Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Pamagat:

DEKADA ‘70

Ang Dekada '70 ay isang pelikulang puno ng kahulugan, lalim at pagtatanong sa tunay na
kahulugan at kalagayan ng kababaihan sa lipunan. Bagama't maliwanag na ang manunulat na si
Lualhati Bautista ay nagmumula sa feministang pananaw, hindi naging radikal ang kanyang
pagtrato sa isyu ng kababaihan. Sa halip mas pinaigting pa ng pelikula ang kahalagan ng papel
na ginagampanan ng isang ina sa pamilya. Mamumulat ang mga magulang na makakapanood ng
Dekada '70 sa tunay na papel na kanilang ginagamapanan sa mga anak. Sa kabilang banda'y mas
mauunawaan ng mga anak ang kanilang mga magulang na nagsusumikap na maging gabay sa
anumang kanilang naisin sa buhay. Sinasabi ng pelikula na walang perpektong magulang o anak
sa anumang panahon, ngunit mananatiling matatag ang isang pamilyang may tunay na
pagmamahal at pagmamalasakit hindi lamang sa kanilang sarili kundi maging sa ibang tao at sa
bayan.
Direktor:
Chito S. Ronio
Line Prodyuser:
Trina N. Dayrit
Prodyuser:
Tess V. Fuentes
Executive Prodyuser:
Charo Santos-Concio
Line Prodyuser:
Lita Santos
Executive Prodyuser:
Malou N. Santos
Screen Writer:
Lualhati Bautista
Music by:
Nonong Buencanimo
Cinematography by:
Neil Daza

Mga Tauhan:

Amanda Bartolome – Vilma Santos


ay isang babaeng nagsisikap matunton at maunawaan ang tunay na kahulugan ng pagiging isang
babae sa gitna ng masalimuot na kalagayan ng bansa noong dekada '70 sa ilalim ng Batas Militar.
Siya ay ina ng kanyang anak na puro lalaki

Julian Bartolome – Cristopher de Leon


Asawa ni Amanda, may prinsipyo pero hindi mapigilan ang mag desisyon ng kanyang mga anak

\Jules Bartolome – Piolo Pascual


panganay na anak nina Amanda at Julian. May paninindigan, buo ang loob at tunay na
makabayan at sumali sa Kilusang Makakaliwa

Emmanuel Bartolome – Marvin Agustin


Isang Makata at Manunulat

Isagani Bartolome – Carlos Agassi


Halimbawa ng isang mapusok na kabataan , pumasok sa pagiging isang US navy bagama’t
taliwas ito sa paniniwala ng mga kapatid
Jason Bartolome – Danilo Barrios
Mahilig sa musikang rock n’ roll namatay dahil sa kalaban ni Jules, na kasapi sa kalaban ng
pamahalaan

John Wayne Sayce – Bingo


Mapagmahal at bunsong anak ng mag-asawang Amanda at Julian

Mara – Ana Capri


Asawa ni Jules , kabilang din sa kilusang kinabibilangan ni Jules

Evelyn - Dimples Romana


Asawa ni Gani

Tema:
Ang kahalagahan ng pamilya para sa ikabubuti ng isang mas malalaking komunidad, katulad ng
sarili nating bansa at gampanan ang ating mga pananagutan para sa ating kalayaan.
Ito’y madaling unawain para sa katulad nating mga ordinaryong manonood dahil nakatuon ito sa
hirap na dinanas ng isang pamilya noong dekada sitenta. Madali nating naiuugnay ang ating
sarili dahil mayroon din tayong pamilya na karamay nating sa lahat ng oras. Sa hirap o ginhawa
man ay lagi silang nandyan para sa atin. Naiiba nga lang ang sitwasyon ng pamilya Bartolome
dahil sila ay nasa panahon ng Batas Militar pero ganu’n pa rin dahil sama-sama nilang
pinaglalaban ang kanilang karapatang pantao sa panunungkulan noon ni Ferdinand Marcos sa
bansa. Makikita nating ang pamilya nila ay makabayan at buo ang loob sa anumang problemang
kinahaharap kaya naman sa kanilang pagkakaisa ay makakamit nila ang kalayaang hangad ng
bawat isa bilang mamamayan ng bansa. Ang pagiging isa ng bawat pamilya ay makabubuo ng
isang matatag na pundasyon para sa isang bansang walang kalayaan at kapayapaan.

Ang tema ng palabas na ito ay ang mga problemang dumating sa magkakapatid, sa ama na
humarap sa mga suliranin sa kanyang mga anak, sa ina na nagbigay ng kanyang pagmamahal ng
buong puso sa pinakamahirap na problemang dumating sa kanila. Ang boses ng isang ina na
naghahanap ng isang karanasang kakaiba sa pakikisalamuha sa mga tao, pagkakaroon ng silbi!
Na gusting maunawaan kung sino sya bilang asawa, bilang ina at bilang isang babaing Pilipino.

Buod:
Ang panahon ng Martial Law ay nagdulot ng ibayong hirap sa mamayang Pilipino. Isang di-
makatao at di-makatarungang gobyerno na nagbibingi-bingihan sa daing ng mamayan. Laganap
sa bansa ang iba?t ibang klaseng krimen gaya ng salvaging. Magkabila ang mga rallies at iba
pang demonstrasyon na kinabibilangan ng mga estudyanteng imbis na nag-aaral ay
nakikipaglaban upang makamit ang kalayaan at ito ang lubhang bumagabag kay Amanda
Bartolome, isang tipikal na maybahay, ?Mom? ng 5 anak na pulos lalaki. Ang kanyang buhay ay
umikot na lang sa pagiging ina at asawa, at nakuntento na siya sa pagiging ganito kahit na
kakulangan ang nadarama niya para sa sarili. May mga pangarap siyang ninais din niyang
matupad, itinuring niya na lang na ang katuparan ng mga pangarap ng kanyang mga anak ay
katuparan na niya rin.Ang panganay na si Jules, may liberal na pag-iisip. Naging isang
komunista, di man matatawag na isang tunay na propesyon dito na niya natagpuan ang katuparan
ng kanyang pangarap, pangarap ng isang makataong lipunan para sa anak nila ni Mara na s iRev
at sa iba pang kabataan naghahangad ng mabuting kinabukasan. Sumunod ay si Gani, maagang
nag-asawa?t nagka-anak ngunit mabilis din silang nagkahiwalay ni Evelyn. Siya?y nanirahan na
sa Abroad kapiling ng kanyang bagong pamilya. Ang pangatlo si Em, pinakamatalino sa
magkakapatid naging isang magaling na manunulat sa isang lingguhang pahayagan na
tumutuligsa sa Martial Law. Sumunod ang pinakamalambing na si Jason, ang kakulangan niya
bilang estudyande ay matagumpay na napagtatakpan ng katangian niya bilang anak. Isang araw
sa di-inaasahang pagkakataon, natagpuan ang kanyang bangkay sa isang basurahan, hubo?t
hubad, labimpito ang saksak, tagos sa baga ang iba tuhog pati puso. May marka din ng itinaling
alambre sa pulso, talop halos ang siko, tastas pati hita?t, tuhog, basag pati bayag. Malagim at
malupit ang pagkamatay ni Jason, salvage dahil kung bakit at kung sino ang maygawa walang
makapagsabi. Ang kaso ng pagkamatay ni Jason ay hindi na nagkamit ng hustisya. Ang bunsong
si Bingo namulat sa mundong walang katahimikan at walang katiyakan, ngayo?y magtatapos na
ng kolehiyo.Iba?t ? iba ang kinahinatnan ng buhay ng mga anak ni Amanda. Sa loob ng 27 taon
ng pagiging asawa at ina, sa kanyang palagay hindi siya ganap na umunlad bilang tao. Nagsilbi
na lang siyang bantay sa paghahanap at pagkatagpo ni Julian ng katuparan niya bilang tao, sa
paglaki ng kanyang mga anak at pagtuklas ng kanilang kakayahan at kahalagahan. Si Julian
naman ay naging manhid at parang walang pakialam sa kakulangan nadarama ng kanyang asawa,
naging walang kibot sa mga problemang kinakaharap ng kanilang pamilya. Kaya minsan napag
isip-isip ni Amanda na makipaghiwalay na dito, sa kauna-unahang pagkakataon nagawa niyang
ipaalam kay Julian ang pagkukulang niya sa kanyang pamilya, lalo na kay Amanda. Pinigilan
siya ni Julian at nangakong magbabago at kanya naming tinupad ang pangakong ?yon.Paulit-ulit
na binabalikan ni Amanda ang masasayang alaala ng kabataan ng kanyang mga anak. Masarap
ang maging ina habang maliliit pa ang mga anak mo, habang wala pa silang sinasaktan sa?yo
kundi kalingkingan ng paa mo na natatapakan nila sa kasusunod at kapipilit magpakarga pero
hintayin mo ang panahong kasintaas mo na siya, ?yong panahon ng pagkakaroon niya ng sariling
isip at buhay, buhay na hiwalay na sa?yo, at matitikman mo sa kamay niya ang mapapait na
kamatayan habang inihahanda mo ang kasal na hindi niya gusto. Habang nagpuputukan sa tapat
ng kongreso sa isang pagkakataong hindi pa siya umuuwi. Habang binabasa mo ang balitang
nasugatan siya sa isang sagupaan. Habang ibinibigay nila sa?yo ang selyadong kabang ng batang
kailanma?y di mo malilimutan hinugot mula sa tiyan mo. Ito ang nadama ni Amanda nang
pumunta sila sa burol ni Willy, kaibigan at kasamahan ni Jules sa NPA na napatay sa isang
engkwentro.Naging mahirap para kay Amanda na tanggapin ang pagkamatay ni Jason at ang
pagsali ni Jules sa NPA, hindi niya mapigilan ang sarili sa pagaalala sa kalagayan nito na minsan
pa nga ay nagdadala ng mga kasamahang sugatan sa kanilang tahanan upang ipagamot sa ina.
Maging ang pagkasira ng relasyon nila Gani at Evelyn. Ang pagkakamali at mga kabiguan ng
kanyang mga anak ay nagagawa niyang isisi sa sarili, iniisip niya na marahil meron siyang
pagkakamali sa pagpapalaki sa mga ito.Natamo niya ang kaganapan ng kanyang pagkatao sa
pagtulong na kanyang ginagawa sa mga sugatang kasama na dinadala ni Jules. Pagtulong na
bukal sa kanyang puso, tungkulin hindi naman iniatas sa kanya ninuman o isang obligasyon, na
kahit gaano man kapanganib ay nagawa pa rin niyang gampanan.Tuloy pa rin ang laban tungo sa
kalayaan, nakaalpas man tayo sa pagmamalupit ng diktador, tuloy pa rin ang laban na sinumulan
pa ng ating mga ninuno at hindi ito matatapos hanggang may mga taong gahaman sa
kapangyarihan. Marami pang buhay na handang ibuwis at marami pang tulad nila Jules at Mara
na handang makipaglaban upang makamtan ang kalayaan ng ating bayan. Natutunan niyang
pangibabawan, kahinaa?t kahirapa. Sa mga kamay ng kaaway o sa larangan man. Magiting
siyang nanindigan.
Musika:

Ang musikang ginamit sa pelikula ay nababagay lamang sa takbo ng pangyayari sa pelikula.


Nakakatulong din ito upang lalong madama ng mga manonood ang emosyon na ipinapakita ng
mga tauhang gumaganap sa kwento. Dahil ditto mas nagkaroon ng buhay ang pelikula atmas
nadama ng mga manonood ang iba’t-ibang mga emosyong pinababatid ng mga nagtatanghal.

Sinematograpi:

Ang “Dekada 70” ay isang palabas na tunay na makabayan. Sinasalamin nito ang mga taong
tumatahak sa kanilang mga landas na may gusting patunayan. Ang mga tao sa likod nito ay may
kakayahang makapagpalabas ng isang buhay na larawan ng isang pamilyang dumanas ng mga
problema. Sa mga kasuotan at mga gamit dahil ito ay naganap noong mga 1970 naipakita ang
mga kasuotan at mga gamit na talagang pang 1970. Dahil sa mainam ang pagkakagawa ng
pelikula, nagiging background na lamang ang mga makatotohanang props at setting, at parang
nanonood at nakikinig na lamang tayo sa mga masalimuot na pangyayari sa buhay at madalas ay
madrama o nakatutuwang mga usapan ng isang pangkaraniwang pamilya noong dekada sitenta.
Nakakalimutan nating si Vilma Santos talaga si Amanda Bartolome, si Christopher de Leon
talaga ang asawa niyang si Julian, at napapaniwala tayong isang mataas na pinuno ng NPA talaga
si Jules, at hindi ito si Piolo Pascual. May isang eksena sa gitna ng pelikula na simple ngunit
puno ng simbolismo. Sa gabi ng unang araw ng pag-alis ni Jules upang sumali na sa NPA at
mamundok, makikita natin si Amanda at Julian na nakaupo sa veranda ng kanilang bahay. Pinag-
uusapan nila ang ginawa ng kanilang anak. Nagsisimula ang eksena sa isang long shot, at
mapapansin nating nasa ibabang bahagi ng screen ang isang mesang bubog kung saan
nasasalamin ang baligtad na imahe ng mag-asawa. Ipinahihiwatig sa atin ng shot na ito na
binabaligtad na ng mundo sa labas ang kanilang dati’s masayahin at tahimik na tahanan. Naibalik
ng pelikula ang larawan ng dekada '70 sa mga eksena nitong nagpapakita ng mga
demonstrasyon, protesta at rallies na tunay na nangyari noong panahon na iyon. Ang musika at
tunog ay madalas na akma at nagpapaigting sa emosyong nais ipahatid ng pelikula.

Pagkakasunod-sunod ng Pangyayari :

Ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa pelikula ay tamang-tama lamang at ayos na


ayos kasabay ng pagpapalabas ng pelikula. Sa ganitong paraan mas naeengganyo ang mha
manonood na panoorin ang pelikula dahil sa magandang takbo ng mga pangyayari.

Pagganap ng mga Artista:


Napakagaling ng pagkakaganap ni Vilma Santos sa karakter ni Amanda , damang-dama ng
manonood ang emosyon dahil sa napakagandang pagganap niya sa role na iyon. Sa parte naman
ni Cristopher de Leon ay napakahusay din ng kaniyang pagkakaganap dito sa pelikula.
Napakagaling lahat ng mga artistang gumanap sa pelikulang ito dahil sa napakagaling nilang pag
arte at maayos na pagsasabuhay dito ay marami ang naengganyong panoorin ang pelikulang ito.
Tagpuan:

Sa Highway
Bahay ng mga Bartolome
Presinto

Aral:

You might also like