2 Sitwasyong Pangwika Sa Pilipinas

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

6/21/2018 (2) Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas

2
Search Divine Home

Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas


June 20, 2012 at 7:44 AM Zyvi Corleone
Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas
P. Constantino, L. Garcia at J. Ramos
1. Mahigit sa 100 wika at 400 na dayalek ang matatagpuan sa Pilipinas. Ang mga pag-aaral
na ginagawa pa kaugnay ng wika ay nagpapakita ng pagkakatulad ng mga ito. Gayunman, Notes by Zyvi Corleone
sa kabila ng mga pagkakahawig ng mga wika sa Pilipinas, malaki pa rin ang problema dahil All Notes
sa kolonyal na karanasan ng bansa kung saan ang isang banyagang wika ay nagpupumilit
na magdomina sa isang lipunang nadodominahan sa bilang ng mga hindi nagsasalita ng
wikang ito. Embed Post
2. Nahahati sa panahon ng (1) Kastila, (2) Amerikano, (3) Hapon, at (4) Republika Report
hanggang sa kasalukuyan
3. Panahon ng Kastila
People You May Know See All
Ang pananakop sa pamamagitan ng paghihiwa-hiwalay at pagbubukod-bukod sa mga
Nomar Maestro
Pilipino ay isinasakatuparan ng mga prayle sa pamamagitan ng pag-aaral nila ng mga 4 mutual friends
wikang katutubo sa halip na ituro ang wikang Kastila. Add Friend
Ang dahilan ng mga prayle (hindi pagtuturo ng wikang Kastila sa mga Indio):
IPis Na ITim
a. gusto ng mga prayle na manatili sa kanila ang pamahalaan. Add Friend
b. dahil lumalakas ang kilusang liberal sa Espanya, nasuri ng mga prayle na higit na
makabubuti para sa kanila kung hindi matututo ng wikang Kastila ang mga Pilipino at hindi
Shienna Mae Fungot Fuasan
makapagpapahayag sa pamahalaan.
Add Friend
c. ang kaalaman sa wikang Kastila ay makahihikayat ng pag-aalsa sa panig ng
mamamayan sapagkat mauunawaan nila ang mga batas ng pamahalaan.
Minerva Echavez
d. malakas ang paniniwala ng mga prayle sa kanilang sariling lahi, na sila’y superyor. 1 mutual friend
Add Friend
Ang Unang Hakbang Tungo sa Pagtataguyod ng Wikang Katutubo

- nagkaroon ng Kilusang Propaganda noong 1872 na siyang naging panimula ng Jun Belinario
2 mutual friends
pagkapukaw pa ng iba upang maghimagsik. Sumilang ang Katipunan ni Bonifacio. Ginamit
Add Friend
ang wikangTagalog sa kanilang mga kautusan at pahayagan.
- ang unang kongkretong pagkilos ng mga Pilipino na ginawa noon at nang pagtibayin Gie-gie de la Peña
ang Konstitusyon ng Biac-na-Bato noong 1899. 9 mutual friends
Add Friend
- sa pagkakatatag ng Unang Republika (Aguinaldo) nawala ang impluwensiya ni Mabini
sa pagpapatibay ng Tagalog bilang opisyal na wika sapagkat nasaad sa Konstitusyon na Maria Luisa Santos Diga
ang paggamit ng wika ay opsyunal alinsunod sa batas. Masasabing ang dahilan nito’y ang 1 mutual friend
pamamayani ng mga ilustrado sa Asembleyang Konstitusyunal. Pangkat ito nina Add Friend
Buencamino, at gayundin nais ni Aguinaldong maakit ang mga di-Tagalog. Sa gayo’y naging
biktima ng pulitika ang wika.
4. Panahon ng Amerikano

Ayon kay Senador Morgan ng Alabama, ang Pilipinas ay mahalaga bilang base militar
at komersyal ng Amerika sa silangan. Inaasahan din nilang mangangailangan sa
Pilipinas ng mga kagamitang mabibili sa kanilang bansa sapagkat mababago na ang
sistema ng pamumuhay sa kanilang ipakikilalang edukasyon.
Sa pagkakatatag ng pamahalaang sibil ng Pilipinas, ipinahayag ni Presidente
McKinley sa Komisyon ng Pilipinas sa pamumuno ni Hukom W. Howard Taft na bigyan
ng espesyal na atensyon ang pagtuturo ng Ingles sa Pilipinas bagamat sinabi niyang
“kailangang ipagkaloob ang edukasyon sa wika ng mga tao”. Naniniwala ang mga
mananakop na dapat ibigay ang libreng edukasyon sa kanilang wika sapagkat wala
raw karapat-dapat na wikang katutubo dahil “mga barbaro” ang mga iyon.
Hindi naging madali ang pagtuturo ng Ingles. Hindi maiwasan ang paggamit ng wikang
bernakular sa kanilang pagpapaliwanag sa mga bata. Noon 1900 ang
Superintendente Heneral ng mga Paaralan ay nagbigay ng rekomendasyon sa Kalihim
ng gobernador Militar ng paggamit ng bernakular bilang pantulong na wikang panturo.
Pinagtibay naman ng Lupon ng Superyor na Tagapayo ang resolusyon sa
pagpapalimbag ng mga librong pamprimarya sa Ingles-Ilokano, Ingles-Tagalog, Ingles-
Bisaya at Ingles-Bikol.
Chat (63)

https://www.facebook.com/notes/zyvi-corleone/sitwasyong-pangwika-sa-pilipinas/435120993188749/ 1/3
6/21/2018 (2) Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas
Noong 1906 pinagtibay ni Dr. David Barrows (direktor ng Kawanihan ng Pagtuturo) 2
Search Divine Home
ang isang kurso sa wikang Tagalog para sa mga gurong Amerikano at Pilipino sa
Philippine Normal School sa panahon ng bakasyon ng mga mag-aaral.
Nagbago na naman ang pamamalakad nang ang nahalili bilang Direktor ay si Frank
White dahil sa pagreresayn ni Barrows. Ipinahayag ni White na Ingles lamang ang
gagamiting wikang panturo at ipinagbabawal ang bernakular.
Ganito ang nakalagay sa Service Manual ng Kawanihan ng Edukasyon:

- Tanging Ingles ang dapat gamitin sa pag-aaral


- organisado at sentralisado ang sistema ng edukasyon (laging Amerikano ang
direktor ng Kawanihan)
- Sapilitan ang pagtuturo ng Ingles. Itinuro ang kasaysayan ng Amerika, ang
literaturang Ingles at Amerikano, ang mga ideyal at kaugaliang Ingles at Amerikano,
istruktura ng gobyerno at iba pa. Una pinasaulo ang Star Spangled Banner kaysa Land of
the Morning.

Ang naging resulta: ang pagwawalang-bahala ng mga nakapag-aral sa anumang


bagay na Pilipino at pagyakap at pagmamalaki sa anumang bagay na Amerikano.
Mga Isinagawa ng Kawanihan ng Pambayang Pagtuturo
Ang padalus-dalos na desisyong Amerikano at ang kanilang pagsisikhay na
mapalaganap ang Ingles bilang wikang komon ay sinalungat at tinutulan ng mga
Pilipino at maging mga Amerikano. Ayon kay Davi Doherty “hindi mangyayaring
maging wika ng buhay-tahanan at lansangan ang wikang ito. Kaya iminungkahi niyang
bumuo ng pambansang wika sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng pitong
bernakular na wika.

1. Paghahanap ng mga titser na Amerikano lamang

1. Pagsasanay ng mga Pilipino na maaaring magturo ng Ingles


2. Pagbibigay ng malaking emphasis sa asignaturang Ingles
3. Pagbabawal ng paggamit ng bernakular sa loob ng paaralan
4. Pagsasalin ng mga teksbuk sa wikang ito
5. Paglalathala ng mga magasing lokal para magamit sa mga paaralan
6. Pag-alis at pagbabawal ng wikang Kastila sa paaralan
7. * Hindi nag-iisa ang Kawanihan ng Pambayang Pagtuturo sa popularisasyon at
pagtataguyod ng wikang Ingles bilang wikang komon ng Pilipinas. Sa likod nito’y laging
nakalaan ang lehislatura at ang iba’t ibang departamento at ahensya ng pamahalaan.
Ayon kay Kongresman Manuel Gallego “Upang matupad ang layunin ng pamahalaan,
na isulong ang patakarang Ingles, sa pamamagitan ng iba’t ibang probisyon,
pinagtibay ito ng Komisyon ng Pilipinas at Lehislatura ng Pilipinas bilang opisyal na
wika ng Departamento ng Katarungan ng pamahalaan mula sa Hukuman, sa Korte ng
Tagapamayapa, sa Kataas-taasang Hukuman, at sa mga Korte sa buong kapuluan.
8. * Hindi nag-iisa ang Kawanihan ng Pambayang Pagtuturo sa popularisasyon at
pagtataguyod ng wikang Ingles bilang wikang komon ng Pilipinas. Sa likod nito’y laging
nakalaan ang lehislatura at ang iba’t ibang departamento at ahensya ng pamahalaan.
Ayon kay Kongresman Manuel Gallego “Upang matupad ang layunin ng pamahalaan,
na isulong ang patakarang Ingles, sa pamamagitan ng iba’t ibang probisyon,
pinagtibay ito ng Komisyon ng Pilipinas at Lehislatura ng Pilipinas bilang opisyal na
wika ng Departamento ng Katarungan ng pamahalaan mula sa Hukuman, sa Korte ng
Tagapamayapa, sa Kataas-taasang Hukuman, at sa mga Korte sa buong kapuluan.

5. Panahon ng Hapon

24 Hulyo 1942, pinalabas ang Ordinasa Militar Blg. 13 na nagsasaad na ang


Niponggo at Tagalog ang siyang opisyal na wika, pinapayagan lamang ang paggamit
ng Ingles bilang pansamantalang wika.
Nagkaroon ng Kapisanan ang Paglilingkod sa Bagong Pilpinas (KALIBAPI). Layunin
nito ang pagpapabuti ng edukasyon, pagpapalakas at pagpapaunlad ng
pangkabuhayan sa Pilipinas sa pamamatnubay ng Emperyong Hapones. Si Benigno
Aquino Sr ang direktor nito. Pangunahing proyekto nito ang pagpapalaganap ng
wikang Pilipino sa tulong ng Surian ng Wikang Pambansa.

6. Panahon ng Republika Hanggang Kasalukuyan

Ang Pilipino sa halip na gamitin agad ay pinagdudahan pa. Eksperimento muna ang
paggamit ng bernakular sa lalawigan ng Iloilo noong 1948 hanggang 1954 at muli Chat (63)

https://www.facebook.com/notes/zyvi-corleone/sitwasyong-pangwika-sa-pilipinas/435120993188749/ 2/3
6/21/2018 (2) Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas
noong 1967-68 sa Iloilo at Rizal. 2
Search Divine Home
Ang mga klase sa Tagalog ay naging labis na gramatikal at di nakaakit at nakahikayat
sa mga estudyante sa wikang pambansa.
Sa Konstitusyon ng 1987, pinagtibay na ang Wikang Filipino bilang wikang pambansa.
Ito’y batay hindi lamang sa Tagalog kundi sa lahat ng wika sa Kastila at Ingles. Sa mas
tiyak, ito ang tinatawag ngayon na pambansang linggwa frangka na wikang ginagamit
ng mga Pilipino sa pakikipag-usap sa isa’t isa sa kabila ng kanilang iba’t ibang wikang
sinasalita.
Sa kabila ng pagbabago sa basehan ng wikang pambansa, hindi pa rin natatapos ang
paggigiit pa rin ng ilang sektor na Tagalog pa rin itong Filipino. Isa pa ring problema ng
wikang pambansa na di pa nalulutas ay ang pagpapagamit dito bilang midyum ng
pagtuturo. Sa kasalukuyan, ang inaadap ng gobyerno ay bilinggwal na Patakaran sa
Edukasyon na pinagtibay noong 1973 at ipinairal noong 1974 hanggang sa
kasalukuyan.

Share

29

50 Shares 3 Comments

Titan Knows olryt...review review bago pumasok...haha


5y

Joesa Jerika Montes Morales sakit sa ulo!


5y

John Carlo Mallari .MA’AM YUNG SA PANAH0N PO NG AMERIKAN0 .YUNG 7


AT 8 PO AY MAGKATULAD.
5y

About Create Ad Create Page Developers Careers Privacy Cookies Ad Choices Terms Help

Facebook © 2018
English (US) Filipino Bisaya Español 日本語 한국어 中文(简体) ‫ اﻟﻌرﺑﯾﺔ‬Português (Brasil) Français (France) Deutsch

Chat (63)

https://www.facebook.com/notes/zyvi-corleone/sitwasyong-pangwika-sa-pilipinas/435120993188749/ 3/3

You might also like