Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Isang Suring Basa sa

ABNKKBSNAPLAK
o?!

Ni Bob Ong
Talaan ng Nilalaman

♦Buod ng ABNKKBSNAPLAKo?!♦ . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

♦Tauhan ng Kwento : Roberto Ong♦ . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

♦Teorya para sa Kwento♦ . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

♦Mga Bisa♦. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Buod ng “ABNKKBSNPLAKo?!”

Si Roberto Ong ay ang isang simpleng lalaki, na ay kung sabihin, simple rin ang hangarin sa
buhay, yung ay “mag ka trabaho ng naka polo at naka korbata.” Noon bata siya, nag aral siya sa isang
pampublikong paaralan, doon ay naranasan niya ang tipong edukasyon na ay tawagin natin na “low
quality.” Kahit papaano ay natuto rin siyang paghalagaan ito ngunit ang Math ay isang pagkalibre.
Naranasan ni Roberto ang buhay ng isang tipical na estudyante sa elementary. Wala gaanong
requirements, pero nahahanap niya sarili niyang problemado. Naranasan niya ang pagka makiling ng
mga guro sa eskuwelahan, ang pagkakaroon ng mga “teacher's pet” kung sabihin, at lahat ng ganyan.
Nang grumaduate at tumungo papuntang Highschool, naranasan niya ang paunti-unting paghihirap ng
tunay na buhay ng studyante. Dito niya nakilala ang iba't ibang uri ng tao sa mundo, ang mga grupo,
ang mga walang grupo, mga bobo at mga matalino. Nakita rin niya ang mga tamad at hindi tamad (kung
meron man), na isang gabi lang gagawin ang project, na umaga bago mag klase gumagawa ng takdang
aralin. Dito ay dahan-dahan nang nawawalan ng interes si Roberto sa pag-aaral. Ng papuntang kolehiyo,
dito ay nakita ang katalinuhan niya. Halos lahat ng i-napplayan niya ay nai-pasa niya ang eksam. Ngunit
nung kolehiyo na siya, ay nagbago lahat. Ang pagpapatungo niya pagaaral. Madalas kung malate, kung
minsan absent, napilitan tuloy lumipat. Ng ito'y ginawa niya, hindi parin naisalba ang problema niya sa
pagaaral. Ang tanging problema niya ay katamaran, ang katamaran niya ang taos-pusong nagpakita
nung siya'y nag kolehiyo na. Nakapagtapos siya kahit papaano, ilan taong nga lang ang inubos niya rito.
Sinumpa niya na ayaw niya ng mag aral, ngunit pagiging guro ang naranasan niya bilang unang
propesiyon. Dito natuklasan niya ang buhay ng isang guro, at nalaman niya na ang buhay ng guro ay
hindi madali. Mas marami ka pang aaralin kaysa sa mga studyante mo, kasi nga ikaw ang magtuturo;
minsan rin raw ay magiiba ang nalalaman mo ukol sa paksa na iyon. Hindi daw maiwasan ang tawag
natin na “favoritism” sa klase, dahil sa isang klase naman talaga, may mga bobo at may mga matalino,
laging may dibisyon. Nang “nag-sawa” si Roberto sa tatlong taon na pag tuturo, pinili niyang isuko ang
propesiyon na ay hindi naman pala niya gusto. Pagkatapos nun ay “lumiwaliy” siya sa mga “pinang-
galingan” niya. Madami siyang nalaman na bagay na dapat pala ay naunawaan niya pa nuon. Mahalaga
ang pag aaral, at kung sabihin natin ay mura ang isang taong pang tuition fee, pag sama samahin mo ay
ang laki ng halaga na nabayad mo. Na kahit grade 1 lesson ay mahalaga. Na kung pinag butihan niya
mas maganda sana trabaho niya. Nahiya rin siya nung nakita niya yung mga kabatch niya nung
highschool, dahil puro mataas na posisyon nila sa trabaho, puro “big-time” ang dating, habang siya
naman, ay naging guro, at masaklap ay sinuko ay ito.
Tauhan

Panungahin Tauhan – Roberto Ong (Bob Ong)

Si Roberto Ong ay isang lalaki na nagmahal ng pag aaral nung bata siya. Tulad na rin sa
karamihan ng batang estudyante, yung tipong may-ayaw sa Math dahil daw hindi maintindihan (one
fruit + one fruit = bagong fruit.) Nakikita sa kwento na isa siyang tamad na lalaki, hindi gumagawa ng
mga proyekto at mga takdang aralin. Mejo may kabalukturan din siya sa kanyang ugali, kung minsan ay
natuklasan ang pagdaraya niya sa mga eksam. Saka lang niya nalaman ang halaga ng pagbubuti ng pag
aaral nung huli na.
Teorya para sa kwentong “ABNKKBSNPLAKo?!”

Teoryang Realismo
→ Mga linya pang katibayan
→ “Hindi maiiwasan sa buhay ang bagyo. Kahit sa classroom.”
→ “Sa elementary, may subject na Good manners and Right conduct para magturo ng
kabutihang asal. Sa highschool, may School Regulations and Rules of Conduct para magturo sa mga
natutunan.”
→ “Hell ang high school.”
→ “Kaya lang 'yun pa lang ang nagagawa ko, kung baga sa bahay e nasa poste palang
ako. At ang deadline... within 60 minutes.”
→ Madami Pa...xD :))

→ Mismong katibayan

→ Lahat ng mga linya diyan sa itaas ay ku-kunti pa lamang sa mga madaming linya na
mag papatunay nito. Ito ay marahil madami sa mga sinasabi sa libro ay mga nangyari ng panahon pa ni
Bob Ong, nung malaki na ang 10 pesos. Ang mga nag-rurush ng homework, ang mga nag dadayaan
tuwing examination, at lahat niyan. Lahat niyan ay totoo, kahit pa man ngayon. Kadalas nga ay may
tinatawag pa kaming “evolution ng masamang gawain”, yung tipong kung nuon Copy Paste hindi pwede
ay ginagawa naman, kami naman, Copy Paste tapos sabay edit. Mga tipong ganun. Kahit nga ang mga
pag pagsisisi ng tao na dapat nag effort sila mag aral, marami rin ganun ngayon mga araw na'to. Pwede
mo rin isama yung tungkol sa public school, na sira sira ang mga classroom, madami kayo sa isang
room, ni minsan hindi mo pa sigurado kung tama ang tinuturo sa'yo. Madami parin ang ganito, ang sabi
pa ng mga SPEDers ay nakakarelate nga daw sila eh.
MGA BISA NG KWENTO

Bisang Panlipunan

→ Ang bisang kaisipan ng kwento ay ang mga pag kakahuli ng mga naisip o ng mga aksyon ng
isang tao. Ang nakita natin sa kwento ay may pagsisisi si Bob Ong sa kanyang hindi pag seseryoso ng
pag aaral, na napapahiya lang siya sa mga ka batch niya nuong high school, ngunit may kakayahan
naman kahit papaano. Pwede natin sabihin na si Bob Ong ang Kapitan ng kanyang buhay, at siyang
pumipili ng kanyang gawain sa buhay niya. (Nakita ito nung tinago niya sa mga magulang niya ang
tungkol sa kanyang pagaaral nuong kolehiyo siya.) Pwede natin sabihin na si Bob Ong ay isang
talinghaga ng Pilipinas, may kakayahan, pwede pa nga maka top. Nung mga naunang henerasyon ay
naranasan ng Pilipinas ang pagiging isa sa mga pinaka maunlad na bansa sa Asia, tulad rin ni Bob Ong,
ay maunlad rin siya kahit papaano nung hindi pa siya kolehiyo. Eh tingan mo ngayon, may kakayahan
nga tayo, bilang bansa, ang nuong isa sa mga pinaka maunlad na bansa ay ngayon isa sa mga pinaka
hindi nagagampanan na bansa sa mundo.

Bisang Pangdamdamin

→ Kahit hindi ako nag pampublikong paaralan nung elementary ako, masasabi ko na
nakakarelate ako kahit ng kunti. Hindi lang naman kasi sa pampublikong paaralan ang pag rurush ng
mga requirements, or ang pag dadaya. Naramdaman ko na AKO YUNG NASA KWENTO, NA AKO SI
ROBERTO ONG. Pinaparamdam satin ng akda ang mga “pinagdadaanan” ng pangunahing tauhan.

Kung titingnan mo ang harap na pabalat ng MACARTHUR, iisipin mong


may pagka-action-packed, Rambo-type ang tema nya. Sa back cover
naman, iisipin mong may pagka-adik sa ka-kwelahan ang atake ng
manunulat dito. Yun din ang akala ko nung una pero nagkamali ako. Big
time. Kasi may pagka-seryoso ang paglalahad nito, konti lang ang
nakakatuwang parte. Sa loob ng back cover, yung note na: “The author’s
proceeds will go to Gawad Kalinga…” ay nagpapatunay na sa kabila ng
mga kumakalat na mis-information at wrong impression ng mga tao tungkol
sa tunay na pagkatao ng may akda, siguradong may ginintuang puso din
sya.

Ito ang isang malaking pagkakamaling ikinatuwa ko naman at hindi ko


pinagsisihan na mabasa ang librong ito. Dito mas lalo ko pang nakilala ang
artistikong kumbinasyon ng kababawan at kalaliman ni Bob Ong bilang
manunulat. Tunay na kahanga-hanga!
Ang nobelang ito [mas akma nga yatang tawaging “maikling kwento”] ay
tungkol sa samu’t saring buhay, kadalasa’y malungkot, minsan pa’y
kahindik-hindik at ang ilan pa nga’y na kwento ng mga magkakaibigang
sina Cyrus, Noel, Voltron at Jim na taga-squatters area. [Kaya pala kulay
pula’t itim ang pabalat nito.]

Sa isang banda, masasabi ring “action-packed” rin sya dahil sa maraming


eksena ng habulan. May pagka-Rambo type din naman kasi maraming “usi”
na nabanggit sa kwento [Hehe!] at palaban sa buhay ang mga piling tauhan
dito.

Sa makatotohanang pagku-kwento kung saan nagkalat ang mga mura,


salitang kalyeng ngayon ko lang nabasa gaya ng: “abnormalites” at
“bogaloids” gayundin ng mahusay na paraan ng pagkakalarawan ng awtor
sa paligid at mga tao dito, maiisip mong malapit sa puso nya at talagang
tunay na buhay (gayunma’t malayo sa “ideal”) ang mga nabanggit.

May mga puntong parang maapektuhan ka sa nangyayari sa istorya: gaya


nung ebak na hindi lumubog-lubog sa kabila ng ilang buhos at ilang
trahedyang kagimbal-gimbal. Sa bandang ¾ ng kwento magkakaroon ng
kahulugan ang kaugnayan ng mga buhay ng mga pangunahing tauhan
ngunit tila dagli ring matatapos ito sa huli kaya bitin ang dating.

Sa kabila nito, isa itong epektibong kwento na lantay man ng trahedya at


twists, gigisingin nito ang iyong kaisipan at damdamin patungo sa
pagbabago na pinapahiwatig ng katapusan.

Isang magandang mensahe nito sa’kin: hindi mo alam kung kelan ka


kukunin ni Lord kaya UMAYOS KA!!! At i-enjoy ang bawat sandaling
lumilipas kasama ng mga mahal mo sa buhay– kaibigan man o pamilya.

Iiwan ko sa inyo ang pinaka-paboritong parte ko, sa page 93:

“Bumagsak sa sahig si Mang Justo. Sabog ang bungo, butas ang katawan,
walang buhay. Baha sa dugo ang maliit na bahay. Sa paligid ang mga
taong nagising, nakiki-usyoso, at di alam ang gagawin. Sa banig si Cyrus,
nanginginig hawak pa rin ang baril. Sa pintuan, si Noel hawak ang supot ng
mga gamot; tulala sa inabutang bangkay ng matandang kaibigan. Sa
kalangitan, ang mga nagliparang pangako ng hinaharap, dahan-dahang
hinahangin, kasama ang mga nasayang na pangarap, papunta sa walang
hanggang kawalan.”

P.S. 1: Salamat uli kay Faye Aguilar sa pagpapahiram ng librong ito.


P.S. 2: [Hindi yung playstation.] Hwag akong tularan. Bumili ng librong ito
para sa Gawad Kalinga.
P.S. 3: [Oh, ha? Kaya nyo ‘to?] Ang ma-intrigang tanong ng marami: Bakit
“MACARTHUR” ang pamagat ng aklat? Alamin nyo na lang. Wehehe!

You might also like