Mga Uri NG Tula

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

MGA URI NG TULA

AWIT

Ang awit ay isang uri ng tulang pasalaysay na binubuo ng tig-aapat na taludtod ang bawat saknong, na
ang bawat taludtod ay may lalabindalawahing pantig, at ang tradisyonal na dulong tugma ay isahan.Ito ay
ang karaniwang awiting ating naririnig.Karaniwan itong may malungkot na paksa - sad love songs
kumbaga.

 Tulang liriko o pandamdamin


 May paksang nauukol sa matimyas na pagmamahal, pagmamalasakit, at pamimighati ng isang
mangingibig
 Madalas ang himig ay malungkot at mapanglaw

SONETO

Isang tula na karaniwang may 14 linya.Hinggil sa damdamin at kaisipan, may malinaw na kabatiran sa
likas na pagkatao.

 Tulang may labing-apat na taludtod


 Naghahatid ng aral sa mga bumabasa

ODA

Ang oda ay karaniwang isang liriko o tula na nakasulat bilang papuri o dedikado sa isang tao o isang
bagay na kinukuha interes ang makata o nagsisilbing isang inspirasyon para sa oda.

 Makabagong panulaan: Isang uri ng tulang liriko na may kaisipan at estilong higit na dakila at
marangal
 Walang tiyak ng bilang ng pantig/taludtod sa isang taludturan

ELEHIYA

Ito ay tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan.

 Isang tula ng pananangis, lalo na sa pag-aalala sa isang yumao


 Himig nito ay matimpi at mapagmuni-muni
 Uri ng paksa: Higit na personal sa pagpapahayag ng damdamin kaysa sa ibang estilo ng
panulaan

DALIT

Isang uri ng tula, karaniwang pang relihiyon, partikular na nakasulat para sa layunin ng papuri, pagsamba
o panalangin, at karaniwan ay ipadala sa isang Diyos o sa isang kilalang pigura o maliwanag na
halimbawa. at may kahalong pilosopiya sa buhay.

 Isang maikling awit na pumupuri sa Diyos


 Maikling tulang liriko na nililikhang may aliw-iw ng awit subalit hindi ito kinakanta
 Kalimitang wawaluhing pantig na may dalawa/tatlo/apat na taludturang may apat na taludtod
bawat isa
PASTORAL

Maglarawan ng tunay na buhay sa bukid. Ang tulang pastoral ay hindi lamang tungkol sa buhay ng isang
pastol at pagpapastol. Ito ay tulang pumapaksa at naglalarawan ng simpleng paraan ng pamumuhay,
pag-ibig, at iba pa.

You might also like