Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

III.

Mga Tauhan:
· Rogelio Manglicmot/ Kapitan Sino
Ang pangunahing tauhan sa kwento. Isang ordinaryong binata, katatamtaman ang katawan
at kayumanggi ang kulay, residente ng Pelaez na sinubok ng tadhana ng tanggapin niya ang
hamon na maging isang bayani para magligtas sa kanyang kapwa.
· Mang Ernesto
Ang tatay ni Rogelio, isang matandang mabigat ang loob dahil sa kanyang sakit, sa huling
bahagi ng kwento ay matutuklasan ang tunay na dahilan ng kanyang di gaanong mabuting
pakikitungo sa kanyang pamilya.
· Aling Hasmin
Ang mabait at maunawaing nanay ni Rogelio.
· Bok-Bok
Kababata ni Rogelio at nagsisilbing sidekick ni Kapitan Sino, siya ang unang nakaalam ng
tungkol sa itinatagong kapangyarihan ni Rogelio at nagkumbinsi sa kaibigang maging superhero
upang makatulong sa kapwa.
· Tessa
Kababata ni Rogelio at ang babaeng tinitibok ng kanyang puso.
· Mayor Solomon “Omeng” Suico
Ang mabait at mapagkawanggawang mayor ng Pelaez subalit mayroong misteryosong
katauhan.
· Aling Precious
Kapitbahay ni Rogelio na laman lagi ng kalye, madalas kapayabangan ni Aling Baby.
· Aling Baby
Ang mortal na kaaway ni Aling Precious, laman rin lagi ng kalye.
· Aling Chummy
Ang nagpakulong kay Rogelio dahil hindi umano napigilan ng binata ang kanyang asawa sa
paninigarilyo kaya ito namatay.
· Anghela
Ang manikurista na tagapagdala ng “balita” kina Aling Baby.
· Mang Berto
Ang tanod ng barangay.
· Mang Jose
Ang napabalitang nawawala kasama ng kanyang mga anak at magulang.
· Jong
Residente ng Pelaez na nangangalakal ng basura at madalas manghiram ng kariton kay
Rogelio.
· Ging-Ging
Ang makulit na batang laging bumibili sa “sari-sari store” ni Rogelio,nagging malungkutin
simula ng mamatay ang binata.
· Vice Mayor Virgilio Samonte
Ang naghanda ng palabas para bigyan ng parangal si Kapitan Sino.
· Dating Heneral
Kapatid ni Mang Jose. Nagwala at nagbato ng granada sa araw ng parangal para kay Kapitan
Sino dahil hindi umano nito nailigtas ang kanyang kapatid.
IV.Tagpuan:
Dekada 80, sa bayan ng Pelaez.
V.Buod:
Ang kwento ay umiikot sa bayan ng Pelaez, ito ay tungkol sa isang dalawampu’t
limang taong gulang na binatang si Rogelio Manglicmot, residente ng Pelaez isang
karaniwang tao, ngunit nagsimulang magbago ang kanyang buhay ng madiskubre ng
kanyang kaibigan na si Bok-Bok ang kanyang kakaibang lakas at kuryente sa kanyang
katawan na nagsisilbing kapangyarihan,hindi sinasadyang nakita ni Bok-Bok na
napapaandar pa rin ni Rogelio ang soldering iron at napapailaw ang bumbilya kahit
walang kuryente gamit ang kamay niya, pinilit ni Rogelio na itago ang kanyang
naiibang kakayahan dahil para sa kanya isang malaking responsibiidad ang pagiging
superhero subalit nakumbinsi din siya ng kanyang kaibigan na gamitin ang
kapangyarihan para tumulong sa kapwa. Katulad ng mga superhero na napapanood sa
pelikula, nahirapan rin sa umpisa si Rogelio na kontrolin at gamitin ng maayos ang
kanyang kapangyarihan, ngunit di kalaunan ay natutunan din niya itong gamitin ng
maayos sa tulong ng kanyang mga kaibigang sina Bok-Bok at Tessa hanggang sa
makilala siya bilang si “Kapitan Sino”, ang makakapitan ng mga tao.

Holdapan, Kidnapan, nakawan, sunog pati pagsagip sa pusang nakasabit sa puno ay


inaagapan ni Kapitan Sino, lahat ginagawa niya para makatulong kaya naman ganoon
na lang ang paghanga sa knaya ng mga tao. Hanggang sa dumating na ang mabigat
niyang kalaban, isang halimaw na mukhang gorilya, minsan na niya itong natalo sa
isang laban, subalit isang gabi ay sumalakay ulit ang halimaw. Ayon sa mga kapitbahay
ni Rogelio nangindnap umano ito ng isang bata. Hinanap ni Rogelio ang halimaw para
iligtas ang nasabing bata mula sa kamay nito, nagtuos ang dalawa sa isang lumang
ospital. Natalo ni Kapitan Sino ang halimaw at nalaman din niya ang tunay na
katauhan ng halimaw. Ang isang bagay na nakapagpalungkot sa kanya ng sobra nang
gabing iyon ay ang katotohanang wala na ang kaisa-isang babaeng kaligayahan ng
mundo niya, hindi bata ang nakuha ng halimaw kundi si Tessa na natagpuan ni Rogelio
na wala ng malay, sinubukan niya itong dalhin sa ospital pero namatay din ang
dalaga.Hindi niya nagawang sagipin si Tessa.
Matapos ang mga pangyayari ng gabing iyon, naging abala si Kapitan Sino sa
pagiging superhero, mula paggising hanggang sa pagtulog, araw-araw ay wala siyang
ginawa kundi magtrabaho bilang bayani sa abot ng kanyang makakaya. Hindi na niya
napapansin ang ibang bagay at tao sa buhay niya katulad ng mga magulang niya, ni
ET, ni Bok-Bok at maging ang repair shop. Nawalan na siya ng mithiin at pangarap.
Napansin ni Mang Ernesto ang hindi magandang kalagayan ng anak kaya minabuti
niyang kausapin ito. Ipinaalam niya sa anak ang tunay niyang pagkatao at ipinainitindi
ang responsibilidad at hangganan ng pagiging isang superhero.
Naghandog ang bagong alkalde ng Pelaez ng isang palabas para malaman kung sino
ang tunay na Kapitan Sino at maparangalan ito. Dahil malaking pera ang parangal,
maraming mga impostor ang nagsulputan. Lalo pang nagkagulo ng magwala ang isang
dating heneral, may dala siyang granada, galit ang lalaki dahil hindi raw sila nailigtas
ng bayani. Bigla niyang inihagis ang granada, mabilis namang nakakilos si Rogelio,
dumapa siya sa granada upang hindi masabugan ang mga tao kaya siya nagkaroon ng
galos sa katawan at paso sa mukha. Napunit din ang costume ni Kapitan Sino kaya
nakilala siya ng mga tao, dinumog nila ang bayani. Subalit imbes na pasalamatan ay
sinisi pa siya sa mga bagay na wala naman siyang kinalaman at hindi niya naman
pwedeng solusyunan, dahil dito ay ikinulong siya.
Nagkaroon ng malaking problema ang bansa dahil sa pagkalat ng isang nakakahawa
at nakamamatay na sakit, ang AVH Fever. Isa lamang ang lunas para dito, ang dugo ni
Rogelio Manglicmot, pinagkaguluhan siya ng mga tao. Namatay si Rogelio habang
inililigtas ang isang bata sa pamamagitan ng pagpahid ng kanyang dugo dito, nanghina
ang binata at tuluyan ng binawian ng buhay dahil sa kakulangan o kwalan niya ng
dugo.
Pinarangalan ng Pelaez si Rogelio Manglicmot dahil sa kanyang nagawa pagkatapos
nitong mamatay. Hindi ito ikinatuwa ng kaibigan niyang si Bok-Bok dahil para sa kanya
wala ng kwenta ang parangal at ang mahalaga sa kanya ay ang mga aral na naiwan sa
kanya ng kaibigan na babaunin niya habang buhay.
VIII.Recomendasyon
Ang kapitan sino nga ay tunay na isang magandang libro. Aking inirerekomenda ito sa lahat
ng mga mahilig sa mga superheroes dahil ako ay sigurado na sila ay matutuwa at maaaliw sa
aklat na ito. Maraming mga bagay na mapagtatanto sa aklat na ito. Puno ng aral,
katatawanan, at kaaliwan ang aklat. Siguradong sulit ang inyung pera sa pag bili ng aklat na
ito.

You might also like