ipinapaliwanag sa wikang Filipino. Sa pagpili ng wikang ginagamit sa pagtuturo ay mahalagang
isaalang-alang ang kaunawaan ng mga mag-aaral.

Layunin ng mga mananaliksik na malaman ang kaepektibuhan ng paggamit ng wikang


Filipino bilang midyum sa pagtuturo sa mga mag-aaral ng HUMSS ng Senior High School ng
Pamantasang Sentral ng Maynila Taong Pampaaralan 2016-2017.

Kaligirang Pangkasaysayan

Karamihan sa mga mag-aaral na Pilipino ay kumakaharap ng mga hadlang sa edukasyon


at isa sa mga ito ay ang paggamit ng mga paaralan ng wikang hindi lubos na maunawaan (DepEd
2011). Ang ganitong sitwasyon ay nagdudulot ng emosyonal na epekto sa mag-aaral na maaaring
magdulot ng mababang marka o mas masama pa (Alexander 2000, Bowden 2002). Sa pagtuturo,
nararapat lamang na gumamit ng wika na mas naiintindihan ng mga mag-aaral dahil napapaunlad
nito ang matibay na pundasyon at motibasyon na pumasok at makakatulong din ito na matutunan
at magamit ng maayos ang iba't ibang wika mula sa mother tongue hanggang sa transiyon ng
Filipino at Ingles.
Napatunayan sa isang pagaaral na isinagawa sa ilang bansa na maraming mag-aaral ang
hindi umabot sa competency level na kinakailangan. Sinabi rin ng EFA na "Millions of children
are leaving school without having acquired basic skills" (EFA Summary Report 2010). Ang ulat
ng EFA tungkol sa kalidad ng edukasyon ay nagpapakita na may malaking agwat sa bilang ng
mga nagtatapos sa paaralan at ilan sa kanila ay pinapaunlad ang minimum na lebel ng literasiya.

Ang Department of Education Order No. 16 s., February 17,2012, ay nagsasabing mula
sa taong pampaaralan: 2012-2013, ang multilingual na edukasyon na nakabase sa mother tongue
ay ipinapatupad sa lahat ng pampublikong paaralan partikular na sa Grade I, bilang parte ng K-
12 na kurikulum. Ang wika na isinasambit ng mga mag-aaral sa kanilang tahanan ay siya ring
gagamitin sa pagtuturo sa loob ng silid-aralan.

Ang kognitibong pagpapaunlad at ang mga epekto nito sa pang-akademikomh Gawain ay


tinuturuan ang mga mag-aaral na magbasa at magsulat sa kanilang unang wika nang mas mabilis.
Ang mga mag-aaral na natutong magbasa at magsulat sa kanilang unang wika ay mas mabilis
natututo na magsalita, magbasa at magsulat sa ikalawang wika (L2) at ikatlong wika (L3) kaysa
sa mga tinuruan gamit muna ang ikalawa o ikatlong wika. Ang mga mag-aaral na tinuruan gamit
ang kanilang unang wika ay mas mabilis natututunan ang mga kinakailangang kakayahan
(DepEd Order No. 74,s..2009)

Ang paggamit ng mother tongue ay pinapagana ang kakayahan ng mga kabataang mag-
aaral na mabilis na magpaliwanag nang walang takot na magkamali, mapalawak ang kanilang
mga ideya at dagdagan ang kanilang nalalaman. Mas tama namang matatasahan ng mga guro ang
mga natutunan nila at matutukoy rin ang kanilang mga kahinaan (Nolasco, Philippine Daily
Inquirer). Ang edukasyon na nakabase sa mother tongue ay may positibong dulot sa pagaaral.

Ang paggamit sa mother tongue ay nagtataguyod ng pagkakaisa sa edukasyon at


pinagiibayo ang kalidad ng edukasyon sa paghubog ng kaalaman at mga karanasan sa parehong
mag-aaral at guro. Ang UNESCO ay naniniwala at sinusuportahan ang resulta ng mga pagaaral
na nagpapakita na ang mother tongue ang susi sa literasiya at pagkatuto.

Ang DepEd ay naglista ng mga empirikal na pag-aaral, gaya ng "Lingua Franca Project"
at "Lubuagan First Language Component Program", na nagpapakita na ang mga mag-aaral ay
mas mabilis na natututong magbasa sa kanilang unang wika. Lumabas sa pag-aaral na ang mga
mag-aaral na natutong bumasa at sumulat sa kanilang unang wika ay mabilis na natututong
magsalita, magbasa at magsulat sa ikalawa at ikatlong wika.

Ang mga pagsubok ng bawat guro para sa bagong kurikulum na isinabatas ng


Department of Education ay nag-aambag ng mga benepisyo sa pagkatuto ng mga mag-aaral.
Nagbibigay ito ng mga kapaki-pakinabang na benepisyo gaya ng mas mataas na tingin at
pagtitiwala sa sarili, at mas malaking inspirasyon sa pagaaral at sa pamumuhay (UNESCO
2006).

Ang mga silid-aralan kung saan gumagamit ng mother tongue ay hinahayaan ang mga
kabataan na maipahayag ang kanilang sarili, mag-ambag sa mga usapin at mapaunlad ang
katalinuhan sapagkat ang palitan ng mga salita ay ginagamitan ng pamilyar na wika. Ang mga
pagtuturo gamit ang wikang hindi alam bigkasin ng mga mag-aaral ay tinatawag na
"submersion" (Skutnabb-Kangas 2000) dahil ito ay katulad nang paglagay at pagpapabaya sa
mga mag-aaral sa ilalim ng tubig nang hindi sila tinuturuan lumangoy. Ang mother tongue ay
likas na pundasyon sa lahat nang pagkatuto at importante na ang mga kabataan ay gumamit ng
mother tongue sa kanilang unang pagpasok sa paaralan.

Balangkas Teoretikal/Konseptuwal

Ayon kay June Jordan (2009), “You will never teach a child a new language by scoring,
ridiculing and forcibly erasing his first language”. Sa simula ng pag-aaral, ang mother tongue ay
napakahalaga hindi lamang para mapaunlad ang mas matatag na pundasyon ng edukasyon kundi
para mas mapatibay ang kognitibong pag-unlad ng mga mag-aaral. Sa paghubog ng kakayahang
pangliterasiya sa unang wika, ang multilingual na base sa mother tongue ay makakatulong sa
pagpapatibay ng unang wika at tumutugon sa magandang transisyon mula sa L1 (unang wika)
hanggang L2 (pambansang wika) at L3 (internasyonal na wika) na ginagamit bilang paraan at
kagamitan sa pagtuturo.

Larawan Blg. 1

Nakapag-iisa na mga Baryabol

Wikang Filipino bilang


Di Nakapag-iisang Baryabol
midyum sa pagtuturo

Pag-unawa ng mga mag-


aaral

Wikang Ingles bilang


midyum sa pagtuturo

Pagsusulit
Ipinakikita sa Larawan Blg. 1 ang paradaym ng pag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa
Pamantasang Sentral ng Maynila. Sa dalawang grupong kalahok, pagkukumparahin ang mga
iskor ng mga mag-aaral na nag-aaral gamit ang wikang Filipino sa iskor ng mga mag-aaral na
nag-aaral gamit ang wikang Ingles. Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng pagsusulit na
magsisilbing pangunahing pagkukunan ng datos. Susuriin ng mga mananaliksik ang mga datos
upang mapatunayan ang bisa ng paggamit ng wikang Filipino bilang wikang panturo.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay may mga katangiang nais sikaping bigyan ng kasagutan:

1. Ano ang mas dominanteng wika bilang midyum ng pagtuturo, Filipino o Ingles?

2. Sa ano-anong mga paraan nakakatulong ang Wikang Filipino sa mas higit na kaunawaan
ng mga aralin?
3. Ano ang mas mabisang gamitin bilang wikang panturo, Filipino o Ingles?

4. Ano-ano ang mga kahalagahan ng paggamit sa pagtuturo ng wikang Filipino?

Haypotesis

Naniniwala ang mga mananaliksik na mas dominanteng wika ang Ingles sa mga akademikong
institusyon dahil ang asignaturang gumagamit ng wikang Filipino ay ang Filipino lamang habang
ang natitirang mga asignatura ay gumagamit ng wikang Ingles bilang midyum ng pagtuturo.
Nakakatulong ang wikang Filipino sa pamamagitan ng mas madaling pag-unawa sa mga paksa at
dahil dito ay nagiging mas produktibo ang mga mag-aaral samantalang mas nahihirapang
umunawa ang mga mag-aaral sa mga paksang wikang Ingles ang midyum na nagdudulot ng mas
mababang kaproduktibuhan ng mga mag-aaral. At dahil sa nasabing mga rason, naniniwala ang
mga mananaliksik na mas mabisa ang paggamit ng wikang Filipino bilang wikang panturo.
Mahalagang gamitin ang wikang Filipino upang mas mapagyabong ang sariling wika at sa mas
epektibong pag-aaral ng mga mag-aaral.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Mahalaga ang wika sa isang bansa sapagkat ito ang ginagamit sa komunikasyon, pagkikipag-
ugnayan at pakikipagtalastasan ng bawat mamamayan. Sa edukasyon, mahalaga ang wikang
ginagamit para sa mas epektibong pagtuturo sa mga mag-aaral.
Para sa mga mag-aaral, upang malaman ang maaaring maidulot ng wikang ginagamit sa
pagtuturo sa kanilang pag-aaral.

Para sa mga guro, upang magkaroon ng kaalaman ukol sa isa sa mga maaaring
makaapekto sa pag-aaral ng kanilang mga estudyante.

Para sa mga mananaliksik sa hinaharap, upang makapagbigay ng ideya ang pananaliksik


na ito at makatulong para sa mga gagawing pag-aaral sa hinaharap.

Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral ay sumasaklaw at limitado lamang sa kaepektibuhan ng paggamit ng


wikang Filipino bilang midyum sa pagtuturo sa pag-aaral ng mga mag-aaral at hindi sa iba pang
salik na maaaring makakaapekto sa pag-aaral ng mga mag-aaral.
Ang mga respondente ay magmumula lamang sa mga mag-aaral ng Ikalabing-isang baitang ng
Senior High School ng Pamantasang Sentral ng Maynila Taong Pampaaralan 2016-2017.

Katuturan ng mga Katawagang Ginagamit

Bilingguwal taong marunong at bihasa sa pagsasalita ng dalawang wika.

Midyum ginagamit sa maayos na paghatid at pagtanggap ng mensahe.

Mother tongue ito ay ang unang sinasalita ng mga taong nakatira sa katagalugan.

Multilingguwal kakayahang magsalita ng maraming salita.

Universal language tumutukoy sa wikang isinasalita at naiintindihan nakararaming parte ng


populasyon ng mundo

Wikang Panturo wikang ginagamit ng guro at ng mga nasa akademiya para sa kanilang
pagtuturo sa loob ng silid-aralan.
KABANATA II:

PAGLALAHAD NG MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Lokal na Literatura
Inilahad ni Arao (2010), isang propesor sa Department of Journalism ng College of Mass
Communication sa Unibersidad ng Pilipinas, na ang mga estudyante’y mas komportableng
gamitin ang wikang kinagisnan nila, ang midyum na ginagamit sa pakikipag-usap sa magulang,
mga kapatid, kalaro at iba pang kakilala. Ito’y sa kadahilanang nasa dugo ang pagiging Pilipino,
ang wikang Filipino’y natural na bahagi ng katauhan ng bawat Pilipino. Wikang Filipino ang
kinagisnang wika at ito rin ang gamit sa pakikipagtalastasan sa pang-araw-araw kaya hindi
hamak na mas bihasa ang mga mag-aaral sa paggamit nitong wika at mas nakakaunawa sila kung
sariling wika ang gamit at hindi ang wikang banyaga.
Noong taong 2003, inilabas ng dating Pangulong Gloria Arroyo ang E.O. 210 na
naglalayong palakasin ang wikang Ingles bilang ikalawang wika ng Pilipino. Ito rin marahil ang
dahilan kung bakit noong mga nagdaang taon, isinulong ng isang mambabatas ang pagtatag sa
Ingles bilang tanging midyum ng instruksyon. Ayon sa “English bill” na inakda ni Rep. Eduardo
Gullas; mali ang sistema ng edukasyon at ito raw ay nangangailangan ng wikang dinamiko tulad
ng Ingles.

Lokal na Pag-aaral
Ayon kay Nolasco (2010) ng Linguistics Department ng Unibersidad ng Pilipinas, sa
cognitive aspect ng mental development ng mga bata, mas nagiging pahirap ang pag-aaral gamit
ang wikang Ingles. Halimbawa, ang isang estudyante sa Maynila na malamang ay pinalaki sa
wikang Tagalog, ay siguradong malilito sa pag-aaral gamit ang wikang Ingles. Lalo itong naging
mas mahirap sa batang hindi-Tagalog ang unang lingguwahe; mahirap pagsabayin ang Filipino at
Ingles ng estudyante kung rehiyonal na dayalekto (tulad ng Cebuano, Hiligaynon, Maranao, o iba
pa) ang ikinalakihan niya sa bahay.
Noong nakaraang taon lamang inaprubahan ang aktuwal na paggamit ng Multilingual
Education (MLE) sa buong bansa sa bisa ng Department Order #74 ng DepEd ngunit matagal na
itong ginagamit ng mga taga-Lubuagan sa probinsiya ng Kalinga. Sa nagdaang sampung taon,
ang 4th class municipality ng Lubuagan ang naging modelo ng bansa pagdating sa Multi-lingual
Education. Dalawang dekada na ang nakakaraan, sila ay napabilang sa Top 10 non-performing
schools sa buong Pilipinas. Wikang Libuagen (isang barayti ng Kalingan dialect) lamang ang
ginagamit sa Lubuagan Elementary School mula Grade 1 hanggang 3 kung kaya’t mas naging
madali ang pag-intindi ng mga aralin kagaya ng Matematika, Agham, pati na ang pag-aaral ng
Filipino at ng Ingles. Sa dalawang dekada na paggamit ng bernakular; mayroong zero drop rate
ang paaralan. Noong 2006, ang Lubuagan district ang nagtamo ng pinakamataas na marka sa
National Achievement Test sa Grade 3 reading test sa Ingles at Filipino sa mean score na
76.55% at 76.45%. Hindi rin nahihirapan ang mga guro sa pagtuturo kung kaya’t sila’y nahirang
na “Best School for Kalinga” at “Model of Multilingual Education in the Philippines”. Ang mga
resulta ng mga pag-aaral ay mas maliwanag pa sa sikat ng araw: para matamo ang kahusayan ng
mag-aaral sa Ingles o Filipino, and pinakaepektibong paraan ng pagtuturo ay ang unang wika na
natutunan ng bata. Kung nakaya nga ng mga bansang Pransya, Alemanya, Tsina, Hapon, at iba
pa, na gamitin ang kanilang sariling wika sa mga paaralan, siguradong magagawa rin natin ito sa
PIlipinas. ‘Di man sila ganoon kagaling sa Inglesan, mas malalim naman ang kanilang
pagkakaintindi sa mundong nakapaligid sa kanila.

Banyagang Literatura
Ayon kila Arnold, Bartlett, Gowani, at Merali (2006), maraming sistemang pang-
edukasyon sa buong mundo na ipinipilit ang ekslusibong paggamit ng isa o ilang pribilehiyong
mga wika kahit na nangangahulugan itong pagliban sa iba pang wika na sanay nang sinasalita ng
mga bata. Tinutuon ng sistemang pang-edukasyon ang paggamit at paghasa ng isa o iilang mga
wika na hindi isinasaalang-alang ang pang-unawa ng mga mag-aaral.
Ang UNESCO ay hinihikayat ang paggamit ng mother tongue instruction sa primaryang
edukasyon simula pa noong 1953 dahil simula’t sapul, ito’y may kapakinabangang maidudulot
sa edukasyon: Ayon kay Kosonen (2005), ang mga bata ay mas magiging produktibo sa
paaralan; Batay kay Hovens (2002) at sa UNESCO Bangkok (2005) ang mga bata sa mga
probinsya na hindi gaanong gamay ang dominanteng wika ay mas lumalagi sa paaralan at mas
madalang na umulit ng baitang ng pag-aaral; at ayon kila Bialystok (2001), Cummins (2000),
King & Mackey (2007), ang mga bata sa multilingual education ay mas umuunlad sa thinking
skills kumpara sa mga monolingguwal.
Banyagang Pag-aaral
Ayon sa National Education Support Strategy ng United Nations Educational, Scientific
and Cultural Organisation (UNESCO), lubhang nakakabahala na mababang kalidad ng
edukasyon sa elementarya sa Pilipinas base sa achievement rates. Dalawampu’t anim na
porsiyento (26%) lamang ng mga mag-aaral sa ika-anim na baitang ang may mastery of English
(ang mastery ay nangangahulugang 75% o higit pa ang marking nakuha). Tatlungpu’t isa
(31%)ang may mastery of Mathematics at 15% naman ang sa Agham. Ganun rin ang isinasaad
ng istatistika sa High School: 7% na kahusayan sa Ingles; 16% sa Matematika, at 2% sa Agham.

Sintesis ng mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Ayon sa UNESCO, nakakabahala ang mababang kalidad ng edukasyon sa elementarya sa


bansang Pilipinas base sa "achievement rates". Mababa ang porsyento ng kasanayan ng mga
mag-aaral sa elementarya sa larangan ng mga asignaturang Matematika, Ingles at Agham.
Gayundin ang kasanayan ng mga mag-aaral sa sekondarya, ang porsyento ng kanilang kasanayan
sa Ingles, Matematika at Agham ay mababa. Nangangahulugang mababa ang porsyento ng
kasanayan ng mga mag-aaral sa Pilipinas na nasa elementarya at sekondarya. Ayon kay Nolasco
ng Linguistic department ng Unibersidad ng Pilipinas, mas nagiging mahirap ang pag aaral ng
mga bata gamit ang wikang Ingles. Halimbawa na lamang ang isang estudyante sa Maynila na
pinalaki sa wikang Tagalog ay siguradong malilito sa pag aaral gamit ang wikang Ingles.
Mahirap pagsabayin ang wikang Tagalog sa Ingles lalo na kung sanay siyang gamitin ang
rehiyonal na dayalekto na kinagisnan niya sa kanilang tahanan. Pinatupad ng DepEd ang aktuwal
na paggamit ng Multilingual Education sa buong bansa, matagal na din itong ginagamit ng mga
taga-Lubuagan. Sa loob ng sampung taon, ang Lubuagan ay ang naging modelo pagdating sa
Multi-lingual Education. Naging madali ng mga aralin gaya na lamang ng Matematika, Agham,
pati na ang pag-aaral ng Filipino at ng Ingles. Noong 2006, ang Lubuagan district ang nagtamo
ng pinakamataas na marka sa National Achievement Test sa Grade 3 reading test sa Ingles at ang
hinirang na “Best School for Kalinga” at “Model of Multilingual Education in the Philippines”.
Kung nakaya nga ng mga bansang Pransya, Alemanya, Tsina, Hapon, at iba pang mga bansa na
gamitin ang kanilang sariling wika sa mga paaralan, siguradong magagawa rin natin ito sa
PIlipinas. Ang paggamit ng sariling wika ang nagiging pundasyon ng isang mag-aaral sa mas
matibay na pagkakaintindi hindi lamang sa mga aralin kundi pati sa kanyang sarili at sa
mundong kanyang ginagalawan.
KABANATA III:

METODO NG PANANALIKSIK

Napapaloob sa kabanatang ito ang mga kalahok sa pananaliksik, mga instrumentong ginamit at
pamamaraan sa pangangalap ng datos.

Pamamaraan

Ang disenyo ng pag-aaral o pananaliksik ay quasi-eksperimental. Naaangkop ito upang


mas mapatunayan na bisa ng wikang Filipino sa bilang midyum ng pagtuturo. Marami itong
epekto sa pag-aaral at pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Sa pamamagitan ng pagsagawa ng
pagsusulit sa dalawang grupong kalahok sa pag-aaral. Isang grupo ng mga mag-aaral ay tinuruan
gamit ang wikang Filipino bilang midyum sa pagtuturo at ang isa naman ay wikang Ingles.
Matapos nito ay binigyang ng pagsusulit ang mga kalahok at ang kanilang mga marka ay
magsisilbing sukatan ng kanilang pagkakaintindi sa aralin.Tinangkang suriin ng pag-aaral ang
bisa ng paggamit ng wikang Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa pamamagitan ng
pagkumpara sa mga markang nakuha ng mga kalahok ng bawat grupo sa pagsusulit. . Nais rin ng
pananaliksik na masuportahan ang mga naunang pahayag ng mga mag-aaral tungkol sa mga
epekto ng nasabing usapin.

Disenyo

Ang pananaliksik ay may kwantitatibong disenyo ng pananaliksik kung saan binibigyang diin
ang obhektibong pagsusukat at pagsusuri sa mga datos na nakalap. Nais ng mga mananaliksik sa
paggawa ng pag-aaral na may nasabing disenyo ay ang maipakita at mapatunayan ang relasyon
sa pagitan ng nakapag-iisang mga baryabol at ng di nakapag-iisang baryabol. Gumamit ng
“causal-comparative” na uri ng kwantitatibong pananaliksik o mas kilala bilang
“quasi=experimental” ang pag-aaral na nagtatangkang mapatibay ang sanhi-epekto na kaugnayan
sa pagitan ng mga nasabing baryabol.

Populasyon at Bilang ng mga Respondente


Ang mga mag-aaral sa istrand na HUMSS ng Senior High School ng Pamantasang Sentral ng

Maynila ang napili bilang mga respondent. Sila ay nagmula sa dalawang pangkat ng ikalabing-

isang baitang na may bilang na 52 o na bahagdan (19%) ng kabuuang populasyon ng mga

kasalukuyang mag-aaral ng departamento ng senior high school sa taong pampanuruan 2016-

2017. Nararapat lamang na sila ang anpili ng mga mananaliksik bilang mga tagatugon sa pag-

aaral dahil sila ang nakapailalim sa bagong kurikulum ng Kagawaran ng Edukasyon at nasa

ilalim ng kanilang istrand ang mga propesyong kaugnay sa pananaliksik na ito.

Talahanayan Blg. 1
Kabuuang Bilang ng mga Mag-aaral na Tagatugon sa Bawat Pangkat
Pangkat Bilang ng Tagatugon
HUMSS 11=1 26
HUMSS 11-2 26
Kabuuan 52

Sa Talahanayang Blg. 1, ipinapakita sa unang kolumn/hanay ang dalawang pangkat ng ikalabing-

isang baiting ng istrand na HUMSS at sa ikalawang hanay naman ay ang bilang ng mga mag-

aaral sa bawat pangkat na may kabuuang na naging tagatugon sa pag-aaral na ito. Ang HUMSS

11-1 ay may bilang na 26 na katulad ng bilang ng HUMSS 11-2 na may kabuuang populasyon

ng mga tagtugon na 52.

Deskripsyon ng mga Respondente

Bilang mga kalahok ng pananaliksik, ang mga respondente ay mga (1) nasa 16-18 na

taong gulang, (2) nasa ikalabing-isang baitang ng istrand na HUMSS, (3) mag-aaral ng

Pamantasang Sentral ng Maynila, at (4) maaring nasa honor roll o hindi.


Instrumentong Ginamit

Ang instrumenting ginamit sa pananaliksik ay “Achievement Test”. Ang “Achievement Test” ay

dinisenyo upang masukat ang pang-unawa at ang nakuhang kaalaman ng mga mag-aaral. Ang

mga aralin na ginamit sa dalawang grupo ng nakapag-iisang baryabol ay magkatulad ngunit

nagkaiba sa wikang ginamit sa pagtuturo. Ang banghay-aralin na ginamit ay hiram at pinagtibay

mula sa Department of Education Teachers Guide.

Paraan ng Pangagalap ng Datos

Nangalap ang mananaliksik ng kaalaman mula sa mga nailimbag na mga lokal at banyagang pag-

aaral at literatura mula sa mga silid-aklatan ng pamantasan at sa internet.

Ang pangunahing pinagmulan ng mga datos ng pananaliksik ay ang mga marka ng mga kalahok

ng parehong gurpo sa mga pagsusulit na ibinigay. Ang mga mananaliksik ay mismong ang mga

tagapamahala sa mga aralin ng parehong grupo upang maiwasan o mabawasan ang pagkakaiba

sa pagtuturo sa pagitan ng dalawang grupo. Ang dalawang grupo ay tinuruan ng parehong aralin

at nabigyan ng magkatulad na mga pagsusulit ngunit magakaibang midyum sa pagtuturo. Bago

ang pangangasiwa ng pag-aaral, isang pretest ang binigay sa dalawang grupo. Ang ekperimental

na grupo ay sinagutan ang pagsusulit na nakasulat sa wikang Filipino habang ang kontrol na

grupo ay sinagutan ang pagsusulit na gumamit ng wikang Ingles. Ito ay upang malaman ang

kanilang naunang kaalamanan hingil sa paksa ng aralin at upang malaman kung ang dalawang

grupo ay maihahambing sa isa’t isa. Matapos ang aralin, ang parehong pagsusulit ay ipinamahagi

sa mga kalahok bilang posttest upang masukat ang lawak ng kanilang kaalamanan at para sa

pagkukumpara ng kanilang mga marka. Makaraan ang isang lingo, isang retention test na katulad
lamang ng pretest at posttest ang muling ipinamahagi sa mga kalahok na magsusukat sa pagtanda

ng kanilang mga natutunan.

Istadistikang Ginamit

Analysis of Covariance ang istadistikang ginamit sa pananaliksik. Ito ay ginamit upang


masubukan ang pangunahing epekto at interaction effects ng nakakapag-isang baryabol sa isang
tuloy-tuloy at umaasa o di nakapag-iisang baryabol. *

You might also like