Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

[Paalis na sana sa gubat si Basilio nang nakarinig siya ng yabag at liwanag na

palapit. Si Basilio ay nagtago sa puno ng balete. Sa kabilang dako ng puno, nakita


niya ang mag-aalahas na Simoun na hindi suot ang kanyang salamin at
naghuhukay gamit ang asarol. Naagmasid ng mabuti si Basilio.]

Basilio: [bulong] Natatandaan ko ang mukhang ito. Ang taong ito ay ang tumulong
sa paglilibing ng aking ina at sa pagsunog ng lalaking doon din namatay. Ngunit sa
dalawang lalaking nakita ko noon alin doon ang Ibarra?

Narrator: Lumabas si Basilio sa pagkakakubli at naghandog ng tulong.

Basilio: Hindi ko po kaya kayo matutulungan, ginoo?

Narrator: Kumunat ang noo ni Simoun at nagpatuloy si Basilio.

Basilio: Labintatlong taon na, ginoo, ang nakaraan ng gawan ninyo ako ng
malaking tulong.

Narrator: walang alis ang tingin ni Simoun kay Basilio na binunot ang rebolber sa
kanyang bulsa

Simoun: Sa palagay mo ay sino ako?

Basilio: Kayo po’y isang taong mahal sa akin, kayo’y ipinalalagay ng lahat, matangi
sa akin, na patay na at ang mga kasawian sa buhay ay madalas kong
ikinalulungkot.

Narrator: Lubos na katahimikan ang bumungad sa sandaling iyon. Matapos ang


pag-aanlinlangan ni Simoun, nilapitan niya ang binata.

Simoun: Basilio, malaking sikreto ang nalalaman mo kaya dapat kitang patayin
dahil ayokong maburilyaso/di-matuloy ang Plano kong paghihiganti. Ngunit alam
ko naman na pareho tayong uhaw sa katarungan kaya’t sa halip na ipahamak ang
isa’t isa dapat tayong magtulungan. Inaamin ko, Basilio. Ako nga si Ibarra, ang
lalaking naparito labin-tatlong taon na ang nakaraan. Ako’y biktima ng isang
tiwaling pamahalaan. Nilibot ko ang buong daigdig upang magpayaman at mag-
ipon ng lakas para mapabagsak ang matinding katiwalian ng pamamahalaan na
sumira sa aking buhay. Ngayo’y nagbalik ako upang gisingin ang damdaming ng
bayan sa paghihimagsik laban sa pagmamalabis ng pamahalaan.

Narrator: Matapos umamin ni Simoun at sabihin ang kanyang balak, sinuwatan


niya sina Basilio at ang kaniyang mga kasamahan na nagbabalak magtayo ng
Akademiya ng Wikang Kastila.

Simoun: Hindi ako sang-ayon plano ninyong pagpapatayo ng Akademya ng wikang


Kastila at ang paghingi ninyo na gawin lalawigan ng Espanya ang Pilipinas. Ang
wikang iyan ay magbibigay lamang ng daan sa Pilipinas sa pagiging walang
kalayaan at wlang sariling pagkukuro.

Basilio: Hindi ako sumasang-ayon. Kung ang pagkaalam ng wikang Kastila ay


maglalapit sa atin sa pamahalaan, mapag-iisa din nito ang buong bansa.

Narrator: Ito’y pinabulaan ni Simoun, ang kanyang sagot,

Simoun: Isang malaking kamalian. Ang wikang kastila ay kailanman hindi magiging
wikang pangkalahatan sa baying ito. Ang bawat tao ay may sariling paraan ng
pagsasalita tulad ng pagkakaroon nila ng sariling damdamin. Ano gagawin ninyo
sa Kastila, kayong iilang lang na makakagamit nito? Papataying ninyo lamang ang
inyong pansariling katauhan at ilalantad ang iniisip sa ibang kaisipan.

Narrator: Inaminrin niya kung bakit niya hinayaang mabuhay sina Basilio, isagani
at macaraig na balak niyang patayin dahil baka maging hadlang ang mga ito sa
kanyang planong paghihiganti.

You might also like