Pagsulat NG Photo Essay

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Pagsulat ng Photo Essay

Filipino sa Piling Larangan

( Akademik )

Ipinasa kay:

Gng. Ma. Agnes S. Gil

Ipinasa ni:

Ian S. Hualde

12 – Antwerp
Hatak ng Sariling Kalunuran

Ang buhay ay kailan man ay hindi magiging perpekto, na sa lahat ng pagkakatao'y


makakamit natin ang ligaya sa ating mundo ngunit kadalasan ay humahantong ito sa
ikakalugmok ng ating mundo na pilit nating binubuhay para sa ibang tao.

Sa larawang ito ipinapakita na may isang kamay na pilit makaahon sa malawak na


katubigan. Nalulunod sa dagat na hindi alam kung ano ang kanyan kahahantungan. Sigaw
niya'y hindi maririnig ng sino man, walang tulong na makakapitan. Marinong nag-iisang
naglalakbay sa karagatan ng problema.

Marino, isang propesyong napakamapanganib. Buhay mandaragat sa pagsampa pa


lamang sa barko ay tila nakalibing na ang kalahating katawan. Sapagkat araw-araw ay
humaharap sila sa mga panganib sa karagatan. Ito ang sinisimbolo ng larawang aking
napili, ito ay hindi lamang tumutukoy sa literal nitong ibig sabihin kung hindi ay
nagrerepresenta din ito ng buhay ng isang marino. Ito ay parang isang representasyon ng
kalbaryong nararanasan ng mga mandaragat. Sila ay nalulunod sa dagat ng mga problema
at panganib na kanilang tinatamasa tulad ng pagkalayo nila sa mga mahal nila sa buhay na
nagbibigay sa kanila ng kalungkutan, isa pang panganib na balakid sa mga marino ay ang
hindi patas at balanseng pagtatrato ng mga nakakataas sa mga kapwa nitong mga
manlalayag na humahantong sa depresyon at iba pang mga karamdamang nakakaepekto sa
kanilang mga gawaing propesyonal na kadalasan ay hindi na nila magawa ng maayos ang
kanilang mga gawain at tungkulin bilang isang manlalayag. Kadalasang nababalitaan
nalang natin na ang mga marino ay kinikitil ang kanilang mga sariling buhay o hindi kaya
ay nawawala at hindi na matagpuan sapagkat nalulunod na sila sa mga problemang
kanilang kinakaharap.
Sa karagatan ng mga problema at panganib, tanging sarili lang natin ang humahatak
at gumagapos sa atin na tuluyan tayong malunod sa ating sariling mga problema, matuto
tayong languyin ang malawak na problemang ating kinakaharap at tanging sarili lamang
natin ang tanging sandalan natin at pagtitiwala sa panginoon ang matibay na tanikala na
kanyang buhay ay mabigyan pa ng isang pag-asa.

You might also like