Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

BP-PRIA Form 1 (Sipi ng Mag-aaral)

FILIPINO
Kindergarten Panimula

Si Ana at Si Lisa

Papasok sa paaralan sina Ana at


Lisa. Biglang nadapa si Lisa. Inalalayan
BP-PRIA Form 1 (Sipi ng Mag-aaral)
FILIPINO
Grade 1 Panimula

Si Nida
\

Si Nida ay masunuring bata.


Lagi siyang tumutulong sa mga
gawaing bahay. Natutuwa sa
kanya ang kanyang mga
magulang. Siya ay mabait at
palakaibigan tulad ng kanyang ate
at kuya. Hinahangaan siya sa
kanilang pamayanan dahil sa
kanyang mga katangian.
BP-PRIA Form 1 (Sipi ng Mag-aaral)
FILIPINO
Grade 2 Panimula

Umaga na Pala!

Kring! kring! Tunog ng orasan.

Nagdasal muna siya at nagligpit ng


higaan. Dali-dali niyang kinatok si

kumain ang dalawa.

Papasok na sila sa eskwelahan.


Pupunta sa trabaho ang kanilang mga
magulang. Bago umalis sila ay

sagot ng mga batang


magagalang.
BP-PRIA Form 1 (Sipi ng Mag-aaral)
FILIPINO
Grade 3 Panimula

Ang Ulirang Ina

Isang pugad ang makikita sa sanga ng punong-


kahoy.
Gawa sa tuyong dahon at tangkay.
Matiyagang binuo ng isang inahing ibong
mapagmahal at dakila.
Lumipad ang ibon papalayo sa kanyang pugad.
Lahat ng lugar ay kanyang ginalugad.
-lipad.
Nag-aantabay ng pagkaing hinahangad.
Isang bulate ang kanyang namataan.

nilapitan.
Sa inakay agad dinala at ipinakain.
BP-PRIA Form 1 (Sipi ng Mag-aaral)
FILIPINO
Grade 4 Panimula

Pasinggatan: Salamin ng Bayanihan ng mga


Taytayano
Isa sa mga pinagyayamang kultura ng mga
mamamayan ng Bayan ng Taytay ay ang
-25
ng Marso hanggang ika-4 ng Mayo.
Kapansin-pansin ang pagsasamahan at
pagtutulungan ng mga Taytayano para sa
paghahanda ng nasabing pagdiriwang.
Makulay ang paligid. May hanay ng mga

palaro para sa kabataan at matatanda. Kabilang din


sa masasaksihan ang karera ng mga bangka at mga
ibang ahensiya ng
pamahalaan. Tampok din ang parade, sayaw mula
sa binuong mga tribu at ang inaabangang
kompetisyon para sa mutya ng bayan. Higit sa lahat,
hindi kinaliligtaan ang pagdaos ng misa bilang
pasasalamat.
BP-PRIA Form 1 (Sipi ng Mag-aaral)
FILIPINO
Grade 5 Panimula

Ang Pangarap ni Fredo

Si Fredo ay panganay sa pitong anak ng mag-asawang


Mang Tonyo at Aling Selfa. Sa murang edad, pangarap na
niyang maging isang abogado.

-iibayuhin ko ang pag-aaral at magiging


matagumpay ako balang- Fredo sa
sarili.

Bago pumasok sa eskwela, tumutulong muna siya sa


pagbibilad ng isda. Kapag umuwi na siya, agad niyang
tinutungo ang maliit na kamalig upang tumulong sa paghuhugas
ng mga isdang huli ng ama na ibibilad naman kinabukasan.
Pagkatapos ng gawain, saka lamang siya nag-aaral ng leksiyon.

Tuwing Sabado naman, sumasama siya sa ama para


maglaot. Hindi niya iniinda ang pagod at tindi ng sikat ng araw
para makatulong sa magulang.

Maraming taon na rin ang lumipas mula nang huli kong


makita si Fredo. Ayon sa kanyang kapatid, lumuwas siya sa
lungsod upang mag-aral ng abogasya.

Dahil sa sipag at tiyaga, ang batang Fredo ay kilala na


ngayong
BP-PRIA Form 1 (Sipi ng Mag-aaral)
FILIPINO
Grade 6 Panimula

Palawan, Pinakamagandang Isla sa Mundo

Muli na namang tinanghal na pinakamagandang isla sa


mundo ng isang sikat na babasahin ang Palawan. Halos tatlong
taon na ang nasabing pagkilala na mas lalong nagpatingkad at
nagpa-angat ng ekonomiya ng lalawigan.

Luntiang kapaligiran, maaliwalas na simoy ng hangin,


masasarap na pagkain at mga taong palakaibigan ilan
lamang sa mga magagandang katangian ng isla kung bakit ito
ay binabalik-balikan.

Nakabibighani sa mga turista ang mapuputing buhanging


dinadampian ng mabining alon. Ilan lamang sa mga sikat na
lugar na nagkakanlong ng magagandang dalampasigan ay ang
isla ng El Nido, Coron, Honda Bay, at ang Underground River na
kabilang sa Seven Wonders of Nature.

Naging puntahan na ng mga sikat na personalidad sa

Bigla kong naisip na napakayaman at napakaganda ng


aking lupang sinilangan. Lupang hindi ko man lang napuntahan
kahit n
bayan.

Salamat na lamang sa papuri at kwentong tumatak sa


aking isipan na sa kabila ng hindi ako nabiyayaan ng paningin
ay para ko na ring napuntahan.
BP-PRIA Form 1 (Sipi ng Mag-aaral)
FILIPINO
Grade 7 Panimula

Ang Marunong sa Buhay

Noong unang panahon, may isang bayan na ang mga


mamamayang naninirahan ay payak at tahimik. Pagsasaka ang
kanilang pangunahing ikinabubuhay. Dito naninirahan si Mang
Juan.

Dumating sa bayang ito ang mga dayuhan tulad ng mga


Bisaya, Ilonggo, Waray at iba pa.

Isang araw, napasyal sa bayang ito si Derick, isang


bisayang negosyante Humanga siya sa kasimplehan ng buhay ng
mga naninirahan dito ganundin sa magagandang tanawin tulad
ng mapuputing buhangin at mayamang kalikasan.

Agad na nakilala si Derick dahil sa kanyang pagiging


bukas-palad sa mga mahihirap. Nakuha agad niya ang loob ng
mga naninirahan dito.

Isang araw nagpatawag siya ng isang pagtitipon.


Inanyayahan niya ang mga nagmamay-ari ng malalawak na
lupain. Ipinaalam nitong nais niyang bumili ng lupa. Nahikayat
ang mga tao na ipagbili ang lupang kanilang sinasaka kapalit ng
malaking halaga maliban kay Mang Juan.

Naging masipag at masinop si Mang Juan sa paglilinang


ng kanyang lupang sinasaka. Hindi naglaon ay halos nabili na
niya ang lupang sinasaka ng kanyang mga kanayon samantalang
ang mga ito ay walang habas sa paggasta.

Lumipas ang mga taon, unti-unting naubos ang perang


pinagbentahan ng lupa ng kanyang mga kababayan. Bumalik sila
sa pagsasaka sa lupang pag-aari na ni Mang Juan.

Si Mang Juan na dating simple ay naging mariwasa ang


pamumuhay.
BP-PRIA Form 1 (Sipi ng Mag-aaral)
FILIPINO
Grade 8 Panimula

Minsan May Isang Lola

Sa isang bayang sakop ng Palawan, naninirahan ang isang


labing limang taong si Rosario na ngayon ay Charry kasama ng
kanyang lolang si Maria. Nasa w g gulang
n

Maituturing mang uhaw sa pagmamahal at kalinga ng


kanyang magulang ay lumaking magalang at masunurin si Charry
sa kanyang lola. Ang kanyang lola nag-iisang taong malapit sa
kanyang puso mula nang maghiwalay ang kaniyang mga
magulang at abandonahin siya ng kanyang inang may iba ng
pamilya sa Singapore.

Hindi nagkulang si Lola Maria sa kanyang apo sa pagtuturo


ng kagandahang-asal. Nais niyang lumaki si Charry tulad niya na
pinalaki sa sinaunang paniniwala, tradisyon at kultura. Subalit
kinse anyos pa lamang si Charry kaya naman kahit anong higpit
ni Lola Maria sa kanya ay nanaig pa rin ang pagiging milenyal
niya. Niyakap niya ang modernong panahon at sinuway na niya
ang kanyang lola na kalaunan ay hindi na niya pinahahalagahan
at binibigyang-pansin.

-
kanyang kaklase sabay abot ng cellphone sa kanya. Kapitbahay
niya ang tumawag. Pagkalipas ng ilang minutong pakikipag-usap
bigla siyang hinimatay.

Kaya nang mailibing si Lola Maria, isang malungkot na


katotohanan ang pumukaw sa diwang nakalimot ni Charry. Wala
na ang isang taong gumabay at nagmahal sa kanya nang totoo -
ang kanyang Lola. Ganunpaman ipinagpatuloy niya ang mabuhay
taglay ang mga natutunan sa mga nangyari sa kanyang buhay.
BP-PRIA Form 1 (Sipi ng Mag-aaral)
FILIPINO
Grade 9 Panimula

Si Alexander

Ang presensya, pag-aaruga at pagmamahal ng magulang


ang mahalagang kasangkapan sa pagtahak ng magandang
kinabukasan ng kanilang anak. Ito ang magsisilbing gabay upang
maitawid ng isang anak ang kanyang katauhan sa masamang
gawain na impluwensya ng lipunan.

May isang mag-aaral na nagngangalang Alexander ang


nananabik sa darating na pasukan. Siya ay papasok na sa ika-9
na baitang. Hindi maipaliwanag ang kanyang nararamdaman
sapagkat magkikita-kita na naman sila ng kanyang mga kaibigan.
Si Alexander ay lumaki sa kanyang lola sapagkat bata pa lamang
siya ay nangibang bansa na ang kanyang mga magulang upang
magtrabaho at mabigyan ng magandang kinabukasan. Uhaw siya

nahahanap ito. Mahilig siya sa gimik at paglalaro ng basketball.


Kapag tumatawag ang kanyang mga magulang mula sa ibang
bansa ay ibinabalita niya ang masasayang karanasan sa paaralan
at mga kaibigan. Kahit nasa ibang bansa ang mga magulang ay
hindi sila nagkukulang sa pagpapangaral sa kanya at laging
inuulit- -
kanilang kaalaman na napapadalas na ang pagliban sa klase ng
kanilang anak.

Lumipas ang maraming buwan at papalapit na ang kanilang


ikaapat na markahang pagsusulit at abala ang lahat niyang
kaklase sa paggawa ng proyekto ngunit bukod tanging si
Alexander ang hindi alam ang gagawin. Dahil sa maraming tala ng
pagliban ay kinausap siya ng kanyang tagapayo at tinanong kung
ano ang dahilan kung bakit napapabayaan na niya ang kanyang
pag-aaral. Walang naging tugon si Alexander ngunit unti-unting
BP-PRIA Form 1 (Sipi ng Mag-aaral)
FILIPINO
Grade 10 Panapos

Pinag-isang Daigdig

Hindi naitago ni Amihan ang luha nang lumapit si Hakim. Sapagkat


kasabay ng pagdiriwang ng kanyang ikalabing walong kaarawan ay
inihayag ng hari ang simula ng pagsasanay sa pagiging reyna. Nais din
nilang sila ang pipili ng makakaisang dibdib ng anak. Ang kababata
niyang si Hakim na pinuno ng hukbo ang napipili nila para sa anak.
Subalit kapatid ang turing ni Amihan kay Hakim.

Nasa hardin si Amihan at wiling-wili siya sa mga paruparo.


Napadpad siya sa lagusan. Bumabalik sa kanyang balintataw ang
daigdig na laging ikinukwento ng tagapag-alaga. Ang daigdig ng tao na
nagdudulot sa kanya ng ligaya. Tila hinihigop siya ng elementong nasa
labas. Nakita niyang may sumakay sa dyip. Sumakay din siya. Nalito siya
gyayaring iyon.

isinumbong niya sa hari. Ikinagalit ng hari ang pagsuway ng anak.

Namuhay si Amihan sa mundo ng mortal kasama si Karding.


Mahirap bagamat masaya sa piling ni Karding na nagsisikap na
mabigyan ng magandang buhay. Samantala, sinundan siya ni Hakim at
pilit na pinababalik. Dumating si Karding. Nagpambuno sila. Natuklasan
niyang prinsesa si Amihan.

Nangibabaw pa rin ang pagmamahal. Lumipas ang panahon,


nalaman niyang maysakit ang hari. Bagamat masaya na siya sa piling ng

tawad sapagkat ito ang nararapat. Natuwa ang ama nang makita ang
anak. Pinatawad din niya si Karding sapagkat nasubaybayan niya ang
kabutihan nito kay Amihan. Sumigla ang hari nang igawad ang
pagpapatawad. Pinayagan ng hari na bumalik sa labas ng palasyo ang
mag-asawa subalit hindi ang kanyang apong si Kawan sapagkat
hinirang niya itong bagong hari ng Kaharian ng mga immortal.
BP-PRIA Form 1 (Sipi ng Mag-aaral)
FILIPINO
Grade 11 Panimula

Wika ng Puso sa Damdamin ng Pagkakaisa

Sinasabi na ang wika ay pagkakilanlan ng isang bansa. Masalimuot na


proseso ang pinagdaan ng wika hanggang sa ito ay nakilalang Filipino. Mahigit
dalawang dekada na ang nakalipas mula nang ang wikang Pilipino ay naging
Filipino. Marami pa rin ang nauutal kapag inilatag na ang dila sa pagsiwalat ng
bawat titik.

Makikita sa Facebook at iba pang tabyalang pangkalawakan ang mga


larawan, bidyo at iba pang nagpapakita kung paano nila ipinagdiwang ang
Buwan ng Wika. Kabilang ang pagsusuot ng mga sinaunang Kasuotang
Pilipino. Hanggang sa pag-alala na lang ba tayo at pagbalik-tanaw ng
kulturang Pilipino na bihira na natin makita sa pang-araw-araw na gawi?

Sa pagsasaulo pa lamang ng pyesa na kung saan ang mga salitang


ginamit ay hindi karaniwan, halos aatras na ang bata na makilahok sa kanyang
sasalihan. Pagkatapos ng palabas, tapos na rin ang kwento ng pagdiriwang.

Ang mga damit na isinuot muling ibabalik sa laglagyan. Ang awit na


ilang linggo ring inaaral ay badoy na pakinggan. Ang tula na halos buong
mag-aaral na ang marunong bumigkas ay makaluma na at walang kabuluhan.
Ang datos ukol kay Manuel L. Quezon ay mabubura na ng talambuhay ng
iilang pulitiko at artista. Sa ganitong kalagayan, mapapaunlad ba natin ang
wika sa pamamagitan ng pagsasa-entablado ng mga kultura?

Kung wika lamang ang tulay upang magkakaunawaan at magkakaisa


ang bawat Pilipino, hindi sana nagtagumpay ang mga mang-aawit na

titingnan halos Amerikano ang nanguna sa naturang proyekto na mga Negro


naman ang nagbenipisyo. Magkakaka-ibang wika at kultura ngunit nagkaisa
at nagtagumpay.

Samakatuwid hindi Wikang Filipino ang kailangan ng mga Pilipino upang


magkaisa kundi ang puso at damdamin na ang layunin ay magbuklod tungo sa
pagkakaisa. Ang wika ng puso ay mas madaling mababasa ng isipan ang
nilalaman kahit walang namumutawi mula sa ating lalamunan.
BP-PRIA Form 1 (Sipi ng Mag-aaral)
FILIPINO
Grade 12 Panimula

#Babasahing Milenyal: Mabisa?

guro. Mabisa kung mula rito ay napalalawak ang talasalitaan,


naiintindihan ang mga pangyayari sa paligid, nauunawaan ang malalim
na dahilan ng bawat kaganapan sa buhay ang mga kabiguan,
kahirapan, pagsubok at pagbangon o tagumpay, nakakukuha ng
kaligayahan at nakahuhugot ng mga aral na magagamit upang makita

mga tao.

Ngunit ano ba ang paraan ng mabisang pagbasa? Paano


makatutulong ang makabagong teknolohiya na maging mabisa ang
pagbasa ng mga kabataang lumaki sa panahon na tinatawag na
milenyal ang mga kabataan sa modernong panahon? Hindi maikakaila
na sa pag-inog ng mundo at patuloy na pag-unlad ng teknolohiya ay
sumasabay rin ang pagdami ng mga kagamitang magagamit sa
pagbasa. Nariyan ang Wattpad at E-book na maaaring pagkunan ng
kuwentong nakakikilig. May Messenger at Twitter na naglalaman ng mga
usapan at patama sa mga hinahangaan, minsan pati buhay ng iba ay
pinag-uusapan. Hindi rin pahuhuli ang Facebook na naglalaman ng mga
status symbol, hugot lines, at memory ng bawat isa. Mayroon ding email
na ginagamit sa pagpapadala at pagtanggap ng mga mensahe at
dokumento mula sa malalayong pook. Ilan lamang ito sa mga bahagi ng
teknolohiyang kinagigiliwan ng masa na nasa makabagong henerasyon.

Sa kasalukuyan, maraming nawiwiling magbasa sa pamamagitan


ng mga nabanggit na social media lalo na ang mga milenyal. Ayon sa
kanila, hindi mo na kailangang pumunta pa sa mga silid-aklatan dahil
maliban sa mahirap maghanap ng mga aklat dito ay limitado pa ang
mababasa. Sa internet kasi ay madaling makakita at makabasa sa
simpleng pagpindot lamang ng kompyuter o celfon kahit nasa bahay,
sasakyan, liwasan, restawrant at mall. Ngunit nakasisiguro ba tayo sa
kalidad ng mga nababasa sa mga internet at social networking site?
Marahil ay hindi. Sapagkat hindi tayo nakatitiyak kung nakaayon sa
pamantayan ang mga makikita nating lathalain. Makabubuting nakaayon
sa tuntunin ng pagsulat- wastong baybay, ideya, tamang gamit ng salita,
tamang paggamit ng malaki at maliit na titik - ang lahat ng babasahin
upang makatiyak na ito ay istandardisadong lathalain na makatutulong
sa mga mambabasa na maunawaan ang kahalagahan ng bawat bagay
at pagsubok na dumarating sa kanyang buhay. Kung mangyayari ito
masasabing naging mabisa ang pagbasa. Laging tandaan na anuman
ang babasahin ay mahalagang kapulutan ito ng aral at magsilbing
inspirasyon sa magandang pagtingin ng buhay na kaloob sa atin.

You might also like