Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Filipino

Baitang-9

I. Paksa
Elementong Pabula

II. Layunin

 Natutukoy ang mga Elementong Pabula.


 Naiuugnay ang pansariling damdamin sa damdamin ng tauhan sa
 Pabula.
 Nakakagawa ng sariling pabula mula sa mga larawan na nakapaskil.

III. Yugto ng Pagkatuto

a. Panalangin
 Magtatawag ng isang mag-aaral na mangunguna sa panalangin.
b. Drill
 Pasasagutan sa mga mag-aaral ang mga inihandang Bugtong.
c. Pagbabalik-Aral
 Magtatanong sa mga mag-aaral tungkol sa paksang tinalakay sa
nakaraang araw at kung ano ang kanilang natutunan.
d. Pagganyak
 Tatawagin ang Gawain na “DUGTUNGAN”.
 Gamit ang mga larawan na nakapaskil sa harapan, gagawan ng mga
mag-aaral ng istorya o kwento ang mga ito.
 Isa-isa na tatawag ang gurong mag-aaral na magbibigay ng istorya at
dudugtungan itong susunod na mag-aaral na tatawagin.
 Magtatanong ang guro kung ano ang napapansin sa kwentong nagawa
mula sa mga larawan.

e. Paglalahad
 Ilalahad ng guro ang Paksang Tatalakayin at ang mga Layunin.
f. Pagtatalakay
 Tatalakayin ng guro ang mga element ng pabula sa pamamagitan ng
larong “Pili-pili”.
g. Paglalahat
 Magtatanong kung ano ang mga natutunan sa paksang tinalakay at
kung anong aral ang napulot sa kwentong nagawa.
h. Paglalapat
 Papangkatin ng guro ang mga mag-aaral sa apat(4) na pangkat.
Magpapabunot ang guro ng strip kung saan may nakasulat na
elementong pabula.
 Ipapanood sa mga mag-aaral ang Pabula na pinamatagang “Si Ping ang
Matulunging Kambing”. Ipapasuri sa bawat pangkat kung alin doon ang
mga elementong pabula.
 Ipapaskil ng bawat pangkat ang kanilang sagot sa Burger Chart.
 Ang pagmamarka sa bawat pangkat ay ibabase sa Pamantayan na
inihanda.

IV. Pagtataya
Panuto: Isulat sa kahon katapat ng Elemento na kinabibilangan nito ang mga salita
na kinuha mula sa pabulang pinamagatang “Ang Agila at ang Maya. Isulat sa kalahating
papel.

Tauhan Tagpuan Banghay Aral/


MagandangKaisipan

Kalawakan Agila Maya Ituktok ng mataas na Bundok

Maging mapagkumbaba Huwag maging mayabang


Umuulan Hinamon ni Agila si Maya sa isang hamon.

Nakasalubong ni Agila ang isang maliit na ibong Maya. Nagwagi si Maya sa hamon ni Agila.

V. Takdang Aralin

Panuto : Alamin kung ano ang Parabula at ang mga Elemento nito.

Isulat sa kalahating papel.

You might also like