Kalikasan Ay Ating Pangalagaan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Kalikasan ay ating Pangalagaan

Pagmasdan natin ang ating paligid. Natutuwa ba kayo? Natutuwa ba kayo


sa kasalukuyang nangyayari sa ating kalikasan? Natutuwa ba kayo sa
kaliwa’t kanang mga delubyo?
Kung oo ang iyong sagot, marahil ay hindi mo lubos na nauunawaan ang
tunay na kalagayan n gating kalikasan. Para saiyong kaalaman, sira na…
Sirang saira na ang kaliksang bumubuhay sa atin. Sira na ang kalikasang
pinagkukunan natin. Sino kaya ang may gawa? Walang iba kundi tayong
mga tao!
Panisinin natin ang ating paligid, hindi ba’t masa marami pa ang basurang
ikinalat ng tao kaysa sa mga halaman at puno? Mga basurang ikinalat natin
natin bunga ng kawalang disiplina at katamaran.
Idako nman natin ang ating tingin sa mga kabundukan. Ang dating berde
nitong damit ay animong unti-unting nawawala dahil sa kagagawan natin.
Isa na rito ang illegal na pagputol ng mga puno at ang pagkakaingin na
minsa’y mitsa ng malawakang sunog. Nakakatakot na unti unting nauubos
an gating kabundukan. Ano kaya ang dahilan? Ang ating pag –asam ng
pag-unlad.
Wala naming masama na mag-asam na umunlad, ang masama ay naninira
tayo ng sobra-sobra para lamang sa ating sarili. Isipin natin na hindi
matatawag na maunlad ang isang bansang halos lahat ng kaniyang
mamayan ay nasasabik sa malinis na tubig, matatamis na prutas at gulay,
sariwang hangin at luntiang paligid. Hindi pag-inlad ang tawag doon, kundi
delubyo.
Maaring ang lindol, bagyo o anumang sakuna ay paalala sa atin na unti-
unti na nawawala ang kalikasan mula sa ating pangangalaga. Paalala na
pinpatay na nation ang kalikasang bumuhay sa atin. Lahat ng iyon ay
paalala na kayang gumanti ng kalikasan sa atin at sobra-sobra pa.
Mga kaibigan, responsibilidada natin ang kalikasan, ibig sabihin nito ay
alagaan natin at pagyamanin. Huwag natin ipagpalit sa mabilisang na pag-
unlad. Mahalin natin ito at pangalagaan dahil sa huli kung anumang
ibinigay natin sa ating kalikasan ay siya ring ibabalik nito sa atin.
"Kalikasan:Pangalagaan at Ingatan"
Paano nga ba mapangangalagaan ang kalikasan? At Paano ito mas
mapagyayaman? Isang napakalaking katanungan.
Kung kalikasan lamang ang pag-uusapan tiyak hindi tayo madedehado.
Sapagkat madame tayong mga maipag mamalaking mga magagandang
tanawin. ngunit sapat na ba ito? hindi bat dapat ay Pangalagaan natin ito at
pagyamanin? Dahil ang iba walang pakialam! mga abusado! at sinisira ang
kalikasan!. tulad na lamang sa ating kagubatan, pumuputol sila ng
sangkatutak na kahoy na di naman pinapalitan,at sa ating yamang tubig,
halimbawa na lamang na ilog pasig. na dati;y kulay berde ngayon ay itim
na! napakadumi. ngayon, matatawag pa bang kalikasan?
Maari naman natin pangalagaan ang ating kalikasan kahit sa simpleng
paraan lamang, Itapon ang basdura sa basurahan at kung puputol na puno
ay agad palitan. Mayroon naman tayong makakatuwang. Ito ay ang DENR
o Department of Environment and Natural Resources na isang ahensya ng
pamahalaan na itinalaga upang pangalagaan ang ating kalikasan.
Alam ba ninyong ang kalikasan ang pangunahing pinagkukunan ng ating
mga pangangailangan,Kaya nararapat lamang na ito'y ating suklian.Hindi
bat kaysarap manirahan sa isang kapaligirang mayroong kalikasan? kaya
kilos! ako mismo, ikaw mismo! May magagawa......

You might also like