Kricel Lualhati 3

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

I. Bata,Bata…Pan’no ka ginawa?

>Ang Bata, Bata… Pa’no Ka Ginawa? ay isang nobela na isinulat ng batikang babaeng manunulat
na si Lualhati Bautista.Hinggil ito sa ginaganapang papel ng babae, katulad ng may-akdang si L.
Bautista, sa lipunan ng mga Pilipino na dating pinaiinog lamang ng mga kalalakihan. Sa mga
nakalipas na panahon, sunud-sunuran lamang ang mga kababaihan sa Pilipinas sa kanilang mga
asawang lalaki at iba pang mga kalalakihan. Gumaganap lamang ang mga babae bilang ina na
gumagawa lamang ng mga gawaing pambahay, tagapag-alaga ng mga bata, at tagapangalaga ng
mga pangangailangan ng kanilang mga esposo. Wala silang kinalaman, at hindi nararapat na
makialam – ayon sa nakalipas na kaugalian – hinggil sa mga paksa at usaping panghanap-buhay
at larangan ng politika. Subalit nagbago ang gawi at anyo ng katauhan ng mga kababaihan sa
lipunang kanilang ginagalawan, sapagkat nagbabago rin ang lipunan. Nabuksan ang mga
pintuan ng tanggapan para sa mga babaeng manggagawa, nagkaroon ng lugar sa pakikibaka
para mapakinggan ang kanilang mga daing hinggil sa kanilang mga karapatan, na buhay ang
kanilang isipan, na may tinig sila sa loob at labas man ng tahanan.
II. Author
> Lualhati Bautista
Si Lualhati Bautista ay isang bantog na babaeng Filipinong manunulat.Kadalasan, ang mga akda
niya ay nasa anyong nobela o maikling kwento,pero nakalikha na rin siya ng ilang akdang-
pampelikula. Pinanganak si Lualhati Bautista sa Tondo, Manila noong Disyembre 2,1945.
Nagtapos siya sa Emilio Jacinto Elementary School, noong 1958 ,at saTorres High School noong
1962. Naging journalism major siya sa Lyceum of thePhilippines, ngunit nag-drop out bago man
niya matapos ang kanyang unangtaon. Ilan sa mga nobela niya ang: Gapo, Dekada 70, at Bata,
Bata, Pano KaGinawa? na nakapagpanalo sa kanya ng Palanca Award ng tatlong beses:noong
1980, 1983, at 1984. Nakatanggap din siya ng dalawang Palanca Awardpara sa dalawa sa
kanyang mga maikling kwento: Tatlong Kuwento ng Buhayni Juan Candelabra (unang
gantimpala, 1982) at Buwan, Buwan, Hulugan moAko ng Sundang (pangatlong gantimpala,
1983). Noong 1984, ang kanyangscript para sa Bulaklak ng City Jail ay nagwagi bilang Best Story-
BestScreenplay sa Metro Manila Film Festival, Film Academy Awards, at StarAwards.
III. TAUHAN
· Si Lea Bustamante ay isang mapag-aruga at mapagmahal na ina kay Ojie at Maya.
Nagtratrabaho siya sa isang organisasyon na kung saan ipinaglalaban ang karapatan ng tao o
isang human rights organization. Nagkaroon ng dalawang asawa at matiyagang binubuhay ang
kaniyang dalawang anak. Naniniwala siya na mas mainam na sabihin na agad ang totoo sa mga
bata kaysa malaman pa nito sa iba. Siya ay maituturing na isang uri ng tauhang lapad sapagkat
mula umpisa ay hindi nagbago ang ugali at pananaw niya sa kaniyang buhay. Pinakita rin sa
nobela kung gaano siya katatag na ina sa kaniyang mga anak.
· Si Raffy ang naging unang asawa ni Lea at iniwan niya nang magkaroon ng trabaho sa
Surigao. Siya ang ama ni Ojie. Bumalik sa Maynila upang makasama ang kaniyang anak.
Mayroon na rin itong asawa at magtatatlong buwan na itong buntis. Gusto niyang isama si Ojie
sa Amerika upang makapiling na niya ito. Siya ay isang uri ng tauhang lapad dahil hindi nagbago
ang pakitungo nito kay Lea at ang pagmamahal nit okay Ojie, nandoon pa rin ang kaniyang
paglalaban na alagaan na lamang ni Lea ang mga bata kaysa sa magtrabaho pa ito sa
organisasyon.
· Si Ding naman ang pangalawang asawa ni Lea. Siya ang ama ni Maya. Naging karamay ni Lea
sa mga panahong hindi nabibigay ang nais ni Lea kay Raffy. Laging naroon sa kaniyang nanay.
Siya ay isang uri ng tauhang bilog sapagkat sa huli ay nagbago ang kaniyang pag-ibig kay Lea at
nagpakasal sa iba.
· Si Ojie ang panganay na anak ni Lea na nais sanang dalhin ni Raffy sa Amerika. Kahit na
kinaiinisan si Maya ay mahal na mahal niya ito at nais niyang ipakilala sa kaniyang tatay. Siya ay
isang uri ng tauhang bilog sapagkat noong una ay sumusunod ito kay Lea pero kalaunan ay
naging pabaya ito sa pag-aaral at nakita na lamang ni Lea na nagsusugal ng pool kasama ang
matatanda.
· Si Maya ang bunsong anak ni Lea. Masayin at madadal . Nanalo ng Ms. Kinder sa kanilang
paaralan. Isang uri ng tauhang lapad si Maya dahil hanggang sa huli ay ang pagmamahal niya
kay Lea ang naging dahilan sa pagpili niya rito kaysa sa pagsama sa kaniyang ama.
· Si Johnny Deogracias ang katrabaho ni Lea at kung minsan ay tumutulong ito sa kaniya at
may nangyari sa kanila. Dinakip siya ng mga pulis at kinasuhan ng PDA. Isang uri ng tauhang
lapad si Johnny dahil hanggang sa huli ay hindi nagbago ang kaniyang pananaw at pinaglalaban
niya pa rin ang karapatan ng tao kahit na siya ay nakulong na.
· Si Mrs. Zalamea ang principal ng pinapasukang paaralan ng mga anak ni Lea, nagalaskahan
silang dalawa ng unang magkita at nagakita ng paghanga kay Lea dahil kayang-kaya ni Leang
lumaban sa karapatan ng tao ngunit siya ay hindi dahil nasa kapahamakan ang kaniyang
trabaho kung saka-sakali siyang lumaban. Isang uri ng tauhang bilog dahil ng unang magkita sila
ni Lea at parang hindi ito gusto si Lea at sa huli ay naging mabuting magkaibigan silang dalawa..
IV. TAPUAN
· Sa bahay ni Lea nangyari ang halos lahat ng pangyayari sa nobela.
· Sa mall at karnibal nagkita muling si Lea at Raffy at nagbonding kasama ang mga bata.
· Sa eskuwelahan nagsimula ang nobela sa paggradwayt ni Maya sa Kinder at dito rin nagtapos
ang nobela sa paggradwayt ni Ojie at ang pagbigay ni Lea ng talumpati.
· Sa loob ng kuwarto ng principal nagkasagutan si Lea at ni Mrs. Zalamea na kalaunan ay naging
mabuting magkaibigan.
· Sa trabaho ni Lea inilahad sa nobela ang ginagawa ng isang miyembro ng organisation kung
paano nila ipinaglalaban ang karapatan ng bawat tao.
· Manila ang pinanggaganapan ng kuwento sapagkat naisaad dito ang nangyari sa pagkamatay,
paglibing kay Ninoy Aquino at pagprotesta ng mga tao laban sa gobyerno.
V.Buod
Nagsimula ang nobela sa pagmamartsa ng magtatapos sa kinder, isa si Maya, ang anak ni Lea
kay Ding ay gragradwayt ng oras ng iyon. Bago simulan ang pagbibigay ng honors ay may
inilatag na isang programa ang paaralan, yung ay ang Ms. Kinder ’83, kasali si Maya sa mga
kalahok. Hindi hinayaan ni Lea na lagyan ng kahit na anong panretoke sa mukha o kahit lipstick
man lang si Maya dahil naniniwala si Lea na ang ganda ng isang bata ay wala sa mayk-up o kung
anong kolorete sa mukha. Tumulo ang luha ni Lea nang tanghaling Ms. Kinder ang anak, dali-
dali niya itong pinicturan ngunit ubos na ang kaniyang film. Ginawaran din si Maya bilang third
honors. Nagkaroon ng konting salo-salo sa bahay ni Lea na kung saan ang karamihan sa
kanilang bisita ay mga bata, dumating naman si Pilar sa kanilang bahay at inalok si Lea na isali si
Maya sa contest ng Johnsons Johnsons at iisponsoran nito ang bata ngunit ayaw na itong isali ni
Lea sa kahit na anong contest. Nasa trabaho si Lea nang mga oras na iyon nang tumawag si
Raffy sa kaniya upang sila’y muling magkita at magka-usap. Humingi si Raffy ng pabor kung
maaaring makasama niya si Ojie, pumayag naman si Lea at agad na sinabi ito kay Ojie, ngunit
hindi sang-ayon dito si Ding, nagpumilit namang sumama si Maya, at mahigpit na binilinan ito ni
Ding na alamin ang bawat kilos ni Lea at Raffy. Nang magkitang muli ang mag-amang Ojie at
Raffy ay masayang-masaya ang dalawa, pumunta sila sa isang karnibal at doon nagkaroon ng
pagkakataon na magka-usap muli ng masinsinan sina Raffy at Lea, dito na umiyak nang umiyak
si Lea sa paglalabas ng sama ng loob nito kay Raffy, nalaman ni Lea na mayroon na palang
bagong asawa si Raffy at tatlong buwang buntis na ito. Tumira si Ojie sa kaniyang ama sa loob
ng isang buwan at pinayagan naman ito ni Lea ngunit ayaw itong paalisin ni Ding dahil wala raw
makakasama si Maya sa bahay pero wala nang magagawa pa si Ding. Nang makabalik na si Ojie
sa bahay ni Lea ay nagpatuli naman na ito, bagamang onse ayos pa lang ay gusto na nitong
magpatuli. Nagka-usap muli sina Lea at Raffy at sinabi ni Raffy na gusto niyang isama si Ojie sa
Amerika. Araw na nang pasukan at sinamahan na ni Lea si Maya sa silid nito, nalito pa ang guro
sapagkat akala nito ay De lara din ang apelyido ni Maya. Nagkaroon ng isang miting ang lahat ng
magulang sa eskuwelahan at nagpakilala ang bawat magulang. Nainis si Lea at nung siya na ang
magsasalita ay sinabi nito na huwag nang sayangin pa ang kanilang oras. Nagbotohan naman
sila ng officers at may isang lalaki doon na laging isinasali ang pangalan ni Lea sa mga kandidato,
muli ay nainis siya at saka nagsalita nang nagsalita. Nang mabasa ni Lea ang balita ay dali-dali
itong pumunta ng kaniyang opisina upang malaman ang nangyaring pagkamatay ni Ninoy
Aquino, laman ito ng balita at libo-libong tao ang nagprotesta dahil sa nangyari.Natapos na ang
unang kuwarter ng pasukan at ibinigay na sa mga bata ang kanilang report card at dahil sa
malalim na pag-iisip ni Lea ay nagkapalit nang pirma ito sa report card ng mga bata, kaya naman
nagbigay siya ng sulat sa guro nito na kung maaari ay baguhin na lang at magbabayad na
lamang siya, pero ang sabi ng mga guro ng mga bata ay kanilan siyang kausapin ng principal.
Nang magka-usap ang principal at si Lea ay nalaman ng principal ang trabaho ni Lea at humanga
ito sakaniya dahil kaya niyang ipaglaban ang karapatan ng tao. Naging magkaibigan si Lea si
Mrs. Zalamea. Nasa trabaho si Lea nang tumawag ang kaniyang kapitbahay at ibinalita rito na
naospital ang kaniyang mga anak. Pagdating niya sa ospital ay bukol sa ulo ang natamo ni Ojie
at gasgas naman ang kay Maya, galit na galit na dumating sina Ding at Raffy, nanermon nang
nanermon ang dalawa na para bang siya lahat ang ay kasalanan sa nangyari, dahil din sa galit ni
Lea ay iniwan niya ang mga bata sa kani-kanilang ama. Dahil sa inis ay tinawagan ni Lea si
Johnny ay niyayang manood ng sine, pagkatapos nito ay inalok ni Lea si Johnny na makipag-
anohan sa kaniya, nung una ay ayaw nito pero kalaunan ay pumayag na rin. Nang makalabas na
ng ospital ang kaniyang mga anak ay naghanda siya ng kaunti upang makabawi sa mga ito dahil
sa hindi niya pagdalaw. Pagkaraan naman ng gabi ay tumawag ang asawa ni Johnny kay Lea at
ibinalita rito ang pagkakakulong ni Johnny sa salang PDA. Sumapit ang pasko at bagong taon,
walang Ding na umuwi sa bahay ni Lea ngunit nang umuwi ito ay sinabi ni Ding na may asawa
na siya at nagpakasal sila noong pasko, at gusto nitong isama si Maya. Natapos ang nobela sa
pagpili ng kaniyang mga anak na sumama na lamang sa kaniya kaysa sa kanilang mga ama at
ang paggradwayt ni Ojie ng elementarya.
VI.Simbolism
> Tinulungan niya ang kanyang mga anak sa mga pagbabagong nangyari sa kanila at minahal
niya ito ng totoo.
VII. TEORYANG PAMPANITIKAN
> Ang nobelang Bata, Bata…Pa’no ka Ginawa ni Lualhati Bautista ay gumamit ng dulog na
Feminismo sapagkat babae ang pangunahing tauhan ng nobela, ipinakita sa nobela kung gaano
katatag si Lea sa mga pagsubok na dumating sa kaniya, naipakita rin ang kaniyang pagmamahal
sa kaniyang dalawang anak na kung saan na kahit na may posibilidad na sumama ang kaniyang
mga anak sa kani-kanilang ama pero hinayaan niya pa rin ang mga ito na sila mismo ang pumili
at magdesisyon kung kanino sila sasama. Pinakita rin sa nobela ang pakikipagsabayan ng mga
kababaihan sa mga kalalakihan na kung saan mas pinili ni Lea na kaniyang trabaho kaysa kay
Raffy, naisaad din sa nobela ang mga palaban na kababaihan sa paglalaban nila sa kanilang
karapatan. Naipahayag din ang pagsali ng mga kababaihan sa protesta laban sa nagaganap na
Martial Law sa bansa.
> Feminismo ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang
pambabe at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang
isang panitikan ay feminism sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay ipima-
yagpag ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.
VIII. REKOMENDASYON
> Madaling intindihin ang istorya. Sumasalamin ito sa mga tunay na nangyayari sa araw-araw
na buhay ng pamilyang Pilipino. Ito ay kakapulutan ng aral ng mga magulang kung paano nila
pangalagaan ang kanilang relasyon na kanilang mga anak; at ng mga anak ukol sa pagrespeto sa
kanilang mga magulang at mga nag-aaruga sa kanila.
> Magandang mapanood ito ng mga kabataan at mapag-usapan sa silid ng aralan upang lalong
maintindihan upang lalong maintindihan ang mensahe ng nobela.

You might also like