Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Vicente- CJ

Baldo- Yuri

Nagtitinda- Ahyana

Magsasaka 1- Escala

Agnes- Jazel

Lydia- Sophia

lalaki 1- Magsombol

pulis 1: Tanzon

pulis 2: Alexander

Sfx: ahyana

(SFX: nature sound effects)

Baldo: Oh pare, aga mo ngayon natapos sa trabaho ha kamusta?

Vicente: Kailangan ko pa kasi dumaan sa bayan bago mag dilim. Alam mo naman, si Agnes ko
napakasakitin.

Baldo: Ganon ba? sige pare ingat saka pasabi kay Agnes pagaling na siya mahirap ang buhay.

Vicente: Sige pare salamat!

(pagsara/pagbukas ng kurtina)

Visente: Magkano ho bale lahat ng gamot?

Nagtitinda: dalawang daa't apat napu po.

Visente: Nako.. dalawang daa't sampu nalang ito. Ate, pwede ba ibalik ko nalang bukas 'yung kulang.
Nagtitinda: aba hindi ho nalulugi ho kami sa ganyan. pasensya na pero kung gusto ninyo bawasan niyo
na lamang ang gamot na bibilhin ninyo.

Visente: Sige ho, pasensya na.

(pagsara/pagbukas ng kurtina)

SFX: radio sound effects

Lydia: Tay! medyo umookay na po yung pakiramdam ni Agnes. *magmamano*

Vicente: Mabuti naman anak. Patingin nga— aba oo nga hindi ka na sobrang maputla Agnes mabuti yan.

Lydia: Ano pong ulam natin tay? nagsaing na po ako riyan.

Vicente: Pasensya na nak, eto lang ang naibili ko. Alam mo naman kulang na kulang ang sahod ngayon sa
pagtatanim.

Lydia: Oo nga ho, balita ko po bumaba pa ng siyete pesos ang kada kilo ng palay.

Vicente: Oo nga nak, pero hayaan mo. Siguro naman maaawa sila saatin at baguhin ang presyo.

Lydia: hiling ko nga itay kawawa naman 'tong si Agnes oh.

(SFX radio stops)

(pagbukas/pagsara ng kurtina)
(SFX: rooster sound effects & nature)

Vicente: Agnes, anak, pagaling ka na ha. Alis na si tatay. mag-aalaskwatro na. Huwag painitin ang ulo ni
ate Lydia ha iyon nalang ang nag-aalaga sa'yo.

Agnes: Opo tay, ingat po kayo.

(pagbukas/pagsara ng kurtina)

Baldo: Ako pare hirap na hirap na ako. Yung misis ko pitong buwan na ang tyan. Tapos ganito pa ang
ibinaba ng presyo kada kilo ng palay natin? syete pesos?

Vicente: Hindi ko rin mapagtanto. Napakaliit ng presyo na ibinabayad saatin pero sa pagkakaalam ko
napakamahal ng bigas pagdating sa maynila.

Baldo: Nakakatawa nga, tayo ang nagpapakain sakanila samantalang tayo itong halos hindi na makakain
sa liit ng kinikita. Idagdag mo pa ang mga peste! Lalong kumokonti ang anihin.

Magsasaka 1: Narinig niyo na ba?

Vicente: Ang alin?

Magsasaka 1: Bali-balita nagpupunta nanaman daw ang mga pulis para hanapin ang mga rebelde na
nagtatago rito sa lugar natin.

Baldo: Hindi ba't palakad-lakad lang sila rito?

Magsasaka 1: Oo. Ang hindi ko lang maintindihan ay ito, mabubuting loob naman 'tong mga NPA o
rebelde minsan nga pinapapasok ko pa sila sa bahay upang maki-inom.

Vicente: Hindi ba delikado iyon?


Magsasaka 1: Nako hindi! napakagalang nga nila. Oh siya, sayang ang oras balik na ako sa pagtatanim.

(pagbukas/pagsara ng kurtina)

lalaki 1: Vicente!

lalaki 1: Vicente baka naman nakakalimutan mo na? Yung utang mong limang libo. Ilang buwan na 'yon.
patong patong na ang interes mo.

Vicente: Pasensya na talaga, si Agnes ko kasi may sakit—

lalaki 1: Aba! napapagod na ako sa kakapasensya mo Vicente! Sa makalawa kapag wala pa rin
dodoblihen ko na ang interes!

Vicente: Pasensya na talaga—

lalaki 1: Nako nako! tigilan mo na ako. Hindi lang ikaw ang nangangailangan ng pera Vicente!

(pagbukas/pagsara ng kurtina)

(SFX: radio)

Lydia: Tay! may sinaing na po.

Agnes: Tay maayos na po ang pakiramdam ko!

Vicente: Mabuti naman, anak.


Agnes: Tay pwede po ba bukas lumabas na po sana ako. Gustong gusto ko na po kasi maglaro sa labas
hindi ko na nakikita sila Isko saka Maria.

Vicente: Hindi pa pwede, nak.

Agnes: Sige na, itay!

Lydia: Huwag makulit, Agnes.

Vicente: Hindi pa pwede, Agnes.

Agnes: Ano ba 'yan! Paano naman ako? Lagi nalang ako nasa loob! Puro nalang mukha ni ate Lydia,
Lydia, Lydia, puro si Ate Lydia nalang nakikita ko! Tapos lagi ka pa wala dito 'tay! Ano ba naman yung
payagan niyo akong lumabas diba?

Vicente: Kapag sinabi kong hindi, hindi! Kay tigas naman pala ng ulo mo eh. Kung ayaw mong mukha ng
ate Lydia mo ang nakikita mo edi lumayas ka! Hala sige, Ikaw na nga itong inaalagaan! Akala mo ba
madali mag-alaga ng katulad mong sakitin? Matuto kang sumunod, Agnes! Hindi pinupulot ang perang
pinapagamot sayo!

Lydia: 'tay tama na po.

Vicente: Pasensya na, anak.

Agnes: Ganon po ba? Edi sana hindi niyo nalang ako inaalagaan! Edi sana hinayaan niyo nalang akong
mamatay katulad ni mama!

Lydia: Agnes! *slaps*

(pagsara/pagbukas ng kurtina)
Vicente: *pagmamasdan ang natutulog na mga anak*

Vicente: Mahal na mahal ko kayo.

(pagsara/pagbukas ng kurtina)

Lydia: *umiiyak* 'tay! 'tay! Sa wakas nakauwi ka na! Si Agnes po sumusuka ng dugo!

Vicente: Ano? Nasaan siya?

Lydia: 'tay kailangan na po natin dalhin si Agnes sa hospital 'tay!

Vicente: ha— ospital—tama! ospital! kailangan natin dalhin si Agnes! Dito lang kayo ni Agnes hihingi ako
ng tulong kay pareng Baldo!

Lydia: Opo *cries loudly*

Vicente: Mahal na mahal ko kayo.

(pagsara/pagbukas ng kurtina)

Vicente: Baldo! Baldo!

Baldo: Oh pare gabi na.

Vicente: Si Agnes ko kailqngan itakbo sa ospital!

Baldo: Teka—teka asan ang sinelas ko!


(Pagsara/pagbukas ng kurtina)

Pulis 1: Hinto! Hinto mga rebelde!

Baldo: Nagkakamali po kayo.. Hindi po kami rebelde!

Pulis 2: Manahimik ka!

Vicente: Teka! Nagsasabi po kami ng totoo! Hindi ho kami kabilang sa samahan ng rebelde! Magsasaka
kami!

Pulis 1: Lumapit ka tignan mo kung may armas.

Vicente: Hindi— hindi nga 'ho! iyong anak ko—

*tries to free himself in the arm of the police*

*gets shot*

Pulis 2: Teka—Gago wala siyang armas! Bakit mo—

Baldo: Vicente!!

*police 1 shots Baldo*

Pulis 1: Self-defense.

(pagsara/pagbukas ng kurtina)
SFX: Funeral song

Agnes: Ate Lydia.. bakit ganon? Bakit ganon 'yung sinasabi nila tungkol kay itay? Diba hindi naman
masamang tao si itay? Bakit sabi nila nilabanan nila ni tito Baldo yung mga pulis? Nagsisinungaling ba sila
ate?

Lydia: Oo, Agnes. Mabuting tao si itay. Huwag kang maniniwala sakanila. Nung gabing 'yon, wala naman
siyang ibang ginawa kundi ang itakbo ka sa ospital. Ang gumaling ka. Pero napakagulo at sama ng
mundo. Wala na nga si inay pati ba naman si itay.

Agnes: Ano bang klaseng lugar 'to ate? Bakit ganito? Nakakagalit! Hindi na nga tayo nagkaroon ng
maayos na pamumuhay sakabila ng paghihirap ni itay sa trabaho, nawala na nga si itay saatin pati ba
naman ang pangalan ni itay ay sisirain nila? Mga sinungaling sila! Alam ko ang papa ko! Mabuti siyang
tao!

Babae 1: Lydia, Agnes, halikayo, ipapakilala ko na kayo kila mother, simula ngayon hahanapan na namin
kayo ng bagong tahanan.

You might also like